Sa paglipas ng mga Oras sa Sala ay Hindi ko parin nakikita ang liwanag kanina ay alas kuatro na
Ngunit ang tingin ko ay nabaling sa aking Relo umiikot ang mahaba at payat noong linya
Limang Segundo Bago mag alas singko ng umaga ngunit na istatwa ako sa aking kinauupuan ng Makita kong paanong bumalik iyon ng isang Segundo nalang sana ay alas singko na
Halos magulat ang lahat ng mapatayo ako at tumingin sa malaking orasan na nasa sala nitong palasyo na ito kitang kita ko kong paano muling bumalik ang Oras
Lahat sila ay nagtatakang nakatingin sa akin lahat ay may pangamba ng makita ang aking tinitignan
Bumalik !!bumalik ang Oras paanong ?!!paanong nangyari ito
Mahigpit akong hinawakan ni Khanate sa kamay at pinagsiklop iyon
"I'm here I'm going to protect you " alam ko ...
Alam kong nararamdaman Niya Ang kaba ko ang luha sa mata ko ay may pangamba at nangangamba bumabalik ang Oras kaya kahit ilang oras na kaming naguusap ay walang liwanag
Bumabalik iyon na kahit kami ay Hindi alam kong bakit ngunit ng bawat ginagawa namin ay patuloy parin walang huminto
Sila Roxane ay tumabi sa asawa niyang si Lance at si Marixel naman ay tumabi sa asawa nitong si Aris
Ang iba naming kasama ay nasa kanya kanyang silid nila ngunit naglabasan rin Ang mga ito ng kausapin silang lahat ni Roxane gamit Ang isip
Si Marixel naman ay pilit sinusubukang Makita ang nangyayari ngunit dahil pabalik balik ang Oras ay Hindi niya magawa
Si Lance at Aris ay nakikiramdam sa paligid Ang iba naman ay naglibot libot sa boung lugar
Nabitawan ko ang kamay ni Khanate matapos may Makita sa loob ng Orasan at habang ini lalaan ko ang isip roon ay unti unti ring pumapasok ang isip ko roon
Madilim at ang pasilyong dating mahaba ay lalo pang humaba ang nagiisang Ilaway patay tahimik ngunit ang pumukaw ng aking atensiyon ay Ang isang malakas na sigaw
Isang tinig na talaga namang pamilyar saakin
Mabilis akong naglakad papunta sa kong saan walang direksyon Basta ay kong saan ko naririnig ang tinig
Tumakbo Ako na para bang isang hangin Ang na nginginig kong kamay ay hinawakan Ang seradura ng isang pinto
Ngunit ng buksan ko iyon ay pulos dilim sobrang madilim na Hindi ko maintindihan kong bakit wala akong Makita
Naglakad ako sa madilim na parteng iyon isang silab ang bumukas malakas na apoy
Dalawang lalaking may mapupulang mata ang aking nakita hawak Ang .....ako!!!!?
Pilit nila akong inihihiga sa silab habang ako ay pilit na nagpupumiglas
Nagmamakaawa na huwag at huwag pakiusap
Nabaling muli Ang tingin ko sa kabilang bahagi ......si Khanate at si Four
Hinihila sila ng iba naming kasama pilit inilalayo
Hindi ko magawang maglakad sa kinatatayuaan ko Hindi ko magawang magsalita at sabing tama na
Hindi kona kaya Ang aking mga nakikita ang Makita ang asawat anak kong umiiyak at iwanan silang muli ay Hindi na maaring mangyari muli
Hindi na Ayoko na Ayoko silang iwan
"Ahhhhhhhhh!!!" Nawala ako sa aking pagiisip ng Makita ang aking sarili nasusunog habang ang dalawang lalaki ay tuwang tuwa
Gusto kong humakbang gustong punasan ang luha ni Khanate lalo na Ang anak kong naka luhod at tulala lang habang sinusunog ako
Ayoko na !!!!
Ayoko ng ganito pakiusap !!!!
"Ahhh!!!" hinihingal akong napaupo sa sofa at halos lahat ay nakatingin saakin
Ramdam ko ang pawis sa aking noo at palad ganun din ang sakit sa aking dibdib
Napatingin ako kay Khanate na naka luhod na sa harap ko
Ang pag iyak niya noong una akong mamatay ay napaka sakit Makita ang nakita siyang muling umiyak dahil sa muli kong pagkamatay ay Hindi kona makaya
Sapagkat Hindi kona maipapangakong mabubuhay akong muli Hindi na sapagkat ang lahi ng pamilya namin ay natapos na saakin at hindi ko Alam kong saan isasalin
Tuluyan ng naglaglagan ang luha sa aking mga mata patuloy iyong nahuhulog at hindi ko kayang pigilan
Hinawakan ko ang kanyang mukha at hindi ko mapigilang Hindi maramdaman iyon
Napaka sakit !!
Hindi ko natagalan ang pag hawak sa kanyang mukha Hindi ko kayang tagalan dahil sa sakit na aking nararamdaman
"Amor,?a-anong nangyayari sayo ?" Hindi ko Alam kong paano ko iyong sasagutin
Kaya naman nagiwas ako ng tingin ngunit nagtama ang mata namin ng aking anak
Naipikit ko nalang Ang aking mata at napahawak sa aking dibdib
Hindi ko kaya Hindi ko kayang Makita ang lungkot sa kanilang mata Hindi ko makayang iwanan sila ulit ayoko
Gagawin ko ang lahat para Hindi ako muling mawala Hindi ko ulit sila iiwan
"W-wla kinabahan lang Ako " ang mata ni Khanate ay naka tutok lang saakin
Sinusuri kong totoo ang aking sinabi ngunit ang dapat niyang sasabihin ay naiwan sa ere ng lumabas na ang araw nakatutok iyon sa abohang mata ni Khanate naglalahad na wala siyang emotion na kahit na ano
"Tell me what did you see ....sinong mamatay ?"
Napayuko nalang Ako sa sinabi niya alam ko sasarili kong dati ko na iyong katangian ang Makita ang kamatayan ng tao
"Ako" wala sa sarili kong sambit
"Nakita ko ang sarili kong mamatay Khanate ....at sa pagkakataong iyon wala kanang hihintayin kasi Hindi na ako ulit mabubuhay "
Ang abong mata ay naging itim nagsasabing labis siyang nasasaktan at naglalahad ng pagmamakaawa
"G-gagawan naman natin ng paraan h-hindi ba ?" Hindi ko inalis ang tingin ko Kay Khanate
Kahit pa nga narinig Kona ang boses ng aking anak nakikiusap at nasasaktan ako sa kanyang sinasabi
Kasi Alam ko ...sa pagkakataong ito natatakot rin ako ..Hindi dahil mamamatay ako kong hndi dahil iiwan ko silang muli
"Hindi natin hahayaang mangyari iyon" lumapit siya Kay Four at hinawakan ito sa balikat
"Hindi tayo ulit iiwan ng mommy Mo ...gagawa tayo ng paraan , pumunta na kayo sa mga kwarto niyo maguusap lang kami ng asawa ko "
Hindi ko Alam pero kahit sinabi niya iyon ay Hindi ako mapanatag ni Hindi ko kayang sang ayunan sapagkat Minsan narin niya iyong sinabi pero nangyari parin
Namatay parin Ako ....
-----------------
"P-paano ?" Nakaupo ako sa kama namin at nakatayo siya sa aking harapan
Medyo gumaan narin Ang aking pakiramdam matapos makita ang abohan niyang mata
I don't know why pero napapanatag ang loob kong nagplaplano siya ngunit na ngangamba rin ....
Hindi pako handang mamatay Hindi pa sa ngayon at hindi kahit kailan
"Bastat alalahanin Mo kong Anong araw at Oras mangyayari para maplano natin "
Hindi ko Alam na sa muling pagkakataon ay magsisinungaling ako saknya
Alam ko kong anong eksaktong Oras at araw pero ayokong sabihin ...ayokong baguhin ...Ang mga bagay na dapat ay naka takdang mangyari
Hindi pwede ...
"Hindi natin maaring baguhin ang mangyayari Khanate , Hindi ba pwedeng maging masaya nalang tayo at sulitin ang Oras na magkasama tayong dalawa , tayong tatlo ng anak Mo , Amor , ..... Mi amor " ngumiti ako saknya at pinunasahan ang luhang tumulo sa mata Niya
"Pero...pag nangyari yun Hindi ko Alam kong hanggang kailan at kong gaano katagal Bago ulit kita Makita ...o kong makikita pa ba kita ?"
Hindi ko rin alam pero isa lang ang sigurado ako handa akong mamatay pero hindi ako handang Makita kayong nasasaktan at nangungulila sa aking pagmamahal
"Pag nangyari yun alagaan Mo si Four at --"
"Hindi " umiling pa siya at lumuhod sa harapan ko " Hindi iyon mangyayari amor Hindi !!!Hindi ako papayag hinding Hindi !!!"
Sana ay Hindi nako sumumpa sana ay Hindi kona hiniling na mabuhay muli sa ikalawang pagkakataon ... Sana ...Sana ay Hindi ko muling nasasaksihan ang mga luha sa kanyang mata ...patawad
Patawad kong muli ko kayong sasaktan ..patawad kong muli akong aalis at hindi na makakabalik ..patawad kasi muli kitang sasaktan
"Promise me one thing amor .."
Kabado man sa kong anong hinihinging pangako ni Khanate ay Hindi ko maramdaman ang pag tutul sa aking sarili na mangako sa kong ano man
"What it is ?"
Hinawakan niya Ang palad ko at pinaksiklop iyon sa palad niya Bago idinampi sa kanyang malamig na pisngi
"Promise ...that if your going to die I'll come with ...I don't want to wait again ...a hundred of year again ..."
Ang luha kong unting unti nang bumagsak sa aking mga pisngi ay nagpapahiwatig na akoy nasasaktan nakikita ko ang aking sarili sa itim niyang mata
Kulay ng mata niyang ayaw na ayaw kong Makita sapagkat napaka sakit noon para saakin
"Please wag na ...pakiusap wag mong gawin ito paano si Four iiwan natin siya ?"
Ang pag aalala ko ay nakuha na rin niya Ang pangamba ay naka guhit na sa kanyang mukha nagsasaad na siya nalilito at hindi na alam ang susunod na disisyon
"Just die dad ...." Nabaling ang tingin naming dalawa sa anak naming naka tingin at mukhang kanina pa nakatayo at naka sandal sa hamba ng pinto
"Kong mamamatay si mommy then come with her ...mamatay kayong magkasama ...Kasi Alam kong, kung masakit saakin mas masakit sayo ...couse the woman you love and waited for more than a hundred year is going to die again " ....
"Foureid " ang abohang mata Niya ay biglang nag itim isang bagay na sobrang masakit saakin ...isang bagay na masakit ngang talaga
"I'll promise too mom and dad magiging oky rin ako , masasanay na wala kayo "
Mabilis akong tumayo at kumapit sakanya mahigpit siyang niyakap habang patuloy na naglalandas ang aking mga luha sa mata mga luhang sobrang itinatago ko
Pero Hindi ko pala kaya Ang Makita siyang nasasaktan ay Hindi ko kaya
Naramdaman ko ang pag yakap ni Khanate sa Amin ni Four pero hindi natigil ang aking pag iyak Hindi ko kayang pigilan Hindi ko kayang sisihin si Khanate kong bakit ganito Ang iniisip ng anak namin pero ang pagpaparaya niya na sabay kaming mamatay ng ama niya ay Hindi ko kayang atimin
Wala ako sa mga panahon na umiyak sila at nasaktan naghintay at umasa na babalik ako sabay na harapin ang pagsapit ng pasko at pagsapit ng bagong taon
At kong paano silang mag papatuloy sa Buhay na wala ang ilaw ng kanilang tahanan ...isang madilim na tahanan ..
Kaya paano niyang nasasabing sabay kaming mamatay ng kanyang ama gayong kong wala ang ilaw ay madilim paano na kong wala ring haligi Hindi bat guguho rin
"I'm sorry ...I'm sorry i-m really sorry Foureid ...p-patawad "
Ang paghigpit ng yakap ni Khanate ay nagsasaad na naron lang siya nandito lang siya
Siguro nga ay Hindi ko mapipigilan ang mangyayaring pakamatay ko pero hindi ko hahayaang kasama si Khanate Hindi ko hahayaang mawalan ng ama ang anak ko
Pero kong sakaling may paraan para Hindi ako mamatay mas pipiliin ko iyon dahil ayoko silang Makitang nasasaktan sa aking paglisan ....
Hindi ko kaya.....!