"amor I promise I'll find you ..and wait until you come back "
Ang mga mata niyay lumuluha ang mga malulungkot niyang matay naka tingin sa akin nagsasaad ng isang pagmamahal at pamamaalam
"Sa Ika apat na henerasyon ng aming pamilya akoy maisisilang muli ...at sa Oras na iyon nais kong naron ka mahal at sabihin kong ano Ang aking magiging ngalan "
Nangangako ang pusong namamaalam inilahad ang kamay sa pagitan ng isang salamin at pati ng noo
"Alagaan Mo siya ...I paalam mo saknya kong gano siya kamahal ng kanyang Ina ...ipaalam mo saknya ..Kong sino ako at kong ano ako sakanya para sa hinaharap .. mamahalin kita kahit sa magpakailan man "
Ang mga matay lumuluha ang puso ay nadudurog ang damdamin ay naghihikahos na nganganib na lubos na masaktan
"I'll wait you I'll promise "
Sa isang tingin ay inabot saknya ang batang nasa bisig isang beses pang ginawaran ng halik ang anak sa noo at sa labi ng asawa Bago itulak paalis
"Babalik ako mahal ko "
Agad kong naimulat ang aking nga mata sa malungkot na alaala ang bigat sobrang bigat sa loob ko ...Bakit Ang tagal Bago ako nakabalik bakit bakit ngayon lang
Inilibot ko ang aking tingin at natuon iyon sa binatilyong nasa aking tabi at mahimbing na natutulog habang naka upo
Hindi ko Alam na Ina na pla ako na Hindi ko yun nagampanan sa mahabang panahon
Kong pano ka lumaki na wala ako at kong Anong naramdaman mo noong mga panahon na may alam kana sa nangyayari
Kong Anong naramdaman mo noong malaman na wala na iyong Ina
Kahit gaano pa kalungkot ang ala alang iyon ay nagawa kong ngumiti sapagkat wala naman ng dahilan para malungkot dahil nandito nako para tuparin ang pangako ko
Umupo ako at marahang hinaplos ang buhok Niya sa ulo Hindi ko Alam kong Anong pangalan niya pero gusto ko Yong malaman Hindi saknya kong di sa puso ko kong pano ko nalaman ang nakaraan gusto kong malaman rin Ang ngalan niya ng kusa
Hinawakan niya Ang kamay kong humahaplos sa buhok Niya at marahang iyon pinisil pisil
"I don't know how it feel when my mom call me son ...or how she touch me ang care me as her own ..but now she's here holding me "
Matapos niya iyong sabihin ay bumukas Ang talukap ng mga mata Niya at diretsong nakatingin saakin
"I'm sorry kong Hindi ko naiparamdam sayo yun habang lumalaki ka Hindi ko man narinig ang una mong sinabi Mo ...Wala man ako roon noong una mong inihakbang ang nga paa Mo ..Wala man ako noong mga araw na kailan moko .. pero ipinapangako ko ngayon Hindi nako mawawala Hindi nako aalis "
"Ipapadama ko sayo kong gano kita kamahal kong pano magmahal ang isang Ina ...Wala man ako noon pero ramdam ko ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ko sayo ...Mahal na mahal kita "
Niyakap ko siya ng mahigpit at na ngangako ng isang pangako ..pangakong mananatili ako sa tabi niya hanggat humihinga ako ..ipapadama ang pagmamahal bilang isang Ina
"Can I join " napakawalan ko siya sa aking mga bisig at napatingin kami sa pinto kong saan nakatayo si Khanate
Nababasa sa kanyang itsura ang tuwa ako rin naman ay dama ko ang saya sa dibdib ko
"Bakit Hindi asawa naman kita diba " sambit ko at tumingin muli sa anak ko .. ang sarap sabihin ang anak ko
Hinaplos kong muli Ang buhok Niya at ngumiti Bago siya gawaran ng halik sa noo
Pagkatapos ay tumingin Ako kay Khanate na naglalakad papalapit samin
Tumabi siya Sakin at ginulo ang buhok ni Foureid ...naalala ko rin ako nga pala ang nagbigay ng pangalan niyang yun
Ipinatong ni Khanate ang baba niya sa balikat ko at ikinulong ang baywang ko sa mga bisig niya
"I miss you so much ...masaya akong nandito kana " sambit niya at mahigpit parin ang yakap Sakin
"Masaya rin akong nandito nako at kasama kayo "sambit ko at ngumiti Kay Foureid
"Dad pwede bang akin muna si mom ngayon kasama Mo na siya kagabi sana akin muna siya ngayon" sambit ni Foureid habang naka tingin sa ama niya
"Tulog naman ang mommy Mo boung Gabi " Hindi pinansin ni Foureid ang sinabi ng ama at tumingin Sakin
"Mamasyal Po tayo mom " sambit niya Sakin
Sino ba Naman Ako para Hindi siya payagan Hindi ba... tumango lang ako saknya at ngumiti ngunit ang lalaking naka akap sa baywang ko ay nagrereklamo na
"Sumama ka narin maaga pa Naman " sambit ko na naging dahilan ng pag ngiti niya
"Magbihis kana Amoy pawis ang damit Mo at Amoy dugo rin magbibihis lang din kami ng daddy Mo " sambit ko at humalik muli sa noo Niya
Ngumiti siya Sakin at agad rin namang tinungo ang pinto at lumabas na tumayo na rin si Khanate at sinara ang pinto
Bigla ay napaisip ako wala pala akong damit ..tsk tanga tanga ka talaga Rex .
"Wala pala akong damit " sambit ko saknya at napanguso
"Come here .." agad naman akong lumapit sakanya at yumakap sa baywang niya
"Marami kang damit sa closet palit na tayo " sambit niya at dinala nako sa closet
Siya na ang namili ng isusuot ko inilabas niya Ang isang puting blouse at isang pantalon kumuha rin siya ng isang itim na leather jacket at inabot sakin yun
Walang pag aalinlangan kong hinubad ang sout kong nightdress at isa isang sinuot ang binigay niya
Siya rin ay nagpalit ng isang itim na shirt at maong na pantalon pinatungan niya rin iyon ng leather jacket na itim
Pinasout niya Sakin ang white rubber shoes at itim ang kanya
Matapos magpalit ay may inilagay siyang kong ano sa aking mukha ng Makita ko sa salamin ay parang normal na kulay nalang Ang balat ko sa mukha kong kanina ay sobrang puti ngayon ay tama nalang para sa kulay ng balat ng taong Buhay
"Let's go " sambit niya at hinawakan Ang aking kamay sabay kaming naglakad sa pasilyong hanggang makalabas sa malaking mansyon
Nasa garahe lang kami at hinihintay nalang si Four ... Four nalang para madali
Nagulat naman ako ng may ilagay a I Khanate sa aking pala singsingan isang sing sing na may maliit na batong kulay itim at isang plane na sing sing na at mag naka ukit na Mi Amor
Ganun rin Ang sa kamay niya kaya naman Hindi nako magtataka siguro ay ito Ang wedding ring namin
Hindi maiwasang isiping sana ay ikasal kami ulit sa pagkakataong iyon ay Hindi na alala mula sa nakaraan kong di ala ala mula sa ngayon ... Yong ako sa panahong ito
"Ang tagal kong naghintay Amor ang tagal kong hinawakan Ang pangako mo ..muntik nakong sumuko pero ng isinilang ka sa Ika apat na henerasyon ..ginawa ko ang lahat upang Hindi ka mawala sa aking paningin "
"Nandun Ako noong isinilang ka nandun Ako noong una kang nagsalita naglakad at lumaki ..natutuwa akong nandito ka at kasama namin ng anak natin mahirap man paniwalaan pero sana maniwala ka ..mahal na mahal kita "
Marahan niya akong niyakap at itinago ang kanyanv mukha sa aking leeg
Hindi ko maipaliwanag ang saya sa dibdib ko boung Buhay ko akala ko magisa lang ako Simula ng mamatay ang mga magulang ko mag isa nalang Ako
At binuhay ang sarili ko nagtrabaho at tinanggap ang masasakit na salita mula sa iba
Pagkatapos ay kinidnap at ibenenta nagpapasalamat akong naron siya nandun siya at handa akong muling mahalin
Kong alam ko lang na may asawa at anak akong naghihintay sakin sana manlang ay inagahan kong bumalik para mas marami ng memorya ko na kasama sila
"Sorry kong naghintay ka ng matagal patawad kong muntik kanang sumuko pero salamat kasi Hindi Mo ginawa " sambit ko at yinakap rin siya ng mahigpit
"Kanina magkayakap kayo tapos ngayon yakap parin " sarkastikong sambit ni four ng dumating siya at sumandal sa kotse ng ama niya
"Four naglalambing lang Ang ama mo ...masyado lang malandi " tila natigilan siya ng marinig Ang itinawag ko saknya
"Te amo mom " sambit niya sakit ngumiti rin ako saknya
"Mahal rin kita ...o tayo na ..San mo ba balak pumunta at nag aya kang umalis " sambit ko
"Somewhere ...Wala kong alam si Dad nalang " turo niya sa ama na naka yakap parin sa baywang ko
"Why me ?!" Sambit nito na parang na guguluhan na bakit siya habang busy sa pag kulang sakin sa mga bisig niya
"Sabi ko nga dad wala kong alam " sambit ni four
"Oky pumunta nalang tayo sa dati nating pinupuntahan noong baby palang si Four " sambit ni Khanate sakin
Marahan ko namang Inalala ang lugar na iyon ayoko sanang pilitin ang sarili ko pero ayoko namang pumunta roon ng walang maalala kahit na isa
Ciudad Fernandina de Vigan
"Ang layo ng Vigan ahh " sambit ko saknya na ikinangiti niya
"So you remember ?!" Tanong Niya Sakin tumango lang Ako at napaisip
Siguro nga masaya kong pupunta kami roon at mamasyal ..Kong tutuusin ay parte iyon ng buhay namin noon yun rin Ang paborito kong lugar na puntahan
Sapagkat malapit rin Doon Ang dati naming mansyon kong saan tumutugtug ako ng piano at ipinaririnig Kay Khanate
Doon rin kami nagkakilala at nagkaligawaan Doon ay binuo namin ang tahimik na buhay ngunit nasira noong malaman ng mga Tao roon na Bampira kami
Nakakalungkot ang nangyari ..Ng mga panahon na yun Ang hangad lang namin ay tahimik at maayos na buhay pero sinira iyon ng isang maling gawa ng tao .... At nawalay pako sa asawat anak ko ..naghintay sila ng matagal Bago ako naka balik
"All right let's go then " sambit ni Four at sumakay na sa passenger seat sa likod at naman ay sumakay sa tabi ng driver seat kong saan si Khanate ang mag dradrive
"Sakto bumili ako ng isang lumang bahay sa Calle Crisologo two years ago kaka pabago ko lang ng pintura at naglagay narin Ako ng gamit .. mag stay tayo roon kahit one week lng " sambit ni Khanate na tinanguan lang namin ni Four
Menaneho na niya ang sasakyan at kasalukuyan na naming binabaybay ang daan
Tinanggal ko ang seat belt ko at hinarap si Four sa likod gusto kong malaman ang mga gusto niya sa Buhay at kong kamusta Ang love life niya sympre
"So may girlfriend kana ba Four " mukhang natigilan siya sa Tanong ko at hindi na gumalaw pa pati atta paghinga ay tumigil
Narinig ko naman na mahinang natawa si Khanate
"Don't ask amor na basted kasi yan " sambit ni khanate at nangaasar na tumingin sa anak mula sa salamin ng kotse
"Shut up dad ..don't tell her " sambit niya sa ama at naghihimutok na naupo sa upuan niya
"Kong ayaw mong sabihin niya ide Ikaw magsabi " sambit kong na nakangiti saknya
"Malay Mo matulungan kita sa panliligaw mo saknya tapos magbago isip niya at gustuhin karin niya "
Sambit ko saknya natigilan naman siya at napangiti nalang parang may naiisip na gawin
"Right son ...magaling gumawa ng love letter ang mommy Mo "
Masama ko siyang tinignan at hinampas sa braso niya
"Manahimik ka nga hindi na uso love letter noh " sambit ko
Na naging dahilan ng pagtawa nilang mag ama
"Yun nga Ang dahilan kaya nabasted ang anak Mo Hindi marunong gumawa ng love letter sabihin ba Naman sa love letter na oh marikit na dalaga akoy may pagtingin sa iyong magandang hubog ng katawan nais ko lang sanang malaman kong gusto Mo rin Ang hubog ng aking katawan meron akong sandata mga sampong pulgada kakasya ba iyon sa biyak ng iyong gitna ..."
Halos mamatay si Khanate sa kakatawa ako man ay pinipigilan rin pero ang Makita ang mapulang mukha ng aking anak ay Hindi ko na talaga kinaya at natawa nalang talaga
"Ma ginoo pero marahas ka anak ahh" pangaasar ko pa sakanya
"Shut up mom " natawa nalang Ako
Ang saya pala ang saya sa posisyon n ito Ang makasama sila at makausap Makitawa at sakayan ang mga biro nila
Noon ay Hindi ko maintindihan kong Anong ibigsabihin ng pamilya kong bakit may pamilya kong pwede namang wala
Kasi yun naman ang nangyari nakin noong namatay ang mga nagsilang sakin
Ngayon ay alam ko sapagkat ito Ang tahanan ng bawat isa unang kakilala at unang kaibigan unang gabay at huling gabay