Halos malaglag ang panga ko ng makababa kami sa malaking hagdan ng palasyo este bahay niya may malaki pang pulang Carpet sa gitna isama pa ang naglalakihang mga Chandelier
Nasa Fantasy ba ako ?
"Do you have any plan to go somewhere to day ?" Huminto pa ito at hinarap ako
Natigil sa ere ang isang paa ko kasi hahakba sana Ako ng Makita ang matamis niyang ngiti hutik naman oh!!
Marupok ako kaya wag kang mangiti ngiti diyan at baka mag ka second round ang halik natin kanikanina lang
Ibinaba ko na Ang paa ko ng Makita kong nakatingin siya Doon
"Sorry naiwan sa ere eh ...Ano nga ulit Yong tinatanong Mo ?" Kunwari ay Hindi ako papa epekto sa ngiti niyang mas maganda sa umaga
"Do you have a plan to go somewhere today ?" Tanong nitong muli saakin
Napakamot nalang Ako sa batok ko ng matiim niya akong titigan
Bakit ka ba ganyan maka tingin ?!
"W-wala naman " tumango lang siya Sakin at naglakad na ulit
Kaya naman sumunod nalang Ako at tumingin sa boung paligid
Halos mabusog ang mata ko ng Makita ang mamahaling mga painting na sa Google ko lang nakikita mga mamahaling gamit na sa Mall ko lang binabantayan
Meron ring namang mga collection ng mga lumang gamit gaya ng espada at mga lumang librong naka tayo at sinusupurtahan ng stand sa likod
Kong kumuha kaya Ako ng isa tapos ibenta ko sa auction ng mga lumang gamit ?kikita ako ng malaki nun
Hindi ko talaga maiwasang magnakaw at mag benta nalang sa auction tiba tiba ako nun
Aba may pang bili nako ng bahay at lupa may pang negosyo narin pero hindi ko naman gagamitin ang pera kong galing sa masama siguro hihingi nalang Ako saknya
"Oh sir Khanate nakababa na pala kayo ..naka ready napo ang umagahan sir " nakangiting Anya ng isang matandang babae sa Amin ...sakanya lang Pala
Naglakad pa kami papunta sa isa pang pasilyo at nakita na nga namin ang mesa na punong Puno ng masasarap na pagkain
Doon natigil ang aking pagpapantasya sa mga mamahaling gamit ni Khanate
nakaka-gutom kasi Ang mga pagkain na naka Hain sa mesa
Kahit wala pa siyang sinasabi ay agad akong naupo sa silya na malapit sa sentro at agad na nilagyan ang naka ready ng Plato ng kung ano Anong pagkain
Hindi kona pinaki alaman ang paligid Basta sumubo lang Ako ng sumubo
Nakita ko naman siyang naupo sa sentro at nakangiting naka tingin sakin
Siguro ngayon lang siya na kakita ng maganda kaya ganun
"You still look like the same " natigil ako sa pagsubo ng hipon ng sabihin niya iyon na parang yun na Ang pinaka nakakalungkot na salita sa boung Buhay niya
Ng balingan ko siya ng tingin ay parang may kumurot sa puso ko ng Makita ang lungkot sa mga mata Niya para akong nadadamay sa kalungkotan niyang nararamdaman
"Ahm ..m-magkakilala ba tayo dati ?" Takang tanong ko
Doon ay unti unting nawala ang lungkot niya at napalitan ng masayang mukha
Gusto kong magtaka kong paano niyang nagawang baguhin ang nararamdaman Niya kong paano niyang nabago ang emosyon sa mukha Niya ng ganun kadali pero hindi ko na tinanong pa hinayaan ko nalang na Ang isip ko ang mag isip ng mga bagay na Hindi ko kayang itanong saknya
"What's your name ?" Halos malaglag ang panga ko
Ni lips to lips moko tapos Hindi Mo alam kong Anong pangalan ko ?!hibang ba toh ?!
"Ahm Forexien Galvez..... Rex for short at Ikaw ?" Kong sabagay ako rin naman Hindi ko Alam
Baliw ka talaga Rex nilaplap mo Hindi mo alam pangalan ?!My goodness
"Khanate Khybe Lavorn " sambit niya at sumandok narin ng pagkain
Gusto kong hawakan Ang mukha Niya Ang puti puti parang walang dugo parang ako lang Nung nakita ko mukha ko sa salamin
Napahawak nalang Ako sa mukha ko at ramdam ko ang lamig nun parang nanggaling ako sa Freezer
My goodness self ?!
"Eat up ..I have something important to do today ..do you want to come ?" Tanong Niya habang hawak Ang kutsara at tinidor
"Ahm Hindi na ...may tatanong lang ako nasan pla Yong phone ko?? ...tatawagan ko kasi Yong kaibigan ko para makapag paalam saknya " sumubo muna siya at nagsalin ng pulang likido sa baso niya pati narin sa baso ko
Tumingin siya Sakin at ngumiti muna Bago pinagsiklop ang mga palad niya at ipatong Doon Ang baba niya
"Your bag was inside in our room ...Di Mo nakita ?"laglag panga ako ng marinig siyang magtagalog
Kong Hindi lang Ako naka abot ng Third year college baka dumugo na utak ko kaka English nito pero ang gwapo Niya
God bakit ka gumawa ng ganitong nilalang ?!
Hinawakan niya Ang baba ko at sinara ang naka nganga kong bibig
My goodness self baka may pumasok na langaw bat hinayaan mong naka bukas ang bibig Mo ?!
"Nakita ko kaya Lang nakalimutan ko lang " tumango tango nalang siya
Antanga mo talaga mag palusot Self
"If you need anything just call me or tell Yaya Son "sabay turo niya matandang babae na nakatayo lang sa gilid ng mesa kong saan kami kumakain
Pinunasan niya Ang bibig niya ng table napkin at humalik sa labi ko Bago tuluyang umalis sa hapagkainan
Gusto ko na talaga ang Buhay na ganito
"Walang pinagbago ang mukha niyo señorita maganda parin Po kayo parang dati "
Halos malukot ang lahat ng balat ko sa noo ng sabihin niya Ang dati
Kilala ko ba siya nagkita naba kami dati ?!hala Hindi kaya nag ka Amnesia ako tapos Hindi ko ma alala anak mayaman pala ako
Oh kaya naman kagaya sa teleserye Yong may nawawalang asawa ?!ako kaya yun tapos si Khanate Yong naghahanap sakin
"A-anong hoh!nagkita na tayo dati " ang kaninang ngiti sa labi niya ay unti unting nawala at naging ngiwi nalang
"Wala Po yun ma'am wag niyo na pong isipin kumain nalang Po kaya sa kusina lang Ako at mag hahanda na para sa pananghalian kasi alas diyes narin naman eh " sambit niya at mabilis na umalis sa harap ko
Kanina again sabi ni Khanate tapos dati tas ngayon dati nanaman ?!what the heck !!my brain gonna sabog sabog na sis like explosion
Tumayo nalang Ako sa kinauupuan ko at naglakad pabalik sa linakaran namin kanina lang
Balak ko na sanang bumalik sa taas upang kunin ang bag at matawagan na Ang aking Mars kaya Lang ay naagaw ng pansin ko ang isang malawak na Sala sa likod ng malaking hagdan
Kaya naman pumunta Ako Doon at doon ay natuon ang boung atensiyon ko sa isang making larawan na nasa gitna
Si Khanate sout ang lumang damit na kulay itim habang prenteng nakaupo sa isang upuan at matiim na naka titig sa kumuha ng litrato ...Kay gandang pagmasdan
"Alam Mo ba kong kailan nakuha ang litrato na iyan ?" Nabaling ang tingin ko Kay Yaya Son ng nasa gilid ko na siya at nakatingin rin sa larawan
Hawak Ang dust ay pa iling iling pa ito na parang may nakakatawa sa likod ng larawang iyon
Ano bang meron sa larawan na iyon at kong makangiti siya ay wagas
"1908 pa ang litrato na iyan hija at Ikaw mismo Ang kumuha ng litrato na iyon hay " bigla ay napa iling nalang siya at tumatawang naka tingin saakin para bang may nakakatawa siyang naalala
Paanong ako eh year 2001 ako pinanganak
"Pinilit Mo pa siya noon kahit na ayaw Niya pero dahil makulit ka pumayag din kaya napa kasama ng loob niya sa litrato na iyan at kong Hindi ka lang daw niya mahal ay Baka kinain ka na niya at sinipsip ang dugo sa leeg mo "naiiling na sambit niya
Ibigsabihin mahigit isang daan na rin si Yaya Son kasi 1908 pa Yan at tangdang tangda niya pa ang nangyari
"Ilang taon na hoh kayo Yaya Son " nagugulat siyang napatingin sakin
"Ako ba kamo ..abay Hindi ko na matandaan simula noong 75 taong gulong ako ay Hindi nako nagbilang pa sapagkat Minsan nakong namatay at nabuhay hija yun ngalang gaya Mo iba na ..."
"Iba na tayo sa lahat uhaw tayo sa dugo ay gustong gusto ang dugo ng tao habambuhay na buhay walang kamatayan walang katandaan at makikita Ang lahat ng pagbabago sasabay sa makabagong teknolohiya ng makabagong Mundo at tayo mananatiling Buhay kahit sa kamatayan ng Mundo " sambit niya at ngumiti saakin
"Ilang taon kapo ng kinuha ko ang litrato na iyan Yaya Son ?"
Tinuro niya pa ang sarili na parang hindi makapaniwala sa Tanong ko
"Walong taon ako niyan ako pa nga Ang paborito mo sa lahat ng anak ng mga katulong niyo noon ni Señorito Khanate " bigla ay nabuhay ang kaba sa aking dibdib
kong ganun ..kong nabuhay ako noong taong iyon at mas matanda nako saknya ibig bang sabihin nun na reincarnation ako ?!
"Kaya lang namatay kang ng mismong araw na iyan señorita nalaman nilang bampira ang pamilya ninyo at sinunog ka ng buhay sa loob gusto ka mang tulungan ni señorito ay mas ninais niyang iligtas ang inyong anak at maghintay nalang muli sa iyong pagbabalik at ngayon naman ay sobra akong nagagalak at nagbalik kana señorita " lalo pang dumagundong ang aking kaba lalo na sa aking dibdib ng marinig Ang salitang anak
"May anak kami ?!" Hindi ko magawang maniwala
Una ay Hindi pako ipinanganak ng taon na iyan ni Hindi ko nga ma alala tapos sasabihin niya may anak...Buhay at sinunog ano bang nangyayari sa Mundo end of the world naba ?!
"Yaya Son !!!where's dad ?!" Nabaling ang tingin naming dalawa ni Yaya Son sa isang batang lalaki na kakapasok lang sa Sala
Natigil ang kanyang tingin saakin at ang mga mata Niya pamilyar
Hindi ko mapangalanan ang aking nadarama damang dama ko ang panghihina ng mga tuhod ko at ang puso kong Kay lakas ng pagtibok
At habang naka tingin ako isang malaking memorya ang unti unting pumapasok sa isip ko mga larawan ng isang sangggol umiiyak habang nasa bisig ko
"M-mommy?!"
Katagang kanyang binitawan na siyang nagpayanig ng aking Mundo at siyang nagpakawala ng kong Anong sabik sa aking dibdib sa pagtawag niya saakin ng Mommy
Ngunit ang sayang iyon ay naudlot ng mawalan ako ng Malay