Sabi nila pag nagmahal ka ibigay muna lahat ng best mo kasi Minsan kahit best na kulang parin
Pero ako tama lang naman Ang pagmamahal na ibinigay ko pero bakit sobra sobra naman atta ang isinukli nila
Wala manlang akong nagawa sa kanila pero heto sila at sasama sakin na mamatay
Sigurado akong naghihintay na ang magkapatid na Arbencon sa bundok ng kamatayan at hindi ko na matatakasan pa ito
Pero para saan pa ang pagtakas kong kasama ko ang taong pinaka mamahal ko ang dahilan ng aking pagbalik at dahilan ng kasalanang ito
At sa kunting araw na nakasama ko siyang isang bagay lang akong napatunay iyon ay Ang puro kong pagmamahal saknya na kahit na magkaiba ang aming lahi nagawan parin namin ng paraan
Nakagawa parin kami ng daan para maramdaman ang saya na dulot ng totoong pagmamahal at kahit ilang beses pa akong papiliin kong paanong tatakbo ang kwento ng aming pagmamahalan pipiliin ko parin Ang istoryang ito sapagkat ito Ang orihinal Dito ay may sakit ngunit mas matimbang ang saya na aking nadarama
Siguro nga ay napaka swerte ko pa dahil nakasama ko sila kahit sandali lang kahit sa kunting Oras lang at panahon pero ang saya na idinulot ng kunting Oras at panahon na yun ay dadalhin ko hanggang impyerno
Kong mamatay ang kabayaran sa sayang ito ay haharapin ko pagbabayaran ko sapagkat alam kong sulit naman ang lahat alam kong naging masaya Ako kahit sa pahiram na Oras lang
"Thank you for waiting me My love "
Nasa loob lang kami ng van tahimik at iniisip kong Anong mangyayari sa mga susunod na Oras ngunit ayokong maging tahimik lang gusto kong maramdaman ni Khanate na masaya Ako sapagkat siya Ang naging asawa ko ay nagpapasalamat akong siya Ang taong nagmahal sakin ng lubos pa sa aking pagkatao
"Thank you for what Mi amor ?" Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat upang ipahinga ito roon
"For everything " saglit siyang natahimik at hindi nagtagal ay naramdaman ko ang pag halik Niya sa aking sintido
"Your welcome Mi amor ...."
Ni Hindi ko maramdaman ang kaba sa aking dibdib ng kanina lang ay aking nadarama siguro ay dahil ito sa pag ka alala ko sa aming nakaraan
Siguro nga ay noong nga panahong una ko siyang Makita ay minarkahan ko na ngang talaga siya na sakin lang at wala ng iba pang pwedeng mag may ari saknya
"Kapag nakarating na tayo roon gusto ko hawak ko ang kamay mo Bago tayo maging abo "
"Sino ba Naman kasing may sabing ayokong hawak Ang kamay mo ?" Natatawa kong Tanong saknya
Kong maka asta siya ay akala mong iiwan ko ang kamay niya at ayaw kong hawakan iyon gaya ng kagustuhan niyang hawakan Ang kamay ko
"Wala naman sinasabi ko lang baka kasi makalimutan mo at hindi Mo hawakan " ang mala ginto niyang mata ay nakatuon lang Ang tingin sa akin
"Kong sabagay baka makalimutan ko ngang asawa kita at pinakasalan kita kapag naramdaman ko na Yong sakit"
Binibiro ko lang siya ngunit madilim niyang aura ang sumalubong sa aking tingin
"Don't say that...mahal moko kaya ka nga bumalik eh " hinawakan niya pa ako sa balikat at inalog alog iyon
"Oo na mahal na Kita tumahimik kana " ngumiti lang siya Sakin at dinampian ako ng halik sa labi
"Wag kang mag alala mahal rin kita " pang aasar niya sa akin
"Oo mahal moko kaya nga hinintay moko diba ?" Pagsasakay ko pa sa Biro niya
"Oo mahal na mahal "
"Baka langgamin kayo niyan ?" Pang aasar ni Aris na nasa Driver seat minamaneho ang van
"Hayaan muna matagal rin silang nagkahiwalay ngayon mag kasama na silang magpapahinga wag kanang manira " sambit ni naman ni Marixel na nasa tabi niya
Naka ngiti ito habang naka tingin sa asawa niyang nagmamaneho sa van
"Oo nga kaya nga tahimik nalang kami ni Lance Dito kahit napaka lambing na nila kanina pa sila I love you ng I Love you sa isat Isa "
Tumatawa sambit ni Roxane na para bang siya na ang nagsasawa sa lambingan naming dalawa ni Khanate
"Wag na kayong magreklamo nakikinig lang kayo mag reklamo kayo pag sa inyo na sinabi " sambit ni Khanate
Na naging sanhi ng pag ugong ng tawanan sa boung sasakyan
Ang gabing iyon ay sadyang napaka haba para saakin ang daming nangyari sa gabing iyon ang daming ganap at sa Oras ng Alas tres Mamaya ay siguradong wala na kami 2: 40 am na at ilang minuto nalang ay nandun na kami
Marami pa kaming napagusapan sa loob ng sasakyan kong Anong nangyari sa boung araw at Anong ginawa upang masulit iyon
Para bang ordinaryong araw lang iyon para sa Amin ordinaryong usapan at parang magkikita pa kami para sa kinabukasan
"Nandito na tayo " mabilis kaming lumabas sa sasakyan at tinungo Ang dalawang lalaking nakatayo sa tabi ng umaapoy na mga kahoy
Ang magkapatid Na Arbencon ang dalawang leader at ang dalawang nakapagparusa sa mga lumabag sa batas ng mga bampira
"You know that I hate to kill a friend Khanate " sambit ni Louise Kay Khanate
"Yeah I know , but we made a mistake she I mean but I'll come to her ....I mean us "
Malalim naman na bumuntong hininga si Roger at marahang ngumiti sa Amin
"Oky ...you two will seat there " agad naman kaming tumalima sa gusto ni Roger na upo kami sa magkatabing silya at pinagsiklop ang nga palad namin
Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya ay ipinikit ang aking nga mata
"I have to tell you something " bigla ay bulong niya Hindi ko parin iminulat ang mata ko pero naririnig ko ang paglalagay ng mga kahoy sa paglibot sa Amin
"Hmm" Hindi ko Alam kong bakit iyon lang Ang lumabas sa aking bibig wala akong ibang masabi
Baka kasi mag I love you nanaman siya
"Hindi naman talaga tayo pinagkasundo eh " agad kong naidilat ang talukap ng aking mata at tumuon iyon sa kahoy na sinusunod na ni Louise
"Eh ano ?"
"Hindi ko iniligtas ang ama mo noon Hindi ko rin siya nakita at hindi rin siya naipit sa barilan siya mismo ang lumapit sa akin ...na lulung ang ama mo sa sugal kaya Ang Hacienda niyo ay na isangla niya sa akin ....at ng hindi na niya matubos Ikaw Ang hiningi kong kapalit in Short binenta ka sakin parang ganun "
Ang lungkot ko ay namalatay sa bou kong pagkatao hindi ko Alam na ganun pala kasama ang ama ko noon na nagawa niya akong ebenta sa kong sino lang para sa sugal niya
"Ibig sabihin Simula umpisa palang nabenta na ako sayo at inulit ulit binili mo ulit ako "
Tumango siya saakin kasabay noon ang mainit na pagkalat ng apoy sa boung katawan namin
Ngunit ang mala ginto naming mga mata ay nakatuon lang sa isat Isa all this time naniwala akong ako lang Ang may gusto sa aming dalawa yun pala ay ginamit niya rin ang utang ng aking ama upang makuba ako
"Yes Mi amor you are sold to a vampire "
------------------------------------------------
Foureid POV
from afar I was just looking at them I was watching how they died
my mother's eyes were saying something like it was a love as well as my father
I know they will be fine because they are together and I know they will be happy even if it really hurts me ...so damn hurt that I don't know how to live my life again without them
I thought I can but the truth is i can't ......
I will never forget this day when I lost the two most important people in my whole life
It was my mom
And my dad ......