Chapter 18

1791 Words
Masasabi ni Forexein na masaya na at ayos na ang Buhay niya na kasama si Khanate lalo nat may anak na sila Ngunit ang kaba sa kanyang dibdib matapos mag iwan ng salita ang lalaking iyon sa harap niya ay Hindi na siya nilubayan nun Ang takot ay umiikot na sa boung pagkatao niya na kahit na sino ay Hindi na magkakaroon pa ng magandang tulog sa Gabi Pilitin man niyang burahin iyon sa isip ay naalala niya iyon lalo nat madalas siyang magisa sa bahay nila wala siyang kasama at wala siyang sasabihan ng kanyang nadarama Siguro ay kailangan niya lang magpakatatag para sa ikabubuti ng sangggol na nasa sinapupunan niya Tatanggalin niya ang takot sa dibdib at magiging matapang para sa anak niya Iyon lang Ang dapat niyang gawin lalo nat malapit na itong lumabas sa kanyang sinapupunan Malapit na siyang manganak at inaasahan niyang magiging ito ng daan para malimutan niya ang takot Hinaplos niya Ang kanyang tiyan matapos muling humilab naka abang narin si Esperanza sa kanyang tabi upang alalayan siya kong manganganak na siya "Huwag mong pahirapan si nanay anak ahh ..." Kanina niya pa kinakausap ang bata sa tiyan niya upang hindi siya pahirapan Maka tutulong raw iyon upang hindi masyadong sumakit sambit ng kanyang Ina "Manganganak kana Rex pumutok na ang iyong panubigan " mabilis siyang inalalayan ni Esperanza sa kama at pinahiga roon Inayos na nito Ang lahat ng gagamitin at ang tanging gagawin nalang niya ay i- ere ang batang nasa tiyan niya upang lumabas na ito "Ahhhhh!!!!!!" Masakit iyon ng kanyang nadarama at kahit nanghihina na ay pinipilit niya parin agad namang dumating si khanate sa tabi niya at hinawakan ng maigi ang palad niya "Narito lang Ako mahal ko !" Sambit ni Khanate sa tabi niya "Sige pa señorita kayanin mo iyan " "Ahhhh!!!" Mahigpit siyang kumapit sa palad ni Khanate at kahit Anong pagpapakalma ang sabihin nito ay Hindi umubra Hindi siya kumalma Sa mga salitang binibigkas nito Ilang sandali pa ay narinig na niya ang anak niya umiiyak kahit nanghihina ay itinabi saknya iyon at halos hindi niya maipaliwanag ang nadarama sa mga Oras na iyon "Anong nais kong maging ngalan niya Amor ?" Tanong ni Khanate saknya habang nasa tabi niya parin "Siya ....siya si Foureid siya Ang anak natin " malapad ang ngiti niya sa mga Oras na iyon Dahil alam niyang sulit ang lahat ng hirap at sakripisiyo niya dahil may isang bagay na naibigay saknya at iyon si Khanate at ang anak nila Kong mabubuhay siyang muli sa hinaharap uulit ulitin niya ang Buhay na kasama ang mag ama niya kahit mahirap Dahil alam niyang sa hirap na iyon ay masaya , sa takot na nandun ay may lakas , at sa kabang naron , ay may panatag na kalooban At sa bawat minuto at segundong hahayaan siyang huminga ilalaan niya iyon lahat sa mag ama niya dahil noong Oras na tinitig niya ang mata Kay Khanate ay minarkahan niya narin Ang lalaki na saknya lang at ang Oras kong kailan ipinanganak niya si Foureid alam niyang ito na rin ay buhay niya pagkat dugot laman niya ito "Siya si Foureid Nhate Lavorn " --------------------------- Hawak Niya sa bisig niya ang sangggol na si Foureid at pinatutulog kinakantahan ng malamyos na kanta at matamang tinitignan "Ako ang iyong Ina Foureid ..ako ang nagdala sayo sa aking sinapupunan sa loob ng siyam na buwan ..at aalagaan kita at gagabayan hanggang sa aking huling hininga " hinalikan niya ito sa noo kasabay noon ay Ang pagkulong ng kong sino saknya sa bisig nito Sa Amoy palang ay kilala na niya iyon kaya naman ipinahinga niya ang kanyang ulo sa dibdib nito "Kamusta Ang araw Mo ?" Tanong Niya sa asawa "Maayos naman mamayang Gabi ay may dadalhing imbensyon si Lorenzo rito gusto niyang Ikaw Ang unang gumamit " sambit nito habang bahagyang sinusuklay ang buhok Niya gamit Ang kamay nito "Talaga !?nakakatuwa naman at naiisip pako ng kaibigan mong iyon " masaya siya na napalapit siya Kay Lorenzo lalo nat madalas rin itong wala at Minsan lang Makita dahil sa paglilibot sa boung Mundo "Oo ...at nga pala sa susunod na buwan kapag maayos kanang nakapagpahinga lilipat na tayo sa hilagang bahagi ng Mundo Hindi masyadong ma araw roon makalalabas tayo lagi " Hindi alam ni Forexien pero nalulungkot siya para bang may ibang sinasabi ang kanyang damdamin ngunit ipinagsawalang bahala niya nalang iyon at inaya si Khanate na pumasok sa loob ng bahay dahil nasa Hardin sila at mag gagabi narin Pagpasok ay inabot niya Kay Esperanza ang bata upang patulugin ito Bago naupo sa bulwagan nila upang hintayin si Lorenzo Hindi naman sila nabigo dahil dumating narin naman ito na naka kabit ang ngiti saknyang labi "Ano ba Ang sinasabi mong imbensyon na nakuha Mo sa silangan ?" Mabilis na Tanong ni Khanate rito "Maganda ito sapagkat Hindi kana mahihirapang mag pinta tinatawag itong pangkuha ng litrato " sambit nito at inilabas ang magandang kamera sa harap nila Inabot niya ito Kay Forexien na masaya naman nitong tinanggap "Maaari ko bang subukan ?" Tanong Niya Kay Lorenzo "Iaabot ko ba sayo kong Hindi " ngumiti lang siya rito at mabilis siyang tumayo at nagpaturo Kay Lorenzo kong paano iyon gagana agad siyang nagtungo sa itaas at kinuha ang natutulog na anak Pinabuhat niya iyon kay Esperanza ng makababa siya katabi si Sonya ang anak nito "Isa dalawa ...tatlo " ang malakas na click ng kamera ang umingay sa boung pasilyo at ang halakhak ni Rex na masayang masaya sa kanyang nakuha Pinaupo naman niya si Khanate at pinilit itong ngumiti upang kuhanan ngunit tumatanggi ito "Sige na amor isa lang pakiusap " sambit niya Tumango nalng si Khanate sakanya wala rin naman itong magagawa sa gusto niya dhil Hindi naman Niya ito titigilan kong ayaw nito Hindi siya magiging si Forexein kong Hindi siya mapilit Inayos muna ni rex Ang damit ni Khanate Bago kuhanan ng litrato "Isa dalawa tatlo !" Bumungis ngis ito matapos makuhanan ng litrato ang asawa niyang masama Ang mukha dahil walang nagawa at ang lahat ng tao roon ay nakikitawa sakanila Ang gabing iyon ay masayang masaya para kay Forexein para bang sinadya na saknya ang gabing iyon at Walang ibang nagmamayari ari "Mauuna nako " sambit ni lorenzo "Ihahatid ko lang siya diyan sa labasan matulog na kayo " sambit ni Khanate at humalik sa noo Niya Naglakad na ito habang nakikipag usap sakanya ngunit habang Palayo ito ng Palayo naninikip ang dibdib niya kaya wala siya sa sariling sumigaw at tinawag ang asawa "Khanate !!!" Mabilis naman itong lumingon saknya na may ngiti sa labi "Mahal na mahal kita !!" Malakas niyang sigaw na nagpa ngiti ng husto sa lalaki Mabilis silang pumasok sa loob ng bahay at tinulungan siyang muli ni Esperanza sa sangggol na hwak niya inihiga niya ito sa kama at tinabihan "Dumito ka Muna Sonya para may kasama ako " sambit niya sa anak ni Esperanza Tumango naman ito at tumabi saknya Ang gabing iyon ay sadyang perpekto para kay Forexein walang makakasira ng saya niyang iyon pero ng sumapit ang hating Gabi sigawan ang nangyari sa labas "Ilabas niyo ang halimaw na iyan !!" Sigaw ng kong sino sa labas at ng silipin niya sa bintana ay naron ang ilang mga Tao sinusunog ang bahay nila "Kakausapin ko sila señorita lumabas na kayo Dito sa likod bahay kayo dumaan " mabilis niyang kinuha ang mga bata at naglakad na palabas ngunit ng nasa hagdan ay muling siyang lumingon "Paano ka ?" Tanong Niya Kay Esperanza Ngumiti lang ito saknya at ang mga mata nito ay lumuluha "Alagaan niyong mabuti ang anak ko señorita " tumango lang siya sa babae at mabilis na naglakad palabas ng Hardin Ngunit ng nasa pinto na ay nabagsakan siya ng umaapoy na kahoy "Forexein !!" Tinig iyon ni khanate na papalapit saknya Mainit sobrang hapdi noon sa balat at nasiaiguro niyang nagiging abo na ang kanyang mga binti sa Oras na iyon at mamamatay na siya "Tumakbo ka Sonya tawagin mo si Khanate bilis " agad naman na tumalima ang bata at maya maya pa ay dumating na si Khanate " Huwag mong hawakan mamamatay ka " Ang mga mata Niyay lumuluha dahil alam niya ito na Ang wakas sa kanilang dalawa "Amor paano ka hindi ko Alam gagawin ko pakiusap " mabilis nitong tinanggal ang umaapoy na kahoy habang may tela sa kamay Inabot niya rito ang bata at malungkot na ngumiti sa lalaki "Aalis na ako Hindi nako mabubuhay Khanate nasususnog na ang kalahati ng katawan ko ...Pero babalik ako " tuluyan na ngang nahulog ang nga luha niya sa mata ang sakit sa dibdib Niyay tumatagos hanggang kaluluwa niya "Babalik ako pero hindi ngayon o sa susunod na araw matatagalan at mangako ka na hahanapin mo ako san man ako naron " wala na ngang nagawa si Khanate tumango lang ito at niyakap siya "amor I promise I'll find you ..and wait until you come back " Ang mga mata niyay lumuluha ang mga malulungkot niyang matay naka tingin sa akin nagsasaad ng isang pagmamahal at pamamaalam "Sa Ika apat na henerasyon ng aming pamilya akoy maisisilang muli ...at sa Oras na iyon nais kong naron ka mahal at sabihin kong ano Ang aking magiging ngalan " Nangangako ang pusong namamaalam inilahad ang kamay sa pagitan ng isang salamin at pati ng noo "Alagaan Mo siya ...I paalam mo saknya kong gano siya kamahal ng kanyang Ina ...ipaalam mo saknya ..Kong sino ako at kong ano ako sakanya para sa hinaharap .. mamahalin kita kahit sa magpakailan man " Ang mga matay lumuluha ang puso ay nadudurog ang damdamin ay naghihikahos na nganganib na lubos na masaktan "I'll wait you I'll promise " Sa isang tingin ay inabot saknya ang batang nasa bisig isang beses pang ginawaran ng halik ang anak sa noo at sa labi ng asawa Bago itulak paalis "Babalik ako mahal ko " Mga katagang kanyang iniwan sa kanyang huling pamamaalam ----------------------- Mula sa malayo at pagitan ng mga nagtataasang mga Puno ay nakatayo si Khanate pinanonood kong paanong natutupok ng apoy ang bahay nila kasama ng kanyang pinaka mamahal na asawa "Umalis na tayo Khanate nasa kalesa na ang mga bata " Ang mga lumuluha niyang mata ay naka tingin sa kaibigan "Lorenzo ...Ano bang maling ginawa niya bakit siya ...?" Ang mga nanghihina niyang tuhod ay bumagsak sa lupa 'hindi ko na alam ang gagawin ko mahal masakit parang may kong Anong naka Dagan sa aking dibdib nanghihina rin Ang aking mga tuhod Ang sabi koy akong bahala ..ngunit wala akong nagawa patawad patawarin mo ako mahal Wala akong nagawa kong Hindi ang panoorin ka lang habang namamatay '
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD