"Khanate !!!" Malakas na tinig ni Rex ang narinig sa boung bahay nila matapos nitong sumigaw na agaw narin nila Ang atensyon ng lahat ng kasambahay nila lalo na Ang batang si Sonya na anak ni Esperanza
"Anong nangyayari " kalmadong sambit ni Khanate sakanya
Malapad siyang ngumiti sa lalaki at hinimas mo ng saglit ang tiyan niya Bago tumingin Kay Khanate sa loob ng isang taon nilang pagsasama sa wakas ay may anak narin sila
Nalaman niya iyon sa isang magaling na serbidora at nag aral ng medesina madalas kasi ay nahihilo siya at parang gustong kumain ng nga pagkaing sadyang kakaiba kaysa sa nakasanayan
Gulat man at nagtatakang nakatingin sakanya si Khanate ngunit malapad parin siyang ngumiti
Ayaw Niyang masira ng kahit na anong nigatibong bagay ang saya niya ayaw niyang may humadlang sa bagay na dapat ay masaya at ipagdiwang
"Bakit ?" Sambit nito saknya habang nagtatakang nakatingin saknya
"May laman na siya magiging tatay kana !" Mabilis siyang tumakbo Kay Khanate ay niyakap ang lalaki ng mahigpit
Na animoy nagkaroon ng ugat sa kinatatayuan sapagkat na tigil ito sa sinabi niya at parang inuukit pa sa utak ang sinasabi niya
"I-ibig sabihin ..buntis ka ?" Sambit nito
Humiwalay siya sa yakap niya sa lalaki at ngumiti ng napaka lapad sa lalaki Bago tumango ng paulit ulit
Nagtataka man siya dahil sa reaksiyon nitong naglalakad at paulit ulit na pabalik balik sa harap at parang wala sa sarili ay Hindi na wala ang ngiti niya
Kagaya ng sabi niya kanina ayaw niyang masira ang masayang araw niya para lang sa isang mababaw na negatibong bagay kagaya ng ginagawa Mo Khanate at reaksiyon nito
"Buntis ka talaga " ang mga mata nito ay Puno ng pagtataka
Tumango tango siya rito
"Oo naman at sa lilipas na siyam na buwan ilalabas ko na siya ...Hindi ka ba masaya para namang nagtataka ka pa dapat ay nakangiti ka "
Bumuntong hininga si Khanate at mabilis itong lumapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit
"Hindi lang Ako makapaniwala masayang masaya lang talaga ako Amor ...Hindi ko lang alam kong paano ko sasabihin at ilalahad Yong saya pero masaya Ako kasi dalawa na kayong proprotektahan ko "
Ang nakangiti nitong mga labi ay humarap Kay Rex
Hinaplos nito Ang buhok Niya at marahan siyang nilapatan ng halik sa labi
"Ipapaalam ko to sa kaibigan kong si Lorenzo ...aalis muna ako ayos lang ba iyon " nakangiti siyang tumango sa lalaki
Mabilis naman itong umalis at hindi niya napansin ang paglapit ng mga kasambahay nila sa kaniya upang usisain at Sabihing natutuwa sila sa nalamang nagdadalang tao siya
"Ibig Po bang sabihin niyon señorita Rex ay magkakaroon na kayo ng anak ni señorito Kahanate "
Bumaba ang tingin Niya sa anak ni Esperanza na si Sonya o mas kilala sa ngalang Son
"Oo kaya magkakaroon kana ng kalaro sigurado akong magiging mabuti kayong mag kaibigan sa lilipas na mga panahon " ngumiti saknya ang bata at niyakap siya sa binti
"Natutuwa Po Ako para sa inyo señorita sana nga Po ay nanganak na kayo upang Makita ko na kong sino Ang kamukha niya sa inyo ni Señorito"
Hinaplos niya Ang buhok nito at naupo upang mapantayan ang bagang babae
"Sonya magiging mabuti ka namang ate para sakanya Hindi ba ?" Nakangiting sambit ni Rex sa batang babae
"Opo naman ako ang magiging nakatatandang kapatid niya ituturo ko saknya ang lahat ng aking malalaman ...ililibot ko rin siya sa kabilang bayan upang makabili siya ng mga gamit niya ...Hindi na Po Ako makapaghintay sa paglabas niya señorita " mas lumapad pa ang ngiti niya sa batang babae
"Ako man ay ganun rin masayang masaya rin ako at hindi narin makapaghintay sa paglabas niya "
-------------------------------------
Sa mga sumunod na araw at buwan ay Hindi na wala ang Oras ni Rex para sa kanyang anak palagi niya itong pinababaunan ng mata tamis na salita at mga tula pati narin Ang mga kwentong nakabesa niya dahil sa pag kwekwento ng kanyang Ina saknya sa tuwing matutulog sila ng nakatatanda niyang kapatid
Sa bawat araw at mga Oras na lilipas ay sabay silang nakangiti ni Khanate hindi makapaghintay sa paglabas nito
At sa mga Oras na iyon nadagdagan nanaman si Khanate ng isang rason upang mabuhay pa siya ng matagal at manatili sa mundong pinagsasawaan na niya
Bago matulog ay sabay silang kinakausap ang anak nila mula sa tiyan ni Rex palaki ng palaki narin iyon ay nahihirapan na si Khanate dahil kulang ang dugong ibinibigay niya Kay Rex upang mabusog ito Ang dugo ng hayop ay kulang kaya naman palihim na nananakit si Khanate ng tao ay pinaiinom iyon kay Forexein
Oo Alam niyang mali ngunit Anong magagawa niya kong iyon lang Ang magbibigay ng lakas para sa magina niya ang makita si Rex na nauuhaw ay Hindi niya matitiis
Patuloy niya iyong ginagawa sa loob ng walong buwan at walang ka alam alam si rex kong saan nanggaling iyon bastat ibinibigay lang iyon ni Khanate sakanya ay iniinom niya rin
Iniiwasan niya rin Ang lumabas at makihalubilo sa iba sapagkat natatakam lang siya sa mabangong aroma ng mga dugo ng tao
At nasisiguro niyang mapapatay niya Ang mga ito at lalabagin niya pa ang kautusan
Sumapit ang Ika siyam niyang buwan ng pagbubuntis
Nagugutom siya wala narin Ang mga katulong nila bukod Kay Esperanza at Sonya na alam kong ano sila at hindi natatakot sakanila
Matagal na siyang naglilibot sa boung bahay at mababagod na siya ayaw na niyang maghintay na dumating si Khanate nagugutom na siya ayaw naman niyang humantong sa puntong sila Esperanza ang kainin niya at gawaing hapunan
Lumabas siya sa bahay at marahang naglalakad mangangaso nalang siya sa bundok at doon ipapalipas ang kanyang gutom
Ng marating ang masukal na bundok ay tinalasan niya ang pang Amoy upang mahanap ang hayop na pupukaw sa kanyang uhaw
Nakita niya sa di kalauyan ang naka pastol na baka ang dugo nito ay nanunuot sakanyang ilong naguudyok saknya upang kanyang inomin
Mabilis siyang lumapit roon at walang habas na sinipsip ang dugo ng baka para siyang uhaw na uhaw sa kanyang ginawa at ang lahat ay parang ordinaryo lang
Ng matuyo niya ang dugo nito ay wala sa sariling napatingin siya sa kanyang harapan isang lalaki at halos hindi gumalaw sa kinatatayuan nito at naka tingin lang sakanya sa kanyang ginawa
Ng marinig niya ang mga boses ng tao sa paligid na papalapit sa gawi nila ah muli niyang nilingon ang lalaki tulala parin ito
Kaya naman mabilis siya umalis sa lugar na iyon ngunit dahil buntis ay sumabit ang kanyang saya sa isang kahoy malakas niya iyong hinila dahilan ng pag iwan ng isang pulgadang parte ng kanyang saya
Ng marating ang bahay ay Ang nagaalalang mukha ni Khanate ng bumungad saknya at ganun nalang Ang paglalim ng Gatla nito sa noo ng Makita ang dugo sa kanyang bibig
"Anong ginawa Mo Rex !!" Ang malakas nitong boses ay siyang nagpayanig sa boung bahay na sadya ng paglabas ni Esperanza mula sa kusina
"Sabihin Mo Anong ginawa mo " ang mapupula nitong mata ay Hindi nakaligtas saknya
Ngunit ang mga sigaw ng tao na papalapit sakanila ay Ang nagpakaba saknya
"Halikat lilinisan kita " mabilis siyang hinila ni Esperanza sa taas ng bahay at mabilis na nilinis
At ngayon ay nagpapasalamat siyang mabilis siyang gumalaw at matapos agad ang pagpapalit niya ng damit itinago naman ni Esperanza ang damit niyang may dugo sa ilalim ng kama nila
Bumaba na sila dahilan upang marinig Ang sigawan ng tao mula sa labas
"Ilabas mo ang halimaw mong asawa ginoong Khanate " sigaw ng isang lalaki
Ngayon palang ay natatakot na siyang lumabas
Ngunit ginawa niya parin lumabas siya at tumabi Kay Khanate
"Siya siya Yong nakita kong buntis na kumain sa baka ko !" Sigaw ng isang Tao
"Nagkakamali ka atta ginoo kagigising lamang ng aking asawa at nag hahanda naman ang aming katulong para sa hapunan kayat paanong siya at isa pa sa ganitong mukha ng asawa koy matatawag mo bang halimaw ?"
Dahil sa sinabing iyon ni Khanate ay sumang ayon naman ang lahat at nahihiyang ngumiti sakanila
"Patawad ginoong lavorn sa pang gugulo Hindi na hoh mauulit " sambit ng isa at umalis na sila ngunit ang lalaking may ari ng baka ay masamang nakatingin sakanila sakanya
"Hindi pa tayo tapos " sambit nito at umalis na
Doon niya lang nahugot ang kanyang lakas upang huming naramdaman naman niya Ang yakap ni Khanate sakanya
"Ayos lang iyan amor nandito ako akong bahala sayo sa inyo ng anak natin Hindi ko hahayaang saktan nila kayo "