Chapter 16

1183 Words
Wala ng sasaya pa sa Buhay na meron si Rex sa ngayon para saknya sapagkat naabot niya ang mala buwan na taas ni Khanate at mala impyerno nitong pagmamahal ay nararamdaman Niya rin Ang makasama ang kaibigan nitong si Lorenzo na walang ibang ginawa konv Hindi ang tuksuhin siya Kay Khanate At ang tahimik na alalay niyang si Esperanza na palaging nasa tabi niya upang ngumiti at Sabihing masaya ito para saknya Paulit ulit sa bawat umaga ay may dahilan siya sa pag ngiti paulit ulit sa Gabi ay may dahilan siya upang pagmasdan ang mga bituin at mag kwento sa mga iyon kong gaano siya kasaya Kaya naman ngayong araw ay wala ng sasaya pa para saknya sapagkat ang araw na ito ay araw kong kailan siya ikakasal Kay Khanate Ang lalaking tinititigan niya lang sa malayo ngayon ay hahawakan na siya sa kamay at makakasama niya sa mga susunod pang mga taon Ang ngiti Niyay abot tenga ng marating ang Hardin kong saan gaganapin ang kasal nila Hindi sila maaaring pumasok sa loob ng simbahan sapagkat masususnog lamang sila mula sa mga reboltong naka lagay roon At hindi kayang harapin ni Khanate ang naroon sapagkat alam niyang isa siyang mamamatay Tao pero kahit na ganoon ay lumamang parin Kay Rex ang paghanga sa makisig na mukha ni Khanate hindi ang halimaw nitong pagkatao Nasa magkabilang gilid niya ang kanyang ama at Ina pinupuri siya kong gaano ka Ganda at kong gaano kasaya ang mg ito para saknya Masaya ang mga ito sapagkat kong sakaling mawala raw ang mga ito ay may pagiiwanan na saknya na Hindi siya iiwan Nakita niya si Khanate mula sa dulo kong saan nakalagay ang maliit na mesa at dalawang upuan para sakanila at sa harap noon ay isang pari Nakangiti si Khanate habang nakatingin sakanya at ang mala ginto nitong mata ay nanatiling ganun hanggang sa maka lapit siya "Alagaan mong mabuti ang anak ko Khanate malaki ang tiwala ko sayo " sambit ng ama niya Kay Khanate na ikinatawa niya lang at ikinatango ni khanate "Napaka Ganda Mo " sambit nito saknya at inakay siya paupo sa silya Ng makaupo roon ay nagumpisa ng magsalita Ang pari kong tungkol saan ang okasyon na iyo at bakit iyon idinaraos Ngunit ang mga mata nilang dalawa ay para bang naka dikit na sa isat Isa pagkat walang pumutol titigan nila Simula pa noong makaupo siya sa silya Gustuhin man niyang tumingin sa paring nagsasalita ay ayaw naman sumang ayon ng kanyang katawan ayaw naman nitong ibahin niya ang tingin Ngumiti lang sila sa isat Isa na animoy sa ganong paraan ay nagkakaintindihan sila kong gaano sila kasaya para sa araw na iyon Ang malamig na simoy ng hangin , mga halaman bulaklak , ulap at araw , pati narin Ang lupa at mga taong naron at ang langit ay saksi kong paano silang mag iisang dibdib Noon ay nanonood lang siya nito ngayon naman ay siya na ang pinanonood ng lahat at ninanais na sana ay nandun din ang mga ito sa katayuan niya Khanate Khybe Lavorn iyon ang ngalan ng lalaking minamahal ng isang Forexein Galvez "Tanggapin mo ang singsing na ito bilang simbolo ng pagmamahal ko ...Wala akong maipapangako sa iyo dahil hindi ko Alam kong Anong mangyayari sa mga susunod na araw at hindi ko hawak Ang Oras upang pigilan iyon mas lalong Hindi ko nakikita ang mangyayari kaya Hindi ako mangangako .....Basta isipin mo lang Ako ...Si Khanate .. Khybe Lavorn ang lalaking mamahalin ka kahit na nasa kabilang buhay pa tayong dalawa " Ng maisout saknya ni Khanate ang singsing ay Hindi niya mapigilang Hindi maluha ang makita ang pruwebang kanya si Khanate "Tanggapin mo rin Ang singsing na ito bilang simbolo ng pagmamahal ko wala akong nais na Sabihing napakarami kagaya ng sayo ngunit ako si Forexein Galvez ang babaeng mamahalin ka kahit patay ka na " Isinuot ni rex Ang singsing Kay Khanate at hinintay ang hudyat ng pari upang maglapat ang labi nila Sa araw na iyon ay saksi ang maulap na panahon na kahit na naka silip lang ang araw ay nakita parin nito kong gaano siyang kasaya na ikasal Kay Khanate at nasisiguro niyang umpisa palang ito ng masasayang memorya niya masasabing marami pang magbabago pero hindi ang pagmamahal niya para kay Khanate hindi ang nararamdaman Niya para sa asawa niya -------------------------------- "Gumawa ako ng tula para sa taong aking magiging kabiyak at si Khanate iyon gustuhin ko mang ibang lalaki ay Hindi ko magawa dahil saknya nga talaga ako tinamaan" naging maugong ang tawanan ng lahat sa boung bulwagan dahil sa sinabing iyon ni Rex Totoo naman gustuhin man niya dating magmahal o humanga sa ibang lalaki ay si Khanate parin ang paulit ulit na pumapasok sa isip niya at puso kaya naman Hindi na siya naghangad pa na may iba siyang gugustuhin Mula sa gitna ng maraming tao ay nakatayo si Rex roon habang nakaupo sa lamesa nila si Khanate at nakangiting pinagmamasdan siya sa bulwagan ng magiging tahanan nila sila nagdadaos ng tipon tipon para sa kasal nila ni Khanate kanina Tapos narin Ang pagsasayaw nila kasama ang mga magulang nila at ngayon naman ay Oras na niya para iparinig ang isang tula na talaga namang pinag puyatan niya ng ilang Gabi Masasabi niyang sulit ang lahat ng puyat niya kong makikita niya ang ngiti sa labi ng taong kanyang minamahal Himinga muna siya ng malalim at hinugot ang malalim na hininga at nilakasan ang loob para sa sasabihin Niya tula Kailangan niyang gawin iyon upang hindi mabuwal sa kinatatayuan dahil sa kaba Inisip niya nalang na para kay Khanate iyon para iyon sa taong laman ng isip niya sa mga linggong nagdaan at ang lalaking naging laman ng puso Niya dahil lang sa isang tingin "Ang tula na itoy linagyan ko ng titulo iyon ay Te Amo Hindi pa man siya tapos pero gusto kong marinig niyo ang unang parte upang magkaroon kayo ng kaalaman kong paano at kong bakit si Khanate ang aking pinakasalan " kinuha niya Ang papel sa gilid ng sout niya damit at binasa ang nakasulat roon Te Amo Sa unang pagtatagpo ng ating tingin Isang bagay ang bumalatay sa aking labi iyon ay isang ngiti Isang ngiti na Hindi ko Alam kong bakit at para saan Ngunit ng mamasdan kitang mabuti Isang musika ang aking nadinig Iyon ang pintig ng aking puso Naglalahad ng isang pahiwatig Ako'y tuluyan na ngang nahulog sa iyong isang tingin At sa mga Oras na itoy isang bagay lang Ang aking sasabihin Iyon ay Ang katagang Te Amo Ang marinig Ang papuri ng mga taong naron para sa pulang ginawa niya Kay Khanate ay napaka saya sa loob niya pero mas masaya iyon dahil kahit Hindi pa tapos ay nakangiti na si Khanate saknya at masaya para sa tulang nabou niya dahil sa pag ibig niya sa lalaki "Te amo " tinig iyon ni Khanate mula sa malayo ngunit na rinig niya parin kaya naman wala siya sa sariling tumakbo palapit Kay Khanate at yinakap ito ng mahigpit 'wala nakong hihilingin pa '
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD