Ilang araw narin Ang nakakalipas Simula ng huling magkita si Khanate at Forexien Hindi niya alam kong marami lang talaga itong pinag kakaabalahan kagaya ng kasal at magiging bahay nila o sadyang iniiwasan siya nito
Ngunit kahit ano pang rason ni Khanate ay Hindi niya magawang magalit rito o magtampo sapagkat pag ginawa niya iyon alam niya sa sarili na Hindi niya kakayanin , Hindi kakayanin ng puso Niya na magalit at magtampo rito
Isang beses niya pang tinanaw ang bahay na titirhan nila Bago lumabas sa kalesa at pinababalik nalang ito pagkatapos ng 4 na Oras
Nagtataka man kong bakit nasa gitna ng kakahuyan ang bahay nila ay napangiti nalang siga ng Makitang mas malaki pa ito sa bahay nila at parang kasing laki ng bahay nila Khanate
Kong sabagay ay mayaman ang mga ito kaya naman napaka swerte niyang siya Ang tatawaging ginang Lavorn lalo nat nagiisang anak si Khanate ng mga Lavorn
Napangiti nalang siya ng Makita ang malaking narang pinto ng bahay nila pumasok siya roon at namamanghang napatingin sa paligid Ang Makita ang tahanan kong saan bubuo sila ng pamilya ay talaga namang nakakamangha ang makasamang tumanda ang mahal mo sa Buhay sa bahay na iyon ay siyang pinaka magandang ala ala na magagawa ni Rex para sa sarili
At ang pagsilbihan at maging asawa si Khanate ang lalaking kanyang dating hinahangaan ay talagang suntok sa buwan
Huminga siya ng malalim at naglakad lakad dinala siya ng paa niya sa likod bahay kong saan bigla nalang sumulpot si Khanate at Lorenzo mula sa taas ay bigla silang bumagsak sa lupa
"Pinuntahan ko siya sa tahanan nila ngunit ang sabi saakin ng mga katulong roon ay umalis raw may alam ka bang ibang pupuntahan ng iyong kabiyak ?" Tanong ni lorenzo Kay khanate
"Wala..."nangunot pa ang noo nito at bumuntong hininga "ngunit alam kona kong nasan siya , salamat " tumango lang si Lorenzo
At ganun nalang Ang gulat ni Rex ng Makita kong gaano kabilis na nawala si Lorenzo nagtataka siyang napatingin kay Khanate ngunit wala na ang lalaki roon
"Nanrito ako" agad niyang naihawak ang kamay sa gilid ng lamesa na nasa tabi niya ng marinig Ang tinig ng lalaki sa likod niya
Ng humarap siya ay nakita niya ang mapupula nitong mga labi Hindi dahil iyon ang kulay kong Hindi dahil parang may likido doong naka dikit
"Nagtataka ka ?" Nabaling ang tingin Niya sa mga mata nito Ang abohang mata nito kanina ay naging asul na animoy natutuwa sa nakikita niyang pagtataka sa mukha ni Rex
"A-anong .....?...paanong ..??...Bakit..?" Hindi niya alam kong Anong uunahin na itatanong kong ano ba sila ?, O paano nila nagagawa iyon , o bakit ganun ang reaksiyon nito
Tuluyan na ngang lumabas ang tawa nito na nagpahinto sa ikot ng Mundo niya animoy huminto ang Oras para sa kanilang dalawa at binigyan siya ng pagkakataon na pagmasdan ang nakangiting mukha nito mali pala ang natatawa nitong reaksiyon
"tan adorable mi amor" (so adorable , my love)
Ang pagsasalita nito ng Spanish ay talagang lalo nagpa hulog sa lalaki at paglalim ng kanyang nararamdaman para Dito
Hindi niya alam na darating ang panahon na magiging ganito siya ka saya dahil lang nagsalita ng Spanish ang kausap niya at isang komento iyon para saknya
"no tienes curiosidad de lo que soy?" (aren't you curious of what I am ?)
Bumuntong hininga siya at hinigpitan pa ang hawak sa lamesa doon ay kumukuha siya ng lakas upang hindi matumba
Kong bakit ba Naman kasi napakahina niya pagdating sa lalaking ito kong sabagay Hindi na siya magtataka siya si Khanate ang unang lalaking nagpayanig ng Mundo niya
"Lo soy, pero tienes fuerzas para decirme lo que eres?" (I am , but do you have strength to tell me what you are ?)
Natatawa man ay tuamango siya saakin at tinignan ako ng seryoso kalaunan
"Meron pero Ikaw ...may lakas ka ba para manatili o tatakbo ka dahil natatakot ka ?" Tanong nito sakanya
Walang pag aalinlangang tumango siya sa lalaki
"Meron at kahit ano ka man o ano pa Bastat Ikaw parin ang Khanate na minahal ko walang kong paki Alam "
Ngumiti siya ng pagka lapad lapad Kay rex at kinuha ang palad nito tinaas ang manggas ng damit at kinagat ang braso niya
Halos mapuno ng sigaw Niya Ang buong bahay dahil sa sakit na bumalatay saknya lalo nat sinipsip pa nito Ang dugo niya
Hindi niya alam kong matatakot siya sa mga oras na iyon lalo nat ang mapupula nitong mata ay walang pag iingat na mababakas sabik na sabik ang dating ng itsura nito para sa dugo niya at wala siyang nagawa kong Hindi ang ikalma ang nanghihinang sarili
Ngayon ay nanghihina na siya pilit inaagaw ang braso mula sa bibig nito ngunit sadyang malakas ang lalaki kaya naman hinayaan nalang niya at mahigpit na napakapit sa braso ng lalaki ng babagsak na siya
Papikit narin Ang talukap ng mga mata Niya at ang huli niyang naalala ay Ang malakas na sigaw ng ama ni Khanate mula sa pintuan
"Tigilan Mo iyan Khanate mamamatay siya !!!!"
--------------------------------------------------
Mabilis na na idilat ni rex Ang mata ng maamoy ang isang mabangong aroma na talaga namang Bago lang saknya ay parang may naguudyok saknya upang gumising at tikman ang bagay na iyon
Bumangon siya sa higaan at wala sa sariling inalala ang nangyari ngunit ng maalala ay hinanap niya ang takot sa sarili wala siyang makapang takot
At gaya ng palagi niyang sinasabi sa sarili Hindi niya magagawang magalit o magtampo rito dahil mahal niya ito at kong matakot ang dapat ay nararamdaman Niya ngayon ay Hindi siya sasang ayon sa takot na iyon Hindi niya kakayanin na mabuhay na wala si Khanate
Agad na nilingon niya Ang labas ng malaking bintana ng marinig Ang hindi ng maliliit na insekto at kahit napakalayo ng puno Mula sa bintana ay kitang kita niya Ang maliliit na langgam na nagkakampo sa isang dahon
Nagugulat siyang napatingin sa boung lugar maraming Puno at nasisiguro niyang iyon ang magiging tahanan nila ni Khanate pagkatapos ng kasal nila
Wala sa sariling hinawakan niya Ang braso niya nandun parin ang kagat ni Khanate ngunit medyo parang naghihilom na
Lumabas siya ng silid at pababa palang sa hagdan ng marinig na niya ang mahinang naguusap sa baba
"Siguradong magagalit siya sa iyong ginawa Khanate at mapipilitan kaming patayin siya kong sakaling magwala siya " tinig iyon ng isang lalaki
"Kailangan Mo ring ipaintindi saknya ang batas at mga dapat na gawin mabuti nalang at naagapan ng iyong ama kong Hindi ay patay na siya "
Tuluyan na siyanb nasa gitna ng hagdan ng Makita ang malalim na pagiisip ni Khanate
Nakita niya ang dalawang bagong lalaking Bago sa kanyang tingin paningin
Lumingon sila sa gawi ni rex at bumuntong hininga ito
"Binibini alam Mo ba kong ano Ang nangyari sayo at ano kana o kong ano kami ?"
Wala sa sariling naglakad siya palapit Kay Khanate at pinagsiklop ang mg palad nila
Gusto niyang Malaman ng lalaki na kahit ano pa ito at kong ano pang ginawa at gagawin nito ay siya at siya parin ang pipiliin ni rex sa susunod na mga araw taon at panahon
"Bampira iyon na ako ngayon Hindi ba gaya niyo " tumango ang isang lalaki at ngumiti sa kanya
"Ako nga pala si Roger Arbencon mula sa hilagang bahagi ng Mundo pinuno ng mga bampira sa hilaga ikinagagalak kong makilala ka binibining Forexein " yumukod pa ito sa harap niya
"Ako naman si Louise Arbencon mula sa timog pinuno rin ikinagagalak ko ring makilala ka binibini" tumango lang si rex sa kanila at nilingon si Khanate na nakatingin rin saknya
"Bakit ganyan ka nakatingin ?" Tanong Niya rito
Ngumiti lang ito saknya at yumuko Yong halikan Ang taas ng ulo niya
"Te amo , mi amor " bulong nito saknya
"Mahal rin kita " sambit niya rito
Narinig niya ang papalayong hakbang ng dalawang lalaki ngunit may iniwan itong isang papel sa lamesa
Kinuha iyon ni Forexein at ng Makita ay ito Ang batas na bawal at mga dapat gawin ng isang bampira
Binasa niya ang lahat ng gagawin ng isang bampira
UNA
Maging malakas at makapangyarihan
PANGALAWA
Uminom ng sapat na rami ng dugo ng hayop at hindi Tao
IKATLO
Gamitin ang kaalaman at lakas para sa ikabubuti ng lahat
IKA-APAT
Maging normal ang pakikihalubilo sa iba na para ka ring isang Tao
IKA-LIMA
Panatilihin ang abohang kulay ng mata kapag may kaharap na tao o hindi kauring bampira
Sa limang dapat na gawin ay madali lamang iyon ngunit ang lubos na ikinatuwa niya ay kaya naman niyang gawin ang lahat ng iyon kaya binasa niya ang bawal na gawin
UNA
Huwag papatay ng tao
PANGALAWA
Huwag makipag usap sa mga taong lobo
IKATLO
Umiwas sa mga matataong lugar
IKA-APAT
Huwang lalabas kapag mainit ang panahon
IKA-LIMA
Hintayin ang pagsapit ng kabilogan ng buwan Bago mangaso para sa kakaining dugo
IKA-ANIM
Huwang manantala sa kahinaan ng iba para sa pansariling kagustuhan lamang
IKA-PITO
Huwang manirahan sa maraming taong lugar
IKA-WALO
Huwang mag tutungo sa lugar kong saan may tubig dapat
IKA-SIYAM
Huwang Basta Basta papasok sa gubat na bago lang para sa paningin mo upang mangaso
IKA-SAMPU
Ang mamatay ay dapat panghabambuhay huwang susumpa na muling mabuhay sapat na ang ilang taon mong mabubuhay ang mabuhay muli pagkatapos mamatay parehas ng mukha at pangalan ay may kapalit na kamatayan
Natawa sa huling parte si Forexein at tumingin Kay Khanate na nakatingin rin saknya
"Gagawin ko lahat ng ito para Hindi mas matagal pa kitang makasama " ngumiti siya Kay Khanate at ang malungkot nitong mukha ang bumungad Kay rex
"Maraming lumalabag sa huling kautusan sumusumpa silang mabuhay muli upang makasama Pa ng mas matagal ang mahal nila sa Buhay ...kaya kong mamamatay ako Hindi ako magdadalawang isip na labagin ang huling kautusan kahit kamatayan pa ang kapalit Bastat makasama lang kita ulit "
Nasisiguro ni rex sa mga oras na iyon na kagaya ng sinabi ni Khanate ay lalabagin niya rin Ang utos na iyon kong sakali dahil ang makasama si Khanate ay Hindi pagsisisihan ni Rex kailanan
"Halika may ipaparinig ako sayo " kinaya niya itong pumunta sa malaking Piano na naka lagay sa isang malaking bahagi ng kanilang bulwagan
Naupo siya sa harap noon at isenenyas sa lalaki na maupo sa tabi niya
Huminga muna siya ng malalim Bago tumipa ng Tono sa piano
Isang malamyos at Malungkot na Tono ang nilikha noon na sadyang nagkabog damdamin ni Khanate para sa Kay rex at ng mapuno ng Tono ang boung bahay ay Hindi napigilan ni Khanate na maiyak
"Sa boung Buhay ko palagi kong iniisip kong may Tao bang para sa akin o bampira , sapagkat napaka lungkot ng buhay na ito kong wala ka namang kasama , nakikipaglaban para sa Buhay na matagal na sinunog ng impyerno dahil halimaw "
"At sa mga oras na ito ay wala akong hihilingin pa kong Hindi ang paulit ulit na Ikaw at kong ibabalik ko ang panahon kong saan ako naging ganito paulit ulit kong pipiliin ang landas na ito kasi dahil rito kaya nakilala kita , Ikaw yong taong magbibigay sa akin ng isa pang pagkakataon para ipaglaban ang Buhay na ito dahil masasabi kong may saysay na ito ngayon kaysa noon "
"Paulit ulit kong isasangla ang kaluluwa ko sa impyerno Forexein maramdaman ko lang ang ganitong saya sa Buhay ko at sisiguraduhin kong tutubusin ko iyon sa araw na mawawala kana sakin , pero hindi ko atta kakayanin kong mawawala ka saakin "
Ang mahaba nitong salita ang humaplos sa puso ni Rex at sa bawat pagtipa niya ng nota ay Ang pag luha niya
"Isasangla ko rin sa impyerno ang kaluluwa ko Bastat makasama lang kita , handa akong labagin ang lahat ng utos para makasama ka lang kahit pa nga kamatayan ang kahahantungan noon dahil alam ko sa Oras na mamatay ako masasabi kong sapat lang iyon at sobra pa para sa saya na maibigay mo saakin ...sa Buhay ko "
"Paulit ulit kitang mamahalin at pipiliin dahil Ikaw na Ang Buhay ko sa mga oras na ito at hinding Hindi ko makikita Ang sarili kong nakangiti kong Wala ka sa tabi ko "
Huminto siya sa pagtipa ng nota at humarap Kay Khanate ngunit sa pag harap niya ay labi nito Ang sumalubong saknya
"Mananatili ako sa impyernong ito kong Ikaw Ang kasama ko "