Chapter 4:The Reunion
** Nicolle POV **
Nakatingin lang kami sa dalawang tao sa harapan. The famous young businessman and the famous businesswoman-- Jk and Dee.
Hindi ko maikakaila na napakaperpektong babae ang nasa tabi ni J ngayon. Alam ko na magandang mukha ang nasa likod ng maskara na ‘yan. Habang pinapakilala ng emcee ang babaeng nasa harap ay di ko maiwasang humanga sa kaniya. Sa napakabata niyang edad ay bihasang bihasa na siya sa negosyo kaya pala halos siya lang ang bukang bibig at halos lumuhod na sa kaniya ang mga mayayamang negosiyante na nakapalibot sa amin.
"Bakit hindi niya tanggalin ang maskara niya? Familiar sa akin ‘yung feature niya." curious na sabi ni Gucci.
"Yeah right. If Dolly is alive I'm sure that she well envy that girl. She's perfect." Sabi ni Channel na parang manghang mangha naman sa babaeng nasa harapan.
Tinuon ko ulit ang pansin ko sa babaeng pinag-uusapan nila. They are right! She's perfect. Mahihiya ang salitang perfect sa kanya ‘cause she’s beyond perfection. She's wearing the elegant gown, strapless royal blue gown that softly kisses the floor. The fine silky satin dress had exposed haft of her back and gently hugged her waist and emphasized the firmness of her breasts. There were also Victorian swirls down the length of the dress. to match the dress, she had a silver mask with swirls of blue sapphires carefully hiding half of her face, only giving away her dark brown eyes and red lips.
"She looks Dolly." napatingin ako kay Kenj sa tabi ko. She looks Dolly? Dolly Fiona? I doubt that. Matagal nang wala ang dalagang ‘yun. Move on, dude!
Hell yea, okay na kami. Wala na ‘yung awkward na pagitan namin. Parang ako lang naman nakaramdam nun. Wala lang sa kaniya ang nangyari. Jerk!
"She looks like ME?? Oh~ I'm better than her." Biro ko pa kahit alam ko naman na hindi ako ang tinutukoy niya.
"Feelingera!" sabi naman ng tatlo. Tiningnan ko sila at sabay sila nag rolled eyes. Di ko nalang sila pinansin dahil alam ko namang walang patutunguhan kung papatulan ko sila. Matatanggap rin nila ako pagdating nang panahon.
Nakatingin lang si Kenj sa katabi ni J, nakita ko naman na magkahawak kamay si J and Dee. Psh. Hands off Dee, you b***h!
Lahat ng businessmen ay busy sa pagtitipun. Kaniya-kaniya ang lapit sa mayayamang negosiyante. Hinanap ko si Kenj na kasalukuyan naman siyang nasa kabilang table at umiinom ng alak habang nakatingin kay Dee. What is his problem? Kung makatitig naman siya akala mo kung anong klaseng nilalang ang nasa harapan niya. ‘Wag niyang sabihing na love at first sight agad siya?
Lalapitan ko sana siya para kausapin sa nangyari kagabi ng kababalaghan namin ng hinarang ako ng tatlong babaeng kaibigan ni Fiona. Psh!
"What?" I asked. Akala ko ba wala silang panahon sa ‘kin?
"Hey? Sa likod tayo." Gucci said.
Pumunta kami sa likod. Tss. Kailangan ko pang makausap si Kenj eh~ Di ko rin maintindihan ang takbo ng utak ng tatlong ‘to! Laging umiiksina tapos aawayin rin naman ako. Mga isip bata!
--
** Third Person **
Nagulat ang binatang si Jk na nasa harap nila ang lalaking di niya inaasahang lalapit sa kanila. Ang buong akala niya ay sila pa ni Dee ang unang lalapit sa mga kaibigan nitong matagal na niyang minimithi na makasama pero hindi niya malapitan dahil sa dalawang taong hindi niya inaasahang makikita sa pag diriwang.
"Dance with me." mautoridad na sabi ng binatang si Kenji sa dalaga.
Nakatingin lamang ang ang binatang si Kenji sa dalagang nasa harapan niya. Nais niya itong maisayaw at ayaw niyang ayawan siya ng dalaga. Nakikita niya sa dalaga ang pumanaw niya na kasintahan na anim na taon na ang lumipas. Hindi niya matanggal ang paningin niya rito pero may kung ano sa dalaga na pilit siyang hinihila nito papalapit sa kanya.
'Please say no!' sabi ng binatang kasama ng dalagang si Dee. Ayaw niya na magkalapit ulit ang dalawa dahil sa nakakatakot na pwedeng mangyari. Tulad nang mga nangyari noon ay ayaw niya nang balikan pa nang dalaga ang binata.
"Please." dugtong pa ng binatang si Kenji na nakatuon lamang ang pansin sa dalaga na malamig na nakatingin sa kawalan at di man lang siya tinapunan ng tingin.
"Mr. Suzuki, sa tingin ko ay hindi pumapayag ang fiancée ko sa gusto mo. Mag hanap ka nalang nang ibang babae.” Hihilahin niya sana si Dee palayo sa kanya pero pinigilan siya ni Kenji.
"I'm not talking to you Mr. Kawasaki." matalim at may pagbabanta na sagot ng binata.
"How dare you." galit na wika ng binatang si Jk.
Malaking katahimikan ang namagitan sa kanila. Tiningnang mabuti ng binatang si Kenji ang dalaga sa harapan niya. Kung buhay pa ang namayapa niyang kasintahan ay masasabi niyang nasa harapan niya na ito. Napailing siya sa kanya iniisip. Imposible. Nilahad niya ang kamay niya para maisayaw ang magandang binibini.
"Please. Dance with me." wika niya.
Hinintay nila ang isasagot ng dalaga na kanina pa hindi umiimik at malamig na nakatingin sa kawalan habang natutuwang nakikinig sa pag-uusap sa dalawang binata na nag uusap sa tabi niya.
"Dee, let's go!" mariin na sabi ng binatang si Jk.
"Dance with me." maotoridad ulit na wika ng binatang si Kenji.
"Ano ba Mr. Suzuki! Di pa ba--" di na niya natapos ang sasabihin niya ng hinawakan na ng dalaga ang kamay ng lalaking nag imbita sa kaniya na maisayaw siya sa napaka ganda at napaka romantiko na sayaw.
Nagulat ang binatang si Jk na hinawakan ng dalaga ang kamay ng binata at inakay ang lugar kung saan marami ang nagsasayaw. Tiningnan niya nang masama ang dalawa. Bakit ka pumayag, Dee. Ano bang iniisip mo?
'Akin ka Dee. Di ako makakapayag na mapunta ka sa iba, lalo na sa kaniya!' sabi niya sa kanyang sarili at tinunga ang alak sa harapan niya habang pinapatay niya ng tingin ang lalaking sumasayaw kasama ang babaeng mahal niya.
Kasalukuyan nagsasayawan ang dalawa. Pagkahawak at pagkahawak palang ng dalaga sa kamay na nilahad ng binatang si Kenji ay may kung anong kurente ang dumaloy sa kanilang dalawa at mas lumiyab ang katawan nila ng magkalapit ang balat nila habang nagsasayaw.
"So you're the famous Dee." wika ng binata.
Umiwas ng tingin ang dalaga. Sa lahat ng tao na andito bakit ito pa ang kanya makakasayaw? Ayaw niya namang mag mukhang bitter sa lalaki. Ayaw niyang tumanggi dahil baka sabihin pa nilang hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya para rito.
Pinili ng dalaga ang ‘wag ng kausapin ang binata at manahimik nalang. Habang nakatitig si Kenji kay Dee ay may kung anong nagsasabi sa kanya na ito ang Fin na mahal niya, ang Fin na anim na taon nang namatay.
'Imposible!' sabi niya sa sarili.
Napatingin siya sa dibdib ng dalaga. 'Hindi naman ganito kalaki ang hinaharap niya kaya imposibleng siya to at imposibleng mabuhay ang anim na taon nang patay.' umiiling niyang sabi sa sarili. Inamoy niya ang dalagang kasayaw niya na siyang kinabigla ng dalaga pero pinabayaan niya nalang ito. Ayaw niyang mag pakita ng kahit anong emosyon para sa taong nasa harap niya.
'Amoy Vanila.' Pamilyar sa kanya ang amoy kaya napapikit siya habang inaalala ang dati niyang fiancée.
'Nababaliw ka na talaga Kenji.' sabi niya sa kanya sarili.
Sa kabilang banda ay matiim namang nakatitig ang binatang si Jk sa dalawa na nagsasayaw sa gitna at napayukom siya ng amoyin ng binata ang babaeng ito. Gusto niyang kaladkarin si Dee palayo sa lalaking ‘yun pero alam niyang di ‘yun nanaisin ng dalaga.
"OMG Jk! Kanina pa kita hinahanap." sabi ng dalagang si Gucci habang papalapit sa binata. Umayos ng tayo ang binata at hinarap ang dalaga. Ngumiti siya rito at hinintay ang papalapit na dalawa pang kaibigan nito.
"Why?" sagot niya sa mga magagandang binibini. Halatang kaibigan sila ng babaeng minamahal niya anim na taon ang nakakaraan. Pareho silang magaganda at kikay. Hanggang ngayon wala paring pagbabago sa attitude ng mga babaeng ‘to.
"We decided to have a REUNION!" sabi nila sabay sabay.
'Reunion? So papupuntahin nila si Dolly?' tanong ng binata sa kanya sarili.
"So?" sagot niya sa mga dalaga. Di niya alam kung pano rumeak sa harap nila dahil kahit kailan ay di niya naman ito naging kaibigan kahit pa sabihing siya ang fiancee ng matalik nilang kaibigan. Isang beses niya lang nakasama ang mga kaibigan ni Dolly at ‘yun ay nung nagkita sila sa mall habang ilang buwang buntis pa lamang si Dolly.
"Anong so? You're INVITED! Isa pa it is also a party, for us....and for Nicolle." wika ni Hermes. Party? Napakunot ang noo nang binata. Bakit kasali siya gayung hindi naman sila ganun ka close para magcelebrate. Napailing siya. Maybe because I am one of their invistors kaya nila to ginagawa. to thank me, that’s all.
"Nicolle? Standford?" pati siya kasali? Nakalimutan na ba nila ang ginawa nang dalaga sa kaibigan nila?
"Yup! We’re friends na kaya! She confessed about the 'issue' six years ago! So, she's finally forgiven." maarteng sagot ni Channel.
"Oh~" sagot niya nalang. 'Napatawad na pala nila ang babaeng ‘yun. Si Dolly kaya napatawad na kaya siya?' tanong niya sa kanya sarili.
"So, ano? Aasahan ka namin ha? E-email ko nalang sayo kung saan. The day after tomorrow ang alis natin." sabi ni Gucci.
"Wait. Bakit kasali ako ‘di ba pwedeng si Do-" napotol ang sasabihin ng binata ng magkagulo na sa gitna ng nagsasayawan. Agad namang binalik niya ang atensyon nang dalagang kanina niya pa tinitingnan. Darn! Ano na naman ‘yang gulo mo, Dee?
Nagulat sila nang sinampal ni Dee si Nicolle na nakayakap kay Kenji at umaaktong sasabunutan pa ito kung hindi pinigilan ni Jilton. Maraming nagbubulongan sa paligid pero walang silang pakialam. Hinugot ni Jk ang kamay ng dalagang si Dee at umalis na nagkakagulong pagdiriwang. Hindi niya na pinansin ang media saka nila nilisan ang lugar.
'Ano na naman bang nangyari? Di ko lang siya nabantayan ng ilang minuto ay may kasampalan na siyang iba? Dang it!' sabi niya sa sarili.
-------------------