Chapter 5: Miracle Exist
** NICOLLE POV **
F*ck! F*ck! That b***h slapped me infront of the crowd. That was so embarassing. Last night was the worst night ever! She slapped me and I didn't manage to slap her back. Arrgg.. I don't get her. Damn! Bakit ba siya nagagalit? Wala naman kaming ginagawa sa kanya. Kung makaasta siya akala mo naman ginahasa siya. Psh!
Napatingin ako sa salamin sa C.R ko. Nakakahiya talaga ‘yung kagabi. Pagkatapos ng pagsampal niya sa akin ay hinigit pa siya ni J. Gosh! Next time I'll f**kin' slap her face. I can do better than revenge.
** FLASHBACK **
Pagkatapos ng tatlong sampal na natamo ko sa tatlong babaeng ‘yun ay sabi nila forgiven nadaw ako. Sinabi ko sa kanila ang rason ng katangahan ko at kabaliwan ko kung bakit ko nagawa ang kasalanan na ‘yun. Isang salita lang ang sagot nila.
"MALANDI!" sabi nilang tatlo with feelings tapos nagtawanan.
Sabi nila na kailangan na daw namin mag move-on at patawarin ang mga nagkasala. Kasi nga nagawa nga nilang patawarin si Kenji kahit di naman humingi ng tawad sa kanilang tatlo, 'ang kapal talaga ng lalaking ‘yun' ay napatawad din naman nila.
Panahon na daw para magpatawad at bigyang ng pagkakataon ang isa’t-isa. Ang cheesy ‘di ba? Kinilabutan nga ako. Napagdisisyonan naman nila na ipaglapit ako kay Jk kasi nga alam nilang mahal ko ang taong ‘yun at alam nila ang paghihirap ko. Tinawag pa nila akong tanga at kung ano-anong insulto ang sinabi nila tapos nag-isip ng paraan para mapalapit kami ulit.
Pagkatapos naming mag-usap ay pumunta sila kay Jk habang ako naman hinanap ko kaagad si Kenji. Nasaan na ‘yun? Kanina andito lang siya ah?
"Lex nakita mo si Kenj?" tanong ko sa kaniya na busy naman sa pakikipaglandian sa asawa niya. Tss.
"There." tinuro niya ang nagsasayawan sa gitna.
Nagulat ako ng nakita ko na sumasayaw sila ng babaeng ‘yun. Nang babaeng si Dee. Tiningnan ko lang sila. Kung titingnan sila pareho ay talagang bagay sila. Di naman ako bitter kay Kenj kahit may nangyari na sa amin. Ewww. Wait bakit parang ang bitter pakinggan?
Let me rephrase -- Di naman ako bitter kay Kenji kasi mag kaibigan naman kami. HAHA. Much better.
Nakita ko na lumapit ang mukha ni Kenj sa leeg ni Dee. Nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako ng tinulak siya ni Dee at sinampal ng DALAWANG BESES. Natanggal ang maskara ni Kenj sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya at napatigil ang kalapit na mga sumasayaw rin. How dare her slap Kenj infront of the crowd?! Matataas at makapangyarihan ang uri ng ng tao ang nakapalibot sa amin. For cheese cake sake!
Lumapit ako sa kanilang dalawa at narinig ko na nag 'Sorry' si Kenji pero ngumisi lang ang dalaga. Lumapit pa siya dito at sinampal ulit si Kenji. OH~ ENOUGH! Kung makareak siya parang berhen ah.
"Miss, Can't you hear his apology? Kung maka react ka sa simpleng halik niya parang sino kang berhen ah." sabi ko ng makalapit na ako.
Okay~ Nakakatakot siya sa malapitan. Cold Stares at evil smirked could found in her pretty face. Nakaka intimidate ang tingin niya. Parang nagtayuan ang balahibo ko. Hindi siya nagsalita at lumapit siya sa akin.
Nagulat ako ng sinampal niya ako. Sh*t! Ang sakit ng sampal niya. Naiiyak ako. Pakiramdam ko natanggal ang make-up ko dahil sa sampal niya. Napaatras ako at napakapit ako kay Kenj sa sakit ng sampal niya! Psh. Andami ng bulong-bulongan sa paligid namin pero nakangisi lang siya. Marami na rin ang nag fa-flashed na camera. Oh~ F*ck! That b***h! Di na nga ako nakaganti iniwan pa ako sa ere na may mga cameraman sa paligid.
End of Flashback **
Nakakainis talaga. Ako ang bukang bibig ng media ngayon. Pati sa newspaper nakikita ko ang nangyari kagabi. Jezuz! Anong gagawin ko? Anong mukha pa ang ihaharap ko sa press? Kanina pa rin tumatawag si mom at dad para tanungin ang iskandalong pinasok ko. Wala naman akong ginawa ah? Ako pa nga ‘yung nasaktan!
Message Received
From Gucci:
Yo b***h! Be ready. OTW na kami dyan. Ngayon ang alis natin.
Napatulala ako habang binabasa ang text ni Gucci. Talagang ngayon na? Akala ko ba bukas pa?
To Gucci:
Nice greetings! Tss. Bat ang aga naman? ‘Di ba bukas pa tayo aalis?
Message Received
From Gucci:
Ayaw mo? Gusto mo bang manatili rito na mainit ka pa sa media? Pinagpe-pyestahan kayo ng media b**ch! Kayong dalawa ni Kenji ay kailangan ng mahabang bakasyon at isa pa kailangan ka namin. Sa resort na tayo ni Hermes pupunta. Malayo ‘yun dito.
To Gucci:
Okay. Pero si J? Pupunta siya?
Message Received
From Gucci:
Yes! Enimail ko na namin sa kaniya ang name ng resort. Darating siya bukas kaya kailangan na tayong mag handa ngayon or else....
To Gucci:
Okay.
Message Received
From Gucci:
Very Good Bitchy! Wait, you should bring lot of stuff. Five days tayo dun. Bye. Malapit na kami dyan.
Whaaaaaaatt? Those three girls are crazy? Five days? Gosh! Kailangan ko ng mahabang paghahanda para kay J. Magkikita kami at ayaw kong mag mukhang manang sa harap niya. Oh Sh*t! Anong gagawin ko? Kailangan kong ipractice ang sasabihin ko pag nagkita kami. Ayaw ko makafeel ng pagkailang dun sa huli naming pagkikita.
Sighed ~
****** THIRD PERSON ******
"Paano ‘yan dre? Pupunta din si Jk dito! Gag* ‘yun ah! Matagal ko na rin ‘yun hindi nakikita." sabi ni Rence sa kanila habang pinapaypayan ang barbeque nila.
"Oo nga pinuno! Anong plano? Puruhan natin?" maangas na sabi ni Jigs.
Tumingin naman sila sa hindi kalayuang mga dalaga na nagtatawanan. Nung una hindi nila akalain na magkakabati ang apat na babae na ‘yan pero ngayon ay masaya at nagkakasundo na sila sa loob at masaya namang nagluluto.
Napailing nalang ang binata. "’Wag na. Mahal pa rin siya ni Nicolle." sagot niya.
"Oh! Baka naman may namumuong pagtingin ka kay Nicholle pare." Tiningnan sila nang masama nang binata.
Para naring kapatid ang tingin niya sa dalaga. Inamin niya na nagustohan niya ito at kaya niyang mag mahal muli para sa babaeng ito pero nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya sa pumanaw na kasintahan. Napabuntong hininga siya habang napa-isip.
'Kamusta ka na kaya Fin? Sana masaya ka kung saan ka man ngayon.' nasabi niya sa kanya isipan. Araw-araw niyang naaalala ang dalaga. Malinaw pa rin sa kanya alaala ang mga iniwan alaala ng dalaga.
"O M G!!!!!!!!" napatingin naman ang mga kaibigan ni Kenji sa mga dalaga na tumili na parang nasaniban ng kung anong ispirito at may mga ngiti sa labi na papalapit sa kanila.
"Hoy! Maarteng babae! Anong tinitili mo dyan?" tanong ng binatang si Jigs ng makalapit si Channel sa kaniya. Inirapan lang ito ng dalaga at sabay-sabay ang apat na dalaga na ngumiti bago nagsalita.
"On the way na siya!" Sabay-sabay nilang sabi sa mga lalaki. Alam nila ang tinutukoy nila kaya naman napailing nalang ang mga kalalakihan. Buong beyahe ay ‘yun ang bukang bibig nila.
"Ano naman ngayon? Tss." sagot ng binata.
"Replyan mo na Channel! Bilis." Sabi ni Nicolle at tiningnan ang cellphone ni Channel. Halatang excited na makita ang binata.
"Okay ito na. Let’s ready na kaya! Let's go." saka sila pumasok at hinanda ang pagkain para mamaya. Tila na itsapwera na ang kagwapohan at kasipagan nang mga lalaking kasama nila. Nakatingin lang sila sa apat na babaeng parang mga teen ager kung magtititili.
"Guys! Tapos na ba ‘yan? Tara na. Malapit na daw si Jk!" sigaw ni Hermes at umalis para asikasuhin ang pagkain sa loob.
Sirado ang resort nila ngayon dahil naisipan nila na kailangan nila ng privacy mula sa mga media at naisipan naman ni Nicolle na siya na rin ang bahala sa gastuhin para hindi sila malugi at pumayag naman si Hermes. Tanging sila lang mag kakaibigan ang nasa resort at abala naman sila sa paghahanda. Umupo na ang mga lalaki sa mahabang mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain na hinanda nila pero di man lang nila ito magalaw.
"Ano ba girls? Gutom na kami.." reklamo ni Seb at tumango-tango naman ‘yung ibang kasama nilang lalaki.
"Konting tiis pa boys. E inum niyo muna ‘yan ng tubig." sabi naman ni Channel.
"Ano ba ‘to?! Halos malasing na kami sa kakainum ng tubig eh." reklamo naman ni Jigs.
"Oo nga, kumain na muna tayo kahit tikim lang. Please?" pag sasang-ayon din ni Gucci dahil kanina pa talaga to gutom pero kahit isa wala man lang gumagalaw ng pagkain sa harapan nila.
"Sige na nga!" sabi ni Hermes.
'Gosh! Kakain na sila wala pa si J?' sabi ni Nicolle sa kanya sarili. Ngunit sumabay nalang ito na kumain sa kanila. Tahimik lang siyang kumakain habang ‘yung iba naman ay nag kukwentohan. Magkatabi si Kenji at ang dalagang si Nicolle. Walang imikan at nakikramdam lang sa nakapalibot sa kanila.
'J, saan ka na ba?' malungkot niyang tanong sa sarili.
"Ano ka ba Jigs?! Patay-gutom talaga ‘tong unggoy na ‘to!" sigaw ni Channel habang inaagaw ang crispypata nito sa plato ni Jigs. Napailing naman siya sa inasal nila.
"G*go! Kailangan ko pang bumili ng gatas ng anak ko! Hoy! Akin na ‘yang wallet ko." sigaw naman ni Lex.
"Ano ka ba daddy Lex, mayaman ka naman eh. Akong bahala sa inaanak ko." sigaw naman ni Kent habang nag kukulitan sila ni Lex sa mesa na parang mga bata.
"Hoy Gucci! Akin na nga ‘yan, nanakawan mo pa ako ng ulam ah!" sita naman ni Hermes.
Napailing nalang dalaga. 'Nasan ang table manners ng mga nilalang nato?' Hanggang ngayon mga isip bata pa rin ang mga taong ‘to.
"Girls, I'm sorry I'm late." bigla namang dating ni Jk at lahat sila ay napatingin sa direksyon kung saan ang binata.
'Ba’t ang dami niya namang dalang gamit? Bakasyon naman ang pupuntahan niya, kung makapaghanda siya ng gamit kala mo naman lalayas! Tss.' Sabi sa sarili ni Kenji at tinuon ulit ang atensyon sa pagkain.
Nang mahimasmasan naman ang ibang tropa ni Kenji ay inirapan lang nila ang binata at kumain ng tahimik dahil na rin ayaw nila ang presensya ng lalaking kararating lang.
"JK!" sabi ng tatlong babae. Lumapit sila kay Jk at hinila nila ito sa bakanteng upo-an sa harap ni Nicolle. Ang plano kasi sana nila ay tabi si Nicolle at si JK pero nauna na silang kumain at nakaupo na si Kenji sa tabi ni Nicolle.
Nakangiti namang nakatingin si Nicolle kay Jk, nahalata to ng binata kaya inirapan niya to at tinuon ang pansin sa tatlong babae na inalalayan siya paupo.
"Pasensiya kana Jk, kumain na kami. Ang tagal mo kasi eh, gutom na alaga namin." sabi ni Gucci.
"Okay lang." sagot niya at ngumiti sa kanila.
"Kanina ka pa namin hinihintay eh."
"Paseniya na. Natagalan lang." sagot naman nang binata.
"Ba’t ka pala natagalan?" tanong ni Hermes habang inaabutan siya nang pagkain.
"Pinark pa kasi namin ang kotse." sagot niya. medyo naguluhan naman sila sa sinabi nitong 'NAMIN'.
"Sinong 'NAMIN'?" pasigaw na tanong ni Nicolle. Di niya na napigilan ang bibig niya sa pagtanong dahil sa gulat na may kasama pala ‘tong iba. Ang akala kasi nila ay siya lang mag-isa. At nais niyang sipain ang sarili niya dahil sa tanong niya sa binata. Para siyang isang naghihinalang asawa.
Natahimik naman ang kasama nila pati ang mga lalaki ay napatingin sa kanila habang sumusubo.
"Oo nga, anong namin? May kasama ka pa?" tanong ni Hermes na di makapaniwala. Inimbitahan niya nga lang ang lalaking to pero di nila inaasahan na mag iimbita pa siya ng iba gayong alam niya naman na isa itong 'Reunion' ng magkaibigan.
"Oo, ‘di ba reunion ‘to?! Kaya sinama ko na siya." sagot ni Jk at nag lagay na ng kanin sa plato niya. Gutom na kasi to at parang wala naman itong balak na yayaing siya na kumain at pinaupo lang sa mesa. Naguluhan naman ang mga to sa sinabi ng binata. Magtatanong pa sana sila ng may biglang pumasok at nagsalita. Napatingin sila sa dereksyon na ‘yun.
"I'm late and I won't say Sorry for that." mataray niyang sabi saka nilagay ang gamit niya sa isang bakanteng mesa.
Napatulala sila nang makita nila ang dalaga sa harapan nila. Ang akala nilang patay na ay nandito ngayon sa harapan nila. She’s dashingly gorgeus. Napanganga ang mga kaibigan nito lalong lalo na ang mga lalaking naiwan pa sa ere ang pagkain nila.
She remains cold and empty in front of her friends. Saka siya umupo sa bakanteng upuan dahil parang wala silang planong paupuin ito.
"DOLLY! You're alive!!" gulat at saya na sabi ng tatlong dalaga at maluha-luhang lumapit sa kaniya. Yumakap sila sa dalaga. Ilang sandali pa ay yinakap sila pabalik nito.
"I'm alive and strong as an odre. I'm still existing right now and could continue being b**ch to anyone I want to." sagot ng dalaga habang nakatingin sa dalagang si Nicolle na di pa rin nakaka get over sa nakita. Hindi nila pinansin ang sinabi nang dalaga at masayang hinarap ito.
"OH MY GOD! Miracle exist! We missed you so much Dolly." sabi ni Channel at masayang niyakap ulit ng sobrang higpit ang kaibigan.
"Dolly P-paano? Ano? Kelan?" naguguluhang tanong ni Hermes. Pilit na ngumiti ang dalaga sa kanila.
“Nagkita na tayo kagabi. Bakit parang gulat na gulat kayo?” tanong pabalik nang dalaga kaya napanganga ulit sila sa sagot nito. Napakunot ang noo nila habang nakatitig rito.
'Fin.. Bumalik ka. Binalikan mo ako.'
----------------------