CHAPTER 6

1994 Words
Chapter 6: Third Person   Tahimik silang kumakain habang nakatingin sa dalagang kumain. Halos lahat sila ay di makapaniwala. Maraming tanong ang nais nilang itanong sa dalaga pero iba ang aura nito. Ramdam nila ang pagbabago nito. Parang hindi na ito ang Dolly na nakilala nila. Ang tatlong dalaga na kaibigan nito ay masayang kumakain habang nakatingin sa kanilang matalik na kaibigan na matagal na nawalay sa kanila at ang inakala nilang patay na. Marami silang gustong itanong sa dalaga pero mas pinili nalang nilang ipagpaliban muna ito dahil halata namang ayaw magsalita ng dalaga.   Nagulat rin si Dolly sa sa inasta nang mga kasama nila. Para itong nakakita nang multo at may nais itong itanong sa kanila. “Bakit hindi mo man lang kami nilapitan kagabi?” nakangiting tanong ni Gucci. “Nandun ka pala sa party pero hindi mo man lang kami nilapitan.”   “I was about to talk to you girls pero dahil sa eksenang nangyari kagabi at nagkagulo na ay hindi na ako nakalapit pa.” sagot nang dalaga.   “So, ikaw nga ‘yung nagpakilalang Dee kagabi?” deretsong tanong ni Hermes at tumango naman ang dalaga. Napasinghap sila at tiningnan ang pinuno nilang tahimik habang nakatitig sa dalagang nasa harap nito.   Hindi na muli nagsalita o nagtanong ang mga kasama niya. Dahil na rin sa tension sa pagitan nilang apat. Hindi nila alam paano magrereact sa harap nang kaibigan nilang matagal nilang hindi nakita. Tapos ng kumain si Dee at akmang tatayo ng natigilan siya sa nagsalita.   "How are you? How come that you’re still alive? Care to explain..?!" sabi ni Lex. Nagulat sila ng mag salita si Lex. Naging mabuting magkaibigan rin naman silang dalawa at wala siyang nakikitang awkward sa tanong niya dahil ramdam niya na parang walang balak mag salita ang dalaga. Ayaw niya namang may mga tanong sa mga isipan niya na kahit isa sa mga kaibigan niya ay walang makakasagot. "Why? Aren't you happy that I'm still breathing?" pabalik na tanong nito. "Of course we're happy! But..... How? I mean it's been six years? We thought that you already dead! How about the accident? Your burial -- I mean...Can you...explain what's going on?" sabi niya na parang naguguluhan. Tumango-tango naman ‘yung iba dahil kahit sila ay di makapaniwala.   Ilang taon rin ang nagdaan at paano nangyaring buhay pala ang akala nilang matagal nang patay. Hindi man lang ito nagpakita sa kanila. Naniwala silang matagal na itong patay pero hindi pa pala. Pakiramdam nila ay nilihim sa kanila ang katotohanan. Naniwala sila sa isang malaking kasinungalingan. Tiningnan lang sila ng dalaga at agad na tumalikod sa kanila na wala man lang binibigay na sagot pero bago pa man makalisan ang dalaga ay nagsalita na si Kenji. "I miss you." sabi ng binata. Di nag salita si Dolly kaya pinagpatuloy niya ang pagsasalita. “Thank God you’re safe and alive.” Tumayo ang binata, “Hindi ako nagkamali nang makita kita kagabi. Kahit nakamaskara ka, alam kong ikaw ‘yun.” Hindi siya sinagot ni Dolly at umalis sa harapan nila. Agad naman siyang hinabol ni Kenji. Nagsitayuan ang mga kasama nila.   "Why are you acting like that huh?! I'm talking to you, Dolly! Come back here!" Sigaw niya. Napailing ang dalaga. Hindi ganito ang inaasahan niyang sasalubong sa kanya. Nagkagulo naman agad sila sa inasal ni Kenji. Sinundan nila ito at tanging si Jk nalang ang natira sa lamesa at kumakain. 'Tss. Masasanay rin kayo.' sabi ni Jk sa kanya sarili. Ilang taon niya ring sinanay ang sarili niya kay Dolly.   Nang maabutan ni Kenji ang dalaga ay agad niyang hinawakan ang siko nito na agad naman nag pahinto sa dalaga. Tiningnan niya ang binata na parang sinasabing 'Don't-touch-me-or-else' Agad naman siyang binitawan ng binata saka humarap sa dalaga. Ang mga kaibigan naman nito ay nakatingin lang sa kanila at hinihintay kung sinong unang mag sasalita. Kahit si Nicolle na gulat na gulat pa rin sa pangyayari ay nagawa pa rin silang sundan. Kahit na marami siyang gustong e-sumbat sa babaeng kasama ni Kenji. 'Nagpakulong lang ako para sa wala? Darn!' sabi niya sa kanya sarili.   "F*ck! Now, listen to me, About what happened six years ago, I'm so sorry. It's my fault! I'm assholle. G*go na kung gago! Slap me. Kick me. Just please forgive me. I ..I miss you so much.." sabi ng binata tapos niyakap niya ang dalaga. Di nag salita si Dolly at di rin niya ginantihan ng yakap ang binata pero mas niyakap pa siya nito ng mahigpit. Wala siyang pakialam kung nandun ang mga kaibigan niya na nakatingin sa ka chessyhan niya, ang nasa isip niya lang ay sobrang na miss niya ang babaeng nasa harapan niya. "Are you done?" malamig na tanong ni Dolly. Bumitaw naman sa pagkakayakap si Kenji pero nakahawak ito sa braso niya. “Kung tapos ka na, pwede na ba akong lumabas? Gusto kong magpahangin.”   "Damn! Why are you acting like that? Tell me! I said I'm sorry." sabi ng binata.   Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa mga oras na ‘to. Hindi niya rin inaasahan na darating ang oras na kung saan magkikita silang muli nang dalaga. Pinangako niya sa sarili niya noon na kung bibigyan siya nang pagkakataong makita at makasama muli ang dalaga ay hinding-hindi niya na ito pakakawalan. Hindi naging maganda ang takbo nang buhay niya nang mawala ang dalaga. Hindi niya na hahayaan ang na maulit muli ang nakaraan.   "Stop it, Kenji." tiningnan niya ito sa mata. "’Wag kang umasta na para bang may pakialam pa ako sayo. Di lang sayo umiikot ang mundo ko." dugtong ng dalaga. "What? Why? Akala ko bumalik ka para sa –" tumawa naman ang dalaga at ramdam ng mga nakatingin sa kanila na isa itong mapanuksong tawa. "Conceited that much huh?! I'm not here for you. I'm back to clear some things here that I left six years ago." Tinignan siya nang dalaga, “Sa tingin mo talaga ay ikaw ang binalikan ko rito? Gumising ka.”   "But--"   "Cut this sh*t Kenji! Kung ano mang meron tayo noon, it's over." seryoso ang mukha niya habang sinasabi ito. Totoong ayaw niya nang balikan pa ang binata. May misyon siya na kailangan tapusin at wala siyang panahon para makipag-igihan sa lalaking nasa harap niya.   Di makapaniwala ang binata sa inaasta ng dalaga. Di naman siya ganito gaya ng dati. Masayahin ito. Mapagmahal. At Sweet. 'Damn! It's all my fault that’s why she's acting like this! I hurt her! I hurt her!'   "I'm sorry." sabi niya sa dalaga saka napayuko. Napahawak siya sa sintido niya at muling binalik ang paningin niya rito, “I’m so sorry.”   "It's okay." tiningnan niya ang dalaga. "Kenji, it almost six years ago! I've moved on." Tuloy nang dalaga.   Nanlumo ang binata sa narinig. 'Moved on'? Kahit kailan di pumasok sa utak niya ang pakawalan ang nakaraan. Marami siyang pag hihirap dahil sa dalaga at nauwi lang sila sa ganitong sitwasyon. "Nagbago ka na." he said. Tumawa naman ng mapakla ang dalaga.   "Oh common Kenji. People change. Situation change. Learn to adapt." natahimik sila. Nakatitig lang ang binata sa kaniya. Gusto niyang hagkan ang dalaga pero nawalan siya ng lakas sa pinapakita nito sa kaniya. Parang ibang tao ang nasa harap nila.   "Dee! Oh~ Excuse me guy's but I need to talk to her." sabi ni Jk ng makalapit ito sa dalaga at nilahad ang cellphone nito.   "Tumawag si tito. Tatawag nalang daw siya ulit. Mukhang importante." dugtong niya.   "Okay." kinuha ng dalaga ang cellphone na nilahad ni Jk. "Excuse me." dugtong niya. Pero pag talikod niya nakaharap ang mga kaibigan ni Kenji sa kaniya na parang hinaharangan ito.   "What?" tanong niya.   "Care to explain, Dolly." seryosong sabi ni Kent. Alam kasi nila na gusto ring malaman ng pinuno nila ang nangyari sa kasintahan niya. Anim na taon itong nagluksa sa inaakalang patay na ito. Ayaw nilang dito nalang matatapos ang katangahan nang pinuno nila. Sila ang saksi sa mga nangyari kay Kenji nang malamang namatay ang dalaga. Hindi nila hahayaan matapos lang ito sa wala.   "Tss. Just ask Jilton!" sabi niya. "What? Dee, are you serious?" tanong ni Jk. "Jilton." tiningnan niya lang ito sa mata. Sumuko naman ang binata at pumayag na rin. “He will explain everything.” Saka niya nilampasan ang mga kaibigan ni Kenji.   "Bakit di nalang ikaw ang magsabi?" biglang tanong ni Nicolle. Kahit siya ay gusto niya rin nang sagot mula kay Dolly. Kasali siya sa mga naapektohan sa nangyari noon at hindi niya hahayaang masawalang bahala lang ito. “Explain to us.” Napangisi si Dee sa kamay ni Nicolle na nakahawak sa braso ni Kenji.       "Na miss ko talaga ang Pinas. Ganun pa rin pala ang problema sa bansang ito." makabuluhang wika ni Dolly at hinarap sila.   "Don't change the topic." inis na sabi ni Nicolle.   "This is the problem with our society. Girls already know that the guy is taken yet they still flirt with the guy!" sagot nito na di man lang iniintindi ang sinasabi ni Nicolle. Inis na napabitaw sa pagkakapit kay Kenji.   "How dare you! I'm not flirt." Diin ni Nicolle.   She smirked again. "Your words mean nothing when your actions are the complete opposite." di naman sumagot si Nicolle. May kasalanan siya sa dalagang ito kaya di niya masisisi kung ano ang tingin nito sa kaniya. Tumalikod na si Dolly para tawagan ang kanya ama. Malamang ay nag-aalala na ito sa kaniya dahil di siya nag paalam kung saan siya pupunta. Napahinto siya ng tinawag ulit siya ni Kenji. Ngayon niya lang ito narinig na nag salita pagkatapos ng pakikipagtalastasan niya sa mga taong nasa paligid niya. "How about our baby? Your dad told us that your pregnant six years ago. Can I meet him?” nanigas si Dolly sa kinatatayuan niya. Di niya inaasahang itatanong ito ng binata dahil sa pagkakaalam niya ay wala itong alam sa pagdadalang tao niya. "Hey? Answer me. Where's my child?" he asked again. Madiin niyang pinikit ang mata niya at humarap sa kanila. Tinginan niya ang mga kaibigan niya at ang binata. Nag hihintay ito ng sagot niya. Bago pa siya makasagot ay narinig niyang tumatawag na ang ama niya. Aalis sana siya ng hinila ni Kenji ang braso niya. Sobrang higpit ng pagkakahawak nito at nasasaktan ang dalaga pero di niya ito pinahalata. "WHERE IS MY CHILD?!" galit na tanong nito. Konti lang ang pasensya ng binata at alam ‘yun ng kahit sino sa kanila.   "Fine." sabi ni Dolly at hinila ang braso niya. "Nakunan ako. I'm seven months pregnant at that time when three gangster in the street pushed me and stole my bag." mapapikit ito bago nagsalita. "Tinulak nila ako sa kalsada......................Hindi ko napansin ang paparating na sasakyan. Masiyadong malakas ang ulan at halos malabo ang paligid. I was frozen in the right side of the highway. I couldn't even move my legs. Tila nakalimutang magfunction ng neurons ko habang nakatitig ako sa papalapit na sasakyan. The driver seemed to be drunk? or blank? or groggy. The car is slippering on the wet aspalt. I wasn't sure of anything. Isa lang ang sigurado ako. This was my end.............. our end." napatingala siya para iwasan ang pagtulo ng luha niya. Tahimik lang sila sa sinabi ng dalaga. Masiyadong masakit ito para sa kaniya ang makunan kaya minabuti nilang walang mag salita. Nanlumo si Kenji sa nalaman. Nasabunot niya ang buhok niya at nagmumura. Di niya alam na ganito pala ka sakit ang pinagdaanan ng kasintahan. Ni wala man lang siyang nagawa. Bigla ulit nag ring ang cellphone ng dalaga at agad niya itong sinagot. "O'to-san.(Dad)" ............. "Genki desu. Shimpaii shi nai de! (I'm fine. Don't worry.)" ............ "Nani?!!(What?!!)" ........... Napatingin ang dalaga sa mga matang nakatingin sa kaniya. Tss. Nakalimutan niyang nasa harap niya pa rin pala ito. Umalis siya sa harap nito at kinausap ng masinsinan ang kanya ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD