CHAPTER 7
"Sasabihin mo ba o hindi?" sigaw ni Gucci. Kumuha sila ng isang upo-an at pinaupo si Jk dito na parang may ginawang masama at pinapaamin nila. May hawak pa na stick si Gucci at akmang papalu-in si Jk. Nakatingin lang sa kanila ang myembro ng Black Mamba na para bang nasisiraan na ang mga ito. Gusto rin naman nilang malaman ang nangyari kaya kahit naiinis at o-o-ahan na sila sa mga babaeng to na parang pulis kung makatanong. Si Kenji naman ay naiinip na dahil di pa rin nagsasalita si Jk mula kanina. Mag dadalawang oras na sila sa pagpapaamin dito at kung ano-ano ng kalokohan ang ginawa ng mga babae para mag salita ito.
*TING*TING*TING*TING*TING*TING*
"Ouch!"
"Ano ba ‘yan Hermes!"
"Ang sakit sa tenga. Naman oh!"
Reklamo nila. May dala kasing pang lutuan at pang sandok si Hermes at pinapalo palo ito na parang gambana ang tunog. Inis naman silang napatingin kay Hermes na naka ngisi lang.
"Magsasalita ka o magsasalita ka?" tanong ni Hermes.
Napabuntong hininga naman ang binata. "Fine! Pero sa isang kondesyon."
"‘Yun naman pala eh."
"Ano? Bilis."
"Ang dami pang arte magsasalita rin naman pala."
"Pasikat talaga."
Reklamo ng mga bitter na Black Mamba. Sa totoo lang ay gusto ng sabihin ni Jk sa kanila. Bumwebwelo lang siya at natatawa talaga siya sa kabaliwan ng kaibigan ni Dolly. Sumeryoso ang mukha niya. 'Damn. Dolly, ikaw dapat ang mag sabi nito.' napaisip siya. Napabuntong hininga agad siya.
"Wag kayong mag sasalita at mag tatanong habang nag papaliwanag ako." sabi niya. Ayaw niya kasing ma interupt na kahit na sino sa kanila. Baka mawala siya sa konsentrasyon niya at madulas ang dila niya. Alam niya ang nais sabihin ni Dolly sa titig nito sa kaniya kanina. Kailangan niyang ingatan ang bawat salitang ilalabas niya sa bibig niya. Kailangang walang palya.
"‘Yun lang pala. Spill it!" sabi ni Channel.
Kaniya-kaniya naman ng upo ang mga babae sa harap niya at ‘yung mga lalaki naman na Black Mamba ay nasa di kalayuan pero ramdam mo pa rin na nakikinig sila. Napabuntong hininga ulit ang binata. 'Kung alam ko lang na magiging ganito ang role ko sa reunion nato sana pala di na ako pumunta. Mas nanaisin ko pang magbasa ng mga reports ng impleyado kesa mag paliwanag sa bagay na di ko naman talaga alam. Bahala na.' wika niya sa kanya sarili.
"Ang gabing ‘yun, maagang umuwi si Dee sa kanila--" naputol ang sasabihin niya.
"Teka lang, bakit nga pala Dee ka ng Dee sa kaniya?" singit ni Gucci. Binatukan naman agad siya ni Hermes at Channel. Kakasabi lang ni Jk na ayaw niyang may pumagitna sa pagsasalita niya.
"Sorry naman. Curious lang." sabi ni Gucci at nag pout.
"Oh~ About that, gusto niya lang Dee ang tawag sa kaniya kasi gusto niyang magtago sa gus---" napahinto siya sa sasabihin niya sana dahil natauhan siya sa mga salitang binitawan niya. 'Sh*t! Muntik na!' mura niya sa kanya isip.
"Ano ‘yun?" pangungulit naman ni Gucci.
"Wag na nga lang! Kakasabi ko lang na walang magsasalita o magtatanong eh." Akmang tatayo si Jk ng hinawakan siya ni Nicolle at pinaupo ulit sa upuan. Para namang nandiri si Jk na hinawakan siya ni Nicolle. Nalungkot ang mata ni Nicolle ng makita niya ang reaksyon ng binata ng hinawakan niya ito.
"Sorry naman! Sige na, di na ako mag tatanong." sabi ni Gucci.
"Maaga siyang umuwi sa kanila dahil daw may pag uusapan sila ng papa niya. Tungkol daw ‘yun sa pag layo nila dahil di kayang tanggapin ng ama ni Dolly na buntis ang anak niya sa g*gong ‘yan." sabay tingin niya kay Kenji na nakatingin sa kaniya na parang pinapatay siya gamit ang mata.
"Pero di pumayag si Dolly. Sinabi niya sa ama niya na di niya kayang talikuran ang lahat. Sabi niya bibigyan niya ng pagkakataon si Kenji pero sa di inaasahang pagkakataon, nang gabing ‘yun na handa na siyang tanggapin ulit si Kenji para sa anak nila at...... para na rin sa pagmamahal nito sa lalaking ‘yan ay nakita niyang....................... nag sisipping ang mga hayop na ‘yan." napaiwas naman ng tingin si Nicolle at Kenji. Mapapansin mo talaga ang galit ni Jk sa pagsasabi niya sa mga ito sa kagagohan nila.
"Nasaktan siya. Tinawagan niya ako. Sabi niya pupuntahan niya daw ako sa condo ko at ‘wag kong sasabihin sa dad niya ang tungkol sa bagay na ‘yun."
"Pagdating niya sa condo ko, halos di ko na siya makilala. Sobrang basa nang mukha niya. Napuno na ng luha ang mukha niya. Nag-usap kami. Sinabi niya lahat ng hinanakit niya." napahinto siya. Halos matawa siya ng makitang halos nanigas na ang tatlong babae sa harap niya. Akmang may sasabihin pero sisirado naman agad ang bibig. Alam niyang anghang na anghang na itong mag salita. Kaya pinag bigyan niya ng mag salita ang isa sa kanila.
"Pano nangyaring nakarating siya sa inyo? ‘Di ba sumabog ang kotse niya?" nagulat si Jk sa nalaman. Sumabog?
"Sumabog? Anong kotse? Wala naman siyang kotseng dala ng gabing ‘yun. Hinatid ko pa nga siya sa bahay nila kinabukasan." napamura si Kenji sa nalaman. Lahat sila ay sumeryoso ang mukha na tinuon ulit ang pansin kay Jk. Parang nagluksa sila sa wala dahil sa nangyari pero mabuti naring buhay pa ang dalaga.
"Pero I think, isa din ‘yun sa pakana ng dad ni Dolly. Dolly told his dad to continue the plan! She didn't know what the plan is. Malamang ngayon na nag-uusap na sila ng papa niya ay alam na nito kung ano talaga ang nangyari kung bakit ganiyan nalang kayo maka react ng makita siya!" tumawa naman siya na parang may nakakatawa sa sinabi niya pero napansin niya naman na walang ibang tumawa kundi siya lang at seryoso ang mga mukha nang mga kasama niya.
"Pag hatid ko sa kaniya nun, di ko na siya nakita, di ko na siya nakausap. Wala na akong contact sa kaniya. Nalaman kong may nilibing ang pamilyang Ferrer at nakausap ko si tito nun tungkol sa mga nangyari. Hanggang sa pumunta na nga kami ng Japan ng pamilya ko tatlong araw ang nakakaraan bago siya nawala na parang bula. Hinanap ko siya sa kahit saang parti ng Pilipinas. ’Yun pala wala na siya dito.." uminom siya ng tubig bago nag patuloy.
"Nagulat nalang ako ng makita ko siya sa Chicago." naalala ni Jk ang pangyayari nang araw na muli silang nag kita ni Dolly.
"Kung nakita niyo lang siya ng araw na ‘yun, maaawa talaga kayo sa kaniya. Sobrang payat niya at malaki-laki na rin ang tyan niya. Limang buwan na siyang buntis nun. Dun ko rin nalaman na lumayas siya. Nagpaka layo-layo siya. Bumalik siya sa Chicago kung saan dun sila dati nakatira ng mama niya." nagulat ang mga kaibigan ni Dolly sa nalaman. 'MAMA?' kahit kailan walang nabanggit si Dolly tungkol sa mama niya. Ang alam lang nila ay patay na ito.
"May bahay naman sila dun kaya di na rin mahirap sa kaniya ang titirhan niya pero kailangan niya rin namang mabuhay.....Nag dadala siya ng dyaryo sa mga bahay-bahay pag umaga, nag tatrabaho siya pag gabi. Halos di na siya nag papahinga. Kailangan niya daw kasi mag ipon ng mga oras na ‘yun. Naiintindihan ko siya dahil buntis siya at mag-isa lang siya." Uminum nang tubig si Jilton habang inaalala ang mga nangyari noon.
"Nung nakita ko siya halos di ko na siya makilala. Naging panatag naman ako nang nahanap ko na siya. Sinubukan ko siyang pilitin na sumama sa akin pauwi ng Japan pero ayaw niya. Gusto niyang mabuhay mag-isa...........kasama ang anak niya." napabuntong hininga siya bago ulit nag salita.
"Kahit ganun ang kalagayan niya ay masaya naman siya kahit papano. Makikita mo na sa mukha niya ang kahirapan ng buong bansa pero sa mga ngiti niya kasama ang kanya anak sa kanya sinapupunan ay ibang istorya na. Masaya siya. Lahat pinlano na niya para sa anak niya."
"Pero naglaho ng mga pangarap niya sa anak niya mula ng araw na ‘yun." napatingala siya. Di niya na kayang ituloy ang kwento. Baka di na nila masikmura kung sasabihin niya lahat. May limitasyon ang bawat pag sasalita niya. Ayaw niyang masira ang tiwala ni Dolly sa kaniya.
Tahimik lang silang nakikiramdam sa isat-isa. Puot, galit at awa. Di nila inaasahan na may mas sasakit pa pala sa nalaman nila. Ang mabuhay mag-isa. Ang masaktan. Ang mawalan ng pangarap. at higit sa lahat.... Mawalan ng anak.