Chapter 8: PAIN AND HATRED ISSUES
KAKATAPOS lang nilang mag haponan ng Napagdesisyonan ng magkakabarkada na mag inuman. ‘Yung iba ay abala sa pag sisindi ng apoy. Ang mga babae naman ay nag na-night swimming. Nalungkot sila sa nangyari. Imbis na magtanong pang muli ay pinili nilang tumahihik nalang. Alam nilang masakit pa rin ito para sa kaibigan niya.
Sa kabilang banda naman ay si Kenji at si Nicolle na magkasama. Kanina pa sila magkasama at minsan ay nag-uusap rin. Di nila alam na ganun ang nangyari kay Dolly. Naawa sila sa sitwasyon nito. Kahit si Kenji ay galit sa mga gumawa nun kay Dolly at lalong lalo na sa sarili niya.
Tinawag ni Jigs ang ibang kaibigan nito na Black Mamba at isa-isa ng nilagay ang inumin at pagkain sa harapan nila. Nandun na rin nakapalibot si Channel, Hermes at Gucci na malungkot na nag-uusap. Kailangan nilang makausap si Dolly pero di nila alam kung paano nila ito kakausapin.
Pinatawag naman nila si Dolly at Jk sa mga kwarto nila. Si Kenji ang nag representa na puntahan ang dalaga. Gusto niya itong makausap kahit sandali lang. Marami siyang gustong sabihin at itanong. Gusto niyang damayan kung ano man ang nararamdaman ngayon ng dalaga.
KAKATOK na sana siya ng may narinig siyang nag-uusap sa loob.
"Dee, kailangan nila ‘tong malaman!"
"No, Jilton. This game is mine! I don't need any stupid like them in the arena!"
"It's not all about game Dee! It's also about Life!"
Nakinig lang ang binata sa pinag-uusapan sa loob. Nilapit niya ang tenga niya sa pinto ng wala na siyang marinig na sagot ng dalaga.
"Why the f*ck are you listening?!!" nagulat si Kenji ng biglang bumukas ang pinto at isang galit na Dolly ang nasa harap niya. Madilim ang sa loob ng silid at tanging sa labas lang na ilaw ang maliwanag dahil sa poste at christmas light na nakapalibot sa resort. Mailaw sa labas kaya nahalata ni Dee na may anino sa labas ng kwarto.
"Nothing." sagot ni Kenji bago nag lakad ulit at sinabing sumunod na sila.
MASAYA silang nagkukulitan sa harapan ng apoy. Pinapangiti nila si Dolly sa mga corny na biro nila at kahit papano ay tipid naman itong ngumingiti sa kanila. Busy rin kasi si Dolly sa pag hihiwa ng mansanas sa harap niya. Tiningnan siya ng mga kasama niya na manghang-mangha sa pag gamit ng kutsilyo. Parang mas masaya pa si Dolly sa hinahawakang kutsilyo kesa sa mga pagpapatawa nila rito.
"Excuse me ma'am Hermes." lumapit naman agad si Hermes sa isa sa mga staff niya rito sa resort.
Si Kenji naman ay nakatitig lang kay Dolly. Naging isang malaking tanong sa kaniya ang mga narinig niya sa pag uusap ng dalawa. Naguguluhan siya kung ano at bakit nila to pinag-uusapan. Life? Buhay? Bakit nila to pinag-uusapan? Di alam ni Kenji na ramdam ni Dolly ang mga titig nito sa kaniya. Binabantayan ng dalaga ang galaw ng binata at nagdududa na siya kung may alam na ba ang binata tungkol sa pinag-usapan nila ni Jilton kanina.
"Guy's laro tayo!" singit pa ni Gucci.
"But Hermes is not here pa! We will just wait to her!" sabi naman ni Channel.
NAPAGDESISYONAN nalang nilang mag kwentohan habang naghihintay kay Hermes na bumalik rito. Lahat sila ay nag ku-kwentohan pero tahimik lang na nakikinig si Jk, Dee, Nic, at Kenji! Napaka awkward ng sitwasyon nila ngayon. Mag katabi si Jk at Dee at kinakain ni Jk ang hinihiwa ni Dee na mansanas samantalang si Nicolle naman ay nakatitig ang kay Jk at si Kenji ay nakatitig kay Dee.
Lahat sila ay nakainum na at may lakas na ng loob para mag tanong at mag salita. Kahit ang mga kahalayan sa katawan ay napag-usapan na nila ay di pa rin bumabalik si Hermes.
"Dolly, may tanong ako!" napatingin naman si Dee kay Lex na nakainum na rin.
"Kayo ba talaga ng mukong na ‘to?" sabay turo niya kay Jk. Ngumiti lang naman si Dee bilang sagot. Ayaw niyang sagutin ang tanong dahil wala naman talaga siyang nararamdaman para sa binata.
"Ano ka ba? Hindi dapat ganiyan ang tanong mo. Dapat ganito, Dolly mahal mo ba si Kenji?" – tanong ni Rence.
"Sira! Dapat tanungin niyo muna kung may boyfriend na ba siya?" singit ni Kent.
"Mali, dapat itanong niyo muna kung sinong laman ng puso niya?" tumatawang sabi ni Bryle.
"E sino naman ang gusto niyang makasama habang buhay?" balik ni Roj.
Tumahimik sila sa tawa ni Dolly. Para itong tawa ng nakakatakot na horror sa palabas. Parang nanindig lahat ng balahibo nila sa tawa na ‘yun.
"Sa mundong ito di niyo nanaising magmahal." malamig na sabi nito at pinagpatuloy ang pag hiwa ng mansanas.
NATAHIMIK sila. Awkward naman na tumawa ang kaibigan ni Dolly na si Gucci at Channel na halata namang nawewerduhan rin sa sagot ng kaibigan. Bakit niya nasabi ang mga bagay na ‘yun? Ano bang gusto niyang sabihin sa mga salitang binitawan niya? Naguguluhang tanong ni Nicolle sa sarili niya.
"Sabi ko sa enyo eh, sana tinanong niyo na nalang kung nag gy-gym ba siya. Sexy eh." biro ni Gucci at sinabayan ng awkward na tawa nila.
Napangiti si Dee sa kanya isipan ng mahalata niyang umiwas ng tingin si Kenji. Di kasi ito ang inaasahan nilang isagot ng dalaga. Nag mature na kasi ang dalaga. Di na siya ‘yung dating konting tukso lang ng kaibigan ay sing pula na ng kamatis ang mukha niya. Naging manhid na ang puso niya. And she really mean what she said awhile ago 'Sa mundong ito di niyo nanaising magmahal.'
"Dolly--" tawag ni Lex.
"Dee nalang Lex." singit ni Dee.
"Oh~ Dee, Ano na bang istado ng relasyon niyo ni Jk ngayon? I mean, kayo ni Kenji. Alam kung awkward to itanong pero--"
"Stop it Lex!" pigil ni Kenji at deretsong ininum ang alak saka sinulyap ang dalagang nakatitig na pala sa kanya.
"No. Okay lang!" pagpuputol ni Dee. "Gusto ko rin naman na maliwanagan na tao sa lahat at bitiwan na natin ang nakaraan." sabi nito at nag buntong hininga. Binitawan muna ni Jk ang mansanas at nakinig na rin sa sasabihin ni Dee. Di niya rin kasi alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito at anong mga plano nito.
"We're friends. No string attached. Ang about between me and Kenji was over. We broke up six years ago and there's no 'US' anymore. Like what I've said, I've moved on." Tiningnan niya si Kenji eye to eye. "I've moved on." halata sa mukha ni Kenji na nasaktan siya sa sinabi ng dalaga.
“I just want to be free from the past. Ayoko ring matali kayo sa nakaraan.” Dugtong nito. "Gusto ko ng lumaya sa nakaraan. Pinapatawad ko na lahat ng sinaktan ako." napatingin siya sa dalawang taong nasa harap niya. Si Kenji at Nicolle. Napabuntong hininga siya. Ngayon niya lang sasabihin ang hinanakit niya at ito ang kinabigla ni Jk. Kahit siya ay naguguluhan kay Dee. 'Sasabihin niya na ba to sa mga kaibigan niya?'
"Inaamin ko na nasaktan ako sa ginawa niyo. Pero kung ano man ‘yung dahilan niyo wala na akong pakialam dun. Ayokong maging hadlang pa kayo sa mga gagawin ko sa hinaharap." naguguluhan sila sa pinagsasabi ng dalaga. Parang isang puzzle ito sa isipan nla. Bakit nanaisin nitong hindi siya pakialaman sa kanyang mga plano? May mangyayari ba? Tanong nila sa kanilang isipan.
"Hinahanap ko ang taong mamahalin ko. Ang taong sisira sa pinaniniwalaan ko." pagsisinungaling nito na siya namang inubo ni Jigs. Para siyang nabilaukan sa sariling laway. Natawa siya dahil sa sinabi ng dalaga. Ang seryoso nilang nag uusap tapos ito ang dinugtong niya sa mga seryosong salita.
"Yeah. Dee is such a talented, strong and amazing girl who deserves someone who is superior than her." sabi ni Jk. At seryoso sa sinabi niya. Tahimik lang sila sa pinag sasabi ng dalawa.
"I've always known that you always have a high, wonderful and perfect definition of her." mapait at selos na sabi ni Nicolle na di naman nila pinansin.
"May kinalaman ba to sa narinig ko kanina?" biglang tanong ni Kenji, pagtutukoy niya sa mga sinabi nito ngayon at sa mga narinig niya kanina habang nag-uusap si Jilton at Dee.
"Bakit? Ano nga bang narinig mo kanina?" mabilis na tanong ni Dee. Kinabahan si Kenji sa titig ni Dee sa kaniya. Seryoso ito na para bang isang maling salita niya lang ay sasaksa ‘kin na siya nito gamit ang kutsilyong nasa kamay nito.
"About the game." sagot ni Kenji at agad naman nag tanong ang iba na anong game ang tinutukoy nila pero di nila ito pinansin. Nagtitigan lang silang dalawa na para bang sila lang ang taong nasa harap ng apoy at malamig na nag tititigan at pilit binabasa ang isat-isa.
"I'll help you." -makahulugang sabi ni Kenji. At sa sagot na ‘yun ay alam na ni Dee na wala pa talagang alam ang binata. Napabuntong hininga siya.
"You know the real picture of the game? There's an arena and players are all fatal and poisonous, rogue predators. You are stupid to jump in the game! The game is not for you to play. Stay out of it.” sabi nito at tinitigan ang reaksyon nang binata na nanatiling blangko habang nakatitig sa kanya.
LAHAT sila ay natahimik. Nagulat nalang sila ng biglang pagkuha ni Dee sa kutsilyo at mabilis itong hinagis sa likod niya. Nagulat sila ng makita ang lalaki sa madilim na parte ng resort na napaluhod at napahawak sa braso niya na natamaan ng kutsilyong hinagis na kinaruruonan nito. Akmang gagalaw ang lalaking to ng may tumama na naman na kutsilyo sa may hita niya. Nagulat sila sa ginawa ni Dee sa pag papaulan ng kutsilyo sa lalaking nakaitim. Natamaan ang dalawang hita at braso nito. Kahit malayo ang lalaki sa kinaruruonan nila ay natamaan pa rin ito ng dalaga.
HALOS maiyak na ang lalaki sa mga kutsilyo sa katawan niya. Akmang titirahin niya na naman ng kutsilyo ang lalaki ng hinawakan ni Jk ang siko niya.
"Calm down, Dee. Baka mapatay mo siya." Dun lang nahimasmasan ang dalaga at napatingin sa mga nakatingin sa ginawa niya kanikanina lang.
"I'm not a killer Jilton."
"I know that, Dee."
"Damn you, B**ch!" sigaw ng lalaki at tatayo sana ng dumating na ang mga security guards kasama si Hermes.
“I'm sorry! Nakapasok kasi ‘tong magnanakaw nato dito kaya natagalan ako! Ipatawag niyo na nga ‘yung pulis." sabi ni Hermes.
'Magnanakaw? Really?' sabi ni Dee sa kanya isipan. Aalis na sana siya para mag palamig. Di niya talaga mapigilang gumawa ng brutal na bagay pag nakakakita na siya ng dugo. Parang gusto niyang pumatay pero alam niyang di niya kaya ‘yun. Natigilan siya ng mag salita si Kenji.
"I don't understand you. But still...... I love you." sabi nito. Kahit nabigla ang binata sa ginawa ng dalaga ay nagawa niya pa rin itong sabihin. Alam niyang may mali. Alam niyang may tinatago si Dee. At alam niyang dilikado ito. “Mahal kita at walang nagbago ron.”
Hindi ito pinansin nang dalaga at deretsong iniwan sila sa labas nang may mga katanungan pang nais itanong sa kanya. ‘I need to stay out from this place before it’s too late.’
Nag titigan silang lahat na parang hinay-hinay inabsurb ang mga pangyayari. Nagku-kwentohan lang sila kanina ng humantong sila sa ganito.
"Is she a killer?" wala sa sariling tanong ni Channel. Di niya namalayan na napalakas ang pagkakasabi niya.
"Don't judge her for her choices when you don't understand her reasons." pagtatanggol ni Jk. Nakita kasi nilang nawalan nang malay ang taong pinaulanan ng kutsilyo ni Dee.
"Ano ba talaga ang nangyayari?" Marami silang mga tanong na nag uunahan sa harap ni Jk na parang nag aabang ng sagot. Hindi pa nga natatapos ang isang tanong ay may kasunod na naman ito. Napabuntong hininga siya at tinitigan niya ang mga mata ng Black Mamba at ng apat na babae na hinihintay na mag salita siya.
"Now you know what is her capable of doing when she lose control." sabi ni Jk at tumingala sa langit. Ang daming bituin sa kalangitan. Parang nung dati lang na masaya siyang tinitingnan ang inosenteng mukha ni Dee na ngayon ay halos di mo na siya makilala.
"Admire her, respect her at the same time, fear her."