CHAPTER 46 - A “She’s finally here.” paulit-ulit itong nag echo sa tenga ni Kenji habang papunta sila sa dating condo ni Dolly. Ang sabi ng ama ng dalaga ay nakauwi na ito kaya deretso silang tinahak ang dating condo ni Dolly. Maraming gustong itanong si Kenji sa dalaga pero sa mga oras na ‘to ay wala na siyang ibang gustong gawin kundi yakapin ang dalaga. Hindi niya na hahayaang mawala pa itong muli sa kanyang paningin. “Just make sure that the area was safe,” narinig ni Kenji n autos ni Miguel sa kanyang mga tauhan bago siya sumakay sa kanyang kotse at sumunod sa kanila. Agad niya namang tinawagan si Lex at sinabi ang kanyang nabalitaan. Sinabi niya rin na si Lex na ang bahalang magsabi sa kanilang mga kaibigan gawin na ang mga pinaplano nila. Hanggang ngayon ay wala pa ring

