CHAPTER 45 – C ** THIRD PERSON POINT OF VIEW ** Kasalukuyang wala pa ring balita ang pamilya ni Dolly tungkol sa kanya. Isang taon na ang nagdaan at hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ng pamilya ni Dolly ang kanilang nag-iisang babae na kasapi ng Yamashita Mafia. Ayaw ni Miguel na mawalan ng lakas ng loob sa paghahanap ng kanyang anak. Kahit pa sabihin si Kaori at Sage na possible ngang patay na si Dolly pero hanggat hindi nila nakikita ang katawan ng dalaga ay hindi siya maniniwala. “Sa tingin mo, nasaan na kaya ang anak mo Miguel?” biglang tanong ni Kaori habang kumakain sila kasama ang nakatatanda ng Yamashita Family. “Hanggang ngayon ay wala pa rin tayong balita sa kanya. Hindi kaya –“ napahinto sa pagsasalita si Kaori ng binagsak ni Miguel ang kanyang hawak na kutsara sa

