CHAPTER 45 – B ** DOLLY POINT OF VIEW ** It’s been two hours. Wala akong ibang ginawa kundi titigan si Ysmael na mahimbing na natutulog. Sabi ng isa sa mga doctor kanina ay nasa tatlong taong gulang pa lamang si Ysmael dahil sa bagal ng oras nila rito pero kung tutuusin ay nasa limang taong gulang na ang aking anak. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong halikan ang kanyang mga kamay, gustong gusto kong sabihin sa kanya na ako ang kanyang ina. Gusto kong magpaliwanag sa kanya, gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya. Hindi ko mapigilang mapaluha. “Why are you still crying?” tiningnan ko ng masama si Jilton. “Ano sa tingin mo ang dahilan?” nakaupo siya sa isang mahabang sofa. Hindi ko alam bakit hindi siya umaalis sa harap ko gayung alam niya naman na kahit tumakas

