CHAPTER 43 ** DOLLY POINT OF VIEW ** ‘Nasaan ako?’ Gusto ko sanang itanong ang bagay na ‘yun pero hindi sumusunod ang katawan ko sa utak ko na para bang may nagcocontrol sa katawan ko. Pamilyar sa ‘kin ang pakiramdam na ‘to dahil hindi ito ang unang beses na naranasan kong maexpirementohan ng mga hayop na ‘to. Wala na yata silang planong tigilan ako at para bang wala silang planong bitawan ako hanggang humihinga pa ako. Ngayon ay napapaisip tuloy ako kung bakit pinapatagal pa ang buhay ko? Nakaramdam ako ng panghahapdi at pag-init ng aking mga mata. Even crying, the only thing I was capable of at the moment, seemed so hard. Ni hindi ko nga alam kung meron pa ba akong sapat na tubig sa katawan upang umiyak. Ano bang nangyayari sa katawan ko? May komokotrol sa katawan ko pero kah

