PRESENT DAY... "Love, nandyan ka pala. Kanina pa kita tinatawag, hindi ka naman sumasagot." Napalingon si Thisa, dahil sa boses ni Daniel. Hindi niya namalayan na dumating na pala ito, at naabutan pa siyang nakatulala sa balcony. "D-D'niel?" Pagtawag niya sa pangalan ni Daniel. Mabilis naman siyang nilapitan ni Daniel, at inilagay sa kandungan niya ang dala nitong bouquet. Hinalikan din siya nito sa labi, saka tumabi sa kanya sa upuan nito. Malaki naman ang upuan, kaya kasya sila doon. Lalo pa't maliit lang ang katawan ni Thisa. "Ano bang iniisip mo, love, at parang ang laki ng problema mo? Ang anak pa rin ba natin ang iniisip mo? Hayaan mo muna ang anak mo, napagsabihan ko na rin siya kanina. Naninibago lang si Lib, dahil nasanay na siyang wala ka rito sa bahay. Lumaki siyang hindi

