HINDI naka imik si Thisa, dahil sa sinabi ni Daniel sa kanya. Binigyan siya nito ng oras, para umalis at bumalik sa kanilang bahay. Nanghihinang napa upo si Thisa sa kanilang malapad na kama, saka ito nag-isip ng malalim. Hindi niya maaring suwayin si Daniel sa pagkakataong ito, dahil dito nakasalalay ang katahimikan ng kanilang pagsasama. Dahil sa walang ibang magawa si Thisa ay natulog na lang siya. Tamad na rin siyang bumaba, dahil ayaw niyang magkita sila ni Daniel sa baba, dahil natatakot siyang baka singhalan na naman siya ng lalaki. Gabi na nagising si Thisa. Hindi niya namalayan na napasarap na ang kanyang tulog. Nakaramdam na rin siya ng gutom, kaya bumangon siya at pumasok sa banyo para maligo. Mabilis lang ang ginawa niyang paliligo, saka nagbihis ng pambahay. Lumabas siya n

