PAG DATING ng kotse ni Thisa sa Lobby ng Hotel ay naka abang na doon sina Ella at Eve, para dalhin siya sa loob ng Convention Hall ng Hotel na pag-aari ni Ella. Nasa Top Floor ang Convention Hall, kaya sumakay sila sa Private Elevator ni Ella, patungo sa lugar. "Bakit kayo narito? Nasaan ang asawa ko?" nagtatakang tanong ni Thisa sa dalawa. "Naroon na sa Party." tipid na sagot ni Ella. Panay rin ang pindot nito sa hawak niyang cellphone at tila may napaka importanteng kausap ito. Dinala nila si Thisa sa private elevator ng Hotel, para hindi patigil-tigil ang elevator sa pag-akyat. Pati si Eve ay may kausap na rin sa kanyang cellphone, kaya hindi na lamang umimik si Thisa. Hinintay na lang niyang tumigil ang elevator, para mapuntahan na niya sina Daniel at Lib. Pagbukas ng elevator

