THISA... I still can't believe na kasal na kami ni D'niel. I mean, ikinasal kami sa harapan ng family namin at mga kaibigan. Kahit matagal na kaming kasal ni D'niel, at legal naman iyon. Pero iba pa rin pala ang feeling 'yong ikasal ka sa harapan ng mga taong nagmamahal sa 'yo. I feel so blessed na si D'niel ang napangasawa ko. Napaka responsible niyang asawa at ama ng aming anak. Sobrang maalaga siya sa amin ni Lib. Kahit pagod na pagod na siya sa trabaho, dahil sa mga Company na hawak niya ay naglalaan pa rin siya ng oras para sa amin. Sa ngayon ay malapit ko ng ipanganak sa pangalawang anak namin ni D'niel. Nahirapan din ako sa pagbubuntis ko, dahil twin boys ang expected namin na lalabas. Nang laki ng tiyan ko, pero ang liit naman ng katawan ko. Kaya todo alalay sa akin si D'niel. N

