PAG DATING SA hospital ng sinasakyang Van nila Thisa at Daniel ay agad naman silang sinalubong ng mga Nurse at Doctor. Agad na isinakay si Thisa sa isang stretcher at patakbo nila itong itinulak patungo sa loob ng Elevator para dalhin siya sa Delivery Room. Mahigpit na hinawakan ni Daniel ang kamay ni Thisa, habang patakbo rin niyang sinusundan ang stretcher na kinahihigaan ni Thisa. Halos hindi naman maipinta ng pinaka magaling na pintor ang mukha ni Thisa, dahil sa sakit na kanyang iniinda. Bawat pag hilab ng kanyang tiyan ay mas lalong napapangiwi siya at talagang nalukot ng husto ang kanyang mukha sa matinding sakit. Pag bukas ng elevator ay agad silang pumasok sa loob upang magtungo sa ikalawang palapag, kung saan naroon ang Delivery Room na pang VIP. Hiwalay ito sa Delivery Room na

