TINABIHAN ni Thisa si Daniel, para magkasama muna silang dalawa kahit ilang oras lang. Plano ni Thisa na hintayin lamang makatulog si Daniel, bago siya umalis. Masakit man para kay Thisa na iwanan si Daniel sa ganoong kalagayan, ngunit wala siyang magagawa. Kailangan niyang magsakripisyo, may misyon siyang dapat tapusin. At mahigpit din na ipinagbabawal sa kanila na magkaroon ng commitment sa isang tao, hanggang sumapit na edad na 28 years old, para sa mga babae, at 35 naman sa mga lalaki. May pitong taon pa siyang hihintayin, bago siya puweding mabuhay nang normal gaya ng mga pangkaraniwang tao. Naka unan si Thisa sa isang braso si Daniel, saka niya niyakap ang katawan ng lalaki. Malaki naman ang hospital bed, kaya kasya silang dalawa doon ni Daniel. Magaan lang naman siya, dahil mali

