ITINAAS ni Lady Hawk ang kanyang sp@da, habang ang kanyang paningin ay nasa kanyang kalaban. Nagsimula na rin siyang humakbang paikot, para mapagmasdan niya silang lahat, at malaman niya kung paano sila kikilos nang sabay-sabay. Alam ni Lady Hawk na malalakas ang kanyang mga kalaban, kaya nag-isip siya ng paraan para malabanan niya ang mga ito na hindi siya nasasaktan. Masaktan man siya, ay sisiguruhin niyang sa panghuling halaban na iyon mangyayari. Pumikit si Lady Hawk saka niya hiniling ang patnubay ng panginoon, at ang makapangyarihan na Golden Sword. Habang nakapikit siya ay tila may nakikita siya sa kanyang isipan na mga taong nakatayo sa paligid niya. Hanggang sa maisip niya na ito na mismo ang kanyang mga kalaban, ipinapakita na sa kanya ng kanyang isipan ang actual na tindig nila

