BIGLANG napatayo sina Mrs. Go, at Mrs. Ang, dahil sa takot nila para kay Thisa. Halos manghina na rin ang ina ni Thisa, dahil sa pag-aalala sa kanya. Napaka lakas din ng panginginig ng kanilang mga katawan, dahil sa nakikita nilang matinding laban na ibinigay kay Thisa. Napakapit din sila sa kamay ng isa't-isa, dahil sa pag-aalala nila kay Thisa, kitang-kita din nila ang dugo na umagos, galing sa sugat nito sa braso. Hanggang sa makita nila si Thisa na muling tumindig, upang salubungin ang kanyang kalaban. Nakayuko pa rin ito, ngunit makikita sa kilos nito na binabalot siya ng matinding galit. Galit para sa kanyang kalaban, at naka handa na siya na tapusin ito. Idinikit ni Lady Hawk ang hawak niyang Golden Sword sa kanyang dibdib, at humiling siya ng gabay ng Myth. Bahagya siyang napayuko

