HOSPITAL AGAD na ipinasok sa Emergency Room si Daniel, para gamutin ang mga natamo niyang sugat at pasa sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan. Si Doctor Miller mismo ang umasikaso sa kanya, kaya napanatag ang loob ni Thisa, tiwala siya kay Doctor Miller. Yakap naman ni Thisa si Lib, habang naghihintay sila sa Doctor na titingin sa bata. Nakayakap rin ng mahigpit si Lib sa ina, dahil takot ito sa Hospital. Lalo na kapag nakakita siya ng karayom ay umiiyak talaga si Lib, dahil sa matinding takot. "Mommy, uwi na tayo. Ayaw ko dito, tutusukin nila ang puw*t ko." paki usap ni Lib. Naaawa naman na tiningnan ni Thisa ang anak, dahil sa sinabi nito. Hindi rin akalain ni Thisa na takot pala sa karayom si Lib. Pilit siyang ngumiti sa anak, para payapahin ang kalooban nito. "I-check ka lan

