"Anong sabi ni Boss?" kinakabahan na tanong ni Daniel kay Thisa. Bigla rin siyang nagkaroon ng takot dahil alam niyang alam na ng lahat ngayon ang tungkol sa kanya. Natatakot siya na baka kung anong gawin sa kanya ni Aaron Go, ngayon kapag nalaman nito na matagal na niyang pinagtaksilan ang pamilya Go, at Ang, dahil sa pakikipag relasyon niya kay Thisa. "Lib, baby, doon ka muna sa Room kasama si Tita Ella. May mahalaga lang kaming pag-uusapan ni Daddy." sambit ni Thisa sa kanyang anak. Ayaw kasi nitong marinig ng bata ang ano mang bagay tunggkol sa pagkaka-kidnap nila ng ama. Baka lalong matakot si Lib, kapag muli na naman niyang marinig ang mga nangyari sa Olongapo. Agad naman na lumapit si Ella, at kinuha si Lib. "Let's go, Princess, para mabuksan natin ang mga pinamili namin ni Tito

