"D'niel, may dapat ba akong malaman?" walang anu-ano ay biglang tanong ni Thisa sa asawa, habang naka tanaw sila sa main door ng mansion kung saan itinulak palabas ni Lib ang babaeng naghahanap kay Daniel. Biglang nanlaki ang mga mata ni Daniel, dahil sa tanong ng asawa. Kinakabahan rin siya, dahil isang maling sagot lang niya ay sigurado siyang magagalit sa kanya si Thisa. Ngunit hindi siya nagpahalata na kinakabahan siya, dahil alam niyang malakas ang pakiramdam ni Thisa. "Love, si Miss Valdez yun. Siya ang wholeseller na bumibili ng mga bunga ng Mangga natin sa Hacienda." tugon ni Daniel. "Ewan ko ba sa babaeng 'yon. Kahit dito sa Manila ay pinuntahan pa ako. Alam naman niyang ang kapatid ko na ang nangangasiwa ng manggahan ngayon." dagdag pa niya. "Eh, bakit iba yata ang pakay sa

