Louie's POV
Napatingin ako sa pinto ng opisina ko nang may kumatok. my secretary cme in with a sexy walk. tssk. mga babae talaga. hapit na hapit ang pananamit nito at labas na ang clevage. napataas ang kilay ko dito.
"Sir, you have a meeting at exactly 3:00pm with the engineers. nasa conference room na po sila at kayo nalang po ang hinihintay" mahinhin nitong saad sabay ipit sa tenga nito ang tumakas na buhok at ngumiti. mahinhin nga ba? bakit pakiramdam ko sini-seduce ako. tsskk
"okay, you may go na" malamig kong tugon at tinapos na ang pinipirmahan ko.
atubili pa itong sumunod pero ng maramdaman nyang busy ako ay lumabas na ito. napailing iling nalang ako at tumaas ang gilid ng aking labi sa reaksyon nito.
Nang matapos na ako ay kinuha ko na ang coat ko at sinuot ito at pumunta na sa Conference room.
Nagulat ako ng may humawak na kamay sa aking braso habang ako ay naglalakad kaya napatingin ako dito
"hi" bati nito at ngumiti ng matamis.
"oh hi, kumusta?" tugon ko rin. my Design Engineer and Specialist. Eng. Louise Go. sexy ito at pang model ang katawan at may lahing korean. my typical type of girl. School mate ko ito dati pero nagshift ito ng course from Business Ad.
"I'm fine, we won't see each other often anymore. That's because you didn't reply my messages. you ignored me na" nakanguso nitong saad kaya napailing akk
"you know naman. i'm always busy, dont have time for hangout. mahirap magpatakbo ng mga kompaya na magisa. you know naman my siblings don't like business industry, mabuti pa yung isa kong kapatid." sabi ko at tumingin dito
"mag asawa kana kasi para may katuwang kana" sabi nito at ngumiti. i just smirked at umiling
"nah, not yet in my mine. nadala na ako. masaya na ako sa ganito"
"ano kaba? mas masaya may kalambingan kaya, may inspiration ka" tumawa lang ako ng mahina at pumasok na sa conference room. kompleto na nga sila at kami nalang ang kulang.
"sigurado ako magugustuhan mo ang bagong design natin" bulong nito at humiwalay na
"well, let's see" sabi ko. i admit hindi matatawaran ang galing nito at halos lahat ng design and model ng phone ay pumatok sa masa.
Nag umpisa na ang presentation nila at tutok na tutok ako sa pinapakita nila. mukhang maganda nga. halos mangalahati na kami at sinusuri ko talaga ang bawat details nito.
"this new android phone has an Earthquake Alert System. people in affected areas can get alerts seconds before an earthquake hits, giving you advance notice in case you need to seek safety. you can easily access more of your favorite apps using your voice. it has a switching camera and a projector also. the battery life is 4000mAh Battery With Fast Charging. internet connectivity speed is high and has a 128gb storage ..." Eng. Go said.
marami pa kaming napag usapan pero overall nagustuhan ko ang bagong design at features ng android phone.
siguradong kikita na naman ito ng billions katulad noong nakaraang naglaunch kami ng iphone at si Montessa Montenegro na asawa ni Vlad ang kinuha kong brand Ambasador. parang gusto ko syang kunin ulit dahil sya ang lucky charm ng kompanya ko.
kahit naman tumigil na ito sa pag aartista sa Brazil dahil na rin sa request ng kaibigan kong seloso pero patok parin ang beauty nito. malakas makahatak ng tatangkilik. tssk pag ibig nga naman. sinuwerte lang ang friend ko. wala ka ng makikitang matino ngayon.
"labas naman tayo for celebration guys. Eng. Go, your treat tutal ikaw ang nagintroduce ng bago nating ilalaunch na Android phone" saad ng chemical Eng. namin.
"Sure. why not basta ba kasama si Mr. Guevarra" sabi ni Louise at kumindat sakin. napailing nalang ako sa kapilyahan nito. tumango nalang ako dahil hinihintay nila ang sagot ko
Dahil tinatamad akong lumayo at bumyahe kapag lasing na ako kaya sa Libis nalang kami nagpunta para malapit lang sa Penthouse ko.
Friday ngayon kaya marami na naman mamayang mga kabataan na Celebrity at mayayamang pupunta dito. may live band din ng isang sikat na banda ang pumunta kaya halos di magkamayaw ang mga kabataan.
Pinili ko ang mesa na pinakadulo para hindi kami masasagi kapag nagsasayawan na. 8 pa lang ng gabi pero marami ng tao.
"cheers bro" Eng. William said
itinaas namin ang baso tsaka tinungga. katabi ko naman si Engineer Go.
"Eng. Go. dahan dahan lang walang magdadrive ng sasakyan namin kapag nalasing ka" Eng. Santos said
"f**k you, magpasundo ka sa driver mo, ang yaman mo ako ang gagawin mong driver" mataray nitong saad
"kay Mr. Montenegro nalang kami makikitulog" sabi ni Eng. Han
"wala akong guestroom kaya wag kayong magpakalasing masyado" sabi ko at ininom ang beer ko
"daya, Pano si Eng. Go sir, pwde ba pag di na nya kaya?" nagtawanan sila pero hindi ko na sinagot. at ininom nalang ang Beer ko. hindi ako mahilig magdala ng kainuman sa penthouse kaya hindi ko sila sinagot.
Maghahating gabi na at medyo lasing na rin kami dahil sa nakarami na kami ng nainom.
Sumandal ako sa upuan at tumingin sa paligid ng mapansin ko ang naglalakad na nakauniform. ito yung uniform ng Parking Teller namin ah. saan ito pupunta? breaktime siguro nito.
napapalingon na rin ang mga kalalakihan kaya nainis ako. malakas itong makahatak ng kalalakihan dahil sa angkin nitong kagandahan. nasa 5'5 lang ang height nito at ang puti nya. halatang makinis ang balat.
dadaan ito sa gilid namin pero hindi nya ako napansin. ang ganda ng kurba ng katawan nya balingkinitan ang katawan nito. bagay na bagay ang uniform nya. kaya lang naalala ko na naman ang kapalpakan na ginawa nito kaya umahon na naman ang galit sa aking dibdid dagdagan pa sa marami ang napapatingin dito. buti nalang nakumbinsi ako ni Vlad na wag tangalin ito pero kung ako lang ayoko ng palpak na empleyado.
tutok na tutok ang mga mata ko habang naglalakad ito ng magsalita si William
"bro ang ganda ng chicks oh"
"nasaan?" tanong ni Eng. Han
"ayan oh. yung paparating na parang nakapang flight Attendant na uniform
"Oo nga no, akong bahala bro. makukuha ko yan. wala yatang nakakatanggi sakin" pagmamayabang ni Eng. Han sabay kumindat." napaBuntong hininga ako ng marahas
"Go bro. kapag ayaw, ako namn ang didiskarte." sabi nman ni William.
parang nag init ng ulo ko sa tinuran nito. nag ngangalit ang panga ko sa inis. diko maintindihan ang nararamdaman ko ng pagpantasyahan ito ng mga babaerong kasama ko.
"she's my Parking Attendant. huwag nyong pagtripan yan" sabi ko at ibinaba ang baso
"seriously?..oh..hey Ms. beautiful" tawag ni Eng. Han. lumagpas na ito ng kaunti sa pwesto namin at hindi narinig ang tawag ni Eng. Han at tuloy tuloy lang ito sa paglalakad. ngunit hinabol nya ito kaya huminto ito saglit. lalo tuloy akong nainis. ano kayang pinag uusapan nila? kinawayan din ito ng mga kasamahan ko na palapitin kaya lumipat sila pabalik sa lamesa namin.
"ito si Eng. William, ito si Eng. Santos. and this beautiful lady is Eng. Go and of course our boss Mr. Gueavarra" pakilala ni Eng. Han.
nakipagkamay pa ito sa mga kasamahan ko pero ng matapat na sakin ang tingin nya ay kita ko sa mata nito ang pagkagulat. masamang tingin ang ipinukol ko dito kaya para itong natakot at napaatras ng kaunti.
"upo ka muna Ms. Thea" anyaya ni William
"ahm h-hindi na po, aalis na po kasi ako." nabubulol nitong saad at hindi makatingin sakin
"sige na. saglit lang naman" pamimilit ni Eng. Han. lalo tuloy akong nanggigil sa kakulitan nito kaya hindi na ako nakapagtimpi
"go back to your work, oras ng trabaho kung saan saan ka pumupunta" inis kong sabi dito at sinamaan ito ng tingin
"sorry po Sir. breaktime ko po ngayon. aalis na ako" hingi nito ng paumanhin at hindi makatingin sakin at nakayuko lang. akmang aalis na ito ng hawakan ni Eng. Han. f**k. masusuntok ko na talaga ito
"bro naman, ahh miss Thea pahingi ng number mo" pahabol ni Eng. Han. halos madudurog na ang ngipin ko sa sobrang inis.
"ahh so-" hindi na natuloy ang sasabihin nito ng putulin ko na
"umalis ka na! use your breaktime for eating and resting, not for flirting boys" inis kong turan dito. napakuyom na rin ang kamao ko kaya lalo itong natakot
"sorry po, aalis na po ako" taranta nitong paalam at nagmamadali itong umalis.
"hindi ko man lang nakuha ang number nya" panghihinayang ni Eng. Han.
"tigilan nyo na yan, marami dyan oh mga mayayaman at bata pa. iniistorbo nyo ang mga empleyado ko sa oras ng trabaho" sabi ko at naiirita na. nagtataka naman sila sa inasta ko. umiling nalang ang mga ito at tumahimik na.
"pagbigyan mo na sila. mukhang tinamaan bigla si Eng. Han sa parking Teller mo eh" sabi ni Louise at siniko ako. kunti nlang talaga kapag nyo ako tinigilan itataob ko itong lamesa. sa isip isip ko.
"damot mo makikipagkaibigan lang.. siguro bro type mo rin yon ano?" biro nito "ay alam ko na pupuntahan ko nalang doon sa pwesto nya. mukhang galing sa Felez parking eh. hindi ko sya nakita sa entrance baka naka assign sya sa exit" sinamaan ko ito ng tingin malapit ko na talaga ito masapak. tinungga ko ang beer sa baso ko at binagsak ito sa lamesa. naglikha ito ng ingay kaya nagtinginan ang mga kainuman ko pero diko sila pinansin. nagtataka siguro sila sa inasta ko pero mas pinili nalang nila ang manahimik
"ay bro ito nalang oh, ang puti ng legs bro oh mukhang model" pag iiba ni William sa usapan. lumapit kaagad ito sa babae at nakipagkilala. maya maya ay sumama na ito sa grupo namin at kalingkisan kaagad nito. sumama rin ang mga kaibigan nito at tumabi sa dalawa ko pang kasama. napailing nalang ako.
Kaya pala hindi ko sya nakita sa parking ng Condo ko kung saan ko ito nakaengkwentro dahil nilipat ito. tumaas yata ang dugo ko sa nangyari kaya napahilot ako sa sentido ko at pumikit saglit
Makalipas ang 30 minutes ay nakita ko itong dumaan at diri diritso lang ito ng lakad halatang iniiwasan mapatingin sa pwesto namin. ang ikinainis ko na naman ay may kasama itong lalaki na naglalakad. napakuyom na naman ako sa kamao sa nakita at tinititigan itong naglalakad hangang sa mawala na ito sa paningin ko. bakit ba ko naiinis? anong pakialam ko sa kanya eh isa lang itong hmak na empleyado.
naalala ko na naman si Eng. Han at baka puntahan ito sa pwesto nito. pero mukhang nag enjoy naman sa katabi nya. malay mo sumama ito pauwi.
maghahating gabi na ng mapagpasyahan naming mag uwian na. sinundan ko silang papunta sa Felez parking at nagkubli sa isang pader. tiningnan ko ang Exit booth at tama nga sila naka assign ito sa Exit.
Hinintay kong lumabas sa parking ang mga kasama ko. ilang minuto lang ay isa isa ng naglabasan ang mga ito. lumapit ako ng kaunti sa booth at nagkubli sa mga halaman. dinig na dinig ko ang mga pinag uusapan ng mga to. dumaan na si yung iba kong kasama at si Eng. William at Eng. Han nalang ang naiwan.
"Hi, thea," sabi ni William
"Good evening po, 45 pesos po sir" sabi nito
"here oh, can i ask you a date?" naiinis na naman ako. gusto ko ng lumabas sa pinagkublian ko pero baka sabihin nilang minamanmanan ko sila
"ah sorry po, wala po akong time dyan" tanggi nito
"may boyfriend ka na ba?"
"ahm ah opo meron na po" f**k may boyfriend na pala ito. yun sigurong kasama nya kanina. napabuntong hininga nalang ako. bakit parang nanghihinayang ako?.
"sayang, sige ah alis na ako, bye bye" paalam ni William
"thank you po. bye po"
Nang si Eng. Han na susunod ay bigla akong naging alerto. ito kasi yung pinakaagresibo sa kanila
"hi beautiful"
"hello, goodevening po"
"kilan ang day off mo?"
"nong tuesday pa po sir" f**k bkit nakikipag usap pa ito
"pwede ba kitang yayain sa tuesday makipagdate?"
"ah.. hindi ko po sure kasi marami po akong gagawin" tangi nito
"saan ka nakatira dadalaw nalang ako sayo" pamimilit ng tarantado
"dyan lang po sa malapit, nagbebed space lang po ako"
"oh okay, gusto mo ba lumipat ng tirahan, i can give you a condo here. para hindi kana mahihirapan, no condition.. promise"
"ah so-sorry po okay lang po ako sa tinitirhan ko ngayon" tanggi nito f**k you Eng. Han. kilala na kita. ang dami mo ng binahay gago ka!
"ganun ba, can i ask your num-"
"Ms. thea bawal ang chatting sa oras ng trabaho, mahaba na ang pila ng mga sasakyan but you're still flirting" diko na napigilan at lumabas na ako sa pinagtaguan ko. nakita kong nagulat sila lahat. naglapitan na rin ang mga security dahil sa taranta ng makita ako.
"bro naman-"
"bayaran mo na ang parking mo at umalis kana Eng. Han" sabi ko dito at tinignan ito ng masama
"okay, okay bro. ah Ms. Thea bayad ko."
"45 po.... thank you po sir." sabi nito ng iabot ang resibo
"see you next time" sabi nitong nakangiti at pinaandar na ang sasakyan. binalingan ko ng tingin ang dalaga at tinignan ito na malamig at nakapameywang
"what time ang out mo?" malamig kung tanong
"ngayon pong 11pm" kita ko ang pamumutla nito. takot at nanginginig itong sumagot pero malamig ko pa rin itong tinignan at hindi nagpaapekto.
"see you sa admin" malamig kung saad at tinalikuran ko na ito.
Naglakad ako papunta sa Hotel at pumunta sa admin ng parking.
kita ko ang pagkataranta ng mga security at kanya kanya ng bati. this is my first time kasing magawi dito. pagmamay ari ko ito pero never pa akong nakapunta dito. tssk. ano bang ginagawa ko dito by the way? at this hour dapat nagpapahinga na ako at hindi pakalat kalat na animo'y ordinaryong tao lang. marami yata akong nainom at kung ano ano na ang naiisip ko.
"unahin nyong sunduin ang Attendant sa Felez" utos ko sa OIC ng sscurity. sinusundo kasi sila palagi lalo na at may hawak silang pera. makikita rin kita ng malapitan. bakit ba pinag aksayahan kita ng oras?