Nanginginig ang kamay ko habang inaayos ang pera sa kaha at inilagay na sa box pagkatapos ay sunod ko namang inayos ang cards. kabado na talaga ako. ano kaya ang mangyayari mamaya? bakit kaya ako kakausapin ng bossing namin?
"girl, bakit parang natataranta ka? at bakit parang tahimik ka?" sabi ni Mitch na kapalitan ko
"ahm galing kasi dito si Mr. Guevarra, napagalitan na naman ako" malungkot kong sagot dito
"talaga yung amo natin? oh my, bakit parang madalas kayong nagkakaengkwentro? alam mo ba sa dalawang taon ko na dito sa pagiging Parking Attendant, never ko pa yong nakasalamuha, hindi naman kasi yan mahilig makipag usap sa mga tauhan." sabi nito na nagtataka
"di ko rin alam eh, malaz ko nga eh lagi nalang akong may kasalanan" himutok ko
"ano bang kasalanan mo kanina?" usisa nito
"nong una, habang naglalakad ako papunta sa locker for breaktime at napadaan ako doon sa may live band, tinawag ako nong isang lalaki at nakipagkilala, ayoko sana kaso ang sabi nya nandun daw si bossing at ipapakilala ako. diko naman alam kung sino ang tinutukoy nyang bossing kaya pinagbigyan ko pero nong lumapit na ako sa mesa nila nagulat ako na nandun si Mr Guevarra. pinipilit kung umalis dahil natakot ako sa kanya at pinapaalis nya ako. pero makulit ang mga kainuman nya at kinukuha pa ang number ko doon na sya lalong galit at sinasabihan nya akong nakikipagflirt sa mga kainuman nya"
"oh my Gosh, talaga? tapos?"
"tapos ngayon lang, habang pa exit na ang mga kasamahan nya kinukulit na naman ako na gusto makipagdate at kinukuha ang number ko hindi ko alam na nandyan pala sya sa kabilang side. nakamasid pinagalitan na naman nya ako dahil nakikipagflirt na naman ako kaya humaba ang pila eh 3 sasakyan lang naman ang nakapila,"
"oh my Gosh girl, ang swerte mo. alan mo sa inaasta nya para tuloy syang nagseselos puro flirt kasi ang nasa bibig nya " tili nito
" maghunos dili ka nga, pinagsasabi nito. baka mamaya may makarinig sayo. sabihin panila asyumera ako. baka kamo tatangalin nako dahil lagi akong nagkakamali. sabi nya magkita daw kami sa admin natatakot ako baka tuluyan na akong tangalin"
"talaga? ibig sabihin nasa admin sya ngayon?" excited nitong taNong
"sabi nya,"
"alam mo bang ito ang unang beses nyang pumunta sa admin ng parking?" lumalaki pa ang mata nito sa gulat
"talaga? -"
"Ms. Thea bilisan mo ng mag endorse naghihintay si bossing sa Admin" tawag ni Sir Anthony sakin sa labas ng booth
"ayyeee" tuli ni Mitch
"tuwang tuwa ka na mapapagalitan ako ah" nakasimangot kong saad
"hindi no, natutuwa lang ako ang swerte mo kasi makikita mo sya ng malapitan"
"kung para sayo nakakatuwa para sakin bangungot yun, baka katapusan ko na" sabi ko at sumakay na sa sasakyan bitbit ang box ko.
Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko nang makababa na ako sa sasakyan. dahan dahan akong naglakad at parang atubili pa akong pumasok sa admin. baka kasi sigawan at ipahiya na naman ako
salamin ang Admin office pero bakit diko sya makita? isa lang din ang ilaw na bukas kaya hindi ganun kaliwanag, dahil sa laki ng Admin.
"binuksan ko ang pinto na salamin at dahan dahang pumasok at hinanap ko ito sa loob. napatda ako ng makita ko ito sa sofa na nakaupo at nakapikit habang nakahilig ang ulo nito sa sandalan. payapa itong natutulog. kaya naman malaya ko itong tinititigan habang nakapikit. ang gwapo pala nya lalo kapag nakapikit. ang amo kasi ng mukha nya. dimo akalaing parang tigre ito kapag gising. napatitig ako sa labi nya na parang ang lambot at mapupula pa. s**t! parang ang sarap halikan. nag init ang mukha ko at napalunok sa mga naisip ko
"psst. Ms. thea magbilanv kana ng sales mo at baka magising pa yan. ikaw ha pinagnanasaan mo si Sir" tudyo nito kaya napahiya ako. namula yata ang pisngi ko at nahuli nya akong nakatitig sa boss namin.
"hindi po, akala ko po kasi gising so sir, sabi mo kasi hinihintay nya ako"
"tsskk nakatulog na kakaantay sayo. sige na, magbilang ka na at gumawa ng report. susunduin ko na ung ibang kasamahan mo" nakangiting sabi nito at umalis na.
iniwan ko na rin si sir na natutulog at binilisan nalang gumawa ng report.
binilang ko ang pera at binilang din pati ang card. hiniwalay ko ang MC card at VC card pati ang free parking voucher. maya't maya din ang lingon ko sa boss ko na nasa likod ko natutulog. ano kaya kung nanakawan ko ng halik? tulog naman ito eh, hindi naman nya siguro mapapansin.
tumayo ako at dahan dahang naglalakad palapit dito pero ng nasa harapan ko na ito ay bigla akong kinabahan. natakot ako bigla. ayokong madagdagan ang kasalan ko. hindi pa ako nawawala sa katinuan no!
bumalik nalang ako sa ginagawa ko. Nang malapit na kong matapos ay dumating ang kasama ko sa Felez na naka assign sa entrance. sininyasan ko itong huwag maingay.
nagtaka itong nakatingin sakin kaya naman itinuro ko ang Boss namin na payapang natutulong. napanganga ito sa gulat at nanlaki pa ang mga mata. nagtitili ito pero walang boses na lumalabas sa biBig. tila ito bulati na nilalagyan ng asin. napailing nalang ako at itinuloy ang ginagawa.
pero nagulat kami ng magdatingan ang mga kasamahan namin na nagmamadaling pumasok sa Admin. sinabi siguro ni OIC na nandito si Sir.
wala namang boses o ingay silang pumasok pero kilig na kilig parin ang mga ito na parang nakakita ng artista at nagtutulakan. grabe..hindi na sila gumawa ng report nila at ang inaatupag nalang nila ay ang titigan ito at picturan. sinasaway na sila ng OIC at ibang security pero ninanakawan pa rin nila ito ng picture.
Ang tahimik na komusyon sa loob ng admin ay natigil ng magflash ang isa sa Camera ng Mga Attendant dahilan upang magising ang bossing namin. dumilat ang mata nito at halatang naalimpungatan kaya naman biglang nahigit ang aking paghinga. lahat kami ay nagulat at napasinghap. kanya kanya na kami ng talikod at kunwari ay abala sa pagbibilang ng pera.
pinakiramdaman namin ito kung ano ang ginagawa dahil tahimik lang ito. parang nagtayuan ang balahibo ko sa batok dahil pakiramdam ko may nakatitig sakin.
"OIC Suarez may susi ka sa Office?" napatigil ang paghinga ko ng marinig ko na nman ang malamig at baritonong boses nito. naalala ko na namam kung pano ako pagalitan nito kanina. nakakatakot ang boses nito.
"Yes Po sir, may duplicate key ako" sabi naman ni Sir. dinig ko ang marahas na buntong hininga nito ng boss ko. Wala kasi ang Manager namin at sa araw lang ito pumapasok kaya nakalock ito.
"pakibuksan mo," malamig na utos ni sir. sa gilid ng mata ko kita kong nagmamadali si Sir Anthony na buksan ito. dinig ko ring may naglalakad sa likod ko. dadaan kasi ito sa likod ko papunta sa Office ng Manager. malaki ang daanan pero pakiramdam ko ang lapit ng presensya na sakin.
Nanginginig na naman ang kamay ko ng maramdaman kong huminto ito sa likod ko at pakiramdam ko lalong nagtayuan ang balahibo ko. ang lakas ng t***k ng puso ko na pra na itong lalabas sa rib cage ko.
"Ms. Garcia follow me sa office after doing your report" lahat napasinghap sa tinuran nito. tumalikod na ito at pumasok sa loob ng opisina at isinara. ang mga tingin ng mga kasamahan kung marites ay diko maipinta. hindi sila makapaniwala na ako ang kakausapin. tinawag nya ako sa Lastname ko. pano nya nalaman?. kabobohan na naman Thea, of course employer mo yan kaya aalamin nya talaga ang pagkatao mo! kastigo ko sa sarili ko.
"what happen girl?" tanong ni Jana pati ang mga iba kung kasamahan na kahit tinatarayan ako ay nakiki tsismis rin.
"may kasalanan na naman yata ako" sabi ko at ipinareceive ko na kay Sir Anthony ang pera at report.
"ano na naman ang nagawa mo Ms thea?" nakangiting saad ni sir. sinimangutan ko lang ito
"alam mo girl gusto ko na tuloy gumawa ng kasalanan para makaharap ko sya" sabi ni Jana sakin
"ang dami ng natanggal dito hindi namn yan pumupunta. mangarap ka" sabi ni Sir
"tsskk grabe ka sir malay mo baka haharap na sya ngayon kapag nakagawa din ako ng kasalanan. papansinin din nya ang beauty ko" sabi naman ni Chona na mataray
"Ms. Garcia!" tawag ni Sir kaya napaigtad ako. nagmadali akong magligpit at tumungo na sa office ng mareceive na ni sir Anthony
"what took you so long?" malamig nitong tanong. papasok pa lang ako yan kaagad ang bungad nya sakin
"ahm pinapareceive ko pa po kasi kay Sir Anthony ang sales" katwiran ko habang nakatayo ako sa harapan nito at nakayuko
"close the door ang come here" utos nito kaya isinara ko ito ng dahan dahan.
"ganyan kaba makipag usap hindi tumitingin sa kausap mo?" sabi nito kaya humugot ako ng hininga bago iangat ang mukha ko. nakita ko itong nakaupo sa swivel chair na nakasandal ang likod sa upuan naka de kwatro ito. gosh, ang hot nya diko malaman kung anong meron sa tingin nya ngayon. galit ba sya o humahanga. para kasing malagkit kung tumingin pero parang hindi naman. parang ang lalim ng mga titig nito.
"Sorry po sir" hingi ko ng paumanhin dito. tinuro nya ang upuan na katapat nito. pinapaupo nya ako kaya naman dahan dahan ang kilos ko na sumunod sa utos nito.
kinurot kurot ko ang mga daliri ko at kinakagat kagat ko ang labi sa loob para maibsan ang kaba ko na nararamdaman. tumikhim ito at ipinatong ang mga siko nito sa lamesa kaya napalapit ito ng kunti sakin. umiwas ako ng tingin sa kanya dahil naiilang ako.
"stop biting your lips, its not appropriate talking your boss or someone while you're doing something seductive" napatda ako sa sinabi nya kaya napalunok ako. napakunot ang noong tumingin ako dito. siniseduce ko ba sya? kinakabahan lang naman ako ah. tumitig din ito sakin pababa sa labi ko at lumunok. gumalaw kasi ang adams apple nito. umiwas ito ng tingin ng makita nyang nakatingin ako at nagsalita.
"do you aware sa mga patakaran dito Ms. Garcia?" tanoong nito sakin
"Opo sir" sagot ko at tumingin dito
tumitig din ito sa mga mata ko na parang sinusuri kung totoo ang mga sinasabi ko
"at alam mo bang bawal ang makipaglandian at makikipag usap ng matagal sa oras ng trabaho lalo na kung hindi naman related sa trabaho mo? "
"opo. ahm mawalang galang na po. hindi po ako nakikipaglandian. nakikipag usap lang po ako. wala naman po sigurong masama sa ginawa ko"
"so, ano yung ginawa mo kanina? alam mong nagpapakita na ng motibo ang mga kausap mo pero hindi kapa nakakahalata, you did that twice in front of me" napakagat na naman ako sa gilid ng labi ko sa loob sa nerbyos. grabe syang makapagbintang
"I'm sorry po, tinawag po kasi nila ako ang sabi nila ipakilala daw po ako sa boss namin diko naman po akalain na kayo po ang tinitukoy ni Eng. Han pero umiiwas naman po talaga ako at ung sa exit ayaw po kasi ayaw nilang ibigay kaagad ang bayad kaya napipilitan po akong sumagot sa tanong nila at tsaka hindi po pakikipaglandian yun sir"
"tssk that's an unacceptable reason Ms. Garcia, alam mo naman siguro pano tumangi? what if someone ask you na tumuwad ka, susunod ka kaagad?" mapanuya nitong saad na ikinagulat ko. luh! tumaas na ang boses nito. ano daw? ako tutuwad? tumikhim ako bago nagsalita na nakatungo pa rin.
"ahm it depends po, kung kailangan naman po why not?" sabi ko at lumunok pero nagulat ako ng marahas itong tumayo kaya napatingin ako dito at nakita kong hinihilot nito ang sintido na parang hindi makapaniwala sa sagot ko at naiinis na.
"what the f**k Ms. Garcia, susunod ka talaga kahit dimo kakilala?" ano bang ibig sabihin nito?
"yes po sir, it depends po kasi sa sitwasyon. katulad nalang ng sa Medical exam diba po pinapatuwa-" ano bayan hindi pa ako tapos
"f**k, my God Thea, kung may isusubo sayo isusubo mo rin without knowing it? kilan kaba pinanganak at wala kang common sense?" galit nitong saad at itinukod ang mga kamay sa lamesa na nakatunghay sakin. bakit ganito ang itsura nito? gwapo sana kaso parang hindi maipinta ang mukha.
"bakit naman po hindi basta po hindi nakakalason" sabi ko na mahina pero alam kung dinig nya. lumunok ako ng sunod sunod. nanginginig na rin ang mga kamay ko sa presensya nya. tumayo ito ng tuwid.
"oh my, what the f**k Thea. inosente ka talaga" sabi nito at napahilamos ang mga kamay nito sa mukha. namumula na din ang mukha nito at tenga. anong nangyari sa kanya?
"bakit po? ano bang ibig sabihin nyo? sinagot ko lang namn po ang tanong nyo?"
"wala! f**k" sigaw nito. kanina pa to nagmumura. namumuro ka na talaga saking lalaki ka! ikaw pa lang nakakapagmura sakin ng ganyan. nakakarami kana.
"you said earlier na kasama mo sa paupahan ang lalaking kasama mo kanina? what do you mean?"
"nagbi bed space lang po ako sir at kasama ko po sa bording house halos karamihan sa nagtatrabaho rito" kumunot ang noo nito at nagngangalit ang mga panga na tinititigan ako. ano bang ikinakagalit nya? ano naman sa kanya kung nangungupahan ako kasama ang mga lalaki eh hiwalay naman ang kwarto ah. at anong paki nya?
hindi ko talaga maintindihan ang mga isip ng mga mayayaman. sa sobrang dami ng iniisip at pera nila para na silang nababaliw.
" ayoko ng maulit pa ito Ms. Garcia dahil kapag naulit pa ito, hindi ako magdadalwang isip na tangalin ka. ayoko ng empleyado na nakikipagharutan sa mga kapwa empleyado at mga parker. naintindihan mo?" malamig nitong saad na ikinatango ko. sana matapos na ito para makauwi at makahinga na ako ng maayos.
"opo sir" magalang kung sagot. pero nagulat ako ng dumukwang ito sa lamesa at nilapit ang mukha nito sa mukha ko. napalunok ako sa lapit ng mukha namin. langhap ko ang alak sa hininga nito at ang pabango nitong masarap sa pang amoy.
"alam mo ba kung ano ginagawa ko sa mga taong hindi nakikinig sakin Ms Garcia? pinaparusahan ko. pinahiyaw ko sa kama" sabi nito. nanlaki ang mata ko sa gulat. grabe si sir kung makapagparusa matindi pa sa tatay ko. yung tatay ko pinapadapa din ako sa kama at pinapalo sa pwet kapag may kasalanan ako.
"you may go" sabi nito kaya agad akong tumayo at lumabas na. pumunta kaagad ako sa locker room. shocks. nakakahinga na ako ng maayos. sumunod naman ang iba kong kasamahan kong marites. hinihintay pa talaga nila ako eh kanina pa uwian ah
"girl anong sabi ni sir? tagal nyo sa loob ah" pangungulit ni Jana
"I'm sure inaakit nya si sir" sabi ni Chona at naka krus pa ang kamay sa dibdib at nakataas ang kilay
"ano kaba? inggit ka lang" sabi ni Jana. napatawa naman ang ibang marites
"sinabihan lang nya akong huwag makipagflirt sa kapwa empleyado at mga parker" lahat sila napanganga at hindi makapaniwala sa sinabi ko
"seriously, totoo?" tanong ni Jana kaya tumango ako
"unbelievable" bulalas nila.
"oh see, malandi nga sya, nakipagflirt sya sa mga lalaki at nahuli sya kaya napagalitan. so disgusting" panunuya ni Chona kaya sinamaan ko ito ng tingin at nilapitan.
"hindi moko kilala kaya huwag muko husgahan. dimo alam ang buong pangyayari at wala akong nilandi kaya huwag mo kong pagsasalitaan ng hindi maganda" galit kung saad dito at tinalikuran ito pagkatapos ay niligpit ko na rin ang gamit ko at lumabas na. kahit saan talaga may salot. sinilip ko muna ang admin at nagpalinga linga sa labas at sinigurado ko munang wala na ang amo kung tigre. leche talaga. sira na naman ang gabi ko.