Thea's POV
Ipapasok ko na sana sa locker ang aking bag ng biglang nag ring ang aking phone kaya napilitan akong ilabas ito sa aking bag. sya na naman? ano na naman kaya ang problema nito?
"Thea, sa Feliz Entrance ka magdu-duty. palitan mo na kaagad sya ngayon doon dahil straight duty ang papalitan mo" malamig na saad ni Mam sakin kaya tumango nalang ako bilang sagot at ngumiti.
hindi ko na sinagot pa ang tawag ni Sir dahil nagmamadali na ako at inilagay ko nalang kaagad ang aking bag sa loob locker dahil malelate na ako.
kinuha ko ang mga cards na 6:00-3:00. inilgay ko ito sa metal box at nagmadali na akong umalis.
Huli na akong na assist ng breaktime reliever namin pagdating ng lunch break. nang tingnan ko ang oras ay almost 1pm na. gutom na gutom na ako. nagwawala na ang mga bulati sa tyan ko.
Laking pasalamat ko dahil after 10 minutes dumating na si Lyn.
"pasensya kana Thea, yung iba kasi sumubra na sa breaktime kaya tuloy late na kitang na-assist" ngumiti nalang ako at tumango. naintindihan ko naman ito. hindi rin kasi madali ang trabaho nito tapos ang lalayo pa ng nilalakad nito.
wala na rin akong oras para pumunta sa locker para kumuha ng pera dahil may kalayuan ito. paano kaya ito? 30 minutes tapos maglalakad pa ako papunta at pabalik?
lumapit nalang ako sa guard namin para manghiram ng pera. no choice ako kaysa maubos lang ang oras ko kakalakad.
akmang lalabas na ako ng booth ng makita ko si Sir louie na salubong ang kilay papunta sa sakin. diko alam kung kakabahan ba ako o maiinis o matatawa sa itsura nito. pogi na sana, nakabusangot lang.
"bakit dito ka nakaassign?" bungad nito kaagad sakin na halatang galit na. napalingon ako sa Reliever ko. kita kong nabigla din ito ng makita si Sir sa booth namin.
nilingon ko si Sir na halos hindi na maipinta ang mukha nito. tumunog ang tyan ko. sh*t gutom na ako. mukhang madedelay pa ang kain ko. kainis
"eh dito ako ina-sign eh, anong magagawa ko?" inis kong turan dahil gutom na ako pero bigla kong na realize na may mga kasama pala ako kaya inayos ko ang sagot ko
"ahm, dito po kasi ako ina-sign ni Mam dahil straight duty ang pinalitan ko" magalang kong sagot at yumuko.
pasimple akong tumingin sa Reliver ko na si Lyn pero nakanganga parin ito sa gulat.
"saan ka pupunta?" tanong nito ng mapansing nasa labas na ako ng booth
"kakain?" pabalang kong sagot. putik talaga! mauubos na ang oras ko sa kakulitan nito. baka ito pa makain ko sa gutom ko ngayon. papatulan talaga kita.
"ngayon ka lang maglalunch break?" gulat nitong tanong, napairap nalang ako.
"pasensya na po Sir, ahm- kasi po over time kasi ang mga nauna kaya late na sya na assist" paliwanag ni Lyn. natataranta na ito sa takot
"sabihin mo sa susunod na nag oovertime pa sila tatangalin ko na sila!" galit nitong saad kaya napanganga nalang ako sa gulat. lumapit na rin ang mga security at nakasilip na rin ang kasama kong Attendant sa Exit na halatng takot na. isa rin daw kasi ito sa sumubra sa breaktime.. haisst gumagawa na naman ito ng eksena.
"ano kaba!" mahina kong bulong dito
"give her a 1 hour break dahil late mo na syang pinagbreaktime" galit nitong saad kay Lyn. gumagalaw na ang mga panga nito sa kakapigil ng galit nito. grabe naman to. napatingin ako kay Lyn na mangiyak ngiyak na at panay tango na lang.
"opo Sir, pasensya na po" hingi nito ng paumanhin.
napasapo nalang ako sa noo ko sa stress. pinagbubuntunan na naman nito ang mga kasamahan ko.
"at ikaw follow me" sabi nito ng bumaling ito sakin at naglakad na paalis. lumingon ako kay Lyn na niiyak na sa takot
"pasensya na talaga" hinging paumanhin ni Lyn
"no, okay lang yon, pasensya ka na rin kay Sir, may regla na naman-"
"Thea!" sigaw nito.
"ay kalabaw!..opo" sagot ko "sige na aalis na ako. huwag kanang matakot" alo ko kay Lyn at nagmadali ng umalis.
Pumasok ito sa Mcdo kaya sumunod nalang din ako. lalo tuloy akong nagutom sa amoy na sumalubong sakin. tahimik lang ako sa likod nito habang nakapila ito.
"maghanap ka na ng muupuan" utos nito sakin kaya naghanap nalang din ako. nang makahanap ay umupo na ako at hinintay ito. pinagpawisan ako dun ah. ang hilig talaga nitong gumawa ng eksena. porke't siya ang boss..
Nang makuha na nito ang order ay lumapit na kaagad ito sakin. nakita na nya pala ako kung saan ako umupo?
ano to last super na naman?
"bakit ang dami?"
"kumain ka nalang" malamig nitong saad na hindi tumitingin sakin. napairap nalang ako dito. nag isang linya na ang kilay nito. tatahiin ko talaga yang kilay na yan sa gitna. kung makasimangot akala mo napakalaki ng kasalanan ko. eh wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya. sya lang naman itong bigla nalang sumusulpot.
"kumain ka na, huwag ako ang tinitignan mo" malamig pa rin nitong saad kahit nakayuko. tsskk. may third eye yata ito. paano nya nalaman na sya ang tinitingnan ko?
Kumain nalang ako ng tahimik pero ng mapansin ko na parang gutom rin ito ay nagtaka ako. naisipan ko na rin itong tanungin
"hindi kapa din nag ttanghalian?" tanong ko dito
"kaninang umaga pa ako tawag ng tawag sayo. nagtext na rin ako at sinabi kong sabay tayong kakain. nag antay ako sa Admin ng mula 11 pero hindi ka dumating" inis nitong turan
"eh dapat tinanong mo kung saan ako naka assign. at tsaka dapat hindi mo na ako hinintay pa. kapag dito ako sa labas hindi na ako pumupunta sa locker dahil masyadong malayo" paliwanag ko dito
"eh diba ayaw mong may makahalata so bakit ako magtatanong sa kanila?"
"eh nagawa mo ngang pumunta ngayon at nagsisigaw kapa sa pwesto ko, malamang pag uusapan na tayo mamaya" naiinis kong sagot dito
"i don't care" napairap nalang ako dito.
"bakit ka nga pala nagpunta eh diba nagiwan ako ng note na huwag mo na akong intindihin"
"at bakit? kung hindi pala ako nagpunta ngayon paano ka kakain kung hindi ka pupunta ng locker para kumuha ng pera?" tila babae ang putik. daming tanong
"manghihiram?"
"manghihiram? kanino?"
"kay manong guard" sabi ko at sumubo na. paano ako makakakain nito ng maayos kung puro ito tanong?
"f**k!." pabulong nitong mura pero nadinig ko pa rin
"huwag kang nagmumura. nasa harap ka ng grasya. kumain ka na po Sir gutom lang iyan" ani ko dito at sunod sunod ng sumubo. bumuntong hininga naman ito at hindi na nagsalita pa.
Nang matapos kaming kumain tila naman puputok na ang tyan ko sa busog
"sisikmurain na ako nito" nakasimangot kong reklamo
"bakit?"
"eh kasi gutom ako kanina, tapos pinakain mo ko ng marami, dapat kaunti lang. tapos umorder kapa ng cokefloat at ice cream"
"bibili nalang ako ng gamot mamaya. sa susunod huwag kang magpapalipas ng gutom"
"tsk ang nagsalita. anong magagawa ko, nakadipende sa oras ng breaktime ang kain ko kaya kapag late katulad kanina, late narin ako kakain "
"bibigyan ko ng warning yang-"
"huwag na, masyado kang hot" sabi ko at umirap dito.
bigla naman akong napatigil ng maalala ang sinabi ko. hot? bakit ibang klaseng hotness ang naisip ko. yung mainit na eksena kagabi ang naisip ko. s**t Thea ang halay na naman ng utak mo, nalipasan ka lang gutom kung ano ano na naman ang naisip mo'. tssk nagtatampo pala ako sa kanya tapos heto ako ngayon kasabay itong kumain..
pasimple akong tumingin dito pero nagulat pa ako na nakatingin din pala ito sakin kaya napaiwas ako nalang ako ng tingin.
"saan mo planong pumunta mamaya at sinabi mong gagabihin ka?" biglang sabi nito kaya napatda ako. sasabihin ko ba ang totoo? dapat lang siguro para dina sya magduda pa.
"maghahanap sana ng apartment"
"bakit ba atat na atat kang maghanap ng apartment?"
"eh wala naman kasi akong gagawin mamaya pag out ko"
"diba nag usap na tayo na sa sunday na"
"eh gus-"
"enough, do as what i've said" mariin nitong saad
"tsskk bossy" bulong ko
"may sinasabi ka?"
"wala, sabi ko babalik na ako sa parking" sabi ko at akmang tatayo na sana ng magsalita ito
"you still have 20 minutes, kaya stay" utos nito kaya napabalik ako sa upuan
"ano bang gagawin ko dito eh nakakain na tayo? magtititigan tayo?" inis kong turan dito. hindi ko alam bakit naiinis ko sa mga asta nito sakin. kung makaast kasi akala mo pag aari ako. akala mo nakadipende sa kanya dapat ang bawat gagawin ko.
"stay," ulit pa rin nito kaya napairap nalang ako
"lalo kang gumaganda kapag lagi kang umiirap, isang irap pa hahalikan na kita" babala nito kaya natigilan ako. halik na naman?
"gusto mo ba ng pie?" tumango nalang ako. favorite ko kasi yun
"mango or apple?"
"mango nalang" sabi ko kaya tumayo na ito.
pagbalik nito ay may dala na itong sampung piraso kaya nagulat ako
"ang dami" sabi ko at manghang nakatingin sa pie. kahit busog ako pero bigla akong naglaway ng makita ito
"iuwi nalang natin kapag may natira" sabi nito at kumain na rin ito. tumango nalang ako. iba talaga kapag may pera nabibili ang lahat ng gusto.
bigla naman akong napatakip ng mukha ng makita ko si Mam Jovy kasama nito si OIC Durango na papasok kung saan kami kumakain.
"bakit?" takang tanong ni Sir sakin
"nandyan sila Mam at OIC, babalik na ako Sir sa booth" sabi ko.
"okay, susunduin kita mamaya"
"huwag na"
"tsskk kilala mo ko,"
"oo na, oo na, pahingi nalang ng dalawa" sabi ko at dumampot ng dalawang pie at nagmadaling umalis. sa kabilang exit nalang ako dumaan para hindi ako makita nila ni Mam.
"SAyo na ito" sabi ko kay Lyn at ibinigay ang isang Mango pie. nagulat naman ito at napangiti
"thank you ah, ang sarap kaya nito"
"oo nga eh, fav ko din to"
"teka lang magkasama kayo ni Sir?" natigilan naman ako at nag isip ng maisasagot
"hin-..oo pero may sinabi lang tas umalis na kaagad" sabi ko dito at umiwas ng tingin
"ganun ba? bakit kaya sya galit na galit kanina? sabagay late ka na nga naman nakakain. nagulat lang ako kung bakit ganun ang reaksyon nya" saad ni Lyn at sumimangot
"hayaan mo na yon, ganun talaga yon laging mainit ang ulo" paliwanag ko naman dito
"sana wala akong memo bukas"
"wala yon, huwag mo intindihin yon"
"sila kasi ni Chona at Nika. halos 1 hour kung magbreak" himutok nito
"tsskk hindi na kamo pwede na ganun sa susunod sabi ni Sir" sabi ko dito
"oo nga pagsasabihan ko ang mga yon..pero Thea..matanong ko lang. bakit iba ang galit na nakikita ko kay Sir kanina?" sabi nito kaya natigilan ako at nagtakang tumingin dito
"ha? ano namang nakikita mo? guni guni mo lang yon, masungit lang talaga yon" saad ko umupo na sa aking trono
"hindi eh, iba eh, para syang concern..kasi nagalit sya bakit late ka nang naglunch at tsaka parang close kayo." napataas ang kilay ko. ang likot tuloy ng mata kp. diko kasi alam kung ano ang irarason
"anong iba?. hay naku! kakaiba lang talaga ang ugali ng boss natin, ikaw talaga kung ano ano namang naiisip mo. syempre nagalit sya hindi lang sa atin kundi pati sa iba kasi nag oovertime sila, kawawa din naman kasi pag sa iba nangyri yun" sabi ko nalang at wala akong plano na ikwento pa kung gaano ito ka pervert tssk. tumango naman na ito at sumang ayon na sa sinabi ko..
"sabagay, tama ka, sige na, aalis na ako ah..thanks dito" sabi nito sabay itinaas ang pie na binigay ko.
Nasa locker ako at nakikipagkwentuhan sa mga kasama ko habang nag aantay kami ng oras ng time out. wala kasi akong gagawing report dahil Entrance lang ako.
"Thea, phone mo ba yung nagriring?" tanong ni Mitch sakin. pinakinggan kong mabuti kung sakin nga ba yung nagriring
Parang sa akin nga.
Tumayo ako para buksan ang aking locker dahil dinig kong doon nga ito nagmumula, pati ringtone ay kaparehas din.
Nang tingnan ko ang phone ko ay napa tsskk nalang ako. ang sipag naman nitong magmonitor sakin?
sinagot ko nalang ito kaagad
"hello" mahina kong saad, at nakaharap sa locker ko na bukas pa.
"where are you? bakit wala ka dito sa Admin?" usisa na naman nito. naisipan ko namang pagtripan ito dahil sa kakulitan nito
"namamasyal, naghahanap ng Papa" sabi ko sabay humagikhik ng mahina.
"what?!, f**k Thea, umuwi ka!" tila kulog sa lakas ng boses nito sa kabilang linya. nailayo ko tuloy sa tenga ko ang phone ko.
bigla namang bumangon ang kaba sa aking dibdib ng mawala ito sa linya. pinatay nya ang tawag? mali yata ang biro ko, patay ako...
Tumawag na naman ito kaya agad ko ng sinagot
"joke-"
"where the hell are you at susunduin kita. f**k oras ng trabaho naglalakwatsa ka?" napanganga naman ako sa tinuran nito. napaka OA ang putik. biniro ko lang tinotoo naman nito.
"sumagot ka!, nandito ako sa Admin lumabas lang ako saglit dahil nagulat sila sa sigaw ko. f**k! Thea naman, diba sabi ko sasamahan kitang maghanap bakit lumakad kang mag isa?" gigil nitong saad. napatulala nalang ako. sumigaw sya sa Admin? oh my...
"hello, Thea?" gigil nitong tawag sa pangalan ko dahil hindi ako makasagot. napapakagat nalang ako sa kuko ko dahil sa kaba.
"napaka OA mo. nagbibiro lang ako eh, nandito ako sa Locker kung makasigaw-" mahina kong saad dahil nandito ang iba kong kasamahan.
bigla namang bumukas ang pintuan ng locker kaya nagulantang kami lahat. buti nalang walang nagbibihis. nanlaki ang mata ko sa gulat at hindi kaagad nakabawi sa pagkabigla.
naningkit ang mata nito at ang dilim na ang mukha na nakatitig sakin.
yumuko nalang ako upang makaiwas sa mga titig nya at kinuha ang bag ko sa loob ng locker. sana walang makahalata na ako ang sadya nito.
nakayuko lang ako patungo sa pinto kung saad ito nakatayo at nilagpasan ito. ni isa sa kasamahan ko walang nakaimik sa loob ng locker room dahil lahat ay nagulat at natakot sa biglaang pagsulpot nito.
diri-diritso lang ako at walang lingon lingong naglakad patungo sa Admin para magtime out.
diko alam kung ano ang laman ng isipan nila ng makapasok ako sa Admin dahil bigla itong naglingunan ng pumasok ako. may idea kaya sila na ako ang dahilan ng galit ni Sir?. ano na naman kasi ang nagawa mo Thea? lam mo namang may pagka bipolar yang amo mo'
"Thea, ok ka lang?" tanong sakin ni Janna kaya napatingin ako
"o-okay lang ako bakit?" kunwari wala akong alam
"namumutla ka eh, napagalitan ka rin ba ni Sir? may nabanggit kasi syang Thea? hindi naman ikaw yun diba?" tanong nito na may pagtataka. lahat sila nag aantay ng kasagutan ko. napalunok nalang ako ng laway. nanunuyo na ito sa kakalunok ko.
"h-hindi. hindi ako yun. bakit naman ako pagagalitan at tsaka hindi ko pa naman sya nakausap. nakasalubong ko lang sya sa labas" pagdadahilan ko at ngumiti kahit kinakabahan. hilig kasi nitong kumag natong gumawa ng eksena nahihirapan tuloy akong magpalusot.
"sige na uuwi na ako, mauna na ako sa inyo guys" sabi ko at lumakad na palabas. hindi ko alam kong naniniwala sila sa palusot ko pero paano kung nakahalata na sila?
Buti nalang paglabas ko wala na sya doon. nakahinga ako ng maluwag kaya binilisan ko na ang lakad ko. baka nasa elevator na ito nag aantay.