chaptet 22 selos

2142 Words
Thea's POV Natigil ang mainit naming eksena ng magring ang phone nito sa ibabaw ng mesa na pinaglagyan ng pagkain. dahil sa gulat, napalingon kami doon at mabilis akong napabitaw sa leeg nya at ibinaba ko naman ang mga paa ko na nakapulupot sa beywang nya. lumapit sya sakin pero mabilis ko itong itinulak at lumayo sa kanya. ramdam ko ang pagkabahala sa mukha nya pero hindi ko na pinansin pa..nangyari na naman. umahon na ako at kinuha ang towel at ipinulupot sa aking katawan. nanatili pa rin ito sa gitna ng swimming pool na hindi kumikilos. nanatili lang itong nakamasid sakin. nagdecide nalang akong pumasok sa kwarto para makaligo na sa banyo at para makapagpahinga na. nag iinit na naman ang pisngi ko sa nangyari kanina. muntikan na naman. marupok ka talaga thea, ang bilis mong bumigay' kastigo ko sa sarili ko. buti nalang may tumawag sa phone nito kaya napigilan ang hindi dapat mangyari. hindi ko alam kung ilang oras ako sa loob ng banyo. babad na babad na masyado ang katawan ko. pakiramdam ko kasi hindi sapat ang paliligo lang saglit upang maibsan ang init ng aking katawan. bahagya pa akong napapitlag ng may narinig akong ingay sa labas at may naririnig akong mga boses na nagtatawanan. may bisita ba sya? binilisan ko na ang pagligo at nagbihis na. nakakahiya naman kay Sir at sya pa ang magliligpit ng mga pinag gamitan namin sa veranda. nagsuot lang ako ng short at blouse at sinuklay ang buhok ko. "bro mukhang may kasama ka dito ah, ang dami mong pagkain sa lamesa" dinig kong boses ng isang lalaki sa labas. biglang nanlaki ang mata ko sa narinig. nandito ang mga kaibigan nya? naku paano na to? nakakahiya kapag nalaman nilang nandito ako. pero kailangan kong lumabas dahil nakakahiya kay Sir. magkukulong ako sa loob habang hinahayaang iligpit nitong mag isa ang kalat?. Pagbukas ko ng pinto ay sya namang paglingon ng mga kaibigan nya. lahat ay nagulat at hindi makapaniwala. nagpalipat lipat ang tingin nila samin ni Sir na nakaupo rin katabi nila. oh wow nandito rin ang childhood friend nyang babae na matalim ang tinging ipinukol sakin at halatang hindi rin makapaniwala. "bro, dimo sinabi samin na may kasama ka pala kaya pala ang dami mong handa at basang basa ka kanina. nagppalamig pala kayong dalawa" sabi nong isang lalaki na katabi nya. namumukhaan ko sila pero hindi ko na matandaan ang pangalan nila "i remember you. diba ikaw yung nakilala namin sa baba nong nag inuman kami sa bar." sabi nung isa "yeah. tama ka. ang tagal kitang hinanap at binalik balikan doon pero hindi kita mahanap. hindi ako makapaniwala na nasa harapan na kita. Thea right?" nag ningning ang matang sabi nito at bumaba ang tingin nito sa binti ko. biglang akong napalunok at nailang. tumikhim naman ng malakas si Sir na masama na ang tingin sakin. hindi pa rin ako makagalaw at makapagsalita sa gulat at hiya sa kanila. "matulog kana Thea," malamig na utos sakin ni Sir pero hindi ko na pinansin ng makabawi sa pagkapahiya at pilit kong iniiwas ang tingin sa kanya. "ililigpit ko lang po yung mga plato sa labas" magalang kong saad at iniwan na silang nakanganga pa rin sa gulat naramdaman ko namang may sumunod sakin pero hindi ko na nilingon pa. "ako ng bahala dito, magpahinga kana, gusto mo bang kumain muna ng hapunan?" napaigtad ako sa gulat ng madinig ko ang boses nito sa likuran ko mismo. naramdaman kong malapit lang sya dahil amoy na amoy ko ang pabango nya. lumayo ako ng kaunti at isinalansan ang mga plato "okay lang po ako dito Sir. pagkatapos nito tsaka ako matutulog" "but you need to eat dinner" "sa dami po ng nakain natin kanina, hindi ko na kailangan pang maghapunan busog pa po ako" magalang kong sagot at tumikhim. pakiradam ko mauubusan ako ng hininga kapag nagsasalita ako. bigla namang may tumikhim sa likuran namin kaya napatingin kami "babe, gusto kong maligo sa pool mo, can i borrow your boxer short and sando. wala kasi akong dala. namiss ko lang maligo dito sa pool mo" mahinhin nitong saad at lumapit kay Sir at ikinawit ang braso nito sa braso ni Sir Louie kaya napaiwas ako ng tingin. madalas pala sya ditong maligo. may nangyari din kaya sa kanila higit pa sa nangyari samin kani kanina lang? parang may tumusok na karayom sa dibdib ko ng bigla itong sumakit dahil sa naisip. tumikhim nalang ako at dinampot ang mga plato ay baso "iiwan ko nalang yung mga natirang pagkain kung maliligo pa kayo ng mga kaibigan mo" saad ko. malamang mag aaya rin ang mga kaibigan nyang maligo kung maliligo itong haliparot na itong feeling girlfriend nya. hindi ko na hinintay pang sumagot ito at nilagpasan nalang ang mga ito dala ang mga plato at mga baso dinaanan ko ang mga kaibigan nya na nagkukwentuhan sa living room. nginitian ko naman sila ng batiin nila ako. Kasalukuyan akong naghuhugas ng mga pinaglutuan namin kanina ng marinig ko ang maarte boses ng friend nya kaya pasimple ko itong nilingon. nagulat pa ako ng pumasok ito sa kwarto ni Sir at isinarado. napalunok nalang ako ng parang may bumara sa lalamunan ko kaya ipinagpatuloy ko nalsng ang ginagawa ko. "Hi Thea" napaigtad ako ng may magsalita sa gilid ko at sumandal sa lalabo. saglit akong natigilan at ng makabawi ay pinagpatuloy ko ang ginagawa ko at nginitian ito. "alam mo bang ang tagal kitang hinanap. ilang beses akong pabalik balik sa parking hangang sa sinabi nilang hindi kana nagtatrabaho dito. nalungkot kaya ako" mahaba nitong saad kaya saglit akong natigilan at tiningnan ito. mukha naman syang nagsasabi ng totoo pero im not interested. babaero ang ganitong klaseng tao. "gusto mo bang tulungan na kita?" umiling ako dahil kaya ko naman na "huwag na, kaya ko na to" sabi ko at binilisan na ang ginagawa. kainis naman to "balik kana don sa mga kaibigan mo, mukhang maliligo yata kayo" taboy ko dito dahil naiilsng akong makipag usap dito "dito nalang ako. mas masaya akong kasama at nakikita kita." pambobola nito kaya napairap nalang ako. "ahm, saan kana pala nagwowork ngayon?" tanong pa nito kays napilitan nalsng akong sagutin ito "bumalik na ako" "bumalik kana?" malakas nitong tanong kaya napatingin ang mga kaibigan nya samin "yes! buti nalang, pero bskit dito ka nakatira kay Boss Louie? may relasyon ba kayo?" biglang nanlaki ang mata ko sa tanong nito. hindi ko inaasahan na ganun ito ka straight to the point "hindi, wala-" akmang sasagutin ko na ito ng biglang dumagundong ang boses nito sa kusina. "Eng. Han!" katamtaman nitong saad pero may diin. nakakatakot. bigla tuloy kumabog ang dibdib ko. "bawal kang makipag usap sa mga kasamahan mo at mga parkers doon" "bawal kang makipag usap sa mga lalaki" "gagawin kitang Executive Assistant kapag nilabag mo ang gusto ko" bigla kong naalala ang sinabi nya at ayokong maging Assistant nya. "pumunta kana sa pool Eng. Han" malamig nitong tugon. matalim ang mga titig nito at salubong na ang kilay. katabi naman nito ang haliparot na babaeng to na naka suot ng sando at boxer short ni Sir Louie. bantulot pang sumunod si Eng. Han sa utos ng Boss namin pero sumunod rin naman ito ng makitang galit na ang itsura nito. bigla akong tumalikod ng umalis ni si Eng. Han sa tabi ko at iniwas ang tingin. ipinagpatuloy ko ang aking paghuhugas kahit parang nagiinit na ang gilid ng aking mga mata. para saan ang sakit na ito? sa takot ba sa boss namin o sa nakikita ko ngayon? suot nya ang damit ni Sir s**t. naramdaman ko naman na parang may sumaksak sa dibdib ko dahil sumakit na naman ito. bakit ba ako masasaktan "ako ng bahala dito, pumasok kana sa kwarto mo" malamig nitong saad. kinakabahan ako sa nakakatakot nitong awra na tila kakain na ng buhay. "tatapusin ko nalang ito, malapit na rin naman ito matapos" malamig kong tugon, hindi ako nagpapadala sa takot at disappointment ko. "i said pumasok kana!" madiin nitong saad kaya sinalubong ko ang galit nitong mga titig sakin. namumula na ang mukha at mata nito sa galit pero pilit kong pinapatatag ang sarili ko. kita ko sa gilid ng mata ko na lumapit na ang haliparot nyang kaibigan samin kaya lumayo ako at tinapos ang ginagawa ko "pumunta na kayo sa pool, nandun na ang mga kaibigan mo, ligong ligo na rin yang girlfriend mo, ayokong ako pa ang dahilan ng ikakagalit nya" malamig kong saan at itinaob ang mga plato sa tauban para matuyo ito. bukas ko nalang ito pupunasan para ilipat. sh*t bitter ka te? "what?-" "Babe tara na, gusto ko ng maligo" maarte nitong saad. tskk napairap nalang ako sa kawalan. naramdaman ko namang bumuntong hininga ito ng marahas at padabog na umalis sa kusina. humarap ako para punasan ang Center Island table ng mapatda ako sa aking pag harap. nandito pa pala ang hitad at nakataas ang kilay. "bakit ka nandito? anong relasyon nyong dalawa at bakit dito ka nakatira?" galit nitong saad. saglit akong natigilan pero ng makabawi ay tinaasan ko ito ng kilay. feeling girlfriend lang kung makaasta? "bakit hindi sya ang tanungin mo? sabi ko nga sa kanya maghahanap na ako ng apartment pero lagi nalang syang nagpa promise, parang ayaw nya naman akong paalisin. gusto nya na dito nalang daw ako" pag iinarte ko at kunwari nalulungkot ako. kita ko ang pagkuyom nito at pagtiimbagang. nanlilisik na rin ang mga mata nito "malandi ka lang talaga, bakit? dahil ba mayaman sya kaya inaakit mo? ganun ba? kung ako sayo aalis na ako dito dahil hindi ang katulad mo ang seseryusuhin nya. marami syang babae, maganda at mapera pa, gagamitin ka lang nya, parausan pagkatapos nganga kana. iiwan ka rin nya. naintindihan mo?" mahina pero mariin nitong saad. napalunok nalang ako ng laway. parausan tapos iiwan? tsskk. "bakit mo sinasabi sakin yan? wala naman kaming relasyon ah. boss ko lang sya at sya ang may gusto na dito ako tumira. kung ano mang klaseng pagkatao meron sya ay di mo na dapat sinasabi pa sakin yan. kaibigan ka pero sinisiraan mo sya patalikod. bakit? dahil ba na threaten ka? may gusto ka sa kanya no? tsskk" sabi ko at tiningnan ito mula hangang paa at ibinalik ko sa ang tingin ko sa mta nyang galit na galit. tinaas ko ang gilid ng labi ko at tinalikuran na ito. pumasok na ako sa kwarto at padapang humiga sa kama. pakiramdam ko pagod na pagod ako. buti nakaya ko pang harapin ang hitad na yon. dinig na dinig ko pa ang masayang kwentuhan at sigawan ng mga kaibigan nya sa labas pero hindi ko na ininda pa. tinakpan ko nalang ng unan ang tenga ko. bakit ba ako masyadong affected? dahil ba sa umasa ako na iba sya sa lahat? na totoo lshat ang pinapakita nya sakin? nasaktan ako ng dumating ang hitad na yon at suot ang damit at boxer ng lalaki tapos pumasok pa sa kwarto. bakit ba ako nagkakaganito? sh*t! hindi dapat ako magseselos. nagseselos? para saan?. eh wala namang kami. baka nga gusto lang nya akong gawing isa sa fling nya. sinabunutan ko ang sarili ko at pinagsusuntok ang unan ko dahil sa inis. hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog pero pinilit ko nalang ang sarili ko na matulog. Nagising ako kinabukasan na nahihilo pa. ilang oraz lang yata ang itinulog ko? ang mga kaibigan nya kaya? umuwi kaya sila? anong oras kaya sila natapos? bumangon akong humihikab pa at pilit na inayos ang sarili para maghanda ng pang almusal. lumabas ako ng kwarto. tahimik na ang paligid. umuwi na siguro sila. sabi nya dati hindi sya nagpapatulog ng iba dito eh. binuksan ko ang pinto ng veranda para i check kung malinis. tskk nandun pa ang mga pinag inuman nila. nagsalang nalang ako ng kanin sa rice cooker at bumalik sa veranda para maglinis ng mga kalat nila. halos kalahating oras din ang itinagal ko sa paglilinis. sa wakas natapos din nagmadali akong bumalik sa kusina para magprito ng itlog at spam. kumain na rin ako at tinakpan ang natira para kapag nagising ito ay may kakainin ito. pagkatapos kung kumain ay naligo na ako at nagbihis. malelate na kasi ako nagiwan nalang ako ng note na kumain nalang sya. at tsaka huwag na nya akong intindihin pagdating sa pagkain. ayokong kung ano ano na naman ang ipapadala nitong pagkain sakin. sa labas nalang ako kakain ng tanghlian mamaya. masama pa rin ang loob ko sa kanya sa di malamang dahilan kaya ayoko muna syang makaharap. nagpaalam akong gabi na akong makakauwi dahil may pupuntahan ako pero hindi ko na sinabi kung saan. maghahanap lang talaga ako ng apartment dahil diko kayang tumagal kasama sya. nakakalimutan ko kasi ang sarili ko kapag kaharap na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD