Thea's POV
Abala kaming dalawa sa paglalagay sa Kitchen Cabinet nya ng mga pinamili namin ng mabanggit ko ulit yung paghahanap ng apartment.
"sa weekend na, may trabaho pa ako kaya hindi kita masasamahan. sa weekend sasamahan kita" malamig nitong tugon
"ano? hindi pwede! kung wala kang time ok lang ako nalang ang maghahanap after ng work ko bukas." marahas at matalim naman nya akong tiningnan. bakit ba sya galit na galit?
"kapag sinabi kong sa weekend, sa weekend na," madiin nitong saad at padabog na naglakad paalis. bakit pakiramdam ko sa tuwing nababanggit ko ang paghahanap ng Apartment naiinis sya. kapag hindi kasi ako umalis pakiramdam ko malapit ako sa tukso. malandi pa naman sya, marupok din ako. baka ang ending majuntis ako ng wala sa oras.
grabe! ang layo na ng narating ng isip ko. pero mas ok na yung advance mag isip.
Nagising ako sa tunog ng Alarm ko kinabukasan. 5am pa lang pero kailangan kong gimising ng maaga dahil magluluto pa ako ng almusal namin kahit diko sure kung kakain sya ng almusal.
7am ang pasok ko pero kailangan 6:30 ay nasa Admin na kami. quarter to 7 kasi dapat nasa booth na kami para palitan ang mga mag a-out.
ham and egg at bacon lang hinanda ko at nagsaing. sa labas nalang ako kakain siguro mamaya. ayoko namang umuwi dito dahil wala akong susi. ayoko ring hingiin sa kanya baka galit pa sya hangang ngayon.
Pagkatapos kung magluto ay nagpasya na akong maligo. sinuot ko ang dati kong uniform at 3 inches na black high heels. buti nalang naitabi ko pa ang mga ito.
Paglabas ko ay tahimik pa. nilingon ko ang pinto nito. mukhang tulog pa sya. ayoko namang gisingin baka nasa kasarapan pa ng tulog nya. napagpasyahan kung kumain nalang mag isa. mag iiwan nalang ako ng note. hindi ko naman sya pwedeng hintayin na magising baka malelate ako sa pasok ko.
"Goodmorning po " bati ko kay OIC Suarez. dumating na rin ang kapalitan nya na si OIC Durango.
"Good Morning, Thea, musta ang umaga mo? mukhang blooming ka ah" sabi ni Sir Suarez na may kasamang pang aasar na ngiti. nag init ang mukha ko sa tanong nya. nginitian ko nalang ito dahil nahihiya ako. nag time in nalang ako sa biometric at nag log in sa log book.
"Hi Thea, nice to see you again" bati ni OIC Durango.
"hello po" bati ko rin sa kanya.
"parang lalo kang sumeksi at gumanda ngayon ah" puna sakin ni OIC Durango. bulero talaga, sanay naman ako sa kanila dahil mga mababait naman sila sakin lahat.
"hay naku OIC dati pa po akong seksi at maganda." sabi ko at inikot ko ang mata ko. tumawa lang ito ng mahina
"OIC Durango, taken na yan gusto ko lang ipaalala sayo kung mahal mo pa ang trabaho mo" pang aasar ni Sir Suarez. tila pa may halong pagbabanta na saad nito. kung sa iba biro lang yon pero dahil nakita kami nitong magkasama kami ni Sir kagabi kaya siguro ganun ang nasabi nito. inilingan ko nalang ito at ngumiti tsaka lumabas na ng Admin para mag ayos na sa locker. Gaya ng inaasahan ay nagulat ang mga kasama ko ng pumasok ako sa locker.
"ahhh, girl your back!" tili ni Jana at yumakap ng makita ako.
"daya mo hindi ka man lang nagpaalam sakin bago ka umalis." pagtatampo pang saad nito at humaba ang nguso. pinitik ko ang nguso nito. napanganga ito at tinakpan ang bibig. tinawanan ko nalang ito. binati rin ako ng iba kong kasamahan. pero syempre ano pa ang aasahan ko sa mga kontrabida sa buhay ko kundi okrayin ako.
"sorry na, biglaan kasi ang pag alis ko" sabi ko at umupo sa bakanting upuan
"ano ba kasing nangyari, bigla ka nalang nawala" sabi pa ni Mitch sakin at tumabi. nagkibit balikat nalang ako. ayoko namang sabihin ang rason ni Sir na nakikipag usap ako sa mga lalaki daw tsskk. ang babaw nya ah
"I'm sure magiging maingay at magulo na naman ang Admin at parking dahil bumalik ka" napatigil ako sa pagmemake up ng marinig ko na naman ang kontrabida sa tapat ko
"hoy, bakit naman sya ang pinagbibintangan mo. itchuserang kalabaw ka" nakataas ang kilay na saad ni Jana at inirapan ito
"hindi mo ba napansin mula ng mawala yan dito tahimik na ang parking pati si Mam Jovy nadadamay sa kalandian nya" tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Jana at sya na ang tumayo
"OO natahimik ang parking pero hindi ko na rin nakikita yung crush ko na Boss natin. mas okay pa nga yong dati ang saya, lagi ko syang nakikita. at saka ikaw rin naman parang binubudburan ng sili yang hiwa mo pag nakikita mo sya. diba, tinanong mo pa yan ng ilang beses bakit hindi na nagpupunta si Sir. kung makapagsabi kang malandi eh isa ka rin naman" sabi ni Jana ng lapitan nya ito. namula ang mukha ni Chona sa sinabi ni Janna sa kanya. buti nalang at dumating si Mam Jovy
"Jana, tama na yan" bulong ko sa kanya at hinila na ito ng makita kong paparating na si Mam Jovy
masamang tingin lang ang ipinukol ni Chona samin at nakakuyom ang kamao. halatang napahiya ito.
"Bilisan nyo na dyan ayaw ko ng pasaway at makupad kumilos" sabi ni Mam Jovy na paparating at pailalim ang tingin ang ipinukol sakin at inirapan ako. umupo ito sa Mini Office nya. galit parin sya sakin. bakit ba lagi silang galit sakin eh wala naman akong ginagawang masama.
Pagkatapos kung magmake up ay iniligpit ko na ang gamit ko at akmang tatayo na sana ng magring ang phone ko. kinuha ko ang phone ko sa bag ko at akmang sasagutin na sana ng mapansing natahimik sng aking paligid. nang tingnan ko sila ay nakatingin sila lahat sakin na nakanganga. problema ng mga ito?
tiningnan ko ang caller. sinagot ko nalang ang phone kahit diko alam ang dahilan ng tinginan nila. hayy si Sir na naman
"hello" malamig kung saad
"bakit hindi mo ko ginising bago ka umalis" halatang naiinis na ito sa tono ng pananalita nito. namamaos pa anf boses nito at halatang kakagising lang
"tulog ka pa eh, nagluto ako dyan kumain ka nalang" mahina kong saad at lumayo sa kanila na nakatingin pa rin sakin
"dadaan ako dyan bago ako papasok sa work" bigla naman akong nataranta. ayokong may mapupuna na naman ang ksamahan ko
"huwag na, baka pagtsismisan pa tayo"
"sino?, sabihin mo sakin" galit nitong saad. oo nga pala wala itong puso pagdating sa tauhan nya.
"no no, hindi sa ganun. basta umiiwas lang ako. kita nalang tayo mamaya" sabi ko para tumigil na ito. bumuntong hininga nalang ito
"okay, sa north exit kita ipupwesto, doon ako dadaan" sabi nito na nagpakilig na naman sakin. napapakamot nalang ako sa ulo sa kakulitan nito.
"oo na po, bye na aalis na kami" paalam ko dito. tumawa naman ito ng mahina
"okay" sabi nito at pinatay na ang tawag
Pagbalik ko ay nakatingin parin sila lahat sakin na namamangha. ay sa phone ko pala hindi sakin
"Girl, oh my ganyan pala ang itsura nyan. sa Ads ko lang nakikita yan dahil sa sobrang mahal at out of stock pa. pero girl paano mo naafford ito. grabe ang ganda" sabi ni Janna at nagsilapitan sila sakin
"oo nga ang ganda, pahawak naman" sabi pa ni Mitch. gulat man sa reaction nila ay napabuntong hininga nalsng ako
"I'm sure china phone yan" sabi ni Chona na nakairap. tahimik lang akong sa isang tabi at nakikinig sa bangayan nila
"anong China Phone? marunong ka bang tumingon ng peke at Original?" singhal ni Janna kay Chona
"grabe pangarap ko talagang magkaroon ng ganito. paano ka nagkaroon ng ganito girl. installment ba?" sabi pa ni Janna
"may nagregalo lang sakin nito" sabi ko at itinago ito sa bag ko
"totoo? regalo lang yon?, grabe ang yaman naman ng nagregalo sayo nyan halos kalahating milyon na ang halaga nyan" saad pa nito at hinabol pa ako hangang locker ng ilagay ko ito sa loob ng locker ko
"tama na yan! late na kayo, puro kayo daldalan. Thea sa North Exit ka, Chona sa Feliz ka. magpalit kayo" malakas na saad ni Mam pero hindi naman galit.
"bakit po mam? doon naman talaga ang sked ko diba?"
"sumunod ka nalang, order yan galing kay Mr. Guevarra" napanganga nalang kami. kagagawan na naman. nagbubulungan na naman ang mga kasamahan ko.
"Mr Guevarra? oh my, narinig ko na naman Apilyedo nya. bakit ganun?" kilig na kilig nitong saad.
"huwag ka na maingay galit na naman si Mam oh" bulong ko kay Janna at kinuha ang metal box ko at log book. nakatingin kasi sila samin na masama ang tingin.
"may utang ka sakin, hindi mo sinabi kung sino ang nagbigay sayo ng phone na yun" bulong din nito at kinuha rin ang metal box at logbook nito. tsskk wala akong planong sabihin sa kanila. mahirap na.
7:10am na at kasalukuyan kong nililinis ang table at computer ko na may alikabok. ayoko kasi ng maalikabok at makalat sa pwesto ko.
binati ko rin ang kasama kung security guard na nakapwesto sa di kalayuan. ngumiti naman ito at kumaway.
binuksan ko ang aircon. hindi siguro mahilig sa malamig ang kapalitan ko kaya pinatay nya. pero mainit sa pwesto nya lalo na at kulob ang booth kaya hindi pwedeng walang aircon
kasalukuyan kong inaayos ang laman ng metal box ko ng may bumusina na sasakyan at nakahinto sa booth ko. i extended my hand out para tangapin ang card nito ng hindi tumitingin dito. hindi ito nagsalita at di rin inabot ang card kaya nilingon ko ito. ganun nalang ang pagkagulat ko ng mabungarannko ang napakagwapo nitong mukha.
"good morning" sya pa ang bumati sakin. napanganga namn ako. mula kasi ng pumasok ako sa work na ito, this is my first time na makita ko sya sa loob ng sasakyan at ako naman ay nasa booth. namula ang mukha ko sa hiya
"good morning po Sir" nahihiya kong saad kahit madalas kaming magbangayan ay dko parin maiiwasan ang kiligin.
"bakit ang kapal ng make up mo?" saad pa nito. balak pa yatang makipagkwentuhan nito buti nalang wala syang kasunod na sasakyan
"bawal daw po kasi ang light make up" sabi ko at ngumiti
"tssk para kang clown, mas bagay sayo ang walang make up, simple lang" bigla namang sumama ang timpla ng mood ko sa tinuran nito
"eh diba ikaw ang boss dapat alam mong bawal ang maputla sa department natin" sabi ko at inirapan ito. tumawa naman nito ng mahina. lumapit naman ang guard at halatang natataranta.
"ahh Mr. Guevarra goodmorning po. pasensya na po kayo kakaumpisa pa lang nya ngayon sa work" hingi nito ng paumanhin. natawa naman ako ng mahina
"it's okay, bantayan mo yan ah sabihin mo sa ibang guard bawal kamo makipagharutan sa Parking Attendant." malamig nitong saad.
"o-opo Sir." taranta nitong saad at yumuko
"sige na, balik ka na sa pwesto mo" sita niya kaya nagmadali itong umalis
"bakit naman parang tinatakot mo sya?" sabi ko at dumukwang sa bintana ng booth. nilabas ko ang ulo ko para bumulong dito
"baka mamaya ligawan ka nyan mas mabuti ng alam nyang bawal." tssk ang nagsalita, eh sya nanligaw ba? nakahalik na lahat lahat sakin pero gang ngayon diko alam kong anong label ng relasyon namin. ano yon tikim tikim lang?
nginusuan ko nalang ito at inirapan. ipinasok ko nalang ulit ang ulo ko sa loob.
"aalis na ako. ito yung susi ng Penthouse. direcho uwi okay?" bilin pa nito at inabot ang pompon ng mga Susi. tinanggap ko naman ito pero ng mapatingin ako sa guard na kasma ko ay napanganga ito. hinablot ko kaagad ang susi at itinago
"tssk, bakit parang takot na takot ka?" natatawa nitong saad. inirapan ko lang ito
"baka kasi may makakita, baka ano pang sabihin nila" bulong ko at inirapan ito. napailing naman ito
"alis na ako, kiss ko" nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. nakita ko pang nkanguso ito. s**t!
"kiss mo mukha mo, gusto mo yata pagpiyestahan tayo dito" sabi ko at hinaplos ang mukha na tila nag iinit.
tumawa lang ito at pinaandar na ang makina ng sasakyan.
"may utang ka sakin, bye na" sabi nito
"bye, ingat" sabi ko pero ngumiti ito at kumindat pa kaya lalong nag init ang mukha ko. s**t! ang aga aga pero ang mukha ko nag init na sa kilig. ang ganda ng ngiti nya
Wala na si Sir pero heto pa rin ako nakatulala. bakit kaya ganun nalang ang pakikitungo sakin ni Sir? minsan pinapakilig ako, minsan naman disaster. grabe kapag may topak.
"Mam Thea, ano po ang sabi ni Sir? bakit ang tagal nya?" tanong ng security guard
kaya nagulat ako. napatikhim ako at inayos ang sarili. para pala akong tanga na nakatulala.
"wala po, pinapaalalahanan lang ako dahil bago lang ako dito"
"ganun ba? first time kasi yun na makipag usap sa ating mga nasa parking. mukha pong close kayong dalawa" sabi pa nito. may pagka tsismoso rin pala ito
"hindi po kami close, bago lang kasi ako kaya pinaalalahanan nya ako" sabi ko nalang at isinarado ang bintana ng booth ko para umalis na ito. napakamot naman ito sa ulo at bumalik na sa pwesto nya.
Oras ng breaktime ko. 11am pa lang ay may kapalitan na ako. at dahil malapit lang ako sa locker kaya nilalakad ko nalang ito. kukuha lang ako ng pera at sa labas ako kakain.
"Mam Thea daan daw po kayo kay OIC Durango" saad ng guard na kasama ko paglabas ko ng booth. bakit kaya?
Nagmadali naman akong naglakad papunta sa Admin para hanapin si OIC.
Nakita ko itong nakaupo sa Sofa sa loob ng Admin kausap ang Manager namin. bumati muna ako sa kanilang dalawa.
"OIC, hello po. pinapatawag nyo raw po ako" tawag ko kay Sir kaya napalingon ito sa Pwesto ko
"nandito kana pala Miss Thea" tumayo ito at may kinuha na nakasupot at halatang pagkain ito dahil sa logo ng plastic na isang Thai Restaurant.
"para kanino po ito Sir?" maang kong tanong dito
"para daw sayo, basta ibinigay lang yan ng crew sa Thai Resto dito. pinapabigay daw sayo." sabi nito at nakangiti. gulat naman akong nakatingin sa kanila na nakangiti sakin. kanino kaya galing to? kay Sir Jameson kaya? pero wala naman syang alam na bumalik na ako dito. iisa lang ang alam kong nagpadala nito. nagpasalamat nalang ako kay OIC at nagpaalam sa kanila. pumunta ako sa locker at kinuha ang Phone ko sa bag ko.