Chapter 19 with or without wings

2342 Words
Thea's POV Kinabukasan ay Alas otso na ng umaga ako nagising. madaling araw na kasi akong nakatulog kaya late na tuloy akong nagising. umalis na kaya sya? Mabilis akong bumangon at naghilamos ng mukha at nag toohbrush pagkatapos ay lumabas na ng kwarto. tahimik ang paligid. mukhang walang tao. pumunta ako sa kusina at nag uunat ng katawang naglalakad. nadatnan ko namang may nakatakip na pagkain sa lamesa. nagluto sya? nkakahiya, sya pa talaga ang nagluto ng almusal ko. napansin ko naman ang note sa tabi nito kaya dinampot ko at binasa ito. Maaga akong umalis coz i have a meeting. may niluto na ako kaya kumain ka okay? feel at home nalang. huwag kang umalis, hintayin mo ko at tutulungan kitang maghanap mamaya -Louie Napangiti nalang ako at umupo na para kumain. infairness napaka caring at thoughtful nya. katatapos ko lang kumain at naisipan ko nalang linisan ang Penthouse nya kahit wala naman akong nakitang dumi o alikabok. napakalinis at organize nya. 'parang babae Ang nakatira dito' sa loob loob ko. pati kwarto nito ay nilinisan ko. nilabhan ko na rin ang marurumi nitong damit. automatic naman ang washing machine kaya ok lang. naginit ang mukha ko ng mahawakan ko ang brief nito. s**t! bakit di maganda ang naiimagine ko sa brief na ito? ano kayang itsura non? bigla kong binato sa loob ng washing ito at sinabunutan ang sarili. agad kong isinarado ng malagyan na ng liquid detergent at i-set ang timer. ang halay na naman ng isip ko. Pagkatapos kong maglaba ay naligo na ako at lumabas sa veranda. excited na akong makita muli ang veranda nya. Tama nga ako! Ang ganda dito pag araw dahil kitang kita ko sng mga halaman at nagtataasang mga building. pati ang magandang view ng mga kabundukan at kabahayan sa ibaba. para naman akong iniimbita ng napakalinaw na tubig ng swimming pool nya. pero dahil bisita lsng ako dito kaya behave ako. baka mamaya magalit sya na naliligo ako sa swimming pool nya. Ngwalis nalang ako at tinangalan ng tuyong dahon ang mga halaman pagkatpos at diniligan ang mga ito. Nang medyo tapat na tapat na sa araw ang pwesto ko ay nagdecide na akong pumasok. nanood nalang ako ng TV. buong araw lang akong nanood at nagmuni muni sa loob ng Penthouse nya. ayoko namang bumaba baka maligaw ako at hindi na ako makabalik dito. wala akong susi pati password ng pinto nya hindi ko alam. nakakaboring pala mag isa dito. Nakatulog ako sa upuan at diko namalayan na hapon na. nakatulugan ko pala ang palabas sa TV. hindi naman kasi ako mahilig manood. tiningnan ko ang orasan at 3pm palang pala. nagising kasi akong may humahaplos sa pisngi ko pero nang imulat ko ang mga mata ko ay wala namang tao. tumayo nalang ako para pumunta sa kusina. ngunit bigla akong nagulat ng madatnan ko ito sa harap ng nakabukas na ref, nagsasalin ito ng tubig sa baso. kanina paba sya dumating? "kanina ka pa?" sabi ko na pupungas pungas pa. biglang nawala ang antok ko. halata itong pagod at nakatupi pa ang manggas ng polo hangang siko. "yeah, masarap kasi ang tulog mo kaya hindi na kita ginising" sabi nito at isinara ang ref. "gutom ka ba? i will cook for you" sabi ko at lumapit dito "i'm okay, i'm not hungry yet" sabi nito at hinugasan ang baso sa sink pagkatapos nitong uminom "mukhang pagod na pagod ka, anong ginawa mo dito maghapon?" sabi nito at lumapit sa akin. agad naman akong nataranta. naaamoy ko na naman kasi ang pabango nya nakakalibog ay este nakakahalina. bakit ang bango pa rin nya kahit maghapon na sya labas? napapakagat nalang ako sa labi upang pigilan ang kilig na nararamdaman "ahm..naglinis lang ako ng kaunti at naglaba. naboboring kasi ako dito. wala akong ginagawa" napataas nman ang kilay nitong nakatingin sakin ag ngumiti ng bahagya "dapat hindi mo na ginawa yun, hindi mo trabaho yun, dapat nagpahinga ka nalang. baka bukas mag uumpisa ka na" sabi nito at sinuklay ng daliri nito ang buhok ko na nagulo. s**t! hindi pala ako nakapagsuklay pagkabangon ko. nagtatayuan na naman ang mga balahibo ko sa ginagawa nito. nakakakiliti kasi tuwing sumasayad ang daliri nito sa pisngi at leeg ko. umatras ako at tumikhim. bigla yatang nanunyo ang lalamunan ko. bakit sa tuwing lumalapit sya nag iiba ang pakiramdam ko? naaalala ko na naman ang intimate naming eksena sa veranda. "ah..w-what time tayo aalis mamaya para maghanap ng apartment?" pag iiba ko sa usapan namin. bigla namang nagbago ang emosyon nito at naglakad papunta sa kwarto nya. ehh? "later, magpapahinga lang muna ako" sabi nito at tuluyan na akong iniwan sa kusina. tssk siraulo talaga tong bipolar na to! hindi sya lumabas sa kwarto nya hangang mag alas singko ng hapon. anong oras ba kami maghahanap ng apartment? parang wala namang planong maghanap ito. I decided to cook for our dinner nalang. tiningnan ko ang ref nya kung anong pwedeng lutuin. sinigang sana kaso hindi kompleto ang gulay. sabagay kakarating lang namin at hindi pa ito nakapagpang grocery. nagluto nalang ako ng buttered garlic chicken dahil yun lang ang available. ang bango ng niluto ko. nagugutom na ako pero hihintayin ko nalang syang lumabas. pumasok ako sa kwarto ko para maligo dahil amoy ulam na ako. nagbihis nalang din ako para hindi na ako magbibihis mamaya pagalis. Saktong 6 ng hapon ng lumabas ito. may oras pa ba kaming maghanap nito? mag gagabi na. kainis talaga tong bipolar nato. kung hindi ka lang gwapo. ano na naman Thea? haist "Ang bango ah, nagluto ka?" sabi nito at mukhang good mood na. hayy mukhang nakapagpahinga na sya. lumipad na yata ang kamaru sa utak nya. buti nalang nahanda ko na ang lamesa. "hmm. nagluto ako ng buttered garlic chicken, yun lang kasi ang available sa ref mo" saglit naman itong natigilan at nag iisip. lumapit ito sa lamesa at tiningnan ang niluto ko. "hmm mukhang masarap ah" sabi nito pagkatapos amuyin "sana pumasa sa panlasa mo" sabi ko ng makaupo na ito. umupo na rin ako sa tapat nito at nilagyan ng kanin ang plato nito. in my Peripheral vision ay natigilan at napatingin ito sakin. pilit kong inignora ito para hindi ako mataranta. baka matapon ko pa ang mga nasa lamesa. "samahan mo kong mang grocery mamaya" biglang sabi nito kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. hindi ba kami maghahanap ng apartment? "eh paano yung paghahanap natin ng apartment, gabi na kaya" sabi ko at sumimangot "pwede namang ipagpabukas yun, hindi naman kita pinapaalis dito ah. at saka masarap pala sa feeling may kasama dito" biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi nya "hindi pwede dapat ngayon tayo maghanap. pwede namang pagkatapos nating maghanap tsaka tayo mag gocery" sabi ko at sinamaan ito ng tingin. hindi naman ito umimik "bakit kasi ayaw mong kumuha ng kasambahay para may kasama ka dito" dagdag ko pa at sumubo ng pagkain. tumawa naman ito ng mahina ay umiling "ayoko, gusto ko ikaw ang kasama ko dito" muntik ko ng maibuga ang pagkain sa mukha nito. what the? "anong sabi mo?" gulat kung saad dito "why not? extra income mo na rin yon dahil babayaran naman kita. para pag uwi ko may magluluto na sakin ng pagkain. magprepare ng damit ko" sabi nito at enjoy na enjoy sa kinakain. "ayoko. dapat yaya ang kinuha mo or katulong hindi ako" "mas may tiwala ako sayo kaysa kukuha ako ng hindi kilala at dito pa patitirahin. paano nalang kung pagnakawan ako or bigla nalang akong pasukin sa kwarto at akitin" oo nga naman pero- "eh bakit ka kukuha ng bata. kumuha ka ng may edad na para hindi ka akitin" sabi ko at inirapan ito. umiling naman ito "still i don't like. ayoko ring kumuha ng matanda. baka ako pa mag aalaga. kaya mas prepared kong ikaw atleast kilala na kita at saka....okay lang kong gagapangin moko sa kwarto mas gus-" nabagsak ko ang kutsara't tinidor ko sa gulat. malibog talaga tong kumag na to..nagbago na ang isip ko. kumag na ulit tawag ko sa kanya. sya gagapangin ko sa kwarto nya? no way! "ang kapal. hoy kahit ganito lang ako, never kitang gagapangin no! mukha mo, hindi ako magkakainteres sayo" angil ko at inismiran ito "kaya pala sa tuwing hinahalikan kita ang tindi ng reaksyon ng katawan mo. lakas ng ungol mo" putik talaga to. bigla tuloy namula ang pisngi ko "ikaw kaya ang malakas umano..yong ano..ang ingay mo. at tsaka yung ano mo tumigas pa..a-at tsaka ikaw ang naunang nanghalik, hindi ako" taranta kong saad dito. hindi naman ako makatingin ng diretso. ayoko pa namang maungkat pa yon dahil naaalala ko na naman ang mainit naming halikan. "tsskk. nagustuhan ko kasi. masarap ang lips mo eh kaya nagreact ang buddy ko" sabi nito at tumikhim. siraulo talaga. grrr "kumain na muna tayo, baka mabulunan pa tayo sa pinag uusapan natin masarap pa naman itong niluto mo" dugtong pa nito. buti pa nga. kainis, bakit naman kasi pinag uusapan pa namin yon? para tuloy may nagliliparan sa tyan ko. pasimple namang bumababa ang kamay nito sa harap na parang may kinakamot at tumitingin sakin. inirapan ko nalang ito at hindi na pinansin at pinagtuunan ko nalang ng pansin ang pagkain. alas syete ng matapos kami sa pagliligpit at kinuha na rin nito ang susi ng kotse nya. Nagyaya na itong samahan ko syang mang grocery. malapit lang naman dito ang grocery at pwede ng lakarin bakit magkokotse pa kami? sayang ang gasolina. Pagbaba namin sa parking ay agad napadako ang mata ko sa Admin. wala pang mga Parking Attendant dahil mamaya pa ang palitan ng shift pero nakita ko si Sir Suarez na nagroronda gamit ang motor nito. nagulat pa ito ng makita ako at si Sir na magkasama. huminto naman ito sa tapat namin at sumaludo at bumati kay Sir. Alanganin pa itong ngumiti at magsalita pero nauna ng magsalita si Sir Louie "OIC Suarez, bukas magrereport si Ms. Garcia. babalik na sya dito. kindly inform kay Jovy to arrange her sked. pang hapon sya kamo" bigla akong napatingin dito na hindi makapaniwala. pero deadma lang ang kumag. hindi man lang ako tiningnan. hindi man lang inalam kung anong gusto kong sked. "talaga po? ah. nice to see you again Thea. buti makakabalik ka na dito." bati ni Sir Suarez sakin. "nice to see you again din po Sir," sabi ko at tumango dito. tumikhim naman si Sir sa tabi ko "ahm, we need to go OIC, " paalam ni Sir at hinila na ang kamay ko. problema nito? "ah sige po Sir, Thea ingat po kayo" sabi nito at kumaway saming dalawa at may kinausap na sa radyo na hawak nito. niraradyo siguro sa mga tauhan nito to inform na lalabas ang bossing nila. hindi pa rin inaalis ang tingin nito saming hindi makapaniwala na makita ako ulit at kasama ko pa si Sir. hila hila ni Sir ang kamay ko papunta sa sasakyan nito at pinagbuksan pa ako bago ito sumakay sa driver seat. Pagdating namin sa grocery ay nagtinginan ang mga mga tao samin. lalo na ang mga kababaihan na halata ang paghanga sa katabi ko. nagbubulungan at nagsisikuhan pa na halatang kinikilig. tskk. namangha naman ako sa mga pinag lalagay nito sa cart. pagdating sa mga gamit pambabae ay inutusan pa ako "get all you want, para maisama ko na" sabi nito habang tulak tulak nito ang cart. at ako rin ay may tulak tulak na isa pang cart puro magagaan lang naman ang inilagay nya sakin at sa kanya ang mga mabibigat. "hindi na. may pera pa naman ako. at tsaka wala naman akong kailangan pa" sabi ko at naglakad na. naramdaman ko namang hindi ito sumunod kaya nilingon ko ito. nanlaki ang mata ko ng may mga dinampot itong sanitary napkin. agad ko itong binalikan "ano ba, huwag mong gawin yan" sita ko dito "sabi ko ikaw na ang pumili, ayaw mo kaya ako nalang. what's the best with wings or without?" namula ang mukha ko sa tanong nya. tila yata nag akyatan na ang dugo ko sa mukha. hindi ako makapagsalita sa sobrang hiya. lupa lamunin mo na ako. "okay without," pinal nitong saad ng hindi ako nagsalita "wi-with wings na," habol ko at mahinan saad. tumango naman ito at kumuha ng anim na pack. gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko. tulak tulak ko pa rin ang cart na sumusunod dito na nakasimangot "you like this kind of lotion?" tanong nito ng ipakita nya sakin ang Myra-e na lotion. sa tingin ko naman ay hindi ito makikinig sakin kapag sinabi kong ayoko kaya tumango nalang ako at kumuha ito ng dalawang pinakamalaki. kumuha din ito ng sabon na katulad ng gamit ko ng 12 pieces. bakit ang dami? "bakit ang dami naman yata ng sabon?" sabi ko na nakakunot ang noo "sakin yung anim, sayo yung anim" napanganga nalang ako sa tinuran nito. ganun din palang klase ng sabon ang gamit nya? pati shampoo ay katulad rin ng gamit ko? "bakit ang dami din ng shampoo?" "hati din tayo. sayo tatlo, tatlo din sakin" seriously pati shampoo magkaperahas kami? eh puro pambabae gamit ko ah. ibig sabihin amoy babae narin sya. mahilig ba sya sa gamit pambabae? napapailing nalang akong tinitingnan ito na hindi makapaniwala. ibang klase talaga sya.. Nakarating kami ng Condo nya na pagod na pagod sa dami ng binili nito. pati na rin yung sa akin halos isang cart. may mga binili pa itong bagong tuwalya sakin na hindi ko naman sinabi. hindi nalang ako nagkomento pa. Tinawagan pa nito si OIC at dalawang Security para tumulong magakyat ng mga binili namin. pansin ko naman ang mga sulyap ng mga Security sakin na hindi makapaniwalang nakita nila ako ulit lalo na ng malaman nilang sa Penthouse ng boss namin ako tumuloy. kita ko sa mga mata nito ang pagtatanong pero mas pinili nalang nila ang manahimik dahil sa takot. malamang trending kami nito sa parking mamaya. haistt. napaka kasi nitong boss namin. ayaw pa akong hanapn ng apartment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD