"Anak mag iingat ka doon ha, tumawag ka kaagad pagdating mo doon" naiiyak na saad ni nanay sakin. nandito kami ngayon sa sala. at ako nalang ang hinihintay ni Sir dahil ang dami pang bilin ni Nanay. parang ayaw pa akong pakawalan.
Si Sir naman ay kausap si Tatay habang nakasandal ang una sa sasakyan nito. mukhang seryoso sila. ano kaya ang pinag uusapan nila?
"Opo nay, huwag po kayong mag alala. tatawag din lagi sa inyo" saBi ko at niyakap ito. mamiMis ko talaga sila. sng buhay probinsya. kilan kaya ulit ako makakabalik dito?
"anak kapag inaway ka nyan. tumawag ka sakin ah. akong bahala" napangiti naman ako sa tinuran ni nanay. ano ako bata?
Lumabas na kami ng bahay at naabutan namin ang dalawa na naguusap pa rin. nagyakapan naman ang mga ito ng makita na ako. niyakap ko rin si tatay ng mahigpit ng makalpit na ako.
parang tutulo na naman ang luha ko pero pinipigilan ko nalang. ayokong ipakita sa kanila na mahina ako. mas lalo kasing malulungkot si Nanay at ayokong nalulungkot.
niyakap ko rin ang dalawa kong kapatid.
"ingatan mo ang anak ko Louie iho" seryosong saad ni Tatay kay Sir. tila may banta pa sa uri ng mga titig ni tatay. pero tumango din naman si sir at ngumiti.
"huwag po kayong mag alala tay. iingatan ko po sya. nay aalis na po kami" paalam ni Sir kay nanay at humakap.
Sakay ng kotse ay biglang may sinabi ito na nakapagpalingon sakin
"Sa Penthouse ka na tumuloy Sweetheart, may bakante naman akong room dun" what the?
"anong sabi mo? bakit naman doon ako titira? ano nalang sasabihin ng mga empleyado mo? ng pamilya mo? lalo na ng girlfriend mo?" saad ko dito at tumingin sa labas. tumawa naman ito ng mahina. anong nakakatawa?
"bakit moko tinatawanan? may nakakatawa ba sa tanong ko?" sabi ko at inirapan ito.
"una, ang family ko ay walang paki sa kong ano man ang desisyon ko. don't mind my employees also. takot lang nilang tangalin ko sila. at ang panghuli. wala akong girlfriend okay?" sabi nito na nakangiti at kumindat pa sakin.
wala syang girlfriend eh bakit ang sweet nila nong pinakilala nyang friend kono
"tsk iniisip mo bang girlfriend ko si Louise?" tanong nito na nakangiti pa rin. inirapan ko naman ito. nababasa na naman yata ang nasa isip ko
"she's not my girlfriend, she's just my friend. inaamin kong nakakahalata na akong may gusto sya sakin pero never ko syang pinatulan. okay naba?" sabi nito at tumingin saglit sakin
"ayoko pa rin na doon ako tumira. uupa nalang ako ng apartment" sabi ko dito at tumingin sa labas. narinig ko namang bumuntong hiningi ito ng malalim bago sumagot
"sweetheart pwede ka naman sa condo ko. para makatipid ka na rin. malapit pa sa work mo, libre ka rin sa lahat even your food. pinangako ko pa naman kay tatay mo na iingatan kita. pano kita maiingatan kong malayo ka?" inis nitong turan kaya napatingin ako sa kanya.
"i am not your obligation okay? kaya ko ang sarili ko Sir. hindi magandang tingnan na empleyado lang ako pero doon ako nakikitira" mahinahon kong saad
"gagawin kitang Executive Secretary or Personal Assistant ko tapos magkaiba tayo ng bahay?" problemado nitong saad
"eh sinong may sabing papayag akong maging Personal Ek ek mo?" inis kong turan dito
"teka, ako ang boss dapat ako ang masusunod"
"yes you are my boss, and thank you for giving me a chance to work in your company. pero mas okay na ako sa parking" gigil naman itong humawak sa manibela nya. tsk galit na naman sya. ayokong maging PA nya dahil natatakot ako sa maaring mangyari samin kapag magkalapit kami.
"okay fine. papayag na ako... pero kapag may nagawa kang mali gagawin kitang Executive Secretary ko. deal?" may condition pa talaga?
"okay,..pero teka ano na naman yang sinasabi mong mali?" kunot noong tanong ko sa kanya
"bawal kang makipagkwentuhan at makipagharutan sa mga kasamahan mo or sa parkers doon na lalaki, hindi ka pwedeng magpalapit sa iba"
"ano?, ano kaba? hindi naman maiiwasan yon ah. halos lahat ng makakasalamuha ko doon ay lalaki. papano ko maiiwasan yon? nahihibang ka na ba?" angil ko dito. grabe bawal akong makipagkwentuhan. mas matindi pa sya sa boyfriend kong maghigpit. eh wala namang kami.
"basta bawal, ako ang masusunod kung gusto mong payagan kitang mangupahan. huwag ka na ring bumalik doon sa inuupahan mo dati. halo halo na kayo doon. wala kang privcy" saad nito. whatever.. kung makapagsalita to tila ayaw nyang nababali ang bawat sasabihin nya. tskk bossy
"saan naman ako titira? ok naman na ako doon mas mura pa"
"ako ng bahala, hahanapan kita doon" walang gana nitong sagot
"ayokong doon sa Condo mo ah" sabi ko na nakatingin sa mukha nitong aburido. ayan na naman sya. nagbabago na naman ang mood nya. nagtatransform na naman sya. hindi na rin
Nang makaramdam kami ng gutom dumaan kami sa isang fast food chain para kumain ay nagtake out na din kami para kapag nagutom kami, may kakainin kami sa daan.
Halos mag gagabi na ng makarating kami sa C5 sa Libis dahil sa traffic dahil may ginagawa umanong kalsada.
Dahil gabi na kami nakarating kaya sa Penthouse nya nalang kami dumiritso. kahit ayoko sana ay wala na akong nagawa dahil gabi na at wala pa akong matutulugan ngayong gabi.
nangako naman syang tutulungan nya akong maghanap ng apartment bukas dahil ayaw nyang bumalik ako sa dati kong inuupahan. mahirap nga naman kasing maghanap kapag gabi na.
Nagpadeliver nalang din ito para sa hapunan namin dahil pagod na umano sya para magluto pa.
Hangang hanga naman ako sa ganda ng Penthouse nya. para akong nasa VIP suit na hotel. ang laki at ang linis pa. amoy palang mayaman na. ang ganda ng mga design at pati mga gamit nya halatang mamahalin. mag isa lang ba talaga sya dito? grabe, ang laki tapos wala man lang syang kasama kahit katulong lang sana.
"dito ka nalang sa kabilang kwarto, malinis naman yan at kompleto sa gamit. just ask me kung may kailangan ka pa" sabi nya at binuksan nya ang guest room. nagpasalamat ako sa kanya at pumasok na sa loob. inilibot ko ang paningin ko sa paligid.
grabe pati guest room nakakamangha din sa ganda ng kwarto. ang lambot ng kama. mas lalo na siguro sa sarili nyang kwarto pero wala akong planong silipin ang kwarto nya at nakakahiya. nakikitulog na nga lang ako mang uusyuso pa ako.
naligo ako at nagbihis ng pantulog. pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto para tumulong maghanda ng hapunan.
ngunit hindi na pala kailangan dahil nakahanda na ang lahat paglabas ko ng kwarto. nakaupo na si Sir at naghihintay sa dining. tumitig ito sakin ng maramdaman nyang lumabas na ako ng kwarto. ako ang unang nag iwas ng tingin at tumingin sa pagkain dahil naaasiwa ako sa mga titig nya. sinuklay ko ang buhok ko sa daliri ko dahil basa pa ito..
"come, let's eat na para makapagpahinga ka na" yaya nya sakin kaya naman dumulog na rin ako sa kainan at umupo sa tapat nya.
Tahimik lang kami habang kumakain. wala rin naman kasi akong maisip na sasabihin. mas lalo palang nakakailang kapag kaming dalawa lang. mas okay kasi kapag nandyan sila nanay.
"gusto mo bang manood muna ng TV. we can watch if you want." sabi nya sakin pagkatapos naming kumain.
katatapos ko lang kasing maghugas at napapahawak ako sa tyan ko sa busog. marami kasi syang inilagay sa plato ko. kahit hindi kami gaanong ng uusap pero nandun parin ang pagiging caring at thoughtful nya.
"wagna, alam kong pagod ka sa byahe dapat magpahinga kana rin. may work ka pa bukas" sabi ko sa kanya at ngumiti.
"hindi pa naman ako inaantok, nawala na rin ang pagod ko. gusto mo bang magpahangin muna tayo sa pool area, sa veranda ko" nagulat ako sa sinabi nya. may swimming pool sya dito sa tuktok ng hotel nya. sosyal..
"talaga? may pool kapa dito sa pinakatuktok ng hotel mo?" natawa naman ito sa gulat ko
"yeah, pinasadya ko, at every other day may naglilinis non dahil doon ako madalas nagpapalipas ng oras. may jacuzzi rin ako kapag gusto kong marelax ang katawan ko" sabi nya kaya namilog ang mga mata ko at excited na akong makita ito. sumunod ako sa kanya ng buksan nya ang salamin na pinto.
Oh my, hindi ko akalain na sa likod ng see through na kurtina ay salamin na pinto pala ng living room nya palabas at nandoon ang veranda at swimming pool nya.
hindi naman kalakihan ito. normal lang na size ng swimming pool at pang pamilya pero nakakamangha sa ganda. siguro ang ganda dito pag araw. may sofa set at lawn chair din para sa mga maliligo. maraming plants at flowers na nakalagay paikot kaya malamig sa mataang paligid.
umupo ako sa sofa at tumingala. pakiramdam ko abot kamay ko na ang langit at bituin dahil parang ang lapit na nila.
sinindihan naman ni Sir Louie ang mga ilaw na maliliit paikot at green na lights naman sa mga halaman.
"ang ganda naman dito"sabi ko at dinama ang malamig na simoy ng hangin
"mas maganda dito kapag gabi. sa araw kasi medyo mainit" sabi niya at nakapamulsa.
paratuloy kaming nasa paraiso. hindi ko akalain na may ganitong lugar pala sa taas ng hotel nya. ilang babae na kaya ang dinala nya rito?
"you want coffee or juice?" tanong nya sakin ng bigla itong magsalita sa gilid ko.
"coffee nalang" sabi ko at ngumiti. tumango naman ito at ngumiti rin.
Pagkabalik nya ay dala na nya ang dalawang tasa ng kape.
"hindi naba talaga mababago ang desisyon mo at tatangihan mo ang pagiging Personal Assistant ko?" tsnong nitong bigla sakin. umiling lang ako sa kanya kaya bumuntong hininga nalang ito. hindi pa rin mababago ang isip ko.
"okay. naitabi mo pa rin ba ang uniform mo or bibili tau ng bago? tanong nya sakin kaya napangiti nalang ako
"come on,, don't smile like that to me, pakiramdam ko may nabubuhay sakin" biglang napawi ang aking mga ngiti at bigla akong sumeryoso sa sinabi nya. bigla tuloy akong napainom sa kape ko. anong mali sa pag ngiti ko. nang aakit ba ako? hindi naman ah!. ngunit isang pagkakamali pala ginawa ko dahil umuusok pa sa init ang kape kaya naibuga ko ito.
dinaluhan nya ako kaagad
"be careful, alam mo namang mainit pa yan eh, masakit pa rin ba?"
"o-okay na ako" sabi ko ng makabawi. pero mahapdi pa rin ang dila ko.
Nang wala na kaming maisip na pagkukwentuhan ay ako na ang nagtanong.
"ahm..ilang babae na ang nadala mo dito?" alanganin kong saad. bigla naman itong sumeryoso. tumingin sa langit at bumuntong hininga.
"hindi ko alam. pero isa pa lang ang pinayagan kong matulog dito and it was unintentional. dala lang ng kalasingan ko kaya nangyari yon" sabi nito at umiling. yon siguro yung babae na kasama nya nong una naming pagkikita.
"yon ba yong kasama mo nong muntik ka ng mabagsakan ng barrier?" tumango naman ito at humigop ng kape. ngumiti ito at tumingin sakin.
"and your the second and maybe the last woman na makakapasok rito maliban sa kapatid at Mommy ko" saad nito na puno ng kompyansa. bakit naman ako ang last? paano yung mga kaibigan nya?
"eh what about Eng. Louise?" tanong ko sa kanya
"what about her?" tanong naman nya sakin. para namang may bumara sa lalamunan ko. nahihiya na akong magsalita kaya umiling nalang ako. mali yata ang tanong ko. bakit inalam ko pa?
"nothing" sabi ko at humigop ng kape. ngumiti naman ito na nakatitig lang sakin kaya nailang ako.
" Louise is just my friend kung yan ang gusto mong malaman, at ni minsan hindi ko pa sya pinapayagang matulog dito. never yon. okay?" pag aassure nya sakin. bakit ba?
"bakit naman, malaki naman itong Penthouse mo, may guest room ka naman and besides the-" he cut me off
"never talaga akong nagpapatulog nang babae dito. maliban doon sa..iwan diko kilala yon. sa sobrang kalasingan nakalimutan ko ang prensipyo ko na dapat pala hindi nagpapatuloy ng babae dito" napataas tuloy ang kilay ko sa sinabi nya. eh ano pala ako?
"sorry kung wala akong ibang matutuluyan-" bigla naman itong nataranta ng magsalita ako.
"hey, don't think bad of what i've said, you are special to me. hindi man ako pumapayag sa iba. it doesn't mean na you are not allowed too. ikaw lang ang pinapayagan ko at wala ng iba okay?" sabi nito at lumapit sakin. ikinulong nya ang mukha ko sa mga palad nya. napatingin tuloy ako sa mapupungay nyang mga mata.
naramdaman ko namang unti unting bumababa ang labi nya kaya pumikit nalang ako dahil nalilito ako sa nararamdaman ko. hangang sa maglapat ang aming mga labi. tila tumigil ang aming mundo at damang dama ko ang kasabikan sa kanyang mga halik na bumuhay sa aking pagnanasa kaya gumanti na rin ako sa halik nya hangang sa lumalim na ang aming halikan.
he kissed me like there is no tomorrow. kaya naman napaungol nalang ako lalo na ng maramdaman ko ang mga haplos nya sa aking beywang at pataas sa aking likod papuntang batok. bawat nadadaanan ng kamay nya ay pinipisil nya ba tila gigil na gigil. ramdam na ramdam ko ang mainit nyang haplos.
the moment na pinakawalan ko ang aking mga ungol na hindi ko sinasadya ay mas lalo itong nanggigil at umungol na rin ito. hindi lang isa kundi ilang beses. sinisipsip pa nito ang dila ko. diko na alintana ang sitwasyon namin ngayon dahil mainit na eksena namin na tila nag e-espadahan na ng aming mga dila. ramdam ko na rin ang pamumukol at paninigas ng alaga nya na tumatama sa gitna na. mas lalo pa nitong ikukoskos sa p********e ko kya napaungol kaming dalawa. s**t!
bakit ang sexy ng mga ungol nya? lalo tuloy akong nag iinit. he marked every corner of my mouth ng ipasok nya ang dila nya sa aking bibig. inilayo nya ako saglit para sumagap ng hangin at hinalikan nya ako ulit.
nag iinit na rin ako lalo sa halikan namin pero ng mapunta na sa aking panga hangang sa aking leeg ang kanyang mga halik ay bigla akong natauhan, no! hindi pwede, mali ito. bigla ko itong itinulak. hindi maari.
hingal na hingal pa rin ito at hindi makapaniwala na tumingin ito sakin. halatang nabitin. basang basa pa ang labi nito at namumula. s**t! gawa ko ba yun?
kita pa sa kanyang mga mata ang matinding pagnanasa pero bigla rin itong napahilamos at pumikit ng mariin.
"m-matulog na tayo" sabi ko. tumayo na ako at nanginginig ang mga tuhod na naglakad papunta sa aking kwarto. ramdam ko na rin ang pamamasa ng aking panty.
hindi ko na sya hinintay pang magsalita .
Oh My muntikan na yon ah.
grabe ang kalabog sa aking dibdib
nanginginig din ang aking mga kamay.
paano nalang kung hindi ko sya napigilan?
napasandal ako sa pintuan at pumikit habang ang aking mga kamay ay nasa aking dibdib.
nagulat naman ako ng may mahihinang katok sa aking pinto kaya napaayos ako ng tayo. kinakabahan na namn ako. sya siguro ito. itutuloy ba nya dahil nabitin sya.
"Thea, open the door please"
"i just want to talk to you" mahinang saad nito. paano kung mangyari ulit? mukhang hindi naman na siguro dahil kilala mukhs na syang nahimasmasan. binuksan ko ng kaunti ang pinto sakto lang na nakikita nya ako.
nakikita ko naman syang problemado na nakatingin sakin ng buksan ko na ito. iniwas ko ang aking tingin dahil naaasiwa ako. naaalala ko kasi ang naganap kanina.
"Thea, i'm sorry for what happen earlier, hindi ko lang napigilan ang sarili ko. sorry talaga" hingi nito ng tawad kaya tumango nalang ako at ngumiti ng pilit. hindi pa rin ako makstingin sa kanya ng diretso. bumuntong hininga naman ito ng malalim at nagsalita ulit ng hindi ako nagsalita.
"ahm, sige na matulog kana, goodnight" sabi nito at tumalikod na agad. hindi na nya hinintay ang sagot ko.
Sinarado ko ulit ang pinto at pumunta sa kama para humiga. pabaling baling lang ako dahil naiimagine ko parin ang nangyari kanina. nag iinit ang mukha ko kapag naaalala ko ang mainit naming halikan. yung mga haplos nya, yung mga ungol nya na halatang nadadala na rin sya. muntik na. s**t!.marupok talaga ako. ang bilis kong bumigay. buti nalang nakapagpigil pa ako. paano nalang kung hindi?
--------