Thea's POV
"Nay!, Tay!" tawag ko sa kanila ni nanay na nangunguha ng talong
"Oh anak, bakit nandito kayo? diba ngayon ang alis nyo sir Louie?" tanong ni Nanay kay Sir Louie. tumawa naman ng mahina si Sir.
"drop that Sir po Nay, Louie nalang po" magalang nitong saad
"naku'ng bata ka, nakakahiya naman, bakit ba ayaw mong tawagin ka naming Sir?" umiiling iling na saad ni Nanay bago umalis at ipinagpatuloy sng paghaharvest
"Nay, bukas nalang po ako aalis" sabi ni Sir. nagulat naman si nanay pero ngumiti rin ito agad
"bakit bigla yatang nagbago ang desisyon mo? pero masaya ako at bukas kapa uuwi" sabi ni nanay bago umalis. nagtataka naman ako kay nanay pero hinayaan ko nalang.
"Nay, kami nalang po ang magtatali"
"oh sige para mabilis tayong matapos, may Okra pang nasa planggana,"
"sige po, kami ng bahala ni Sir" sigaw ko
"sweetheart, yan ang itatawag mo sakin" bulong nito sakin, kaya napalingon ako sa kanya. pinalo ko ito sa braso
"sweetheart ka dyan, gusto mong mapagalitan tayo nila Tatay at nanay?"
"bakit naman?"
"ah basta...Mag umpisa na tayo Sir" sabi ko sa kanya. tinalikuran na ito. nagmaang maangan ito eh alam naman nyang hindi ko sya boyfriend pero gustong magpatawag ng sweetheart. kainis.
Lingo bukas kaya marami kaming ibabagsak na gulay sa palengke. iba ibang gulay ang tanim nila nanay kaya wala kaming problema sa ulam. dito nila inuubos ang oras ni Tatay kasama ang mga kapatid ko araw araw.
Pagod na pagod ako pag uwi ng bahay. may mga kagat din ako ng lamok. meron din si Sir. dahil sa ganda at puti ng balat nya kaya kitang kita ito sa braso at bandang leeg
"Naku anak maligo muna kayo at gamutin mo yang kagat ni Sir-ahh Louie mo, puro pantal na yan. gamutin mo din yang sayo oh. bakit kasi hindi kayo naglong sleeves" saad ni Nanay na umiiling iling.
Kaya naman pumasok na ako sa kwarto at kumuha ng damit pantulog at twulya at naligo sa labas. sumunod naman ito sakin.
"maligo kana. mamaya gagamutin natin yang mga pantal mo" sabi ko sa kanya ng makalabas ng kwarto
"dito kana maligo, susunod nalang ako sayo pagkatapos mo" sabi nito
"doon nalang sa kabila para mabilis tayong matapos" sabi ko at lumabas na. iniwan ko na itong kamot ng kamot.
Mabilis lang akong natapos maligo at makapagbihis kaya binalikan ko na si Sir.
kumatok muna ako bago ko buksan sng door knob. baka kasi nakahubad pala ito.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko itong nakatayo ay nagpupunas ng ulo. pero nakabihis na ng pambahay kaya pumasok na ako.
May inabot naman ito sa aking pahaba na maliit. kaya napakunot noo ako.
"ano to?"
"gamot, cream yan for insect bites"
"kahit katinko lang ok na" sabi ko
"mas mabisa yan, patingin nga ng braso mo?" sabi nya at inalalayan nya akong umupo sa kama.
"tsskk mas marami ka pa yatang kagat kaysa sa akin" sabi nito at umiling.
"wala yan," sinamaan namn nya ako ng tingin kaya tumigil na ako.
pagkatapos nya akong gamutin ay yung sa kanya naman ang ginamot ko maging sa leeg nito. nakita ko naman ang namumula nitong balikat kaya saglit akong natigilan. marahil dahil ito sa binuhat nyang kalabasa na nakalagay sa sako. hindi naman kasi ito sanay sa ganong gawsin kaya madali itong mamula. masakit malamang ang likod nito
"wait lang may kukunin lang ako" sabi ko at pumunta kay Nanay. hiniram ko ang Efficascent nya at bumalik sa kwarto.
Pagbalik ko ay nakahiga na ito sa kama patihaya pero gising pa rin. halata ang pagod sa katawan at mukha nito.
"upo ka muna, hihilutin ko lang ang likod mo" sumunod naman ito at nakangiti
"talaga? wow gusto ko yan marunong ka pala" sabi nito ng nakingiti. tinuruan kasi ako ni bakla magmasahe dahil nakapagtapos ito ng 6 months as massage therapist
"hard or soft?" ngumiti naman ito ng pilyo.
"soft lang muna baka kasi first time mo, baka mabigla ka" sabi nito at kumindat pa sakin. ano bang iniisip nito bakit natatawa ito?
"maghubad kana nga," inis kong turan dito
"hey, relax..masyado ka namang aggresive, mas maganda kong dahan dahanin lang natin. gusto mo kaagad ng hubad. ikaw ha?" pang iinis pa nito sakin
"ano bang pinagsasabi mo. pinapahubad lang kita dahil hihilutin ko na yang likod mo, kapag hindi kapa umayos dyan iiwanan kita" sabi ko at inirapan ito.
napalunok naman ako at nanlaki ang aking mga mata ng bigla itong maghubad sa aking harapan. s**t! pandesal. natstaranta tuloy ako at di alam ang gagawin
"ano kaba, bakit bigla ka nalang naghuhubad" ani ko dito at iniwas ang tingin
"sabi mo maghubad na ako, bakit nagulat ka?" ani nito na nakangisi
"talikod na" inis kong utos ko dito na hindi nakatingin. buti at sumunod kaagad ito kaya inumpisahan ko na kaagad ang pagma massage.
"ahhh. yeahh ang sarraap" sabi nito. bigla namang nag init ang pisngi ko sa narinig. bakit iba ang nai-imagine ko?
"itikom mo nga yang bibig mo, baka mamaya iba pa ang iisipin nila ni Nanay sa ingay mo"
"bakit? nasasarapan lang naman ako sa massage mo ah. galing mo palang magmasahe, ang lambot ng kamay mo" sa sobrang kaba ko ay naidiin ko ang mga kamay ko sa namumula nyang balikat
"ouch, ah! dahan dahan lang sweetheart masyado kang hot" sabi nito na dumadaing sa sakit
"sweetheart mong mukha mo, kapag hindi kapa tumigil lalagyan pa kita ng pasa. susuntukin ko yang balikat mo" asik ko dito. tumatawa naman ito ng mahina at dina muling umungol pa.
Pagkatapos kong imasahe ang likod nya ay lumabas na ako ng kwarto at nagpunta sa kusina para tulungan si Nanay maghanda ng hapunan.
Marami pang natirang ulam pero niluto na rin ni nanay ang natirang Manok sa Freezer at inadobo.
Maaga kaming naghapunan dahil maaga ang delivery bukas sa palengke at para makapagpahinga na rin ng maaga.
Nilalatag ko na ang higaan ko para at nagdasal bago humiga.
sakto namang pumasok sila ni Tatay sa kwarto. akala ko papatayin na nila ang ilaw para matulog pero nilapitan nila ako na nakahiga kaya napakunot ang noo ko
"bakit po nay, tay?"
"magtapat ka nga samin anak, may namagitan ba sa inyo ng amo mo?" tanong ni Nanay kaya bigla akong nagtaka. lalo tuloy kumunot ang noo ko
"wala po nay tay, bakit po?"
"anak hind mo kailangang mahiya samin, magulang mo kami at naiintindihan namin yon dahil napagdaanan na namin ng Nanay mo ang mga ganyan " sabi ni Tatay at ngumiti sakin
"Si Tatay talaga kung ano anong mga pinagsasabi. wala nga po Nay, Tay." giit ko sa kanila
"eh bakit nagpunta sya dito? hindi normal ang ganyan na sobrang yaman tapos titira kasama natin ng ilang araw. tapos gagastos ng ganun ng hindi biro. para mo tuloy syang asawa kung hindi ka lang namin kilala anak" Sabi ni tatay kaya napabangon ako. para namang my bumara sa lalamunan ko dahil hindi ako makasagot. oo nga naman. hindi normal sa mag amo. ay.. ex mag amo pala na umakto ng ganito liban lang kung isa kami sa charity nya.
"at tsaka anak, bakit di sya natuloy kanina. pinigilan mo ba?" nanlaki tuloy ang mata ko kay nanay
"nay naman hindi ah. nagtaka nga ako. sabi nya bukas nalang tutal wala naman daw syang pasok" sabi ko. pero syempre hindi ko na ikinwento ang naganap kanina. baka makurot pa ako ni nanay sa singit.
nagtinginan naman sila ni Nanay at tatay bago humarap sakin
"eh diba sabi nya may aasikasuhin sya bukas kaya gusto nyang umuwi ngayon?" tanong ni nanay dakin. pero syempre hindi ko na sinabi kung bakit di sya umslis
"eh tinwagan nalsng daw po nya ang secretary nya na di sya makakauwi ngayon" katwiran ko nalang para matigil na sila.
"pakiramdam ko anak may gusto sya sayo" bigla tuloy akong nasamid sa sarili kong laway sa sinaBi ni nanay
"nanay naman, kung ano anong mga pinagsasabi, baka marinig kapa ni Sir eh nakakahiya"
"totoo naman kasi yon anak, maganda ka. hindi malabong mangyari yun. pansin ko lang kasi iba ang titig nya sayo tapos yung pag asikaso nya. iba talaga. akala ko nga magsyota kayo eh at inilihim mo lang samin" sabi pa ni tatay
"hindi nga po Tay, hindi naman sya nanliligaw eh, nagulat nga ako bakit naparito sya eh sya pa nga ang nagtangal sakin sa work" sabi ko at sumimangot
"eh diba bibigyan ka nya ulit ng trabaho?" sabi ni tatay. kaya tuloy bigla kong naisip yung sinabi nya kanina sakin
"ahm nay, tay. gusto nya akong isama sa maynila bibigyan nya raw po ako ulit ng trabaho" pagtatapat ko. nagkatinginan naman sila ni nanay at tatay at saglit na di nakakibo. hinawakan ni nsnay ang kamay ko.
"anak, kung ano ang desisyon mo at nararamdaman mo sundin mo. malay mo maganda ang offer nya na trabaho"
"eh kasi po-"
"basta ingatan mo lang ang sarili mo. malaki kana anak. alam mo na dapat sng tama at mali" sabi ni tatay kaya tumango ako at yumakap dito
"nak...may gusto ka rin ba sa kanya?" bigla naman akong natigilan. meron ba? s**t. grabe pa sa hotseat
"hindi ko po alam" sabi ko nalang. that's the safest word. bumuntong hininga nsman sila
"alam na namin yan, yang ganyang katwiran. basta pagisipan mo muna ang bawat desisyon mo bago mo gawin para dimo pagsisihsn sa huli. mabait yang amo mo na yan. nakikita ko sa ilsng araw pa lang nyang pananatili dito. pero sinong makakapagsabi kung anong klase talaga syang lalaki. basta kilalanin mo muna okay" sabi ni Tatay kaya tumango ako at yumakap muli sa kanila
"so, anong desisyon mo anak?" tsnong ni Nanay sakin nag isip. muna ako bago tumingin sa kanila at ngumiti.
ALAS singko pa lang ng umaga ay gumayak na kami. nagpresinta naman si Sir louie na ihatid ang gulay sa bayan kaya maaga din itong nagising. nakatipid tuloy kami sa upa ng kulong kulong kapitbahay namin. wala kasi kaming sariling masasakyan ng gulay namin hindi na ako sumama at si Tatay nalang dahil sa dami ng karga.
7am pa lang nakabalik na sila kaagad ni Tatay galing sa palengke at may bitbit pa silang mainit pa na pandesal at malalaking Bangus.
Tinimplahan ko naman sila ng kape pati na rin yong sa akin. at sabay kaming nagkakape sa labas sa ilalim ng puno habang nagkukwentuhan.
Pagkaubos ng kape ko ay pumasok na rin ako sa kwarto para magumpisa nang magligpit.
Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng pumasok si Sir. kaya napalingon ako sa kanya.
nakaawang ang labi nito na halatsng nagtataka o nagulat.
"why?" sabi ko sa kanya na pinipigilang tumawa. nakakatawa kasi ang itsura nito. minumwestra ang kamay. gustong magsalita pero wala namang lumalabas na boses sa bibig
"ba-bakit ka nagliligpit? anong ibig sabihin nito?" tinaasan ko sya ng kilay at ngumiti
"bakit ayaw mo?" tanong ko sa kanya
"ayaw? para saan?... you mean sasama ka-"
"yes sasama na ako" bigla namang nagliwanag ang mukha nito at ngumiti. halatang nagulat ito sa pagpayag ko.
bigla nya akong niyakap. yakap na sobrang higpit. dinig ko pa ang malalim nitong hininga na pinakawalan.
"thank you, thank you so much, don't worry i will take care of you. promise"
"kaya ko ang sarili ko. huwag mo lang akong sinisigawan kundi iiwanan kita. kay Jameson ako papasok" banta ko dito. bigla naman nya akong nilayo at tiningnan ang mukha ko. ang sama na ng mukha nito. halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
nagulat ako ng walang sabi sabi nitong hinalikan ang labi ko. hindi smack kundi french kiss. ipinapasok nya ang dila sa na bibig ko dahil sa pagkagulat. biglang namanhid ang tuhod ko. at parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan dahil sa mga halik nya. saglit akong nakalimot. bigla ko kasing naisip sila Nanay
tinulak ko sya sa takot na baka makita kami. buti nalang at hindi ito namilit
"sorry, sorry sweetheart, nabigla lang ako" hingi nito ng paumanhin. napatalikod nalang ako para itago ang pamumula ng pisngi ko at itinuloy ang pagliligpit ng mga gamit ko. shaksss. ang sarap ng halik nya. nagrereklamo tuloy ang baba ng pantog ko. haisst..hindi ako makapaniwala. ilang beses ko ng natikman ang labi nya.