Thea's POV
Kakatapos ko lang maghugas ng plato at pumasok na ako sa kwarto ko para magpalit ng t shirt dahil nabasa ito sa dami ng hinugasan ko kanina.
Hindi ko naisip na nandito pala si Sir sa loob ng kwarto. nasanay kasi akong walang ibang tao sa kwarto ko.
Huli na para umatras dahil nakita na nya ako. nakahiga ito sa kama yakap ang isang unan ko at ang isang braso ay nasa noo nito. iniwas ko kaagad ang tingin ko sa bilis ng t***k ng puso ko ng magsalubong ang mata namin.
"ahm kukuha lang ako n-ng t-shirt" sabi ko na hindi tumitingin dito
"bakit hindi mo pa ginagamit ang phone mo? ayaw mo ba sa bigay ko?" malamig nitong tanong. natigilan tuloy ako at lumingon dito na hindi alam ang isasagot.
nakaupo na ito sa kama hawak ang phone ko
"hindi naman sa ganun, natatakot lang akong gamitin yan. masyado kasing mamahalin yan at tsaka wala naman akong katawagan" sabi ko at kumuha na ng Blouse.
"huwag mo ng intindihin ang price kahit araw araw ka pang manakawan ng phone ok lang. i can provide for you basta may contact ka lang...para sa pamilya mo" sabi pa nito at binuksan na ito. "may bagong simcard na ito at 3k na load. para anytime pwde mo ng gamitin" dagdag pa nito. namilog na naman ang mata ko sa sinabi nya. grabe talaga to. walang paki sa halaga na winawaldas nya.
"tssk araw araw talagang nanakawan ako? malamang sa malamang dahil alam nila na meron akong bagong phone araw araw kaya malamang dadami rin rin ang mag aabang sakin na masasamang loob. sayo ok lang pero sakin nakakatakot. hindi kaba nanghihinayang?" sabi ko at sumimangot. mahina naman itong tumawa sa tinuran ko. nakataas ang kamay nito at nakalahad sakin. bakit?
"come here" sabi nito at nakangiti na hindi nakalabas ang ngipin. may lungkot pa rin sa kanyang mga mata kahit nakangiti ito.
Nag aalangan naman akong lumapit baka anong sabihin nila ni nanay kapag naabutan kaming-
"huwag kang mag alala nasa sapa sila Nanay. pupuntahan lang daw nila ang bibehan at baboyan nila doon. maghaharvest din daw sila ng gulay dahil marami na rawng bunga at pwede ng dalhin sa bayan kaya sinama ang dalawa mong kapatid" grabe bakit sya alam nya? hindi man lang sila nagpaalam sakin? at iniwan pa talaga kaming dalawa dito?
"bakit hindi nila ako sinama?" malungkot kung saad
"mamaya na kasi ang alis ko at walang tatao dito" saad nito na halatang malungkot sng boses nito. kaya naman napatingin ako sa kanya. bakit parang may lungkot pa rin sa kanyang mga mata kahit nakangiti ito
"aalis ka na talaga?" s**t! bakit yon ang lumabas sa bibig ko? hindi dapat iyon yon eh..
nanlaki ang mata ko at bigla akong nataranta ng bigla itong tumingin sakin na nakataas ang kilay. tila pinipigilan pa ang mga ngiti nito.
ano ba ang sasabihin ko?
"ahm. what i mean is. anong oras ang alis mo?" sabi ko na hindi pinapahalata ang pagkapahiya. tumaas ang sulok ng labi nito na nakatitig sa mga mata ko. maya maya ay ngumiti ito at umiiling iling. eeh? anong nakakatawa?
dahil ba dun sa una kong tanong? biglang nag init ang pisngi ko sa naisip. baka inisip nya na pinipigilan ko syang umalis. tama! Kainis, bakit naman kasi yon ang lumabas sa bibig ko? para ng may parada sa lakas ng tambol ng dibdib ko.
tumayo ako bitbit ang blouse ko
"magbibihis na ako. ayaw mo namang sumagot at tsaka wala namang nakakatawa ah" sabi ko at inirapan ito. pero yung kaba ko ay abot abot na.
tumalikod na ako papunta sa CR pero naririnig ko pa rin itong tumatawa ng mahina. kainis talaga sya' ngitngit ng kalooban ko.
Habang nasa CR ako ay bigla na namang bumangon ang kaba sa dibdib ko. anong mukha pa ang ihaharap ko? pano kung paglabas ko pagtatawanan nya ulit ako, tapos sasabihin nya, 'ayaw mo ba akong umalis? s**t! anong isasagot ko kapag nangyari yon? kailangan ko ng lumabas dahil sa halos 15 minutes na ako sa loob eh damit lang naman ang pinalitan ko.
binuksan ko ang CR na gulong gulo ang isip ko. nasa malalim ako ng pag iisip kaya diko namalayan na pagbukas ko ng Banyo ay bumanga ako sa pader.
"ouch!" pag angat ko ng tingin ko ay seryosong mukha ni Sir ang nabungaran ko. s**t hindi pala pader, matigas na dibdib pala.
biglang kumabog ang dibdib ko at nataranta ng hapitin nya ang beywang ko
"si-sir, a-anong gagawin nyo po?" taranta kong tanong dito at itinukod ang mga kamay ko sa dibdib nito. tila na ako naduduling ng bigla nitong ilapit ang mukha nya sa mukha ko.
"ayaw mo ba akong umalis?" what the? nababasa ba nya ang mga nasa isip ko kanina?
"a-anong ibig mong sabihin? b-bakit naman kita pipigilan?" taranta kong tanong sa kanya. may lahi yata itong alien. nakakabasa ng isipan
"alam mo bang nababasa ko nasa isipan mo, kaya sabihin mo na kong ano man ang nasa isipan mo" mahina nitong saad. langhap na langhap ko na ang mabango nitong hininga. tila nanghihina na naman ang tuhod ko sa pagkakadikit ng katawan namin. grabe kakakain lang namin pero bakit ang bango pa rin ng hininga nya.
"sa sobrang yaman mo kung ano ano na ang pumapasok sa isip nyo. hindi ka makakapasa bilang mind reader dahil mali ang nasa isip mo" angil ko dito. pilit ko itong itinutulak at kumakawala sa mga bisig nito pero mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahapit sa beywang ko.
"graduate ako ng Psycology, that's why i can read people mind and also what's on your mind too. kaya hindi ka makakapagsinungaling sakin. ang pagbabasa ng isipan ay mahalaga para sa akin. I am a businessman at mahalaga ito sakin dahil sa uri ng trabaho ko. araw araw ay iba iba rin ang nakakasalamuha ko." bulong nito sakin
"ahm ah ah-" napaawang ang bibig ko sa sobrang taranta. hindi ko alam ang sasabihin ko.
"tsskk huwag kang ganyan, iba na tuloy ang tumatakbo sa isipan ko" sabi nito at tumitig sa aking labi at lumunok. ano bang nasa isipan nya? s**t wagnaman sana. i'm not ready yet.
"sabihin mo lang na hindi ako aalis mamaya. hindi ko itutuloy ang pag alis" sabi nito at isinandal ako sa gilid ng pinto ng banyo.
"te-teka" taranta kung saad. bigla kasing may bumukol sa harap ko. bigla itong ngumiti ng nakakaloko
"huwag kang nabubulol. iba na tuloy ang nararamdaman ko." sabi nito. napakunot naman ang noo ko. ngunit ang mas ikinabigla ko ng halikan nya ang labi ko. dampi lang naman pero kakaibang init ang naramdaman ko ng dumampi sng malambot at mainit nysng labi sa aking mga labi.
"matagal na akong nangigigil sa labi mong ito" bulong nito ng bitawan nya ang aking labi at pinagdikit ang aming noo. nanghihina na ako. buti nalang nakasuporta sya sa aking likuran.
hindi ako makapagsalita o makareact man lang dahil sa kakaibang sensasyon na lumukob sa aking pagkatao na dala ng halik nya. parang bigla nalang naglaho ang tapang ko. lalo na ng yakapin nya ako ng mahigpit at ilapit ang labi nito sa tenga ko. parang ginugupo nito ang katinuan ko
"please tell me, and i will stay sweetheart" bulong nito sa tenga ko at hinalikan pa nya ang puno ng tenga ko at bumuga doon ng mainit na hininga. bigla akong napapakit sa kakaibang init. nanuyo ang lalamunan ko. sarap palang makulong sa kanyang mga bisig nya.
inilayo nya ako ng kaunti at tumingin sa mga mata ko. those eyes, s**t! marami akong nakikita sa mga mata nyang kakaiba.
"ayaw kong umalis sa totoo lang dahil masaya ako na nakikita at nakakasama ka palagi. but if you want me to go. i will go" bulong nito at idiniin ang katawan nito sa katawan ko. halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba. lalo na at nararamdaman ko ang tumutasok sa puson ko na dinidiin nya pa lalo. lalo tuloy akong nag iinit.
"ayaw mo ba sa akin na nandito ako?"
"ah- h-hindi naman sa ganun, hindi-"
"just tell me, yes or no, do you want me to stay or no?"
"Y-yes" no, dapat no, bakit yes. natatakot kasi ako sa mangyayari kapag patuloy ko syang kasama.
ngumiti ito at hinalikan ang labi ko. smack lang naman at niyakap nya ako ng mahigpit
"wala ka namang dapat ikatakot, hindi ako nakakatakot, hindi rin ako nananakit, at hindi rin ako mapagsamantala" bulong nito. nababasa nya ba talaga ang nasa isip ko?
inilayo nya ako ng kaunti at hinila papunta sa kama. sumandal ito sa headboard ng kama ko at hinila nya ako tsaka isinandal nya ang ulo ko sa dibdib nya. bakit hindi ako makatangi?
"please allow me to hug you for a minute" bulong nito kaya hinayaan ko nalang sya at ipinikit nalang ang aking mga mata.
"naririnig mo ba ang nasa puso ko" tanong nya sakin. yes, at ang lakas ng t***k ng puso nya. para ding yong sa akin. tumango ako at ngumiti
"malakas ang t***k diba? dahil masaya ako. i'm going to stay for another 1 night here kasi gusto rin kitang makasama pa. malulungkot lang kasi ako kung uuwi ako ngayon" sabi nito na ikinakunot ng noo ko. tiningnan ko ito na may pagtatanong
"anong ibig mong sabihin?" sabi ko pero ngumiti lang ito at hinalikan nya ulit ang labi ko. aba! nakakarami na to ah, boyfriend ko ba sya?
"halik ka ng halik. sumusobra kana ah. kainis ka, ninakaw mo ang first kiss ko" angil ko sa kanya at inismiran ito.
tumawa naman ito ng mahina na tila tuwang tuwa pa sa sinabi ko
"may itatanong ako, sana sagutin mo" seryoso nitong saad. tumango ako pero curious ako. ano naman kaya ang itatanong nya?
"pwede ka bang sumama sakin sa maynila?" nabigla ako sa tanong nya kaya saglit akong natutulala. sasama ba ako?
"i can give you the lightest and easiest job if you want. just ask me what you want, i will give you. just tell me you will go with me" sabi nito at pinaglipat lipat ang tingin nito sa aking mga mata. bakit mas lalo syang gumugwapo kapag mahinahon sya?
"ano kaba, huwag mong gawin yon, ayokong pag uusapan ako ng ibang tao kapag bumalik ako doon"
"huwag mong isipin ang ibang tao. hindi ka nila pinapakain. just tell me"
"hindi ko pa alam" tangi ko nalang nasabi at ibinaba ang tingin. di ko talaga alam. bumuntong hininga naman ito pero niyakap nya ulit ako at hinalikan sa tuktok ko habang nakasandal parin ito sa kama
"don't worry may time ka pa namang makapag isip dahil bukas pa naman ng hapon ang alis ko sana kapag nakapagdecide kana ay yes ang sagot mo" sabi nya at mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sakin. ahhh..sarap ng yakap nya..sarap sa feeling... ang bango. sarap makulong sa mga bisig nya. sana hindi na matapos pa ito.
"may isa pa akong tanong" tanong na namn? parang ayaw ko tuloy makinig dahil natatakot ako sa magiging tanong nya. pero sinilip nya ang mukha ko dahil hindi ako nagsasalita kaya tumango nalang ako.
"pwede bang sweetheart nalang ang itawag mo sakin?" doon naman ako napatingin sa kanya. sweetheart agad? ni hindi nga kami tapos tatawagin ko kaagad sya ng sweetheart.
"anong sweetheart? Sir parin ang itatawag ko syo no." saad ko at sumimangot
"tsk. tigas talaga ng ulo mo" sabi nito at pinisil ang ilong ko. sweetheart daw. porke't nahalikan at nayakap na nya ako sweetheart na agad? nanligaw ba sya? hayyy...pero bakit ang saya ko? nakakulong ako ngayon sa bisig ng isang sikat na bilyonaryo at pinakagwapo at kinababaliwan ng mga kababaihan.
pero anong sabi nya kanina masaya sya na nakikita at kasama ako? ayeeii kinikilig tuloy ako kahit walang salita salita pero ayoko rin naman aminin sa kanya. nakakahiya no. sinusungitan ko sya dati tapos ako pa ang magpapakita at magsasabi na may gusto ko sa kanya? no way!
" gusto mo bang puntahan natin sila nanay? tulungan natin sila" yaya nito sakin. kaya biglang nagliwanag ang mukha ko.
"tara?" tumango ito at ngumiti. haist ang pogi nya talaga. binabawi ko na hindi sya kumag at pangit.
nauna na akong tumayo at sumunod rin ito pero hindi nya binibitawan ang kamay ko. pero bigla nya akong hinila pabalik kaya napaupo ako sa lap nya. bigla na naman akong kinakabahan sa moves nya
"before we go there. gamitin mo na ang phone mo, .. here" sabi nya at inabot ito sakin. kinakabahan tuloy akong gamitin ito baka mabasag o masira. grabe pwede na akong bumili ng lupa na rights lang sa presyo ng phone na ito.
"kunin mo na, bskit ba takot kang hawakan ito?"
"eh kasi baka mabasag o masira ko, nakakatakot gamitin eh"
"tsk masasnay ka din nyan, at tsaka ok lang kung masira mo, papalitan ko din naman yan" yabang talga nito.
ngumiti ito ng sumimangot ako kays hinalikan nya ulit ako ng mabilis sa labi
"sige na, wait..picture picture muna tayo para may laman na itong phone mo" sabi nya at itinapat ang camera samin.
"smile kana, hahalikan kita ulit" sabi nito kaya napalingon ako sa kanya pero bigl nya akong sinalubong ng halik at nagclick ang camera na hawak nya. oh my, may scandal na ako
"kainis ka, dinaya mo na ako eh" angil ko dito at pinalo ito sa dibdib. tumawa lang ito.
"sorry na, isa pa, smile na sweetheart" sabi nya at yakap yakap pa rin nya ako habang nakakandong dito. bakit ang sarap pakingan na tinatawag nya akong sweetheart?
nakailang picture pa kami bago kami umalis ng bahay at pinuntahan sila nila Tatay. wala akong nagawa kundi gamitin ang phone.
habang nasa daan ay panay picture lang ang ginagawa namin. minsan ay sya sng may hawak. kahit natatapilok na kami sa kakapicture ay go pa rin kaya tawa kami ng tawa sa mga pinag gagawa namin.
---------