Chapter 15 Foodtrip

2319 Words
Thea's POV Hindi kami kaagad nakarating ng palengke dahil itinabi nya ang kotse sa ilalim ng nag iisang malaking puno ng Manga. tanaw na tanaw namin ang halos buong Pampanga at ilang karatig pa na lugar. ang sarap ng simoy ng hangin dahil sa binuksan ko ang bintana ng kotse habang nakatingin sa labas. hindi naman nagsasalita ang katabi ko at tahimik lang na nakaupo sa driver seat. ayokong lingunin ito baka magkasalubong na naman ang mata naming dalawa at baka matutulala na naman ako. Hindi pa rin nya sinasagot ang tanong ko kanina na kung alam ba ng girlfriend nya na pumunta sya dito. bumuntong hininga naman ito at bumaba ng sasakyan. naglakad ito at nakapameywang ang dalawang kamay. tumingin sa malawak na syudad sa ibaba. bumaba nalang din ako. baka sabihin nya KJ ako. umupo ako sa bench na nasa ilalim ng puno ng Manga. gawa ito ng mga Kapatad. madalas kasing may umaakyat dito na mga riders at dito nagpapahinga. tiningnan ko ang mukha nya. nakapikit pala sya at tila ninanamnam ang masarap na simoy ng hangin kaya hinayaan ko nalang sya at hindi na inistorbo. ang sarap nyang panoorin na tila payapa ang itsura, maaliwalas ang mukha. malayo sa dating Sir Louie na laging nakabusangot. lalo tuloy syang gumwapo. charrr Nanatili sya ng halos dalawang minuto sa ganoong ayos at ako naman ay enjoy na enjoy na panoorin sya. naramdaman ko namang parang natigilan ito at akmang lilingon na kaya inunahan ko na sya bago pa nya ako mahuli. iniwas ko na kaagad ang tingin ko at tumingin na rin sa paligid. naramdaman kong lumapit ito at tumabi sakin kaya nailang ako pero hindi ko nalang nililingon. "magtatagal ka paba dito sa Pampanga?" bigla nitong tanong kaya napalingon ako sa kanya. "Dipende...Sana" narinig ko namang bumuntong hininga ito ng malalim. "Sama ka nalang sakin sa Maynila" mahinahon nitong saad. yung tingin nya na parang nagmamakaawa, nahihirapan o natatakot na baka tangihan ko. bigla tuloy akong naguguluhan. gusto ko pa kasing kahit isang bwan ang bakasyon kasi ilang taon rin akong hindi nakapagbakasyon. hinawakan nya ang kamay ko. s**t! tila nakukuryente na naman ako. nanginginig tuloy ang kamay na parang pinagpapawisan ng ikulong nya ito sa mga palad nya na mainit "b-bakit?" tangi ko nalang nasambit sa sobrang kaba. para kasing may naghahabulan sa loob ng tyan ko habang nakakatitig sa seryoso nyang mukha. those eyes, s**t! nakakatunaw Bumuntong hininga naman ito ng malalim at umiling iling. parang nahihirapan na magsalita. maya-maya ay nagsalita ito habang hawak pa rin nya ang kamay ko "sa akin ka nalang magtrabaho, huwag ka nalang kay Silva na yun. i will double your salary" sabi nito na parang nakikiusap "hindi mo naman kailangang gawin yon. nakakahiya rin kasi kay Sir Jameson" bigla namang sumama ang mukha nito at pumikit. binitiwan nya ang kamay ko. ano ba to? dalawa na ang nagooffer sakin ng trabaho. ito, naranasan ko na paano maging amo. at sa totoo lang unpredictable ang mood nya. mahirap spellingin. bipolar nga. si Sir Jameson naman laging seryoso pero mukha namang mabait. "nahihiya ka o baka may gusto kana sa kanya" bigla naman akong napatingin sa kanya at napakunot noong tinanong ito "ano?" "pwede mo namang sabihin na babalik ka na sakin unless kong gusto mo talaga sa kanya at ayaw mo na sakin" makahulugan nitong saad at pumikit. nag gagalawan naman ang mga panga nito at tumingin sa paligid "hindi naman sa gan-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng tumayo ito. bastos! "let's go na baka marami ng tao sa palengke" walang emosyon nitong saad at lumakad na papunta sa kotse nya. Oh diba bipolar? ang bilis magbago ng mood! kaya nga ang hirap sumugal sa kanya kasi wala akong kasiguruhan. ni hindi ko nga alam kong anong ibig sabihin ng ginagawa nya. minsan sweet, minsan galit. sumunod nalang ako ng walang imik at pumasok sa kotse. kahit sa loob ng sasakyan ay wala kaming imikan. nagkaroon lang ng ingay ng magring ang phone nya na nasa dashboard tiningnan nya ito kaya nakita ko kung sino ang caller. bigla tuloy akong nakadama kunting kirot sa aking dibdib. haist. sya na naman. alam kaya nya na nandito ang boyfriend nya? tiningnan lang nya ang phone at pintay. inilagay nya lang ito sa bulsa nya. natatakot naman akong magtanong kung bakit di nya sinagot ang tawag ng girlfriend nya kaya ibinaling ko nalang sa labas ng bintana ang aking atensyon hangang sa makarating kami sa palengke bumaba sya kaya sumunod na rin ako sa kanya ng walang imik. para tuloy akong katulong. ok lang ngayon lang naman. Pumunta sya sa Isdaan at bumili ng bangus, hipon na malalaki at tilapya. pumunta naman kami sa manukan at baboyan at bumili rin sya ng tig iilang kilo. ang bigat na ng dala namin gusto kong itanong bakit ang dami. hindi naman namin mauubos ito lahat ng isang araw pero hindi nalang ako umiimik baka mapahiya lang ako. hindi naman ako ang magbabayad. ilalagay nalang namin sa ref ang matitira. dumaan din kami sa Grocery at halos hindi ako makapaniwalang halos 3 cart ang nabili nito. may plano ba syang magtagal ng ilang bwan sa bahay? kaya naman hindi na ako nakatiis at pinagsabihan na ito. nakakahiya na kasi. "bakit naman ang dami mong binili? kahit naman kaunti lang okay na yon. yung pinaka importante lang" sabi ko at tiningnan ito. pero tuloy tuloy lang ang lakad nito habang nakasunod ang 3 bagger tulak tulak ang 3 cart. inis na inis akong pumasok sa loob ng kotse at halos magsalubong na ang kilay ko sa inis. deadma lang ang kumag! Nang makapasok na ito sa kotse ay nag iinit n sng bunbunan ko sa inis. "pumunta ka lang ba dito para gastusan kami?" inis kong saad at tumingin dito. bumuntong hininga muna ito bago sumagot "mahalaga para sakin ang dahilan ng pagpunta ko dito at baliwala sakin ang gumastos kong para naman sa pamilya mo" sabi nito na diretso pa rin ang tingin. ikinagulat ko naman ang tinuran nito. "sanay kaming makontento kung anong meron lang kami. hindi kami sanay sa masaganang buhay. pero nagpapasalamat parin ako sa kabutihan mo na nagawa mo pero tama na, sobrang dami na ng nailabas mong pera." sabi ko "i just wanna know why are you doing these?" giit kong tanong dito. marahas itong bumuntong hininga at tumingin sakin ng malamig. akmang magsasalita pa sana ito ng magring ang phone nito sa bulsa kaya inis itong dinukot sa bulsa nya. girlfriend na naman nya. pigil na pigil ang galit ko at tumingin nalang ng diritso sa dindaanan namin. hawak lang nya ang phone habang nagdadrive. tila nag iisip pa ito kung sasagutin o hindi. "bakit ayaw mong sagutin yang tawag nya?" tanong ko dito at pilit binaliwala ang kirot sa aking dibdib at tumingin sa labas bumuntong hininga muna ito bago ko narinig ang pagsagot nito. "hello" malamig nitong tugon. pinapakingan naman nito ang sinasabi ng kabilang linya "i'm driving Louise" walang gana nitong saad "talk to you later, bye" malamig nitong saad at pinatay na ang tawag. inatsa nya ito sa dashboard. ibang klaseng boyfriend to ah. wala man lang ka lambing lambing sa kausap. nawalan na rin ako ng ganang magtanong pa. Hindi na rin namin naungkat pa ang pinag usapan namin kanina hangang sa makarating kami sa bahay. Inis akong bumaba ng sasakyan. gulat namang sumalubong sila ni nanay. hindi magkanda ugaga ang magulang ko at mga kapatid ko sa pagbaba ng mga pinamili namin. hindi nalang din ako umimik pa at pumasok nalang sa loob ng bahay bitbit ang isang supot. pagkatapos ay pumasok sa CR sa kwarto ko para mag banyo. nagtagal ako ng halos 20 minutes sa loob. umihi lang naman ako pero ayaw ko lang tumayo. nanatili lang akong nakaupo at nag iisip. wala lang akong ganang lumabas. hindi naman sa nag iinarte ako. pero hindi lang ako sanay na may naglalabas ng daan daang libo na yata ang nagastos isama pa ang Cellphone ko na di biro ang halaga. para saan? eh ako nga halos diko alam paano pagkasyahin at todo tipid na ako na ni halos pati para sa sarili ko ay hindi ko na mabilhan ng bagong gamit. bawat sentimo kasi sakin ay mahalaga. nahihiya at naiinis lang ako na naglalabas sya ng pera para sakin na di biro ang halaga na hindi alam kong anong dahilan nya. Speaking of Cellphone. hangang ngayon ay hindi ko pa ito nabubuksan. Pagkatapos kong magmuni muni sa loob ng CR ay lumabas na ako at kinuha ang phone ko sa loob ng cabinet. tiningnan ko ito at umupo sa kama. nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ito o hindi. ang mahal kasi nito. baka mamaya maging mitsa pa ito ng ikakapahamak ng buhay ko. yung mumurahin ko nga lsng na phone na snatched pa eh ito pa kaya na halos kalahating milyon na ang halaga? humiga ako sa kama habang hawak ang phone. Naalimpungatan ako ng may humaplos sa buhok ko at humalik sa aking noo. hindi ko na sana papansinin ngunit patuloy pa rin ang paghaplos nito sa aking buhok. ngunit dahil sa nakakaantok ang ginawa nya at bigat ng talukap ko gawa ng pagpupuyat ko kagabi kaya nakatulog ulit ako. Nagising ako ng may tumapik sa pisngi ko. gulat akong napabangon at inis na tumingin sa suminghal na si Garry "ate. tulog ka ng tulog, bangon kana. kakain na tayo" sigaw nito "ano kaba Garry? hindi mo kailangang sumigaw. batukan kitan dyan eh" inis ko itong inirapan at tinulak "kanina pa kasi kitang ginigising para kang mantika kung matulog" "labas na, susunod nalang ako" kainis talaga tong kapatid ko. ganda pa naman ng panaginip ko. may humalik pa naman sa noo ko at humaplos sa buhok ko. gusto ko pa sana syang makita kaso kainis tong Garry na to. sinuklay ko nalang ng daliri ko ang buhok ko at lumabas na ng kwarto. Nadatnan ko naman sila nanay na busy sa paghahanda ng lamesa Last super naba to? grabe sa dami ng pagkain parang may fiesta. teka nasaan si Sir at tatay? "oh anak, upo kana dyan. kakain na tayo" sabi ni nanay. gusto kong itanong kung nasaan si Sir pero nahihiya ako "nasaan po si Tatay nay?" sabi ko nalang "nasa labas nag iihaw ng tilapya at porkchop kasama si Sir mo" ahh kaya pala Kakaupo ko pa lang ng magsipasukan na sila tatay na may bitbit na maraming inihaw. "wow ang sarap ng ulam natin, thank you po kuya" biglang tumaas ang kilay ko sa tinuran ni Jade Bunso. "Bunso! anong kuya?" sita ko dito at tinaasan ng kilay "eh kasi ayaw nya pong tawagin namin syang Sir. Kuya nalang daw" katwiran nito kaya napatingin ako kay Sir Louie na nakatayo bitbit ang inihaw na porkchop na nakangiti sakin. himala maganda na ang mood nya. bilis talaga ng transformation nya. bahala sya kung ayaw nya basta ako Sir pa rin. "Kaina na tayo, upo na kayo mga anak" sabi ni Nanay. Umupo naman si Sir Louie sa tabi ko magkabilang dulo si nanay at tatay at sa tapat namin si bunso at Garry. Hindi ko na naman alam kong anong irereact ko. medyo nawala na rin naman ang inis ko sa kanya pagkagising ko. masaya na rin naman ako kasi sa wakas nakatikim ang pamilya ko ng ganito kasarap na pagkain. although nakakahiya kasi ito pa ang gumastos imbes na ako dahil kami ang binisita. Nilagyan nya ako ng kanin at tinadtad na porkchop. naglagay din sya ng Sinigang na bangus sa mangkok "anong gusto mong part ng bangus?" mahinahon nitong tanong sakin kaya napatingin ako sa kanya "gitna nalang" sabi ko at yumuko inilagay nya ang mangkok sa harap ko. wow. ang bango. "thank you" nahihiya kong saad. nakakainis tong kili kili nito. sarap amoyin. ang bango kasi. landi ko na naman. nakakahiya sya pa ang nasilbi sakin pwede namang ako nalang eh. kumakain na kami at puro kain at daldalan lang ang naririnig ko. hindi ako nakikisali sa usapaan nils kasi masarap ang kain ko Nagulat pa ako ng ilapag nya ang mga binalatan na hipon sa plato ko. nagpasalamat nalang din ako at kumain ng tahimik. "here masarap to. hati tayo" sabi nya at inilapag sa plato ko ang kalahati ng inihaw na tilapya. sa totoo lang hindi ko na naiintindihan ang nararamdaman ko. para akong natatae na o nasusuka sa kilig. sa dami ng nilapag nyang pagkain para na akong bibitayin nito. "tama na, dami na nito" reklamo ko sa kanya. hindi nya ako pinansin pero yung titig ni Nanay at Tatay pagbaling ko sa kanila ay kakaiba na. tumikhim ako at ipinagpatuloy nalang ang pagkain. "Tay, Nay mamayang hapon uuwi na po ako" napahinto ako sa pagsubo ng marinig ko ang saad nito. nilingon ko ito pero kay Tatay nakatingin kaya sa kabilang side sya nakaharap. uuwi na sya agad? expected ko pa naman ay bukas na dahil linggo. monday pa kasi ang work nya. pero sabagay wala namna syang sinabi magtatagal dito. "sabado pa lang naman ngayon, bakit hindi nalang bukas Iho, may trabaho kaba kapag linggo?" tanong ni Nanay "wala naman po, may mga aasikasuhin lang po ako" sabi nito at tumingin sakin. nauna na rin itong nagbawi ng tingin at pinagpatuloy ang kumain. bakit parsng may lungkot sa kanyang mga mata? "ganun ba? naku! akala ko pa naman mahaba rin ang bakasyon mo dito, mukhang nahiyang ka na dito" sabi ni Tatay at tumawa "ang dami mo pa namang binili akala ko ilang araw ka pa dito" sabi pa ni Nanay. nakikinig lang ako sa usapan nila pero nawalan na ako ng gana at paminsan minsan nalang akong sumusubo. dahil ba sakin kaya napaaga ang alis nya o talagang may gagawin lang sya? well yon naman ang gusto ko diba? ang umalis na sya kasi naiilang ako kapag nandito sya. pero bakit parang nalulungkot ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD