CHAPTER 14

3312 Words
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman sa mga oras na ito, parang nagtatalo ang aking puso at utak dahil sa biglaang pangyayari at sa mga ikinikilos ni Derreck. Hindi dapat mangyari ang bagay na nais nito, sapagkat maaaring mas maging komplikado kung patuloy na hahayaan ang binatang muling angkinin sa pagkakataong iyon. "B-Bitiwan mo 'ko Derreck," muling pakiusap kay Derreck. "Mas gusto mo sigurong si Judas ang gumagawa nito 'no?" sarkastikong saad ni Derreck, makikita ang pag-igting ng kaniyang panga animo mananakit ano mang oras. "W-wala akong alam sa mga paratang mo!" anas ko. Pilit inilalayo ang mukha sa lalaki, hanggang sa nakakuha nang tiyempo at malakas na itinulak si Derreck subalit hindi man lamang natinag sa kaniyang puwesto ang binata. Isinandal lalo ni Derreck sa dingding at mas sinibasib nang makapugtong hiningang halik. Halos hindi makahinga sa kaniyang ginagawa, hindi makahuma nang ipasok ng binata ang kaniyang kumikiwal na dila. Mabilis nakaramdam ng hindi maintindihang init sa'king kaibuturan, parang mayroong mga nagliparang paru-paro sa bandang tiyan. Pilit nilalabanan ang tukso at nanghihimok na labi ng binata dahilan upang hindi tuluyang pumikit subalit masyadong malakas ang hatak ni Derreck sa aspetong iyon. "T-Tama na..." bulong ko. "Alin ang tama na?" anito tila hibang na hibang sa ginagawa, sinabayan ng nakahihibong ngiti rason upang lalong manghina ang tuhod dahil sa kaniyang pantay na ngipin at mapulang labi. "N-Nakikiusap ako, umalis ka na..." saad ko saka iniiwas ang mga mata. "Iyan ba talaga ang gusto mo? Bakit kasi hindi mo maamin sa sarili mong gusto mo 'kong makasama?" "Ayoko nang masaktan...D-Derreck!" anas ko sa binata. "Damn!" singhal nito saka napahampas sa dingding malapit sa'king ulunan. Awtomatikong napapikit sa takot na lumulukob sa'king buong pagkatao dahil sa galit na nakalarawan sa kaniyang ekspresiyon. "Ikaw ang nanloko! Ikaw ang sumama sa hudas na 'yon! Ikaw pa ang nasaktan? What the hell, Zarina! Pinaglalaruan mo ba 'ko? Hinintay kitang magpakita pero anong ginawa mo, ha? Umalis ka nang walang kahit na anong salita! Hindi mo naman sinabing gusto mo palang tuhugin kaming magkaibigan sana--" Hindi naituloy ni Derreck ang mga salitang halos tumarak sa puso dahil sa kaniyang maling akala sapagkat mabilis na dumapo ang aking palad sa kaniyang mukha. Sa pangalawang pagkakataon ay parang senyales ng kakaibang pagkamuhi sa lalaki. "Nakita ko kayo... nakita ko kung paano ka alagaan ng babaeng 'yon, kung paano kayo nagpapakasaya sa piling ng bawat isa. Ikaw ang manloloko, Derreck! Ginamit mo lamang ang kahinaan ko para masunod 'yang tawag ng laman mo." nanginginig ang aking labi subalit matapang na nagsalita laban sa binata. "P-paanong..." Natigilan ang binata tila naalala ang mga eksenang sinasabi nito. "H-Hindi totoo yan." "Umalis ka na!" saad ko saka itinuro ang nakapinid na pintuan subalit hindi natinag ang binata at hinaklit ang braso upang yakapin ng mahigpit. Doon ay lalong nakadama nang panghihina animo nabura lahat nang sakit habang ang nais na lamang ng mga oras na iyon ay umiyak sa malapad na dibdib ng lalaki. "Z-Zarina, please...tahan na." mahinang saad ni Derreck saka unti-unting sinapo ang mukhang may bahid nang luha paharap sa kaniya. Nagsalubong ang aming mga mata hanggang sa unti-unting naglapit ang mga mukha subalit sa hindi mapigilang damdamin ay ako na mismo ang nagtawid sa maliit na espasyo sa pagitan naming dalawa. Hindi halos makagalaw dahil buong bigat na yata ni Derreck ang nakadantay sa’kin. Masyadong masikip ang espasyo nang inuupahan kung kaya’t hirap na hirap makakilos ngunit hindi ko namalayang halos nakahiga na kami sa maliit na papag. Makikitang tumatagaktak ang pawis sa noo nang binata subalit hindi niya alintana ang mga iyon. Mas lalong nag-init ang aking pakiramdam ng magsimulang hubarin ni Derreck ang mga saplot. Mayroon akong kaunting pagtutol at bahagyang umiingit subalit masyadong malakas ang hatak ng sensasyong ipinapadama ng binata kung kaya’t tuluyang nadala sa binubuong mundo ng lalaki sa mga oras na iyon. Muling nasakop ng binata ang aking nakaawang na labi. Hindi ko mapigilang umungol sa tamis, nanghihibo at mapusok na halik ng binata. “D-derreck, h-hindi tama ‘tong nangyayari sa’tin. Gusto na kitang kalimutan…” nahihirapang saad sa lalaki. “Iyon ay kung kaya ‘mo. “ ngumisi lamang si Derreck tila hindi siniseryoso ang aking mga sinasabi. Gumapang ang kaniyang mga halik sa leeg. Para akong lalagnatin sa mga emosyong nakapaloob sa’ming dalawa. Hindi ko maiwasang mapaliyad nang sakupin ng kaniyang mapaglarong mga halik ang pinaka-sensitibong parte nang aking katawan. “D-Derreck…n-nakikiusap ako…t-tama na..” anas ko habang halos mapugto ang aking paghinga sa tindi nang sensasyong nangyayari sa pagitan naming dalawa. “A-yo-ko.” saad nito. Mas umigting ang pagnanasang nakalarawan sa mga mata ng binata lalo't panay ang aking pagtanggi sa kaniyang mapusok na kilos laban sa'king kabuuan. Maya-maya'y hindi ko man lamang napansing natanggal na ni Derreck ang aking mga saplot, ni halos hindi malaman kung saan ko ipapaling ang ulo dahil sa kaniyang mumunting mga halik na sadyang iginagawad sa leeg pababa sa'king dibdib. "D-Derreck, nakikiliti ako. T-tama na...nakikiusap ako." kulang sa lakas ang aking tono kaya't mas naging pursigido ang binatang ipadama ang 'di maipaliwanag na sarap na sumisigid sa'king kaibuturan. Hanggang sa ang mga halik ay nauwi sa mas malalim na sensasyon na sadyang nauwi sa pag-iisa ng aming mga katawan. Kitang-kita ang mga butil ng pawis na tumutulo sa noo ni Derreck ngunit patuloy lamang ang lalaki sa kaniyang ritmo. Mabilis ang pagkiwal nito animo mayroong nais tunguhin, nais abutin. "Ahh, Ahh! D-Derreck, a-ang sarap! B-Bilisan mo pa....ahhh!" "Gusto mo pang doblehin ko...shit! ang s-sikip mo, Z-zarina!" ungol nito. Halos mapugto ang aking hininga sa mabilis na pagkilos ni Derreck sa'king ibabaw. Ilang minuto rin ang aming pinagsaluhan at halos iisa lamang ang aming galaw, maya-maya'y mas naging mapusok, mapaghanap at nagmamadali ang kilos hanggang sa kahuli-hulihang pag-ulos ng binata. Hindi ko mapigilang mapahiyaw nang mahina animo dinala ako ng binata sa lugar na kaniyang narating. Tumingala sa kisame ang lalaki, habang nakaawang ang bibig. Nakadagdag ang ayos ng binata upang maramdaman ang bolta-boltaheng kuryente na dumaloy sa'king katawan na sinabayan pa nang mumunting kiliti sa tiyan. Segundo ang nakalipas ng idinagan ang buong bigat ni Derreck sa'king ibabaw, samantala ang kaniyang buong mukha'y humilig sa pagitan ng aking mukha at leeg kaya't damang-dama ko ang kaniyang mainit na hininga. Sa simpleng gawi ng lalaki'y milya ang kilig na nararamdaman sa aking kaloob-looban. Aminin ko man o hindi ngunit ang namagitan sa'min kanina'y babaunin kahit siguro dumoble pa yata ang edad o maging sa ika-isandaang taon ng buhay. "Tulog na tayo?" malambing na tanong nito ngunit imbis na sumagot ay napatango lamang ako. Matagal akong nakatitig sa kisame at hindi malaman kung paano maayos na haharapin ang binata kinabukasan. Ano ang magiging gawi namin kung nagkataon? Baka nakakalimutan mong ikakasal na ang lalaking nasa tabi mo? Sa babaeng di hamak na mas bagay sa estado at pagkatao niya! Mariing napapikit dahil sa mga negatibong tumatakbo sa isipan, hindi ko napigilan ang namuong butil ng luha sa gilid ng aking mata subalit mabilis kong pinunasan at pilit ginagawang normal ang lahat. "Bahala na, Zarina." bulong sa sarili. Mabilis ding bumigat ang talukap ng aking mga mata at hindi na namalayang nakaidlip gaya sa binata. KINABUKASAN ay gumuhit ang malalim na gitla sa'king noo nang tumama ang sinag ng araw sa maliit na siwang sa bintana na sadyang gawa lamang sa kahoy. Ramdam na ramdam parin ang hubad na katawan ni Derreck na sadyang nakalapat sa'king kabuuan. "D-Derreck, gising." "No, I just want to lie down pa." ungot nito sa mahinang boses. Hindi ko man naiintindihan ang mga salitang sinabi ng binata'y malinaw naman ang nais nitong ipakahulugan. "B-baka hinahanap ka na sa opisina o ni Shan--" "Walang Shantal, wala si mama' o si papa'. Tayo lamang ang narito at ayokong makarinig ng pangalan nang kahit sino man sa kanila." saad nito subalit nananatiling nakapikit. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga sapagkat nabanggit ng lalaki ang kasalukuyang problema na kinakaharap ukol sa mga taong malaki ang kaugnayan sa binata. Dahil kahit ano pang iwas ang gawin ay hindi na mawawala ang agam-agam na maaaring idulot ng mga nasabing indibiduwal lalo't matuklasan ng mga itong nagkaroon muli nang komunikasyon sa pagitan naming dalawa. Nasa ganoong pag-iisip nang sunud-sunod na tumunog ang selpon ng binata mula sa pantalon. Hindi na lamang sana papansinin ni Derreck subalit kagyat ang pagtunog nito kung kaya't napilitang bumangon ng binata at kara-karakang kinuha sa bulsa ng pantalon ang telepono. Hindi ako diretsahang makatingin sapagkat nakabalandra ang mala-adonis na kahubdan ng lalaki sa'king harapan. Bahagyang napalunok at mabilis na umiwas nang tingin, hindi ko man mamasdan ang kabuuang mukha ngunit alam kong nag-iinit ang pisngi dahil sa hiya. Ngumisi ang binata tila' alam na alam ni Derreck ang tumatakbo sa'king isip. Napailing na lamang habang nakatapat ang selpon sa kaniyang tenga. "Hello?" Patlang. Base sa ekspresyon nang mukha ni Derreck ay masasabing seryoso ang usapan sa pagitan nang sino mang kausap ng lalaki. Bahagyang tumatango lamang ang binata habang nakikinig sa kabilang linya. "I'll be at my office. Can you wait for me?" Ilang huntahan ang naganap saka ibinaba ang tawag kapagkadaka'y direktang tumingin sa gawi ko. "Gusto ko mang manatili pa--" "Naiintindihan ko. Maaari ka nang umalis at may pasok pa 'ko sa--" "Look, Zarina. Hindi pa tayo tapos mag-usap. Babalikan kita sa ayaw at sa gusto mo." "Wala na tayong dapat pang pag-usapan, nakuha mo na'ng gusto mo." anas ko subalit nanatiling seryoso ang mukha ko habang kipkip ang kapirasong kumot upang takpan ang aking dibdib. Nakalarawan ang kabiguan o pagkainis sa kaniyang mukha subalit mukhang importante talaga ang ano mang tutunguhin nito kaya't imbis na makipag-argumento'y nagmamdali siyang nagbihis. "Wala akong oras para kumbinsehin ka sa ngayon pero hindi mo 'ko mapapaalis sa buhay mo, Zarina. Mayroon lamang akong kailangang asikasuhing kaso pero hindi nangangahulugang hanggang dito na lamang tayo. May atraso ka pa sa'kin!" "Anong pinagsasa--" naiwan sa ere ang dapat isisinghal dito sapagkat inunahan ni Derreck ng mariing halik saka nakakaakit na pinunasan ang gilid ng aking labi. "Tama na muna ang satsat, hon. I really have to go. See you later." anas ni Derreck na sinabayan ng kindat bago nagmamadaling lumabas sa inuupahan kong pamamahay. Halos hindi ako makahuma sa naging kilos nito at matagal din bago nabalik sa kasalukuyan ang lumilipad na isip ukol sa mga bagay na konektado sa lalaki. Di matanggap ng sistemang muli na namang nagpatangay sa kagustuhang laman. 'Zarina, hindi lamang tawag ng laman ang mayroong pagnanais sa mga nangyari kagabi, pati 'yang madaya mong puso.' - KASALUKUYANG NASA OPISINA ANG mabigat na kliyenteng si Don Arnulfo Ricaforte. Hindi lamang paghahanap ng lead kung sino talaga ang may kagagawan ng paglapastangan at pagpatay sa kaniyang asawa ang nilalabang kaso ng pobreng matanda kundi maging ang paghahanap nito sa nawawalang anak na halos dalawampu't dalawang taon na ang nakalilipas. Kung susumahin ang mga panahong nagdaan ay parang naghahanap kami ng karayom sa dayami. I couldn't able to process the things that U have to study with regards to his case. "Is it possible to open the case of my wife?" he has a longing in his eyes while telling me such words. Kagagaling ko lamang sa inuupahang espasyo ni Zarina at maging hanggang ngayon ay hindi pa tuluyang gumagana ang utak ng maayos subalit ayokong maramdaman ni Don Arnulfo na wala ako sa huwisyo sapagkat hindi kaaya-ayang gawi ang maaaring ikilos sa harap nito. "I'll be honest Mr. Ricaforte, we can open the case but I can't promise a fast result into this. It seems that we're looking a pin in the midst of hays." "I know, hijo. I'm just too desperate for a long time." I can't blame the man for being broken for almost twenty two years because he wasn't able to find justice with his wife and daughter. "Mayroong nakapagsabi sa akin na mayroong natagpuang sanggol ang isa sa mga tagabaryo ng Santa Fe, noong araw ding iyon kung saan napaslang ang aking maybahay." "Who told you that?" "Marami akong koneksiyon hijo. Hindi ko nga lamang alam kung sino sa mga tagaroon ang umampon ng sanggol sa mga panahong iyon." "Well, we can list down those tiny leada as a start. Mayroon akong mga impormanteng ipapadala sa Santa Fe upang magsagawa ng imbestigasyon. Kung kinakailangang halughugin ang lahat ng record sa munispyo ng mga batang inampon ng taong iyon ay gagawin natin." Matiim ang mga tinging iginawad ng matanda mula sa'king kinaroroonan tila nakasilip ng kahit kaunting pag-asa sa mga salitang iginawad ukol sa kaniyang nawawalang anak. "Maraming salamat, Attorney Garcia. Your words are enough for me to hope that my daughter is still alive somewhere in Santa Fe." makahulugang saad ng ginoo. Kaunting oras pa ang inilagi ng matanda bago nagpaalam sa opisina. Samantala, naiwan akong mag-isa kaharap ang tambak na papeles na pulos mga kasong isinasangguni sa aking tanggapan. Maya-maya'y muling nirikisa ang mga dokumentong may kaugnayan sa kaso ni Don Arnulfo. "So, he lost his daughter in Santa Fe? She might be anywhere else?" Bahagyang hinilot ang sentido saka inabot ang cellphone upang tawagan si Judas. Kahit kasi mayroong iringan sa pagitan nilang dalawa'y labas naman ang mga ganitong bagay sa mga personal nilang buhay. "Hey, hudas." "Dude?" "Hindi ako tumawag para makipag-ayos gago. I have an information with the case I'm handling in relation to Don Arnulfo." "So?" he chuckled. "f**k you." "Well, I didn't f**k your girl, dude. I'm not really a breaker of bros code." paliwanag nito. Naniniwala naman na 'ko sa binata, sadyang nilalamon lamang talaga nang panibugho sa kaalamang ilang linggo rin silang nagkasama sa iisang bubong. Knowing Judas? "Still f**k you." He just chuckled again as if he understood my words between the lines, it means that we were already fine. "Tangina mo Garcia, spill the tea! My d**k is currently roaming around in someone's treasure." anas ni Judas samantala, maririnig ang malanding hagikgik ng isang babae sa kabilang linya animo totoo nga ang sinasabi ng kaibigan. "Tanghaling tapat ka talaga dinatnan ng kalibugan 'no? Anyway, Don Arnulfo went in my office earlier. He has a solid information about his long lost daughter..." Tila nawala ang kaibigan sa kabilang linya ngunit nagpatuloy lamang sa mga detalyeng kailangang malaman ni Judas. Ang lalaki mismo ang bahala sa mga ganitong klaseng trabaho sapagkat ang kanilang ama ang may-ari ng pinakamalaking secret agency sa Pilipinas na kasalukuyang pinangangasiwaan ng binata. Matapos ang pakikipag-usap sa kaibigan ay tuluyan na naging okupado ang utak sa mga kaganapan noong isang gabi. Hindi mawala sa isip ang pinagsaluhan kasama ng dalaga. "I want her back, I badly want her back 'cause she's definitely my home." Parang isang malaking kulungan ang mansiyon ng wala ang presensiya ni Zarina. Kahit pa ang kapalit nito'y pagsuway sa mga magulang at hindi pagsunod sa napagkasunduan ukol sa pagpapakasal sa inaanak nang minamahal na ina. -- Magmula nang muli kaming magkaroon ng komunikasiyon ni Derreck ay madalas magawi ang binata sa bar kung saan nagtatrabaho bilang waitress. Karamihan sa mga kasamahan ay kilala na yata ang hilatsa ng mukha nito. Maraming beses ko na siyang tinanggihan sa alok na bumalik sa mansiyon subalit hindi ko maaatim kung mauulit pa ang naranasang pang-aalipusta ng mga magulang nito kaya't kahit anong kumbinse ang gawin ni Derreck ay hindi na matitinag ang nabuong desisyon. Kasalukuyan akong nag-aasikaso ng mga ihahain sa kustomer na nagagawi sa bar nang tapikin ni Berto sa balikat. "Nandiyan na naman si Mister pogi." nakakalokong imporma ng lalaki. Imbis na sumagot ay matamang sumilip sa siwang kung saan iniaabot ang mga pagkain para lamang siguruhin kung naroon nga ang binatang tinutukoy nang kasamahan. Muntik akong mapasinghap ng magtama ang aming mga mata. Bahagyang itinaas nang binata ang hawak na inumin ngunit imbis tanggapin ang kaniyang mga gawi'y umiwas ako nang tingin dahil ayokong isipin ni Derreck na gusto ko ang ideyang naroroon siya para lamang kumbinsehin sa nais nito. Ilang oras ding hindi umiimik hanggang sa matapos ang oras nang pagtatrabaho subalit nanatili ang binata sa kaniyang inuukopang mesa habang mag-isang tinutungga nang paunti-unti ang inorder na alak. Panaka-nakanh sumusulyap sa kinapupwestuhan ko tila pinapanood ang lahat ng kilos rason upang mailang sa kaniyang nakanunuot n titig. "Tutunawin ka na yata ni pogi sa walang humpay na titig, hija." anang amo na halos matakpan ng kolorete ang mukha. "Hindi naman po." "Lapitan mo na Zarina at regular na kostumer narin natin 'yang si pogi dito. Ang laki ng tip kung magbigay aba'y tiba-tiba palagi 'tong bar natin." susog Madam Butch subalit imbis na gatungan ay pinili kong manahimik. Walang nakakaalam ukol sa kaugnayan ng binata sa akin maliban kay Apple ngunit nakiusap sa kaibigan na ilihim lamang sa mga ito ang nakaraan namin ni Derreck sapagkat maaaring maging malaking komplikasyon lalo't mainit ang mga mata ng magulang nito. Hindi malayong umupa sila ng magmamanman sa'kin na magong dahilan pa nang suliranin sa kasalukuyang trabaho. Baka gumamit na naman sila nang kapangyarihan para lamang mapatalsik sa trabaho. Lahat ay kayang gawin ng pera, kayamanan at kapangyarihan. Iyon ang wala ako kaya't mabuting umiwas sa gulo kahit ang totoo'y masakit sa pusong pigilan ang totoong damdamin para sa binatang tinatangi, walang iba kundi si Derreck Garcia. "Mauuna ho ako, Madame' Butch." anas ko at hindi na pinatulan ang pambubuyo nito. Bahagyang tumango ang amo ngunit makikita ang panghihinayang sa mukha animo hindi makapaniwalang tinatanggihan ang mga ganitong pagkakataon upang umahon sa buhay. "Jusmiyo, Zarina. Bahala kang bata ka!" "Sige na ho, Madame' Butch at ako'y mauuna na po." nangingiti lamang sa reaksiyon nito. "Osiya! Hindi naman kita mapipilit." Tuluyang lumayo kay Madame' Butch at dumiretso malapit sa entrada palabas subalit akmang itutulak ang pinto upang makaalpas ng kusang bumukas iyon dahil naunahan ng taong nasa likuran kong buksan ang dahon ng pinto. "Salamat po--" Lumingon sa estranghero subalit halos matigalgal sa pamilyar na bulto. "D-Derreck..." "Sa wakas, natapos ka rin sa mga ginagawa mo. Now, puwede na ba tayong mag-usap?" anito sa seryosong tono. "Wala tayong dapat pang pag-usapan, Derreck. Kung ako sa'yo umuwi ka na sa pamamahay mo dahil wala 'kang mapapala sa'kin. Mas mabuting huwag ka nang gagawi rito." Ako mismo ang tuluyang nagbukas ng pinto saka dumiretso sa pinakaunahan ng kalsada upamg tumawid sa kabilang bahagi nito. Kapagkadaka'y nagulantang na lamang nang mayroong mahigpit na mga kamay ang humawak sa braso. "Hindi ako makakapayah na ganooon na lamang kadali sa'yong kalimutan lahat. Anong tawag mo sa mga pinagsaluhan natin noong gabing iyon?" mababakas ang pagkapikon sa mukha ng binata subalit pinilit ko lamang magkunwaring hindi naaapektuhan. "Bakit? Hindi ka ba sanay sa isang gabing saya' sa piling ng mga babae noon? Isipin mo na lamang na parang katulad din ako ng mga nagdaang kababaihan sa piling mo." matapang na pahayag sa lalaki subalit makikitang naggalawan ang panga nito. "Tangina, ang tigas ng ulo mo! Anong mahirap intindihing iba ka sa kanila, ha? Mahal kita!" Akmang sasabad kay Derreck subalit hindi na nakahuma nang padarag na hatakin ng binata at isinakay sa sasakayang dala nito. "D-Derreck tigilan mo na 'ko! Ibaba mo 'ko rito!" "s**t!" Halos mapasinghap ng maiwan ang mga salitang sasambitin sa hangin dahil sa mapusok na kilos nang binata lalo ng sapuin nito ang aking batok at mariing salubungin ng kaniyang mga labi ang nakaawang na bibig. Pilit niyang ipinapasok ang kaniyang mapaglarong dila subalit pinipigilan ko ang sariling mahulog sa nakakahibang nitong mga halik kaya't panay ang harang at tulak sa binata ngunit habang ginagawa ang mga bagay na yaon' ay mas humihigpit at nagiging agresibo ang kaniyang labi hanggang sa tuluyang natibag ang depensang binubuo sa isip. Ilang sandali ang nakalipas ng mapansing umaayon na 'ko sa bawat pag-arko ng labi nito at bahagya pang napapaungol dahil sa tila mga paru-parong nagliliparan sa'king tiyan. "Uhm, D-Derreck a-ano ba!" "Kahit anong gawin mong takas, Zarina. Alam kong hindi mo kakayanin--- sa mga halik ko lamang matutunaw kana." saad nito na may bahid ng hingal habang nasa pagitan nang aming mapusok na pinagsasaluhan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD