CHAPTER 15

3495 Words
MALAKAS ANG pagkakatulak ko kay Derreck kaya't bumalandra ang binata pasandal sa nakasarang pinto ng kotse subalit hindi iyon dahilan upang matinag ang lalaki. Imbis na pakawalan ay mas naging mapusok ang binata sapagkat mayroong pagmamadali ang mga kilos nito. Iniabot ni Derreck ang seatbelt mula sa'king gilid at mabilis ikinabit. Samantala, hindi alintana sa binata ang nakapaloob na emosyon na sadyang nakikita ni Derreck mula sa'king reaksiyon. Basta na lamang binuhay ang makina at walang imik na pinaandar palayo mula sa pinapasukang bar. Hindi magawang tumutol sa kagustuhan nang lalaki sa mga oras na iyon sapagkat mahahalata ang determinasyon sa kaniyang ekspresiyon. "Magmula ngayon ay hindi ka na muling babalik sa inuupahan mo." mahahalata ang matigas na tono ng binata. Padarag akong lumingon sa binata tila inaarok ang mga sinabi nito. "Sino ka para manipulahin pati ang mga kagustuhan ko? Kinakailangan kong kumayod para sa sarili ko!" "Baka nakakalimutan mong malaki ang halagang pinakawalan ko, Zarina kapalit ng kalayaan mo sa casa." "Hindi ko nakalilimutan ang mga pinakawalan mong yaman, kaya nga mas kinakailangan kong magbanat ng buto para makabayad sa'yo." matapang na saad sa lalaki na sadyang ikinalingon nito nang marahas sa'king gawi, tila hindi nagustuhan ni Derreck ang narinig kung kaya't ganoon na lamang ang naging reaksiyon nito. "Bakit ang hirap mong paliwanagan? Hindi iyon ang gusto kong maisip mo! Look, napilitan akong sabihin iyon dahil ang tigas ng ulo mo!" "Ikaw ang hindi nakakaintindi, Derreck. Anong hindi malinaw sa ayoko nang bumalik sa poder mo?" "Dammit!" singhal nito matapos hampasin ang manibelang minamaniobra rason upang bahagyang mapakislot sa gulat. "Dahil ba kay Judas, ha? Dahil ba sa mga lalaking nagpapalipad hangin sa'yo sa makitid na eskinitang iyon?" Halos makaramdam ng kakaiban8g inis sa mga mabababaw na klase nang katwirang naririnig mula kay Derreck. "Malinaw pa sa sikat ng araw, Derreck. Ikakasal ka na! Hindi pa ba sapat na dahilan iyon para lumayo sa'yo? Hindi tayo nababagay para sa isa't--" "f**k! It was all f*****g lousy reasons! s**t with my freakin generational wealth!" Namagitan ang sandaling katahimikan sa pagitan ng bawat isa dahil sa mga salitang kahit hindi ko maintindihan ay mayroong ideya kung para saan. "Derreck...nakikiusap ako. Huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin." Tiim-bagang at naggagalawan ang kaniyang panga dahil sa emosyong nais kumawala sa lalaki subalit kinokontrol lamang nito sa mga oras na iyon. "Iyan ba talaga ang gusto mo?" anas nito kapagkadaka. Parang tatakasan ng hangin ang aking buong sistema sapagkat nakapa ko ang pagsuko base sa kaniyang tono. Bakit parang hindi matanggap nang sistema ko na susuko na ang binata? Hindi ba't iyon naman ang kagustuhan ko upang lumagay sa tahimik ang buhay? "Oo, Derreck. Mabuti narin sigurong--" "Ayoko nang marinig ang mga rason mo. M-maaari ka nang umalis." seryosong anas ng binata habang tagusan ang tingin mula sa malayo. Mayroong pinindot ang lalaki mula sa gilid nang pintuan malapit sa kaniya saka tumunog ang kung anong bagay malapit sa gawi ko. "Bukas na 'yan." Nakaramdam ako nang bahagyang pagtutol sa isip subalit kinakailangan kong panindigan ang nasambit sa lalaki. Marahil ay iyon ang pinakamalaking dahilan para isarado na nang tuluyan ang kuwento namin ng binata. Ayos na sa'kin ang maikling panahong pinagsaluhan para masabi na totoong nakaranas ng pag-ibig kahit sa murang edad. Walang kibot na bumaba saka hindi bumilang ng minuto at mabilis pinasibad nang binata palayo ang pagmamay-aring sasakyan. Naiwan akong natitigilan at parang natauhan lalo pa nang hindi na matanaw ang kahit katiting na bulto ng lalaki animo hudyat iyon nang huling pagkakataong masisilayan pa ito. MATAPOS ANG TAGPONG IYON, ilang linggo na rin halos ang nakalilipas ngunit hindi na nga muling nagawi ni anino ni Derreck sa pinapasukang bar. Pilit kong kinukumbinse ang sarili na maging normal ang takbo ng pamumuhay kahit madalas ay naiisip ko ang binata. Maging sina Madame Butch ay nagtatanong ukol rito subalit wala rin akong mahagilap na kongkretong sagot kung kaya't kibit balikat na lamang ang tanging nagiging tugon sa amo o maging sa mga ilang kasamahan. Kasalukuyang inaasiste ang karamihan sa mga kostumer sa bar lalo't biyernes pa naman ngayon kaya't gano'n na lamang karami ang umuukopa sa buong lugar. "Zarina, makikisuyo naman sa mga order sa table no. 10." pakiusap ni Ciara sapagkat hindi na rin magkandaugaga ang kasamahan sa pag-aasiste sa kabilang bahagi ng naturang bar. "Ako nang bahala sa kabilang mesa." anas ko. "Salamat, Zar." Tuluyang tumungo sa kanang bahagi at isa-isang nilapitan ang mga mesang nakahanay. Mabilis namang nakuha ang hanay ng mga orders nang halos karamihan sa mga ito. Nang nasa panghuling mesa sa bandang sulok ay kaagad namataan ang pamilyar na bulto. Kaagad lumarawan ang kakaibang galit at halu-halong emosyon habang diretsahang nakatingin sa babaeng na sa'king harapan. "Anong ginagawa mo rito?" padaskol na tanong sa babae. "Oh, did you forget that I am capable of visiting any places I want? -- Oops. Nakalimutan ko nga palang hindi mo naiintindihan ang mga sinasabi ko. Puwes, tatagalugin ko, ha? Bagay na bagay ka rito, Zarina. Buti na lamang natauhan na si Derreck sa pagpatol sa katulad mong...walang breeding." sarkastikong saad nito. "Iyon naman pala, eh. Na sa'yo na si Derreck, ikaw ang pakakasalan at ihaharap sa altar. Bakit nagpapakapagod ka pang hanapin ang maruming lungga ko?" Tumaas ang kilay ni Shantal animo kababakasan nang pagkailang tila hindi makapalag sa mga salitang namutawi sa'king bibig. "I-I just came here to give you this..." aniya kasabay nang pagtayo ng dalaga saka padaskol na ibinigay ang isang kapirasong sobre. Ngumisi lamang ang babae sa gawi ko bago tuluyang lumabas nang bar. Samantala, naiwan akong natitigilan saka dahan-dahang binuksan upang makita ang nilalaman nito. Halos manginig ang mga kamay ng makita ang larawan nina Derreck at Shantal na halos magkadikit ang mga mukha sa isa't-isa. Kahit wala akong maintidhan sa mga nakasulat ay alam sa sarili ang nangyayari. Hindi malayong, imbitasyon ito nang dalawa sa nalalapit nilang kasal. Para akong hanging lumulutang sa alapaap, halos nangangapal ang buong mukha at hindi malaman kung papalahaw ng iyak o itatago na lamang ang nararamdamang pait. Maya-maya'y nagulantang ako nang mula sa kaha ay tinawag ni Ciara. Hindi ko alam kung minuto o segundo na 'kong nakatulala sa kawalan subalit iisa lamang ang pilit sumisiksik sa isip. Tuluyan na nga sigurong mawawala ang ugnayan namin ng lalaking minamahal. Nang makabalik sa kaha'y tahimik inasikaso ang mga inumin at nilapag lamang sa gilid ang sobreng binigay ni Shantal. Matagal nang nakaalis si Shantal at parang iyon lamang ang sadya ng babae. Buong magdamag akong wala sa sarili kaya't maging ang pagtatrabaho ay labis na naaapektuhan. Pang-ilang beses na 'kong nagkakamali lalo sa pagbibigay ng mga pagkain tulad na lamang ngayon na imbis na sisig ang ihain ko'y piraso ng manok ang naibigay sa kustomer. "Miss, ilang minuto na kaming naghihintay ng order namin, pagkatapos palpak pa 'tong ibibigay mo?" singhal ng lalaki. "P-Pasensiya na po, Ser. Papalitan ko po kaagad." "SIGE! Bilisan mo, ha?" napipilitang saad nito. Wala pa sa alaskuwatrong bumalik kaagad sa kusina upang personal na tumulong sa pagpeprepara ng mga order. Maya-maya'y akmang kukuha ng mga pagkain sa mga nakasalansang tray ngunit mayroong pumigil sa braso. "M-Madam Butch?" "Iha, Zarina...tingin ko kailangan mong magpahinga sa ngayon. Umuwi ka muna sa bahay mo at si Ciara na'ng bahala sa mga kustomer." "P-pero..kaya ko naman po..." "Zarina, makinig ka, maiintindihan ko kung hindi ka muna makakapagtrabaho. Hindi kita aawasan, basta magpahinga ka muna kahit isang araw." Labag man sa loob ang nais nang amo ay hindi naging rason iyon upang tuluyang itigil ang ginagawa hanggang sa matapos ang pagdadala ng mga inumin at pagkain. Doon pa lamang dahan-dahang kumilos upang kuhanin ang dalang backpack kalauna'y wala sa sariling lumabas ng pinagtatrabahuhang bar. Kasalukuyang naglalakad sa gilid ng kalsada animo wala sa sariling binabagtas ang daan. Ayoko sanang sumagi sa isip ang mabigat na dinadala subalit sa tuwing maaalala ang mga nangyayaring pag-uusap sa pagitan namin ni Shantal ay para akong paulit-ulit na pinapatay sa aspetong emosyonal. 'Ito naman ang gusto mo, di' ba? Ang lumayo siya at kalimutan ka na? Bakit ka iiyak at masasaktan ngayon?' Hindi ko man lamang namalayang nasa tapat na 'ko nang maliit na espasyong inuupahan. Halos madilim na rin sa bandang iyon ng eskinita kung kaya't walang nakakakita ng mga luhang walang habas na umaagos sa magkabilang mata. Halos nanghihina ang aking tuhod sa sakit kaya't napatalungko ako sa gilid ng inuupahan upang mas mabigyang laya ang sakit na nararamdaman. Sa pagkakataong iyon ay hinayaan ang sariling humagulgol na parang bata sapagkat iyon naman talaga ang nais kong gawin magmula pa kanina. Tinatapangan ko lamang ang aking loob subalit sa pagkakataong ito na ako na lamang mag-isa'y hindi na kaya ng pusong maging bato. -- MAGMULA SA MALAYO AY TANAW ko ang dalaga na papasok sa makipot na eskinita. I really want to follow her and make sure that she is safe yet I'm trying to distance myself because I respect her decision. Tiim-bagang na pinaandar palayo ang sasakyan, kahit mabigat sa loob na basta na lamang ganito ang kahihinatnan ng lahat sa pagitan namin ni Zarina. I have to do it for the sake of my parents though' I was being forced to marry Shantal. KINABUKASAN AY nagtungo ako sa opisina kahit hindi gaanong nakatulog sapagkat kailangang tutukan ko ang kasalukuyang kaso na hawak ukol sa nawawalang sanggol sa Santa Fe maraming taon na ang nakalilipas bukod pa sa isinasagawang imbestigasyon at muling pagkabuhay ng kaso ni Don Arnulfo patungkol sa karumal-dumal na pagpatay sa kaniyang asawa. Pagbukas pa lamang ng pribadong opisina'y bumungad na kaagad ang kaibigang si Judas habang nakaupo ito sa pgmamay-aring swivel chair. Nakataas pa ang paa sa desk at tila naglalaro ng online games sa cellphone. "What are you doing here?" I sternly asked. "Dude, chill! I just came here to visit my hottie friend." nakakalokong saad ng binata bago ibinababa ang dalawang paa mula sa mesa at kaagad tumayo saka walang pakundangang inagaw ko rito ang swivel chair. "Hey, don't tell me you're still mad at me because of what happened?" using his apologetic tone. "Marami akong gagawin, hudas. Tell me if what brings you here?" anas ko ngunit wala sa lalaki ang aking atensiyon kundi sa mga nakatambak na papeles sa'king harapan. "Tangina', fine!" anang kaibigan saka nakakalokong ngisi ang gumuhit sa labi nito. Umupo ang binata malapit sa desk ko saka dumekwatro at pinagsalikop ang dalawang palad. "I have a lead." Nahinto ako sa pagiging abala sa mga papeles nang marinig ang sinabi nito. "Go, spill." "What if we cannot find his daughter to all the orphanages at Santa Fe?" "What do you mean?" "Paano kung hindi naman talaga napunta ang anak ni Don Arnulfo sa kahit anong ampunan?" "You mean..." "According to my informant, he asked some of people in the community of Santa Fe. There was a particular incident that a woman who lived near the forest suddenly became a mother of a strange infant." "What happened to her?" Seryosong tumingin ang kaibigan sa gawi ko at parang nag-isang linya ang guhit ng kaniyang mga labi. "The woman was a buttered wife. Malupit daw ang naging kapalaran nito sa napangasawa, kaya't binawian din nang buhay. Sa ngayon ay nagtatago ang lalaki dahil napatay nito ang bagong kinakasama noong nakaraang taon lamang." "Where is the girl then?" "They have no idea. She just suddenly gone out of nowhere." Kumuyom ang aking kamao matapos marinig ang mapait na sinapit ng batang 'yon sa kamay ng lalaki. Hindi imposibleng pagmamalupit din ang kinahinatnan nito sa kamay ng kinilalang ama. Matagal nang nakaalis si Judas subalit hindi pa rin makahuma sa mga naibigay nitong impormasyon. Malaking lead ito upang makatulong sa paghahanap ni Don Arnulfo sa kaniyang nag-iisang anak at tagapagmana. Tumunog ang cellphone sa gilid at kaagad rumehistro ang pangalan ni Shantal. Wala ganang sinilip kung anong mensahe ng babae. 'We'll be having dinner with your mom and dad, to talk about the details of our wedding.' Malalim na bumuntong-hininga at bahagyang hinilot ang sentido dahil sa nabasa. Isa pa iyon sa mga suliraning kinakaharap ko sa ngayon. -- Matapos lumiban ng isang araw dahil sa dinadalang suliranin ay maaga akong naghanda para sana pumasok ngunit ilang minuto na'ng nakalilipas subalit ni hindi pa rin magawang kumilos, nakatitig sa maliit na sobreng nakapatong sa mesa. "Gusto mo bang saktan na naman ang sarili mo, Zarina?" Hindi ko gusto ang katangahang pumapasok sa utak subalit matindi ang usig ng kagustuhang masilayan ang lalaki...kahit sa huling sandali. Kahit patago. Ngayong araw nakatakda ang nilalaman ng naturang sobre. Parang gusto kong tanggapin ang pagiging maluwag ni Madame' Butch sa pagbibigay schedule. Ilang ulit akong pabaling-baling kagabi sa masikip na higaan at hindi halos nakatulog. Malalim ang pinakawalang buntong-hininga saka tuluyang lumabas ng inuupahang kuwarto. 'Bahala na...' Halos wala sa sariling tumungo sa lugar kung saan idadaos ang importanteng araw para sa dalawang taong magkapantay ang antas ng pamumuhay. Mayaman, edukado, kilala sa lipunan ang parehong pamilya ng mga ito. Makailang beses akong natulala habang nakasakay sa dyip. Kinalauna'y huminto ito malapit sa isang mamahaling gusali. Sumuot ako sa gilid ng mga halamanan, kung saan matatanaw ang ilang mga mamahaling sasakyang nakaparada rito. 'Zarina, anong katangahan 'tong ginagawa mo.' "Huli na 'to. Mangako ka..." kumbinse sa sarili. Lumigid sa ilang mga malalaking paso kung saan mga ornamental na disenyo ng naturang lugar na naghuhumiyaw ng karangyaan. Tiniyak sa sariling hindi magpapakita sa kahit kaninong bisita sapagkat ayaw niyang maging tampulan na naman ng pangungutya at atensiyon. Ilang sandali ang lumipas nang mamataan ang pamilyar na awto na pumarada sa mismong harapan ng gusali. Kapagkadaka'y bumaba ang dating kasintahan kasama ang mapapangasawa nito. Sadyang napasinghap at hindi maiwasang makaramdam ng pananakit sa kaliwang bahagi ng dibdib. Halos maluha-luha sa mga nasasaksihang kaganapan sa mga ito. 'Ginusto mo 'to, Zarina. Wala kang marapat sisihin kundi ang sarili mo.' anas sa sarili. Nanatili ako sa kinaroroonan at halos mapahikbi lalo nang nagsidatingan na ang mga kamag-anak at mga kaibigan ng dalawa. Naroroon na rin ang mga magulang ni Derreck. Mababakas sa mga mukha nila ang kasiyahan para sa dalawa. "Everyone who gather here today and will witness the very important announcement of the year ...to the life of these two families, and a union of their son and daughter. Let's welcome our lovely couple, Mr. Derreck Garcia and Shantal Magno." Nagpalakpakan ang lahat kaya mas umigting ang luhang halos bumukal sa'king mga mata habang umaakyat sa maliit na entablado ang dalawa animo masaya sa maga kaganapan. Mas isiniksik ko ang sarili sa halamanan na kinukublihan subalit darating talaga sa bubay ng tao yung lubog ka na lusak ay mas magiging rason pa ito upang tuluyan kang maglaho. Hindi ko namalayang nakasandal ang buong lakas sa isang mamahaling disenyo ng naturang gusali nang 'di sinasadyang matumba ito ta kaagad nagkaroon ng biyak. Hindi malaman ang gagawin sa mga oras na iyon at akmang lalayo subalit mabilis na napansin ng mga crew at guwardiya sa naturang gusali. "HOY, MISS!" Hindi malaman kung manantili o tatakbo ngunit nang akmang kakaripas palayo nang biglang marinig ang gatilyo ng baril. "Subukan mong umalis at hindi ako mangingiming iputok 'tong baril." Nakatalikod ako sa guwardiya at halos nanginginig ang mga tuhod. Hindi ko magawang maihakbang ang mga paa at halos nanatiling nakapikit ng mariin. Dahan-dahan kong itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko hanggang sa maulinagan ang pag-igik ng lalaki kasabay ng paghiyaw nang kung sino mula sa likuran. Humarap ako sa gawi ng guwardiya kung kaya't nasaksihan kung paano hawakan ni Derreck ang kamay nito upang tabigin ang baril. "What the f**k are you doing?" singhal nito sa guwardiya. "S-Sir..." "You can kill a person just because of a fuckin' useless vase!?"mahahalata ang galit sa mga mata nito maging ang nag-uumigting na panga. "Enough, Derreck!" singhal ni Donya Marian. Tumingin lamang ang binata sa kaniyang ina saka halos itulak ang guwardiya palayo . Dali-daling kumaripas ng takbo ang lalaki bago ako hinarap ni Derreck. "Z-Zarina, are you okay?" akmang lalapit ang binata ngunit humakbang ako paatras. "Anong ginagawa ng babaeng 'yan rito?" dinig na saad ng ama ni Derreck. "P-patawad. H-hindi ko sinasadya...g-gusto ko lamang.." "Z-Zarina...." Maririnig ang singhal ng ama ni Derreck tila inuutusan ang mga alalay nitong ilayo sa binata kaya ako na mismo ang tumalikod upang hindi na tuluyang kaladkarin palayo sa lalaki sampu ng kanilang mga bisita. Sobrang baba na nang tingin ko sa sarili upang hayaan na sapilitan pang dakpin ng mga ito. "Derreck, let her be out of this place!" anas ng ina nito. "Tita, please...do something. We're creating an embarassing scene now." susog ni Shantal. "Hijo!" maawtoridad na saad ng ama nito. "SHUT UP, DAD!" singhal ng lalaki. "Kung hindi mo hahayaan ang babaeng iyan ay mas malaking gulo ang mangyayari. Do you want her to be hurt?" mayroong pagbabanta sa tono ng matanda kaya't makikitang natigilan ang binata. Doon ako nakakuha ng pagkakataong makalayo ng tuluyan sa lugar na yaon. Namamalisbis ang mga luha sa mata habang wala sa sariling naglalakad sa gilid ng madilim na kalye. Hindi ko alam kung saan patungo, basta ang tanging alam ko lamang ay gusto kong mapag-isa, lumayo at kalimutan ang kabanatang ito nang buhay ko. Wala na sigurong mas sasakit pa sa mga nararanasan ko sa ngayon subalit ni walang maapuhap na salitang naglalarawan sa kinahinatnan ng unang pag-ibig. Awtomatikong kinapa ang suot na kuwintas. Tanging iyon lamang ang isa sa mga rason kung bakit hindi ko magawang bumitaw. Para akong naghahanap ng kulang na kabanata sa'king nakaraan. Nasa ganoon akong sitwasyon ng mayroong mapansin sa kabilang bahagi ng kalsada. Isang nakaparadang itim na van at tila mayroong kumosyon na nagaganap mula sa likod nito. Kahit kinakabahan at natatakot ay buo ang loob na tumawid mula sa kabilang bahagi ng kalsada. Dahan-dahan akong lumapit sa gilid ng sasakyan. Nang makita ang kakaibang pangyayari ay nanlaki ang mga mata sa takot sapagkat mayroong mga kalalakihang naka-bonnet ang mayroong akay na duguang lalaki. Hindi ko masyadong maaninag ang totoong ginagawa nila ngunit iisa lamang ang hinala sa mga nagaganap. 'Kailangan niya ng tulong...' Inilibot ang mga mata sa paligid saka nakaisip ng paraan upang gambalain ang mga ito. Sumuot ako sa mga nakaparadang sasakyan na halos di na ginagamit at doon ay sinimulang maghanap ng mga bagay na ipambabato sa mga ito. Maya-maya'y nakakita ako ng ilang piraso mg mga bakal at mula sa pinagtataguan ay buong lakas kong ibinato sa gawi nila. "Putang ina! Ano 'yon?" anas ng pinakalider yata ng grupo. "Boss, baka natiktikan tayo. Delikado kung mahuli tayo ng mga bodyguards nito!" "Tangina! Hindi kayo nag-iingat. Sinabi kong 'wag kayong magpapahalata. Lagot na naman tayo kay amo!" Muli akong kumuha ng piraso ng bakal at doon ay buong lakas na ibinato sa gawi nila. "Takbo! Iwan niyo na 'yan. Siguro naman magtatanda na iyang matandang 'yan." Nagsipulasan ang mga lalaking naka-bonnet ang buong mukha. Hindi ko tuloy maaninag ang mga pagkakakilanlan nila. Ilang segundo akong palinga-linga sa paligid at nang makaasigurong wala na ang mga ito'y nagmamadali akong dumaluhong sa nakadapang lalaki. Ayon sa pananamit nito'y tila kabilang siya sa kinikiilalang sirkulo tulad ng pamilya ni Derreck. "M-manong?" "Uhm," "Huwag po kayong gagalaw, hihingi po ako ng tulong." Tumungo siya sa mismong pinakagilid ng kalsada kung saan tanging mga pribadong sasakyan lamang ang mga dumaraan. Subalit nakailang kaway na siya ngunit walang pumapansin sa kaniya. "Tulong!" "Tulungan niyo kami!" Imposibleng marinig siya nang mga nagdaraang mga sasakyan ngunit hindi ko iniiwan ang posibilidad na mayroong kahit isa man ang huminto upang daluhan ako at bigyan ng tulong ang kung sino mang lalaki ang nakahandusay sa gilid. "Parang awa niyo na!!" Ilang sasakyan pa ang nagdaan ng mayroong malaking truck ang huminto mula sa harapan namin. "Miss? Anong nangyari rito?" anang matandang drayber. "Kuya, tulungan mo kami. Tulungan mo siya...nakikiusap ako." "Huh? Bakit, miss? Sino ang may gawa nito?" anito na mayroong pagkalito sa boses subalit nagmamadaling bumaba sa truck. "H-hindi ko po kilala, kuya. Dalhin po natin siya sa malapit na ospital." pakiusap ko sa drayber. Walang alinlangang inalalayan ng matanda ang lalaking nakahandusay saka lumigid sa gilid ng truck. Dahan-dahan niyang ipinasok ang duguang lalaki sa gitnang bahagi ng sasakyan. "Miss, sumama po kayo sa'kin." "Opo, sandali." Walang sabi-sabing umakyat sa kabilang bahagi saka pinasibad ng matanda ang truck patungo sa pagamutan. PAGDATING SA PAMPUBLIKONG OSPITAL ay kaagad binuhat ng drayber ang duguang lalaki. Mabilis naman ang naging pag-asiste ng mga nars rito. "Ano pong nangyari sa pasyente?" "Hindi ko po alam..." anang drayber. "Kayo po ba ang kasama nito?" "Nakita ko po siyang pinagtutulungan ng mga kalalakihan sa madilim na parte ng kalsada. Tinulungan ko lamang po..." mababakas ang takot sa'king tono subalit kailangan kong maging klaro sa mga sasabihin sapagkat hindi malabong maging rason ito upang ako ang mapagbintangan. Nang dumaan ang mga nars at doktor sa harapan ko habang nakaantabay sa nakahigang pasyente'y doon lamang napansin ang kabuuang nito. Awtomatikong nangunot-noo dahil pamilyar ang mukha ng lalaki. "Hindi ako maaaring magkamali. Nakita ko na siya noon..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD