Idiniretso sa emergency room ang lalaking sugatan na ngayon ay naaalala na kung saan unang nakilala. Si Don Arnulfo na siyang isa sa mga kliyente ni Derreck.
"B-bakit siya napunta sa ganoong sitwasyon?"
Hindi ko malaman kung iiwan ang matanda sa ganitong kalagayan o mananatili hanggang sa masigurado ang kaligtasan nito. Maya-maya'y mayroong tumakbo na isa pang doktor sa loob ng silid kung saan nakaratay ang ginoo. Nagpasiya akong hintayin na lamang ang resulta ng kanilang mga isinasagawa.
Pabalik-balik at hindi mapakali sa kinauupuan at hindi malaman kung uupo o tatayo dahil sa pagkabalisa. Ilang oras na rin ang nakalipas subalit ni isa sa mga doktor o nars ay hindi pa lumalabas mula sa silid.
Naalala ko na mayroon pang pasok kinagabihan ngunit di' na mahalaga siguro 'yon. Magpapaalam na lamang ako kay Madame Butch at ikukwento ang mga nangyari, tiyak na maiintindihan naman nito kung sakali.
Ilang oras ang mga nagdaan hanggang sa wakas ay lumabas na ang doktor na nagsasagawa ng operasyon sa naturang ginoo.
"Miss, ikaw ba'ng kasama ng pasyente?"
"O-opo..."
"Ligtas na siya, kailangan lamang niya ng kaunting pahinga." saad ng doktor.
Nang marinig mula ritong ligtas na ang matanda'y parang lumuwag ang dibdib at nakahinga nang maluwag animo siya ang totoong kapamilya ng matanda. Kalaunan ay umalis ang doktor, doon lamang nagkaroon ng pagkakataon na tumungo sa loob ng silid, tumambad ang nakaratay na Don, habang mayroong mga nakakakabit na tubo sa kaniyang katawan tila' malala talaga ang naranasan nito sa kamay ng mga taong iyon. Ang nakapagtataka lamang na gumugulo sa isip ay paano siya napunta sa ganoong sitwasyon?
Hindi na mahalaga kung ano mang kontrobersiya sa likod ng insidente sapagkat ang mahalaga'y makakampante na siyang iwan muna pansamantala ang ginoo upang makahabol sa kaniyang hanapbuhay. Ibinilin sa mga nars si Don Arnulfo at kung sakali mang mayroong maghanap dito ay ibinigay niya ang mga kagamitan ng ginoo sa mga tao sa ospital upang sa gayon ay sila na mismo ang tumawag sa kung sino mang mayroong kaugnayan sa matanda upang ipaalam ang kalagayan nito.
KASALUKUYANG nasa loob ng opisina ngunit hindi ko magawang ibigay ang buong konsentrasiyon sa mga dokumentong nakatambak sa harap ng tanggapan. I feel so numb or disoriented and those scenario keeps on flashing back into my mind like it is happening in front of me. Naputol lamang iyon nang marahang bumukas ang nakapinid na pinto, mula roon ay lumitaw ang kaibigang si Richmond Alcantara.
"Bro!"
I simply nod to indicate that he may enter my private office.
"What makes you drop your freakin' self here, Alcantara? May i-dedemanda ka ba?" biro ko sa kaibigan.
He just chuckled and simply sat on the couch in front of me. He raised his both legs on the table before he started to rant about his current problems.
"Ang hirap talaga basahin ng mga babae. Dammit!"
"Kung iyan ang ipinunta mo rito, Alcantara. I think, I am not the right person to give you advices because my relationship is also f**k up right now."
Tumawa lamang ng pagak ang kaibigan ngunit hinayaan ko lamang ang binatang magreklamo hanggang sa mapagod sa pagsasalita. Naiba ang usapan at napunta sa mabigat na kasong hinahawakan ukol sa kaso ni Don Arnulfo.
"Have your heard the news?" anang kaibigan kapagkadaka.
Kumunot-noo at gumapang ang kuryosidad sa nais sabihin ng binata. Pinagsalikop ang dalawang palad animo matamang makikinig sa hinaing ng kliyente. Masyadong okupado ang aking isip nitong mga nakaraang araw dahil sa mga nangyari kamakailan lamang. Hindi na muling nakasagap ng balita patungkol kay Zarina kaya't hindi maiwasang maging balisa.
"Spill the tea, Alcantara." I suddenly felt eager about his news.
"Don Arnulfo is in the hospital."
Awtomatikong lumalim ang gitla sa noo sapagkat hindi lamang simpleng balita para sa kaniya ang narinig mula sa kaibigan dahil nakaaalarma ang ganitong bagay lalo't ang nakasalalay ay ang buhay ng matanda.
"What happened?"
"He was beaten by some group of strange goons somewhere along the road near the venue of your engagement event,"
Kaagad pumasok sa memorya ang imbitasyong ipinadala sa ginoo sa araw na iyon ngunit hindi na napansing di' nakadalo ang matanda dahil mas lamang ang pag-aaalala sa eksenang may kaugnayan kay Zarina.
"Damn!"
"Hindi malabong mayroong gustong magtangka sa buhay ng kliyente mo." seryosong pahayag ni Alcantara na mahilig din makisawsaw sa mga hinahawakan kong kaso noon pa man. Wala akong maisagot sa binata ngunit malaki ang posibilidad ng kaniyang tinuran lalo't nagsimula nang gumulong ang namatay na kaso ng kaniyang napaslang na asawa at nawawalang tagapagmana.
--
Matagal akong nakatitig sa matanda sapagkat nang mga panahong iyon ay hindi pa rin ito nagkakamalay. Sinubukan kong magpaalam kay Madame Butch sapagkat nais dalawin si Don Arnulfo. Tila mayroon na kung anong pakiramdam sa puso na nais itong masilayan at malaman kung ayos lamang ang kalagayan ng Don. Halos kaninang umaga lamang ako natapos sa mga gawain sa bar matapos iwan ang ginoo upang magtrabaho. Sa ngayon ay tuluyang nagpaalam sa amo upang ipagpaliban ang pagtungo sa trabaho mamayang gabi upang sa gayon ay mabantayang maigi ang matanda.
Nagtanong ako sa nurse kung mayroon nang dumalaw rito subalit ni isa sa mga naka-save sa phone ni Don Arnulfo'y wala raw sumasagot. Nang mapag-alaman ang naturang kalagayan nito' y hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sa ginoo.
"Ang lungkot naman po pala ng buhay ninyo." iyan ang tanging usal sa harap ng walang malay na lalaki.
"Alam niyo po? Napagtanto kong parehas na po pala tayong walang pamilyang nag-aalala." anas ko kahit imposibleng naririnig nito.
Matagal akong napatitig sa mukha ni Don Arnulfo at hindi mawala-wala ang 'di maipaliwanag na kasiyahan sa puso kahit sa ganito kasimpleng sitwasyon na kasama ang ginoo. Mayroong hinahanap sa isip na hindi kayang mailarawan ng mga mata at iyon ay kung saan ko nakita ang pamilyar na mukha ng matanda?
Mabilis isinantabi ang mga agam-agam na iyon sapagkat ang mas dapat pagtuunan ng pansin ay kung kailan magigising si Don Arnulfo.
"Hindi ko alam kung bakit napakagaan ng loob ko sa inyo." mahinang usal sa hangin.
Ilang minutong nakatitig lamang sa matanda at mayroong hinahanap sa isip na isang bagay na tila di maisalarawan; hanggang sa mamasdan ang kaunting kumosyon sa daliri nito rason upang mapapitlag ako at kaagad naisipang tawagin ang nars mula sa labas. Maya-maya'y mabilis ang naging pag-asiste sa ginoo upang obserbahan ang kondisyon nito. Ilang minuto rin ang masusing pagtingin ng babae sa matanda bago bumaling ang mga mata nito sa gawi ko.
"Nars, ano hong lagay niya?" nababahalang saad dito.
"Ma'am, huwag ho kayong mag-alala, ibig sabihin po niyan ay unti-unti nang bumubuti ang lagay ng pasyente. Tawagin niyo lamang po ako kung sakaling mayroon pa ulit kayong mapansin sa kaniya."
Kaagad tumango bilang pagsang-ayon sa babae saka marahang naupo sa tabi ng ginoo, tila mayroon sumaging kasiyahang sa puso dahil sa pagkakaroon ng kaunting pagbabago sa kondisyon ni Don Arnulfo.
Ilang sandali ring pinagmamasdan ang matanda bago tuluyang tumungo sa labas para bumili ng makakain.
**
"Miss, I would like to ask if there's any patient named Arnulfo Ricaforte who just admitted here?"
"One moment, Sir."
Mayroong tinignan sa harap ng monitor ang nurse na naka-duty sa information area.
"According to the record sir, the patient is currently admitted at Room 303."
Nagpasalamat sa babae bago mabilis na nagtungo sa naturang silid upang silipin kung anong lagay ng ginoo. Nang makarating sa harap nang nakapinid na pinto'y matamang iniayos ang sarili bago tuluyang pumasok sa loob. Kinalaunan ay tumambad ang nakahahabag na kalagayan ng matanda na mayroong mga bakas ng pasa sa mukha animo talagang nakaranas ng matinding hirap sa kamay ng mga gumawa nito sa kaniya.
**
Sandali akong tumungo sa kantina ng hospital upang kahit paano'y malamnan ang aking tiyan sapagkat halos manananghalian na rin magmula nang iwan ang matanda. Maya-maya'y ilang sandali ring nagpababa ng kinain saka nagpasiyang bumalik sa silid nito.
Tuluy-tuloy kong binuksan ang nakapinid na pinto subalit hindi inaasahan ang makakatagpo sa loob ng naturang silid. Walang iba kundi ang lalaking ni sa hinagap ay ayoko nang magkaroon ng kahit na anong koneksiyon maliban sa mga nakaraan naming dalawa.
"A-anong ginagawa mo rito?" lakas loob kong tanong sa binata.
Matamang lumingon si Derreck sa gawi ko at tila nasorpresa sa'king presensiya.
"Hindi ba't ako dapat ang magtanong niyan sa'yo?" saad ng lalaki.
Lumapit ako sa maliit na mesita upang itago ang emosyong pumapaloob sa'kin. Kunwaring naging abala sa mga pagkaing binili para sa matanda kung sakaling magising ito.
"Bakit hindi mo masagot ang tanong ko, Zarina?" muling anas ni Derreck.
'Bakit nga ba nakararamdam ako ng takot sa kung anong maaaring isipin ng lalaking 'to?'
"Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo dahil mayroon akong sariling buhay. Gagawin ko kung anong gusto ko at wala kang kinalaman doon."
Pilit inabala ang sarili sa pamamagitan ng pagsasalansan ng mga cup noodles at prutas sa mesita animo pinipilit libangin ang sarili upang hindi maisip na nasa malapit lamang ang lalaking sanhi ng ilang kaguluhan at pasakit sa buhay.
Maya-maya'y mayroong mahigpit na mga kamay na kumapit sa'king magkabilang braso saka idiniin ng binata sa tapat ng mesang kaharap. Damang-dama ko ang init ng kaniyang katawan mula sa'king likuran maging ang pamilyar na samyo ng kaniyang pabango na talagang nakapagbibigay sa'kin ng kakaibang pakiramdam mula sa kaibuturan ng aking p********e.
Mariing napapikit nang halos gapulgada na lamang ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking leeg at halos damang-dama ko ang kaniyang nakaliliyong paghinga.
"Don't tell me, pati si Don Arnulfo ay pinag-iinteresan mo tulad ng kaibigan ko? Ganiyan ka na ba kadesperada para lamang makaangat sa buhay, Zarina?"
"Bitiwan mo 'ko," matigas na pakiusap rito.
"Kung mamimili ka na lamang sa'ming tatlo sana maaga mong sinabi na mas gusto mo ay ang mga tulad ni Don Arnulfo—" hindi naituloy ni Derreck ang mga nais pa sana niyang sasabihin na insulto laban sa'kin sapagkat hindi ko napigilang padapuin ang aking palad sa pisngi ng binata dahil sa mga maling paratang nito.
"Kung wala kang matinong sasabihin tungkol sa mga bagay na walang kabuluhan tungkol sa'kin maaari na siguro akong umalis?" saad ko habang pinipigilan ang panginginig ng mga kamay dala nang matinding galit at halu-halong emosyon lalo't sa binata mismo nanggaling ang panghuhusgang dati'y naririnig lamang sa ibang tao.
Akmang tutungo palabas ng silid subalit mabilis akong pinigilan ng lalaki tila natauhan sa kaniyang mga nasabi.
"Look, I'm sorry— I-I didn't mean— ang ibig kong sabihin, 'di ko sinasadyang insultuhin ka. I was just—nagseselos ako." pag-amin ng lalaki saka mabilis ini-iwas ang mata tila nahiya sa mga tinuran nito.
"Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo dahil matagal na tayong tapos, Derreck. Ikakasal ka na 'di ba? Wala ring dahilan para makaramdam ka nang kahit anong selos."
"Hindi 'yan ang nakita ko no'ng pumuslit ka sa engagement party 'ko. Kung wala ka na talagang nararamdaman para sa'kin; paano mo ipaliliwanag 'yon? Hindi mo 'ko mapaniniwalang pumunta ka lamang doon ng walang matibay na rason."
Imbis na sagutin ang tanong ng lalaki'y nagmamadaling tumungo sa nakapinid na pinto ngunit mabilis nitong isinara iyon gamit ang matipunong braso at halos masukol sa nakalapat na dahon nito dahil nakaharang ang kaniyang katawan maging ang braso sa pagitan ng aking ulunan.
"Hindi mo 'ko masagot sa tanong 'ko, Zarina?" muling anas ng lalaki.
Pinilit tatagan ang loob upang sa gayon ay matitigan ng diretso ang lalaking nasa harapan ko.
"Gaya nang sinabi ko kanina; wala akong dapat patunayan o ipaliwanag sa'yo dahil wala nang namamagitan sa'ting dalawa. Iyon ang malinaw na katotohanan."
"Hindi iyon ang malinaw para sa'kin. Ang malinaw ay ito—" anas ni Derreck saka mabilis na sinapo ang akong mukha at mariing hinalikan. Tila walang pakialam ang binata kung mayroong makakita sa'ming dalawa. Damang-dama ko kung paano niya paglaruan ang aking dila na sadyang nagdadala ng kaunting pagkaliyo hanggang sa hindi namalayang sumusunod na sa bawat pag-arko ng labi nito.
Para akong tatakasan ng ulirat sa kaniyang mga nakahihibong halik. Hanggang sa ang binata mismo ang tumigil sa kaniyang ginagawa, gumuhit ang sarkastikong ngisi.
"Ganiyan ba ang sinasabi mong tapos na, Zarina?" anang binata at bahagyang pinunasan ni Derreck ang gilid ng aking labi. Parang naestatwa sa mga naging pagkilos nito ngunit maagap ding natauhan sa mariing tinulak ang lalaki.
"Walanghiya ka!"
"C'mon, Zarina! Alam kong gusto mo rin ang nangyari kaya 'wag mong itatanggi."
Akmang lalapit ang binata ngunit marahas na pinadapo ko rito ang aking palad saka nagmamadaling lumapas ng silid upang sa gayon ay tuluyan nang makatakas hindi sa lalaki kundi sa nararamdamang kakaiba patungkol sa mga ikinilos nito. Ayokong dumating sa puntong madala sa mga pangyayari at tuluyang dayain ang puso sa tunay na nararamdaman para rito.
Alam kong mali sapagkat ikakasal na siya subalit mayroong munmunting tinig sa utak na maging bulag sa pag-ibig para rito. Hayaan ang sariling maging kahati kahit sa klase ng pagmamahal na kailanman ay hindi ko pinangarap.
Matagal din bago ako muling bumalik sa silid ng ginoo at ipinagpasalamat na hindi na naabutan ang lalaki, marahil ay umalis na rin ito matapos malaman na ayos ang lagay ng matanda.
——
"Bro, I'm having a ridiculous hint with what happened to Don Arnulfo." anas ng nasa kabilang linya.
Matapos bisitahin ang matanda at masorpresa sa presensiya ni Zarina'y nagpasiya akong umalis muna upang bumalik sa opisina subalit ang nga nangyari sa'min ng dalaga'y hindi ko maaaring palampasin. Malakas ang tulak ng puso na muling babalik sa ospital at umaasang muling mamataan doon ang babae kahit pa komplikado ang aking kalagayan dahil sa natanguang kasunduan ng sariling pamilya na ikasal.
"Spill the tea when I get back to my office, Jude."
"Alright."
Pinaharurot ang sasakyan saka mabilis na nagtungo sa opisina.
Lingid sa kaalaman ng mga involve sa kaso'y mayroon pa 'kong isang taong nilalapitan upang kumilos at mangalap ng impormasyon. Ayokong ibigay ang tiwala kung kani-kanino sapagkat nakakaramdam ako na sadyang nanganganib talaga ang buhay ng matanda at ang nangyari rito'y hindi basta lamang nakursunadahan ng mga di kilalang kalalakihan. I have a very huge guts that it is about his dilemma for about a decade now, especially now that he desires to open the case of his wife and finding his heiress.