bc

Sinungaling Mong Puso

book_age18+
39
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
like
intro-logo
Blurb

Magkababata si Nathan Wade at Micah Roman. Bago umalis si Nathan sa ibang bansa para mag aral, nangako siya kay Micah na sa pagbalik niya ay pakakasalan niya ito at magsasama sila habang buhay.

Si Nathan Wade, ay isang anak ng kilalang abogado at negosyante. Sampung taong gulang pa lamang siya nang magkakilala at naging malapit sila ni Micah.

Ngunit isang trahedya ang babago sa pangako ni Nathan kay Micah, pinatay ang ina ni Nathan at ang ina ni Micah ang suspek. Sa pagbalik ni Nathan ay hindi na niya dala-dala ang pangakong pakakasalan niya si Micah, kundi ang pangako niya sa kanyang sarili para sa kanyang ina, na pahihirapan niya ang mga taong may kaugnayan sa taong pumatay sa kanyang ina.

Si Micah Roman ay isang anak lamang ng isang labandera sa mansyon nila Nathan. Ngunit dahil sa isang trahedya ang pangakong pinanghahawakan niya na mamahalin at pakakasalan siya ni Nathan ay napalitan ng takot. Takot dahil sa pagbalik ng binata ay ibang Nathan na ang makilala niya.

Hanggang kailan kakayanin ni Micah ang paghihirap na maranasan niya kay Nathan at hanggang kailan magsisinungaling ang puso ni Nathan.

Paano pag malaman ni Nathan ang katotohanan sa pag patay sa kanyang ina ay huli na. Ang babaeng minamahal ay nawala na sa kanya at sa pagbalik ni Micah ang puso naman niya ang magsisinungaling.

May katuparan paba sa pangako nilang magsasama habang buhay, o habang buhay magsisinungaling ang kanilang mga puso.

Tunghayan ang Kuwento ni Nathan at Micah sa Sinungaling mong Puso.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Hinihingal si Micah, nang maabutan niya ang kanyang ina sa daan. Papasok na kasi ito sa bahay ni Attorney Nathaniel Wade, ang ama ni Nathan. Kung saan nag lalabada ang kanyang ina, nasa likuran lang kasi ng isang malaking subdivision ang kanilang tirahan na nasa isang squater area. "Nanay! hintayin mo ko sasama ako sayo papasok, tutulungan kitang maglaba," habol hiningang sabi ni Micah sa ina. "Akala ko hindi kana sasama, dahil naaaliw ka ng kalaro si Blessie," turan ng kanyang ina. Si Blessie ang ka-edad niya na kapitbahay nila. "Mas masaya parin na tulungan kayong maglaba inay," nakangising ani niya sa ina. "Mas masaya akong tulungan maglaba o makipaglaro kay Senyorito Nathan?" taas kilay na tanong ng kanyang ina. Nginitian niya na lamang ang kanyang ina dahil hindi naman niya maikakaila dito na mas masaya siyang kasama at kalaro ang kanyang Senyorito Nathan. Komportable siyang kalaro ito kahit ang layo ng istado ng buhay nila. Hindi naman kasi iyun pinaparamdam ni Senyorito Nathan sa kanya ang pagkakaiba ng istado nila sa buhay sa mahigit isang taon na niyang nakakasamang maglaro ito. "Tara na nga Nay, tanghali na! Hindi na matutuyo labahan mo mamaya," biro niya sa kanyang ina at hinila ang kamay nito para maglakad. Pagkapasok nila sa gate ng mga Wade ay nakasalubong naman nila ang mommy ni Nathan at ang kapatid nito na parang pinaglihi sa suka laging maasim araw-araw ang mukha. "Good morning po sa inyo Ma'am Anna, at sayo din po Ma'am Olga," bati ng kanyang ina sa dalawang among nakasalubong. "Good morning din sayo, Maya. Kasama mo pala ulit si Micah," nakangiting bati din ng ina ni Nathan. "Opo ma'am, tutulungan niya daw akong maglaba." "Tutulungan mo ba talaga maglaba ang nanay mo o maglalaro lang kayo ni natnat?" nakangiting tanong sa kanya ng ginang na ikinayuko niya naman dahil sa nahihiya siya dito lalo na pag nabaling ang tingin niya sa kasama nitong nakabusangot ang mukha. "Mommy!" sigaw ni Nathan na nasa likuran nila. Lumapit ito sa kanila at agad na hinawakan kamay niya na ikinataka naman ng mga matatandang kaharap nila. "Mommy, Aling maya. Hihiramin ko muna si Micah, pasasama lang ako sa kanya pumunta sa simbahan dito sa village," paalam nito at mabilis siyang hinila palabas nang gate. "Natnat, bumalik kayo agad ha!" sigaw ng mommy ni Nathan. "Oo mommy!" sigaw ni Nathan habang inaayos ang kanyang bisikleta at sumakay. "Micah, sakay na!" sabi nito sa kanya. Kaya nakangiti namang sumakay si Micah sa likuran nito na ang dalawang kamay niya nakahawak sa balikat ni Nathan. "Bakit ang aga mo yata pumunta sa simbahan ha natnat?" tanong niya dito. "May sasabihin kasi ako sayo gusto ko pagkatapos ko iyun sabihin sayo, kasunod nun ang tunog ng kampana ng simbahan," tugon nito at mas binilisan pa ang pagpapadyak. Nang makarating sila sa simbahan maingat na hinawakan ni Nathan ang kamay ni Micah. Papunta sa likuran ng simbahan na kung saan may malaking puno ng kalachuchi na nasa gitna ng Bermuda grass. Ito ang tambayan nila at dito sila laging naglalaro. Pagkarating nila masaya silang naupo sa ilalim ng puno ng kalachuchi na laging may nahuhulog na bulaklak. "Ano ba yung sasabihin mo natnat?" "Hmm.. Micah. A-aalis kasi ako pupunta ako ng london kasama ang lola at lolo ko para doon na mag-aral. Kaya ito na ang huling araw na magkasama tayong maglaro dito," sabi nito habang ang mga mata ay nakatitig lamang sa bermuda at binubunot ang mga ito. "Aalis ka? kailan naman? Babalik ka pa naman diba?" naluluhang sunod-sunod na tanong ni Micah. Tiningnan siya ni Nathan sa mga mata pero agad siyang yumuko ayaw niyang makita siya ni natnat na naluluha dahil sa pag alis nito. "Oo, babalik pa ako. Hintayin mo ko ha? Dahil sa pagbalik ko pakakasalan kita at hindi na tayo maghihiwalay," sabi nito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay na mabilis niya naman kinuha. "Ano kaba natnat, bakit kasal na yang nasa isip mo, sampung taong gulang pa lamang tayo," nahihiya niyang tugon dito na nginitian naman ni Nathan. "Ano naman ngayon?! basta yan tandaan mo pangako ko yan, pagbalik ko pakakasalan kita. Kaya hintayin mo ko at bawal mo kung kalimutan," ngiting sabi nito na nginitian at tinanguan niya. "Pangako natnat, hinding-hindi kita kakalimutan at hihintayin ko ang pagbabalik mo." "Halika maglaro tayo ng tagu-taguan ikaw ang taya," sabi ni Nathan at tumayo at hinila ang kamay niya. "Ang daya! ako agad ang taya?" nakakunot ang kilay niyang sabi dito. "Oo, kaya sige na magbilang kana," sabi nito sa kanya at pinaharap siya sa malaking puno para magbilang. Kaya pinagbigyan niya na lamang ito at nagsimula ng magbilang. "Isa dalawa tatlo___sampu!" sigaw niya ng matapos siyang magbilang. "Bulaga!" sigaw ni Nathan at lumabas sa pinagtataguan nitong nakangisi at may bitbit na isang korona ng bulaklak ng kalachuchi at ipinatong sa ulo niya. "Ano to?" takang tanong niya. "Bagay sayo Micah, napakaganda mo. Hindi na ko makapaghintay sa pagbalik ko bago tayo ikasal, kaya magpapakasal tayo sa harap ng malaking puno na ito Micah at mangako tayo sa isat-isa na magsasama tayo habang buhay," nakangiting sabi nito sa kanya at hinawakan kamay niya. "Anong gagawin natin?" "Dito tayo tumayo at maglakad tayo nang dahan-dahan papalapit sa puno," ani nito at hinila kamay niya para maglakad ng dahan-dahan. "Tan-Tan-Taran! Tantan Taran!" Sigaw ni Nathan hanggang sa makalapit sila sa isang malaking puno ng kalachuchi. "Dahil tapos na ang kasal natin Micah, pumirma tayo." "Saan naman tayo pipirma?" tanong niya kay Nathan na mabilis naman naghanap ng isang matulis na bato. "Dito Micah, sa malaking puno. Iuukit mo ang pangalan mo at iuukit ko din ang pangalan ko," tugon nito at ibinigay sa kanya ang isang matulis na bato. Kinuha naman ni Micah at tiningnan mo na si Nathan na nakangiting nakatingin sa kanya. "Sige na Micah, isulat muna ang pangalan mo," ani nito kaya iniukit niya agad ang kanyang pangalan sa puno. Sumunod naman si Nathan at gumuhit pa ito ng puso sa gitna ng pangalan nila. At sabay nilang narinig ang tunog nang kampana. "Ayan na Micah, asawa na kita," nakangising turan nito. Kaya sabay silang napahalakhak nang tawa sa kanilang mga sarili. Nang matapos silang maglaro ay bumalik na rin sila sa bahay ni Nathan. Tumakbo namang lumapit si Micah sa kanyang ina na naglalaba. "Nay! tutulungan na kita," masayang sabi niya dito at sinampay ang mga damit na tapos na. "Nay, may sasabihin ako sayo?" bulong niya dito. "Ano naman iyun at mukhang masaya ka?" "Nay, ikinasal na kami ni natnat, asawa ko na si natnat nay," nakangising ani niya sa ina at ikinagulat naman nito. "Naku! ikaw talagang bata ka, kasal na agad yang nasa utak mo eh ang bata bata mo pa." "Micah, bata pa kayo at aalis pa si Senyorito natnat, papuntang london para mag-aral. Kaya ikaw pagbutihin mo din ang pag aaral mo dito," sabat ni Manang lolita na kanina pa nakikinig sa usapan nilang mag-ina. Si Manang Lolita ang matagal nang katiwala sa mansyon ng mga Wade. "Pero nalulungkot po ako, aalis na pala si natnat papuntang london para mag aral." "Anak, ganun talaga minsan. May mga tao o mga mahal natin na talagang kailangang lumayo sayo. Kaya dapat masanay ka rin na mag isa, dahil hindi sa lahat nang oras kasama mo ang mga taong pinapahalagahan mo." "Pero ako nay, hinding-hindi ko iiwan ang mga taong mahahalaga sa akin nay, tulad niyo," nakangiting sabi niya sa ina. Lumipas ang ilang oras ay uwian na nila ng kanyang nanay. Pagka uwi nila naabutan naman nila ang kanyang tatay na nagwawala sa kalasingan. "Mayang! bakit ngayon ka lang umuwi ha?! nanlalaki kapa ba ha?! Isinama mo pa ang anak natin sa panglalaki mo, baka mamaya magaya sayo ang anak natin, malandi!" sigaw nito. "Ano kaba Edgar, galing kami ng anak mo sa paglalabada. Ikaw nga diyan walang ginawa kundi uminom nang uminom!" singhal ng ina ni Micah sa kanyang ama. Sanay na si Micah dito dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, puro away at bangayan na lang ang ginagawa ng kanyang mga magulang, mabuti na lamang siya lang mag isa ang anak ng mga ito. Dahil kung nagkaroon pa siya ng kapatid, baka hindi siya makapag libang o sumama sa ina sa paglalabada. Dahil siguradong siya ang magbabantay sa kapatid niya. Pumasok na lamang siya sa kanyang maliit na kuwarto at nahiga at tinakpan ang magkabilaang tainga niya. Nakakabingi at nakakasawa na kasi marinig ang bangayan ng kanyang mga magulang na paulit-ulit lang ang mga sinasabi nila dahil sa selos. Hanggang sa nakatulog na lamang siya. Pag gising niya sa umaga, nakita niyang naghahanda na ang kanyang nanay ng almusal at para pumasok na sa trabaho. Namamaga ang mga mata nito at halatang walang tulog, buong magdamag na naman umiiyak ang kanyang nanay. Pagkatapos nilang mag almusal ay umalis narin sila. Iniwan nila ang kanyang tatay na mahimbing pang natutulog. Malapit na sila sa mansyon ng mga Wade, nang matanaw nila ang isang sasakyan sa harap ng mansyon ng mga ito. Tanaw nilang binuhat na ng driver ang mga maleta papasok sa sasakyan. "Nay, bilisan natin. Aalis na si natnat," sabi niya sa kanyang nanay at binilisan pa nito ang lakad para maabutan pa niya si natnat. Lumabas na si Nathan sa gate ng mansyon at pumasok na sa sasakyan. "Natnat!" sigaw ni Micah kaya agad namang lumingon si Nathan at bumaba ng sasakyan. Pupunta sana siya kay Micah nang tawagin siya ng kanyang lola. "Apo, halika na mahuhuli tayo sa flight natin." "Sandali lang po ito grandma," sabi niya at mabilis na nilapitan si Micah. "Natnat, mag iingat ka doon," naluluhang tugon ni Micah. "Oo Micah, ikaw din mag iingat ka dito lagi. Yung pangako natin sa isa't isa ha, wag mong kakalimutan." "Son, hinihintay kana ng lola mo," tawag ng mommy ni Nathan. "Yes mom!" sabi ni Nathan at bumulong sa tainga ni Micah. "Wag mong kalimutan na asawa na kita," ngiting sabi nito at mabilis na sumakay ng sasakyan. Naiwan si Micah na naluluha at napapangiti sa sinabi ni Nathan. "Mom, paalam sa inyo!" Sigaw pa ni Nathan sa kanila bago isinirado ang pintuan ng sasakyan. Pagka alis ng sasakyan nila Nathan, nagsipasok narin ang lahat sa loob ng bahay. Naiwan si Micah na tulala paring nakatanaw sa daan. "Anak Micah, halika na. Pumasok na tayo ng magsimula na tayo sa trabaho," sabi nang kanyang nanay na inakbayan siya papasok sa loob ng bahay. Ilang araw na ang lumipas nang umalis si Nathan mas lalo naman itong namimiss ni Micah. Kaya araw-araw siyang pumupunta sa simbahan at tumambay saglit bago tulungan ang kanyang nanay sa paglalabada. "Namimiss na kita Nathan," sabi niya habang nakaupo sa Bermuda grass at umiiyak. Pagkatapos niyang punasan ang mga luha niya tumayo narin siya at bumalik sa mansyon nila nathan. Habang naglalakad siya sa likuran ng bahay nila Nathan para puntahan ang kanyang ina nang makita niya si Manang Lolita, na parang may tinitingnan sa bintana kaya nilapitan niya ito. "Manang Lolita, ano ang tinitingnan niyo diyan?" "Ha?! ah! wala Mikay, sige na puntahan muna nanay mo doon at tulungan mo maglaba ng maaga kayo matapos," tugon nito sa kanya. Itinaas pa niya ang leeg para makita kung anong tinitingnan ni Manang Lolita pero mabilis siya nitong hinarangan kaya nginitian niya na lang ito at umalis. Hapon na nang matapos sila sa paglalabada. Magpapaalam sana ang kanyang nanay sa among babae pero pinigilan ito ni manang lolita. "Wag na Mayang, may problema si Ma'am anna, ngayon. Ako na lang ang magsasabi sa kanya pag nakita ko siya mamaya. Umuwi na kayo ni Mikay," sabi ni Manang lolita na parang may bumabagabag sa isip nito. "Okay ka lang ba Manang Lolita?" tanong nang kanyang ina sa matandang kasama. "Oo, okay lang ako. Kaya sige na umuwi na kayo." "O sige, ikaw nalang bahala magsabi kay ma'am Anna," tugon nito at hinawakan ang kamay ni Micah para umalis na. Nang makauwi sila sa kanilang bahay ay walang away na nagaganap, dahil hindi umuwi ang kanyang tatay. Pagkatapos magluto ng kanyang nanay ay kumain narin sila. Hindi na nila hinintay ang kanyang tatay dahil sigurado namang hindi ito uuwi. Pag hindi kasi ito nakauwi sa kanila ng gabi umuuwi na ito ng maaga. Nang matapos sila kumain at magligpit, magkatabi sila ng kanyang nanay na humiga. "Nay, masaya ka ba sa buhay mo ngayon? masaya kabang si tatay ang napangasawa mo?" tanong niya na ikinagulat naman ng kanyang nanay at ngumiti. "Oo masaya ako kahit mahirap anak, dahil kasama ko kayo ng tatay mo. At oo kahit nagbago ang tatay mo at naging masama sa atin, masaya parin ako kasi dahil sa tatay mo nagkaroon ako ng katulad mo," ngiting sabi ng kanyang nanay at kiniliti siya. Kaya napahagikgik siya nang tawa at nagpagiling-giling sa higaan. "Nay, kahit anong mangyari ba, hindi mo ba kami iiwan ni tatay?" "Hmm.. Oo, dahil ayokong malayo sa Mikay ko." "Talaga nay?! mahal na mahal kita nay, kahit kailan hinding-hindi ko rin kayo iiwan." "Alam ko yun anak, mahal na mahal din kita. Kaya, sige na matulog na tayo," sabi ng kanyang nanay at mahigpit siyang niyakap. Nakangiti naman siyang ipinikit ang mga mata habang yakap ang kanyang nanay. Nagising siya sa umaga ng wala na sa tabi niya ang kanyang nanay. Pero may narinig siyang maiingay sa loob ng bahay nila. Lumabas siya ng kuwarto nakita niyang may mga pulis at umiiyak ang kanyang nanay sa harapan ng mga ito. "Misis, kung hindi kayo ang pumatay sa amo niyong si Annanias Wade, bakit nakita ang ibedensiya sa ilalim ng higaan niyo? Ang duguan mong damit at ang kutsilyong ginamit mo sa pagpatay mo sa amo mong si Ma'am Anna, kaya sumama kayo samin sa presinto. May karapatan kayong kumuha nang abogado para ipagtanggol ang inyong sarili," sabi ng pulis sa nanay niya kaya mabilis siyang lumapit sa kanyang nanay at niyakap ito ng mahigpit. "Nay! Ano pong nangyari? Bakit ka po nila huhulihin nay?" umiiyak niyang tanong sa ina. "Anak, hindi ko alam. Basta hintayin mo lang dito ang nanay sa bahay ha, sasama lang muna ako sa kanila," sabi ng kanyang nanay at kinuha ang kamay niyang nakayakap dito. "Ayoko nay! wag ka pong sumama sa kanila! Hintayin mo ko nay, tatawagin ko si tatay," umiiyak niyang sabi at lumabas ng kanilang bahay para hanapin ang kanyang tatay. Tumatakbo siya sa maliit na iskinitang daan habang umaagos ang mga luha. Huminto naman siya ng makita si Mang tasyo ang laging kainuman ng kanyang tatay para magtanong dito. "Mang Tasyo, nakita niyo po ba ang tatay ko?" "Tinatanong pa ba yun iha? kilala mo si susan diba? Andun tatay mo katabi si susan," sabi nito na halatang may hang over pa. Kilala niya na ang sinasabi nito dahil lagi niya naririnig ang pangalan nito sa mga kapitbahay pag pinag-chismisan ang kanyang tatay at alam niya rin kung saan ito nakatira dahil isinama siya noon ng isang beses ng kanyang nanay para sunduin ang kanyang tatay. Pagdating niya sa bahay ni susan, malakas at mabilis ang ginawa niyang pagkatok. Agad naman itong binuksan at iniluwal ang babaeng si susan na kumot lang ang nakatakip sa hubad na katawan nito. "Bakit ba ang aga____" Hindi na natuloy ang sinabi nito ng itulak niya ito at mabilis na pumasok. Nakita niya ang kanyang tatay na mahimbing pang natutulog. Nilapitan niya ito agad at niyugyog ng malakas. "Tay!tay! gising kailangan kayo ni nanay, hinuli si nanay ng mga pulis. Tay!" sigaw niya na umaagos ang mga luha. Nagising naman ang kanyang tatay at galit na bumangon. "Ano kabang bata ka! Bakit mo ba iniistorbo ang pagtulog ko?!" singhal nito sa kanya. "Tay, si nanay hinuli ng mga pulis kaya puntahan niyo si nanay." "Umalis ka nga dito Mikay, Wala akong pakialam sa nanay mo, pumatay siya ng tao kaya dapat lang na makulong siya," Sabi ng kanyang tatay na ikinagulat niya naman. "Bakit niyo alam tay? na hinuli si nanay dahil may pinatay siya?" "Ah basta nalaman ko, kaya umalis kana dito!" singhal sa kanya. Kumunot noo naman siyang tiningnan ang tatay niya at tumalikod. Nang makalabas siya sa bahay ng babae ng tatay niya. Mabilis naman siyang tumakbo para bumalik sa nanay niya. Naabutan niya na isinakay na ang kanyang nanay sa patrol at pinaandar na ang sasakyan. Sinubukan niyang habulin pero mabilis ang takbo ng sasakyan. Kaya hingal siyang huminto. "Nay!" sigaw niya habang tinitingnan papalayo ang sasakyan ng mga pulis kung nasaan ang kanyang nanay at umaagos ang mga luha. To be continue.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook