Chapter 10-Picture Frame

1327 Words
"Saan tayo?hindi ito ang way ng sinasabi kong address!.."Sorry Maam,hindi ko kasi masyado kabisado ang magdrive..."Ano?saan mo ako dadalhin?ibaba mo ako!.. Kinakabahan na talaga ako,baka ano ang gagawin sa akin ng lalaking ito.Tatawagan ko na sana si Audrey pero out of balance pala ako.Hindi man lang ako nakapagload.Hindi ko naman maopen data ng sss ko dahil walang load kaya hindi ako makapagchat sa mesaenger man lang. "Ibaba mo na ako please,sorry sa mga nagawa ko sa'yo,sa mga pagsusungit ko nitong mga nakaraang araw.Ma....may pinuproblema lang talaga ako,ibalik mo nalang ako sa bahay.O kaya'y dalhin mo nalang ako kina Carlo.. "Sorry,hindi ko na alam ang way natin pabalik saka ibang daan na iyong tinatahak natin e.Pasinsya na ma hindi kasi ako sanay sa kalsada. "Bakit diba alalay ka ni Kyle,driver ka niya dapat alam mo ang pasikot sikot sa Manila.Gumamit ka ng waze o google para alam mo ang pauwe. "Pwede po ba maam manahimik muna kayo?baka lalo pa tayong maligaw eh...Ako na bahala,ako ang driver. Tumahimik naman ito,natakot siguro sa pagtaas ng boses ko.Nakita kong pumikit ito.Masunurin naman pala,dapat lang na maging masunurin siya.Nagkunyari akong hindi ko alam ang pasikot sikot dito,ang totoo ay dadalhin ko s'ya sa farm namin sa Batangas.Sabado naman bukas at sa monday ay araw ng kagitingan kaya tatlong araw ng walang pasok.Magbabakasyon muna tayo Krish.Apat na oras din ang byahe namin,nakarating din kami sa farm ng saktong alas otso ng gabi. "Dito na tayo,baba na ho kayo ma'am...."Saan tayo?bakit nandito tayo,anong lugar ito?...."Basta baba na po kayo,kakain muna tayo ng dinner,magpahinga lang ako saglit,medyo sumakit ang ulo ko sa pagdrive at trapik pa..."Pagkatapos ba nating kumain,uuwe na din tayo?..."Dito na muna tayo matulog ma'am don't worry alam ko ang lugar na ito,huwag kang mag-alala wala naman mangyari sayong masama...."Kidnap igong ginawa mo sa akin,pwede kitang sampahan ng kaso..."Aba ma'am baka nakalimutan mo kusa kayong sumama sa akin...."Dahil sabi mo ihahatid mo ako sa kaibigan ko..."Opo ihahatid po kita pero hindi muna ngayon,nandito tayo sa farm nila Kyle maganda dito mag eenjoy ka at nakakawala ng problema.Promise makalimutan mo kung ano man ang nasa kalooban mo ngayon... "S~~sir Gavin hindi man lang kayo nagpasabi na pupunta kayo ngayon?....Manong...Sabi ko naman sainyo huwag nyo na ako e sir,alalay lang din naman ako ni Kyle..."a~ anong alalay...Manong...."Oo nga pala..Pasinsya na tumatanda na kasi ako e..may kasama pala kayong magandang binibini.."Girlfriend ko po manong..."Sa wakas may naiuwe na din kayong girlfriend dito at magaling kang pumili iho... Mabuti nalang at lumayo kami ni manong sa kanya kaya hindi niya marinig ang sinasabi ko ditobsa katiwala namin. "Manong hindi kasi alam ng girlfriend ko na mayaman ako ang alam niya alalay lang ako ni Kyle kaya secret muna ha..." "Bakit sir,ayaw ba ng girlfriend mo ng mayaman na tao?Kaya ka ba nagpapanggap? "Oho,baka i break ako e..gusto ko kasi makilala niya akong mahirap at isusurpresa ko nalang siya soon. "Naku iho,paano kung malaman niya lalong magalit sayo iyan.. "Kaya nga e,kaya ayaw ko munang malaman niyang ako ang may-ari ng farm na ito.Pakisabi nalang kay manang Indang. "Ako ang bahala d'yan..S'ya halina kayo at kumain na.. "Salamat manong,oo nga pala teacher siya kaya minsan ma'am amg tawag ko sa kanya. "Ah ganun ba,hello ma'am good evening po.. "Good evening din po,Krisha nalang ho manong.Wala naman po ako sa school at hindi ko naman kayo estudyante.. "Cool din pala itong girlfriend mo,s...sir este Gavin ah.. "Girlfriend po?a~ako girlfriend n'ya? "Naku hon pagod kana halika na at kumain na tayo.. Ano ito on the spot nagkaboyfriend ako?Ni hindi man lang naligaw ang mokong na ito,girlfriend agad,baka akala n'ya easy to get ako.Pero infearness napakagwapo pala nito talaga sa malapitan at kung titigan mo mas lalong pumupogi.At sinong mag aakala na alalay lang ito.Mas mukha pa itong boss kesa kay Kyle ha. "Ano,titigan mo lang ba ako ng ganyan? "Ha e,sorry paano kasi na kung anu-ano ang sinasabi mo sa matanda kanina.. "Sinabi ko lang iyon para din sayo,baka ano ang isipin nila sa atin lalo na at babae ka,lalaki ako. "Kasalanan mo ito e,alam mo ba na ngayon lang ako may kasama na lalaki pag gabi at hindi ko pa kilala! "Magkakilala na tayo diba?Alam mo maam,kumain ka nalang at para makapapahinga tayo,promise bukas ipapasyal kita,ililibot kita sa buong farm. "Ah s..sir ay Gavin nalinis ko na ang kwarto na tutuluyan ninyong dalawa.  "Bakit magkasama tayo ng kwarto? "Maam kasi occupied po ang ibang room dahil nakulang ang room sa rsaort kaya dito sa farm ang iba.Tanging room lang ni Sir Gavin ang bakante... "Ang ibig niyang sabihin room ni Kyle,kasi ayaw niyang may gagamit doon maselan kasi iyon.Saka pwede naman dagdagan ang bed doon kasi maluwag naman iyon.If ayaw mo may mga kubo naman pwede ka doon kaso malamig ngayon at medyo nakakatakot dito pag gabi. "Ah sige ho,sa room nalang ni Kyle.. "Sige po maiwan ko na kayo Gavin,medyo inaantok na din ako alam nyo na tumatanda na. "Manong talaga,goodnight po.Salamat sa pag asikaso.. "Walang anuman maam Krisha..Good night din po. "Alam mo Gavin ha,nahihiwagaan na ako sayo para bang may tinatago ka? "Ano naman itatago ko maam,masama kasi ang iniisip mo sa akin.. "Huwag mo na akong tawaging maam,Krisha nalang.Masyado kang formal.. "Yes Krisha,don't worry kung gusto mo ako nalang sa kubo matulog baka hindi ka din sanay na may kasama sa kwarto. "No,it's ok basta sa sahig nalang ako.. Pumasok na kami ng kwarto daw ni Kyle,namangha ako sa laki nito at kumpleto ng gamit.May mini kitchen din na pwede ka magluto,tv,ref at parang condo unit ang style.May sofa at ang king size pa ng bed.Kahit harangan ko nalang ang gitna namin para pareho kaming sa kama. "Ah Krish,ang lalim nanaman ng iniisip mo.Pwede ako matulog sa sofa na mahaba kung ayaw mong may katabi. "Ok lang malaki naman ang kama harangan nalang natin ng malaking unan.Mahilig pala si Kyle sa unang malalaki at may isang hotdog pillow pa na kasing laki ng tao. "Ah oo,para daw may katabi s'ya sa malaking kama. "Close talaga kayo ni Kyle noh?" "Oo we're best friend since high school at second cousin ko din s'ya. "Kaya pala,bakit alalay lang ang posisyon mo hindi kaba tapos ng college? "Actually bakit kasi alalay ang pagkasabi mo hindi ba pwedeng sumasama lang ako sa kanya pag may lakad s'ya kasi boring mag isa? "Oo nga naman,sorry.Pangako hindi na alalay ang itawag ko sayo kundi assistant.. "Pwede na din,magpahinga kana alam kong pagod ka pa. "Pagamit lang ng bathroom,mag sa shower lang at magtoothbrush..Hindi kasi ako sanay na matulog ng hindi nakapaglinis ng katawan. "Pareho pala tayo,sige mauna kana..ladies first. Gusto ko ng aminin sayo Krish kung sino ako,kaso huwag muna ngayon.Basta tandaan ko nandito lang ako lagi sa tabi mo.Nagpapasalamat ako at nakita na kita.Halos 15 mins. Na ito sa cr at lumabas na din na kabihis na.Fresh na fresh itong tingnan. "Mr.Monteverde ikaw na po ang sunod,sorry kung natagalan ha doon na kasi ako nagbihis. "Ok lang,naaliw naman ako sa pinapanood ko.Maiwan na muna kita. "Ok,take your time! Nakaramdam na ako ng antok,nilibot ko ang paningin ko sa paligid,mayroong mini library din dito at mini bar nang mahagip ng mata ko ang isang family picture.Si Gavin at magulang niya siguro.Pero bakit picture nila ang nandito at hindi kay Kyle at frame ng isang batang lalaki?Nilapitan ko ito upang titigang mabuti ng.... "Krish,akala ko ba matutulog kana?Huwag mo na lapitan ang mga pictures dyan hindi yata nalinisan ni manang Indang maalikabok,baka masinghot mo at sipunin kapa. "Gavin bakit family picture nyo ang nandito? "Ah kasi si Kyle gusto niyang nandito iyan para may kasama siya,wala na din kasing pamilya si Kyle e.. "Huwag ka na maglihim sa akin Gav,si tita iyong ate ni Carlo siya yong nasa larawan diba?Iyong dad mo parang namukhaan ko s'ya hindi ko lang maalala kong saan.. Hindi na ako nakaimik,hindi ko pala nasabihan si manong na tanggalin ang frame dito at muntikan na makita ang picture ko noong elementary.Sasabihin ko na ba ang totoo kay Krisha?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD