"Gav,mukhang ang lalim ng iniisip mo.."Ah wala,free ka ba mamaya Kyle?..."Oh bakit?...Gusto ko magpasama sayo..."Saan?.."Sa bahay ng mga Bernardo,i want to talk to mr.Manuel Bernardo about the building.Gusto ko ng e expand ang hotel ko..."Pero sabi ni Krisha tatawagan nalang daw niya ako if she decide na.."Krisha?..."yes siya ang taga pagmana..."Niligawan mo na ba s'ya Kyle?.."Hindi pa naman pero baka mamaya,yayain ko s'yang magdate..Alam mo mabait s'ya ar marunong makisama.Hindi na nga mawala sa isip ko ang pangalan n'ye e,Krisha Dianna Bernardo..Ganda diba?.."Krisha Diana Bernardo?..."Ano ba nangyayari sayo,dude..Inuulit mo lang ang sinasabi ko e.."Ah wala,tapusin ko muna iting ginagawa ko Kyle,tawagan kita mamaya kung tuloy ang punta ko sa bahay ng mga Bernardo..."Ok,text ne dude dahil excited na din ako makita ang ma'm ng buhay ko..
Napailing nalang ako kay Kyle,mukhang natamaan talaga ito sa dalagang guro.Hindi naman kaduda duda dahil ang maamo at magandang mukha ng teacher ay talagang nakakabighani.Pero bakit sa akin parang iba ang pakikitungo nito.Pero sa kay Kyle ay napakaganda ng trato nito.May mali ba sa akin?
"Are you ok Josh?may masakit ba sayo?Hoy kayo!hindi porket hindi lumalaban si Josh Gavin ay pagtulungan n'yo na!isusumbong ko kayo kay ma'am!
"Diana....!!!!!!"Gavin wake up dude..Nanaginip ka yata..Akala ko alis tayo natagalan ako paghintay sa'yo sa lobby ah.."I'm sorry,nakaidlip ako..Kyle napanaginipan ko ulit siya,gusto ko na makita ang babaeng taga pagtanggol ko noong bata.Kumusta na kaya s'ya?Kumusta na kaya ang buhay n'ya?May asawa na kaya s'ya?.."Dude ang dami mong tanong,ipahanap mo kaya s'ya.Naalala mo ba pangalan n'ya?.."Alam ko may Dianna din sa pangalan n'ya.."Oy,pareho sila ni Krisha ah,kung magkataon parehong may Dianna ang magiging soon to ba natin..."Loko ka dude,baka nga si Dianna ay si Krisha e.."Oy wag kang magbiro ng ganyan dude,baka dito na tayo hindi magkatalo n'yan..."Ay sus,Kyle sa daming Dianna sa mundo.."Iyan nga dude,alalahanin mo para na tayong magkapatid hindi sa bff kita,second cousin at tropa mula ng first year high school tayo at ngayon para tayong kambal tuko na hindi na magkahiwalay,baka sa isang babae lang tapos at break na tayo agad.."Ah ganun,malabo yatang si Dianna mo ay si Dianna ko,tara na nga bukas nalang tayo pupunta kay Dianna mo dahil gabi na.
Napabalikwas ako ng bangon ng biglang pumasok si Bea sa kwarto..Hindi man lang kumatok ito at ang lakas pa ng tugtog ng cellphone.
"Bea naman,natutulog na ako e.."Ate,may itatanong lang ako.Hindi ba si Kyle yong bisita ng dad dati at sabi bibili sana ng buliding mo?.."Oo bakit?"...Wala lang,natanong ko lang.Sige matulog kana ate..
Iyon lang?akala ko talaga napaka importante ng sasabihin e.Ano nanaman kaya ang pinaplano ng pinsan ko na iyon?Oo pinsan ko lang siya dahil siya lang ang anak ni daddy Manuel.Pamangkin lang ako ng daddy pero mas gusto niyang daddy nalang ang itawag ko.
"Ate!Nandito si Kyle napakapogi.."Ha?anong ginagawa dito ang aga-aga."Baka kausapin nanaman si dad,ate pumayag kana at magbigay ka ng condition,ate gusto ko magtrabaho sa hotel nila ,nagsawa na ako sa pagkateller ko sa bangko.."Ano?isang taon ka palang doon nagsawa kana agad?.."Ate diba magkaibigan naman kayo ni Kyle,sige na...Sige ka..magtatampo talaga ako sa'yo.."Pero Bea mahalaga sa akin ang building na iyo e,at may plano akong business para doon..."Ate,hindi mo na kaya magbusiness pa doon,pwede ka naman kikita e saka busy kana dahil may trabaho ka at paano kung malugi ang business mo kung magbe business ka dahil wala kang alam sa negosyo?..."Ang advance mo mag-isip..pwede ba iwanan mo muna ako,mag-iisip lang ako kahit 30 minutes lang.Bakit ba kasi ang kulit ng Kyle na iyan ang sabi ko tawagan ko nalang s'ya pag nakapag isip na ako e.."You mean may numero ka niya ate?.."Oo,bakit?pwede makahingi?...Lah,asa ka!!!.."Ate naman?
Sa kakulitan ni Bea ay binigay ko din,bumaba ako para humarap din sa bisita na nakaupo ngayon sa sala kaharap si daddy..
"Good morning Krisha..."Hi Kyle,good morning..Ang aga ah.."Ah e..kasi dumaan nalang ako dito gawa ng may hinatid akong tropa malapit lang dito.."Hmmp..ganun ba?Ah,wait sagutin ko lang si Audreyssa dad tumatawag.."Sige lang iha,Sir Kyle you want coffee?.."Ok po thank you!
"Yes Audrey napatawag ka?....Napatingin ako sa kotseng itim na nakaparada sa harap ng gate namin..Dyan ako nagsalamin,nandyan kaya si mr.sungit?Mukhang wala naman,pero paano ko makita e tinted ang salamin nito.."Krisha nandyan kapa ba?hello!!!...so...sorry best may nakita lang ako..."Krisha mabatukan na talaga kita eh.."Sorry na nga hindi ba..."Ang sabi ko sama ka ba mamaya saturday night..."Sino mga kasama?..Sila Gina,Rafael at Gian if gusto mo yayain si Carlo pwede naman.Birthday din kasi ni Gian.."Oo nga pala hindi pa ako nakapag open ng gc kaya hindi ko pa alam.Paano kasi ang aga ng bisita dito sa bahay.Sino naman,pogi ba?...pogi naman bakit?.."Pupunta ako d'yan,pwede ba?..."Naku isa kapa,apat na bahay lang naman ang pagitan ng bahay natin nagpapaalam kapa.."Oo naman baka mamaya ayaw mo na andyan ako e..Ito na ako..."Loka ka talga..nag aaksaya ka ng load.."Unli naman e..bye na...
Pinagmasdan ko lang si Krisha habang may kausap ito,nakashort at tshirt lang s'ya at hindi hindi pabyata nakasuklay basta nalang pinusod ang mahabang buhok.Maganda parin naman kahit anonpa ang gawin sa sarili niya.Nang may nakita akong babaeng paparating,oo nga pala teacher din ito at ito ang kausap ni Kyle noong isang araw.Sinadya kong ibaba ang salamin ng konti para marinig ko ang usapan nila..
"Oh talaga si papa Kyle pala ang nasa loob?naku best,ilakad mo nga ako d'yan sa bago mong kaibigan.."Hay naku Audrey,baka huli kana..."Ha!dont tell me gusto mo din s'ya..Hindi noh,hindi pa yata pinanganak ang lalaking gusto ko.."Loka,pag ipanganak 'yon baka uugod ugod kana.
Napangiti ako sa usapan ng dalawang babae ng biglang...
"Best,kumusta na kaya yong kaibigan mo na sinasabi mo noon?..."Bakit mo natanong?..."Malay mo siya ang meant to be mo,hindi ka pa nagkakaboyfriend because of him noh,kasi crush mo s'ya noon diba?.."Crush lang iyon nawala naman na,saka wala na ako balita doon..Baka nga may asawa na iyon..."Diba sabi mo mayaman iyon,at hatid sundo ng mommy niya sa school dahil laging..."Tssk...wag na natin pag-usapan iyon matagal na 'yon at nakalimutan ko na ang batang lalaki na 'yon!!Talunan saka umaalis lang noong graduation hindi man lang nagpaalam.May galit yata sa akin dahil ako yong validictorian at siya salutatorian lang....May ganun best,ang sabihin mo mayaman kasi s'ya...
Si Krisha,siya ang kaibigan ko noon..Siya ang tagapagtanggol ko noong bata?Hindi ako galit sayo noon,nagkataon lang na nalaman ko na ang mommy na hatid sundo ako noon ay hindi ang tunay kong ina kundi kabit ni daddy...Baba sana ako para magpakilala kay Krisha at sabihin na ako yong bata na lagi niyang ipinagtatanggol,ang batang laging nabubully noong elementary ngunit pumasok na sila sa loob.Naguguluhan ako ngayon dahil ang gusto ni tito Carlo at Kyle ay crush at gusto ko din noong bata pa ako.