Chapter 47: Used for a Revenge

1472 Words

Isabelle’s POV Inis na inis pa rin ako sa mga sinabi ni ninong Cholo sa akin. Hindi ako makatulog sa buong gabing iyon dahil iniisip ko rin si Ian. Ayaw ko na magkagulo kaming dalawa. Alam ko na napakarami kong mali na nagawa kaya gusto kong ipaliwanag sa kaniya iyon. Bumangon ako sa hinihigaan kong couch at napatingin sa labas ng bintana. Nakita ko na malapit nang sumikat ang araw kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko at inayos ang sarili ko. Napatingin ako sa direksyon ni Ian at nakita ko na gumagalaw na siya at tila kakagising lang. Napahinga ako nang malalim at lumapit sa kaniya. Kahit na nahihiya ako at hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya sa mga oras na iyon. Pero napaupo siya sa side ng kama at napatingin sa akin. Kita ang kalungkutan na namumutawi sa kaniyang mga mata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD