Isabelle’s POV Nasa loob kami ngayon ng kuwarto na binigay sa amin ni Serena. Medjo may tama na rin kasi si Ian dahil sa nainom niya kaya alam ko na hindi na siya makakapag-drive ng maayos. Pero kita ko sa kaniya ang pagiging seryoso. Mukhang epekto iyon ng sinabi ni ninong Cholo sa kaniya. Gusto ko siyang kausapin ng maayos, gusto kong magpaliwanag sa kaniya. Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya sa mga oras na iyon. Para akong na-corner sa isang tabi at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. “Galit ka ba sa akin?” mahinahon kong tanong sa kaniya. Napalunok lang naman siya sabay napatayo at unti-unting tinatanggal ang kaniyang butones. Kita ko na nalilito na siya sa ginagawa niya, kaya agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan a

