Isabelle’s POV Puno’ng puno ng kaseryosohan ang tingin sa akin ni ninong Cholo. Parang napakatagal niyang kinikimkim ang bagay na iyon. Kung nakakapaso lang ang mga tingin niya, kanina pa ako napaso dahil kitang-kita sa kaniyang mata ang apoy nito. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Ian. “As if I will allow it.” diin na sabi niya. Agad niyang ininom ang alak na nasa basi sabay malakas na nilapag ito sa lamesa. Napatawa lang naman si ninong Cholo sabay uminom ng alak at inilapag ng dahan-dahan iyon sa lamesa. “Ano kayang sasabihin nila mom after knowing na meron ka ng fiance na hindi dumaan sa kanila?” tanong ni ninong Cholo sa kaniya. “Hindi ba, maraming sinabi sa ‘yo si mom? Bakit hindi mo sundin?” Nakita ko ang mga mata ni Ian na galit na galit at tila nagtitimpi sa mga sinasabi

