Isabelle’s POV Lumipas ang buong gabi na kasama namin sila ninong Cholo at ang fiance niya na si Serena. Damang-dama ko ang tensyon sa pagitan nila ni Ian. Minsan gusto ko na lang siyang awatin at ilayo sa kapatid niya pero hindi rin talaga siya maawat na hindi labanan ang kapatid niya. “Ian, enough…” bulong ko sa kaniya, dahil parehas lang sila ni ninong Cholo na nagpapataasan ng ihi at nagpapatagisan ng yabang sa isa’t isa. “Alam ninyo, ang tagal-tagal na nating hindi ganon nagkikita yet ganiyan pa rin kayo sa isa’t isa.” Natatawang sabi ni Serena. Napatingin naman ako kay Ian at nakita ko ang pagtitimpi niya, lalo na kung paano lumilitaw ang kaniyang ugat sa kaniyang kamay gawa ng kaniyang mahigpit na paghawak sa baso. “Ganon na ganon pa rin naman si Ian… mahina pa rin.” diin na

