CHAPTER 3

2128 Words
IKATATLONG KABANATA There's always a rainbow after the rain.... The Sun will go up and will shine so bright to bring light to your dark world... Enjoy Reading.... —— "BAKIT nandito ka parin?" walang ganang saad ni Muriela ng si jiro nanaman ang bumungad sa kanya pagbukas niya ng pintuan. "Good morning sleepy head! I brought your favorite breakfast for you..." masiglang saad nito na may halong lambing ang baritonong boses. Bahagyang inangat nito ang dalawang paper bag na dala nito na alam na alam niya kung ano. Hindi na niya kailangan pang manghula dahil mahigit isang linggo na matapos siyang madischarge sa hospital ay sunod sunod at walang palya ito sa pagdala sa kanya ng paborito niya. tuyo, scrambled egg , tinapa tas sinangag. how can I forgot my favorite foods when it is one of the foods I am cooking for my parents when they are still alived? ah.. my heart is aching again. Kailan ba matatapos ang sakit kapag nawala ang taong mahalaga sayo? Napailing na lang ako at inaya na siya sa loob ng bahay. "Uhm... Sige... Tuloy ka.." Nilakihan niya ang pagbukas sa pintuan at nauna na siyang pumasok at dumiretso sa hapagkainan para maghanda ng mga plato na gagamitin. Akmang iaayos niya ang mga ito sa lamesa nila ng lumapit sa kanya si jiro at inagaw ang mga dala niya. Hinayaan na lang niya ito at naupo na sa paborito niyang pwesto. Pinanood na lang niya ito na ihanda ang mga pagkain na dala nito sa lamesa hanggang sa matapos ito ay nakatitig lang siya sa mga pagkain. Her favorite breakfast.... Napapikit ang dalaga ng muling rumagasa sa kanya ang masasayang alaala kasama ang mga magulang na pumanaw na. Tatlong linggo na ang lumipas magmula ng mamatay ang kanyang magulang. Halos dalawang linggo rin siyang nagpagaling sa hospital. Lalo pa at nagkaroon pala siya ng baling buto sa paa na hindi niya namalayan na tumama pala sa bato. Tatlong tama ng baril ang tumama sa kanya. Malapit na halos sa puso niya ang isa. Ang dalawang bala naman ay tumama sa braso at balikat niya. Wala naman raw na tinamaan Vital parts Sabi ni Doctor Jiro elon Bautista. Sinalo halos lahat ng mama niya ang karamihan sa mga bala ng baril pero may mga bala parin na tumama sa kanya. tinadtad raw sila ng bala at sampu sa mga balang yun ang nasalo ng kanyang ina. f**k. Sino bang may ganyang galit sa kanya o sa pamilya niya? mababait ang kanyang mga magulang, nagpapautang ng walang kapalit. Nagbibigay kahit walang wala na kapag alam nang mga ito na na nangangailangan. Bakit sila pa? Bakit kami pa? Sa loob ng dalawang linggo niyang pamamalagi sa hospital. Pilit niyang ipinapasok sa isip niya na normal na terrorist attack lang ang nangyari at nadamay lang sila dahil yun mismo ang sabi ng mga pulis na dumalaw sa kanya para sa ilang katanungan pero ayaw niyang maniwala. Pakiramdam niya may kinalaman doon ang special job ng kanyang ama na inililihim sa kanya ng mga magulang. Mabubuting tao ang mga magulang niya... Sinong magtatangka sa buhay ng mga ito?! Ayaw nyang pagisipan ng masama ang ama niya pero ano bang alam niya sa nangyayari? Maaring terrorist attack nga ata ang nangyari o talagang hindi legal ang special job ng tatay niya kaya ayaw ipaalam sa kanya. Alin man sa dalawa hustisya lang ang hanap niya. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang braso na may sugat na unti unti ng naghihilom. Hindi niya alam kung paano niya nagawang makalabas sa hospital nung oras na gusto niyang magpakamatay sa dami ng tatlong tama ng baril sa kanya ay himalang nagawa niyang maglakad kahit pa hinang hina siya. Marahil ay dahil sa sobrang lungkot na nadarama niya ng araw na iyon? O dahil sa sobrang sakit at pagluluksa na nararamdaman namanhid na lang ang katawan niya katulad ng puso niya? Napailing iling na lang ang dalaga sa tinatakbo ng pagiisip. Kinausap siya ng isang Mabait na nurse na kaedaran ng mama niya habang nasa hospital pa siya. Yung babaeng naririnig niyang nagsasalita nung natutulog siya. Si Nurse Grace... Nang magising siya mula sa halos isang buong araw na pagtulog pagtapos niyang magtangkang na magpakamatay ay ito ang nakakausap niya. Dinalaw siya ng mga kaibigan niya, mga kapitbahay nila, kahit ang mga kaklase niya ay dinalaw rin siya habang nasa hospital pa siya pero lahat ng yun ay hindi niya kinausap. Ang kinakasama lang ng loob niya ay hindi siya nakadalaw ng nasa bahay pa at pinagluluksaan ang mga magulang niya. Nang makalabas siya ng hospital ay nakalibing na ang mga ito ng dinalaw niya. Si Jiro ang nagasikaso ng lahat habang nasa hospital pa siya at nagpapagaling. Pagkatapos niyang dumalaw ay nasa loob na lang siya palagi ng bahay nila at hindi na naglalabas pa at hindi nga siya iniwan ni jiro katulad ng pangako nito at aminin man niyan o hindi umaasa siya.... Na baka nga mahal parin siya nito kahit pa nung nagibang bansa ang binata ay may nakilala itong ibang tao. "...Rie?" Napakurap-kurap ang dalaga at napatingin kay jiro na nakaupo na sa upuan sa harapan niya at naglalagay na ng pagkain sa plato nito. Bumaba ang tingin niya sa sariling plato at doon niya nakitang may laman na yung plato niya. "uhm... May sinasabi kaba?" Kumunot ang noo ng binata at napangiti na lang. "Were you spacing out?" he chuckled softly and point her food. "Lumamig na yang pagkain mo rie nakaabot na kasi sa kalawakan yung iniisip mo eh... Welcome back rie! hihi.." napairap na lang siya sa kakornihan nito. "Ang corny mo parin hanggang ngayon no..." pinagpatuloy ko na ang pagkain ng almusal matapos nun. Hindi rin naman siya nagsalita at maganang kumain rin ng almusal. Pagtapos kumain ay siya pa ang naghugas ng kinainan namin habang naglinis naman ako ng buong bahay. Gusto kong imaintain kung gaano ito kalinis nung buhay pa si nanay. Ang sakit parin talaga... Dumadagdag pa sa isipin ko ang ilang linggo nang pangungulit sakin ng kapatid ni nanay dahil gusto nilang makuha itong bahay at yung pwesto namin sa palengke. Pati ang maliit na patahian ni nanay sa gilid ng bahay ay gusto niyang makuha. Nauna na namin itong dalhin sa barangay at doon ay napatunayan naman ng mga dokumento na legal akong inampon nila nanay kaya wala siyang magagawa kung sa akin rin iniwanan ang mga ito. Sakabila nang mga masasakit na salitang natanggap ko mula sa kanila ay maayos ko naman silang hinarap at binigay na lang ang pwesto ni tatay sa palengke pati ang bangka nito. Habang ang pwestong tindahan at bahay ay sinabi na niyang kanya at wala siyang balak na ibigay ito kahit na kanino man. Masama man ang loob ay napagkasunduan na nila ito sa barangay palang kahapon at nagpirmahan na sila na hindi na siya muling guguluhin ng mga ito. kahit wala na si nanay ising, ipagpapatuloy ko parin ang plano ko na palaguin ang tindahan niya ng mga damit... no matter what. Sa isiping yun ay nagpatulong siya kay Jiro sa pagaayos ng tindahan nila ng damit. Nirenovate nila ito sa paraang pinangarap nila ng mama niya. Nagkataon pa ngang kinulang ang perang naiipon niya sa mga allowances niya dati sa college at ang perang iniwan sa kanya ng mga magulang niya. Ngunit kahit ganoon ay sinuportahan parin siya ni Jiro. Nang kinulang ang budget niya ay agad itong nag-volunteer na ipautang sa kanya ang savings nito na 200,000 php , pero mariin niyang tinanggihan iyon hanggang sa inalok na lang siya nito na iloan na lang ang 50,000 php para matapos na ang pagrerenovate sa tindahan nila. Nagkaroon pa sila ng kasunduan na babayaran niya ito monthly ng 10,000 php at ayaw man magpabayad ay pumayag na lang rin si Jiro. grabeng effort ang lolo niyo mabalik lang tiwala ko. After 2 months of renovating the way I designed it on my sketch pad, natapos na rin naman agad ito. Napapatingala pa ko sa langit at napapangiti ng matamis sa mga naggagandahang bituin sa langit. Kanina lamang ang opening at ribbon cutting ng dress shop ko. Nakakatuwa rin kasi nagsipuntahan pa ang mga kaibigan at mga kaklase ko dati upang suportahan ang business ko. Sobrang saya sa pakiramdam na matupad ang isa sa pangarap namin ni nanay. Nay, natupad ko na ang isa sa pangarap natin... Maraming salamat sa buhay na binigay mo. Sana nandito kayo ni tatay para kasama ko kayong tuparin ang mga pangarap ko... Nasa tapat ako ngayon ng tindahan ng damit na pinangalan kong 'Rielly's Dress shop' katulad ng gustong ipangalan dito ni nanay. Tagumpay akong napangiti at tinignan ang kabuuan nito mula sa maliit na ilaw ng poste at ang malaking buwan na nagsisilbing ilaw sa labas. Mayroon itong pinaghalong pastel na kulay ng babypink at nude color. may glass window ito na malaki at katabi ng pinto kung saan mula labas ay kita ang mga dress na nakalagay sa mga mannequin. Sa loob naman ay purong cosmic latte lamang ang kulay ng pader. May mga paikot na bulaklak sa dingding at may mga maliit na cadle lights sa bawat sulok ng pader. May tagumpay na ngiti akong pumasok na sa loob upang mas tignan pa ang kabuuan nito. Pagkapasok ay sa office table na ko dumiretso sa lamesa at kinuha ang malaking sketch book na rinegalo sakin ni Jiro kanina. Ang saya pala sa pakiramdam na may taong handang suportahan ka sa lahat ng mga pangarap mo sa buhay. Right now, I am so sure.... Ako na ulit ang mahal niya. Wala na kong pagdududa dahil sa tuwing nakatingin siya sa mga mata ko. Naroon ang sinseridad... Napapangiti pa kong nagtipa ng mensahe sa kanya sa messenger. TO : Doc na pogi 'Hi doc! may nakalimutan pala kong sabihin kanina...' Agad naman siyang nagreply na akala mo eh hindi nakaduty ngayon sa hospital. From : Doc na pogi Ano yun, love? may nakalimutan kabang ipabili sakin? wait... would you like to have dinner with me? patapos na rin shift ko by 8pm eh, treat ko. hihi. ' Parang teenager na napangiti naman ako. 'love' raw yarn. sanaol. my inner self is shouting walang forever! 'Sure, di ako tatanggi. Pero mas okay sana kung ako naman ang magtitreat para sa... yo. hahaha' 'Sus. Nahiya kapa. Di mo na tinuloy na para sa future boyfriend mo. love, ako lang toh...' 'Si natoy na mahal ako? HAHAAHAH boyfriend lang ba? hindi ba aasawahin? wala weak...' napahagikgik pa ko. 'sinong natoy naman yan? sus. Mas gwapo pa ko doon eh. 'syempre aasawahin... dinadahan dahan ko lang muna. Gusto kong irespeto ka at mahalin ng sabay. This is me, taking it slowly for you...' Hmmm. Sabagay kahawig naman niya. inisip ko pang mabuti. mukhang kambal yern. 'btw...' hindi pa ko nagreply agad para may thrill. 'anong mayroon , love? ' reply niya bigla. "Sina...' pabitin kong saad. 'Sina..? what? ' 'answer...' Doon na ko napatawa ng malakas. Malamang kunot na kunot nanaman noo nun ni doc. 'Ano raw? anong sina answer??? love ano yan. pinapakaba mo naman ako eh. ' Napangiti ako ng matamis at tinipa ang huling mensahe. 'Kita...' Pagkatapos noon ay nagpaalam na ko sa kanya na magguguhit muna ng bagong mga designs nang mga naiisip kong itahi for the future. maybe, I will also create bridal gowns designs. hmm. not so bad. Inubos ko ang oras ko sa pagguguhit at wala pang isang oras ay may tatlo na kong natapos na bridal gowns. Napangiti ako ng makitang magaganda ang mga naguhit ko ngayon ngayon lang. Akmang magliligpit na ko ng bigla na lang bumukas ang pintuan ng dress shop ko. Natigilan ako ng makita si Jiro na mukhang galing pa sa pagtakbo dahil pawis na pawis ang mukha. Napakurap kurap pa ko. Nagtataka sa itsura niya. "Anong nangyari sayo , Doc?" Ganun na lang ang gulat ko nang bigla siyang seryoso na maglakad sa harapan ko habang may ngiting malaki na nakapaskil sa mga labi niya. "Totoo ba? Sinasagot mo na ko?" ramdam ko ang saya sa tono nang boses niya kasama ang kaba. Marahil ay kinakabahan kasi baka nagbibiro lang ako. pero seryoso talaga... Nang marealize kung ano ang ibig niyang sabihin ay matamis akong ngumiti, napatango. Doon ay hinawakan na niya ko sa magkabilaang pisngi. "Seryoso ba?" natatawang tumango ulit ko. Nasa pisngi ko parin ang mga kamay niya. "Oo, sinasagot na kita..." Puno nang saya na hinalikan niya ko ng diretso sa labi. Napapikit na lamang ako at dinama ang bawat halik niya. Alam kong hindi ako magsisisi sa desisyon kong sagutin siya. Kampante akong never niya kong lolokohin dahil ako ang mahal niya. Ako lang... Or yun lang ang akala ko... (END OF CHAPTER 3 )
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD