IKALAWANG KABANATA
PUNO nang kaba ang nararamdaman ko habang nakasunod kay nanay ising papasok sa gate namin.
Gusto kong magdahilan at gumawa na lang ng kwento para makaligtas sa sermon niya pero hindi kasi ko sanay na nagsisinungaling sa kanya kaya pinili ko na lang na manahimik.
"Saan ka nanggaling kagabi? Nagaalala kami nang tatay mo sayo sana manlang nagsabi kang hindi makakauwi. Akala namin kung napaano kana." Seryoso ang boses ni nanay ising nang itanong iyon. Bagaman kalmante ay hindi ko maikakailang naroon ang tampo, galit at pagaalala sa mga tinuran niya.
Hindi ko maiwasan ang mapalunok na lang habang naglalakad kami papasok sa bahay. Padiretso siya sa maliit naming hapagkainan kaya nakabuntot lang ako sa kanya.
Peke akong napatawa ng mahina. "Pasensya na , Nay. Magkasama kasi kami ni Miguel kagabi kaso-"
Nabitin sa ere ang dapat na sasabihin ko nang makita sa hapagkainan si Miguel, may hawak na tasang pangkape na tila umuusok pa, sumisimsim habang ang kabilang kamay ay hawak ang kanyang cellphone, nakatutok sa kanyang tenga. Nang magtama ang paningin namin doon ay kitang kita ko ang malamig niyang mga mata.
Hindi ko alam kung bakit ako ang galit sa kanya pero tila nanlamig parin ako sa mga titig niya.
Puno iyon nang pagaakusa at pagtatanong kung saan ako nagpalipas nang gabi. Hindi na ko magtataka na narinig niya ang sinabi ko at alam ko sa sarili ko na hindi niya papabulaan yun sa nanay ko pag nagkataon pero ang isipin na nauna siya sakin dito ay ang katotohanang alam na ni nanay ang totoo.
Hindi siya ang kasama ko kagabi.
Kahit ramdam ko ang galit niya sakin, imbis na magusap kami sa harap ni nanay ay pilit ang ngiting nagpaalam siya kay nanay. "Nay ising, labas lang po muna kami saglit ni Mia. May paguusapan lang."
Napatingin ako kay nanay at kita ko ang napipilitan niyang pagtango bago tumuon sakin ang mga mata. May pagaalala roon para sakin pero dahil wala naman bayolenteng ugali si Miguel at nasa tahanan namin siya ay pumayag parin. "Pagusapan niyo yan ng mahinahon."
Bumalik ang tingin ko kay Miguel na inilapag ang tasa at sinuksok ang cellphone sa bulsa bago naglakad na palabas, nauuna sakin.
Tahimik naman akong sumunod sa kanya, nakita ko pa siyang umupo sa duyan namin na pang dalawang tao.
Nauna siyang maupo roon at yumuko nang makalapit ako.
"Hindi tayo magkasama kagabi, Mia. Kaya maging tapat ka sakin ngayon. Sinong kasama mo kagabi?" yun agad ang pambungad niya sakin pagtayo ko palang sa harap niya.
Muling nanumbalik sakin ang galit na nararamdaman kahapon pa.
Tiningala niya ko mula sa pagkakayuko may hinanakit at panunumbat ang kanyang mga tingin. Katulad nang kanina ay pansin roon ang pangaakusa na tila alam niya kung bakit hindi ako nakauwi.
Ngunit hindi ako magpapatalo sa emosyong yun dahil ganun rin ang nararamdaman ko sa kanya ngayon.
"Bakit hindi natin ibalik sayo, Miguel? Sino yung kasama mong pumasok sa hotel?"
Titig na titig ako sa kanya ngayon at pilit siyang binabasa kaya kita ko rin doon ang tila namutla niyang mukha.
"W-What do you mean by that?"
Tinaasan ko siya ng kilay at nanghahamon ang mga tingin na pinupukol ko sa kanya. "Nakita kita kahapon." puno nang panunumbat kong panimula. "Kakausapin sana kita tungkol sa nabalitaan ko tungkol sayo pero nakita kitang nakasakay sa kotse mo, may kausap sa cellphone habang nakangiti. Stalker na kung stalker pero malakas ang kutob ko na babae ang kikitain mo. Tama nga ko! May kasama kang babae papasok ng hotel at bago pa kayo pumasok sa entrance inakbayan mo siya." I pointed my two eyes and smiled slightly at him without humor.
"Kitang kita yun nang dalawang mata na ito, kaya wag mo nang ikaila pa."
Agad siyang tumayo at umambang lalapit sakin pero agad kong tinaas ang kamay ko at dinuro siya. Puno nang pangigigil sa galit. "Wag mo kong lalapitan."
"Mia please..." He tried to reach my hands but I just slap it away.
"Don't touch me!"
"Let me explain.. I know you would think I was cheating on you but it's not what you think it is. Please hayaan mo naman akong magpaliwanag."
Puno nang sarkasmo akong natawa. "I don't need to hear any explanation from you, Miguel. I know that's full of lies. But I just wanted to confirm something. You were with Illeah last night, right?"
Hindi ko alam na may mas ikakaputla pa pala ang nakikita kong emosyon sa kanya. Ang alam ko lang ay sa sobrang galit ko ngayon sa kanya maging ang luha niyang lumalandas sa pisngi ay wala na kong pakialam pa.
"P-Paano mo nalaman..."
Fuck. So tama nga ko nang conclusions. Ano yan nag exchange partners lang kami talaga?
What the heck?!
"Totoong si Illeah ang kasama ko kagabi pero maniwala ka man o hindi, walang nangyari saming dalawa at-"
Puno ng desperasyon ang kanyang tinig habang nagpapaliwanag pero hindi ko na siya pinatapos pa dahil sa galit.
"Pero samin ng fiancee ni Illeah merong nangyari!" Biglang rumagasa ang luha ko pagtapos masabi yun.
Ano ngayon kung walang nangyari sa kanila? Nasaktan na ko doon dahil hindi manlang siya nagsabi sakin, kung totoong wala naman pala silang gagawin. Bakit hindi siya nagtiwala sakin at sinabi ang totoong dahilan bakit sila nagkikita? Masakit pa noon ay kitang kita ng dalawang mata kung paano niya akbayan ang babaeng yun. Hindi lang sa simpleng lugar, kung hindi sa isang hotel pa!
Masisisi niya ba ko kung ganun ang isipin ko at gawin sa sitwasyon na yun?
"Kitang kita ng dalawang mata ko nang akbayan mo siya papasok ng hotel, Miguel! May nangyari man o wala, tapos na yun! Nasaktan mo na ko, nasira mo na ang tiwala ko at higit sa lahat nakaganti na ko sa babaeng yun!"
Nanginginig ang mga kamay niya nang bigla itong humawak sa magkabilaang kong braso. Naiiyak na rin at frustrated sa nangyayari.
"Gusto mo lang akong saktan kaya mo nasasabi yan, Mia.. H-Hindi mo yun magagawa sakin. Hindi mo y-yun, hindi mo yun kayang gawin! Pinangako mo sa sarili mo noon na ibibigay mo lang yun sa lalaking papakasalan mo pagtapos niyong maikasal! Nagsisinungaling ka lang!"
Puno nang lakas kong kinalas ang hawak niya sa braso ko at nang makalaya ay malakas siyang itinulak palayo dahil panay ang lapit niya sakin. "Guess what, Miguel? I just did! I f*****g did and I enjoy every minute of it! Dalawang taong akong naging maunawain sayo, buong puso ko at pagmamahal ang sinugal ko pero sinira mo yun lahat sa palihim mong pakikipagkita ex mo na yun! Hindi ko alam ang itsura niya and I bet she's prettier than me. Kaso kahit kailan hindi yun rason para gaguhin mo ko ng ganun! Kung totoo man na niloko mo ko o hindi, hindi na importante pa sakin. Dahil tulad mo ay wala nang halaga sakin ang relasyong sira na ang tiwala."
Dumiretso na ko sa gate namin na halos katabi lang ng duyan at pinagbuksan na siya ng gate. Lumuluha parin ako at puno nang galit ang emosyon. "Umalik kana at wag nang babalik pa kahit kailan!"
Maging siya ay lumuluha parin at tahimik nang lumabas ng gate. Nakatingin lang siya sakin nang makalabas pero buong tapang kong sinalubong ang mga tingin na yun. "Let's break up. We're over."
May gusto pa sana siyang sabihin pero pinili na lang niya tumango ng marahan. Inirapan ko pa siya bago ko sinarado ng malakas ang pintuan ng gate at nilock ito.
Tuloy tuloy na kong tumakbo papasok sa bahay at hindi na tinignan o kinausap manlang si nanay ising at tatay raffy na nakaabang sakin sa pintuan, kanina pa pala nakamasid sa bangayan namin.
Tumakbo lang ako hanggang makarating ng kwarto at doon ay nagkulong. Malakas na umiiyak dahil sa nangyari.
Ngunit kahit nasasaktan sa hiwalayan namin ni Miguel. Hindi ko maintindihan kung bakit wala manlang akong nararamdamang pagsisisi o pandidiri sa nangyari samin ng matangkad na lalaking yun.
Nakakahiya ka, Mia! Wala kang delikadesa! Ano ngayon kung niloko ka niya, hindi matatapos roon ang ikot ng mundo!
Iniyak ko na lang lahat nang nangyari buong araw at buong puso ang pasasalamat ko kay nanay ising na hindi na nagusisa pa at hinayaan lang akong magkulong sa kwarto, hinahatiran pa nga ko ng makakain. Siguro'y narinig na niya sa sigawan namin ni Miguel ang buong kwento sa nangyari.
Mahina kong binatukan ang sarili ko nang maisip yun. Ayan teh, sumbatan pa! Hindi manlang kayo nahiya sa mga nakakarinig!
Napangiwi ako dahil napalakas ata ang pagbatok ko sa sarili ko kaya tahimik ko itong hinimas at natulog na lang.
~
"Ate... anong ginagawa natin dito?" tanong nang isang maliit na babae sa kanyang nakatatandang kakambal.
Nasa dulo na sila nang Barko at nakakaramdam man nang takot ay may tiwala naman siya sa kakambal niya kaya kahit kinakabahan ay tumitingin parin siya sa dagat.
inis na nilingon siya nito. hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya pero nilamon na talaga siya nang galit at inggit niya. lahat na lang sa kakambal niya.
'mas charming, mas magaling, mas matalino, mas mahal, Blah Blah Blah, simula sa araw na ito. Akin naman, Ako naman, Ako na lang.'
"Diba...Sabi mo love mo si ate." pa-sweet na saad nito.
'i think i want to vomit right now.'
nakangiti naman nang matamis na tumango ang bata.
"Pumikit ka may surprise ako sayo."
agad na pumikit ang batang babae at hinayaan ang ate niya na ilead ang katawan niya paakyat sa harang. ngunit nang maapakan na niya ang dulo nang harang ay agad siyang napadilat. lalo pa at ramdam niya ang pressure sa hangin.
"Ate!!! Anong ginagawa mo?" napakapit nang mas mahigpit ang bata sa kanyang ate sa takot na nadama.
'Anong nangyayari sa ate ko? bakit parang naging ibang tao na siya?'
"Bunso... this will be your beautiful gift to me, since birthday naman natin...pwede bang mawala kana lang?"
napakurap-kurap ang batang babae at tahimik na napaluha.
Pagkatapos nang isang matamis na ngiti at mahinang pagtango ay tumalon ang batang babae at hinayaan ang sarili niya na lamunin nang malalim na karagatan.
'Sana pagkatapos nito, mahalin na ko nang ate ko.'
-
Parang galing sa pagtakbo na napabangon sa higaan ang dalagang si Mia. Ilang ulit na niyang napapanaginipan ang dalawang magkamukhang bata na yun pero hindi niya matandaan kung saang pelikula o kwento niya nakita ito. Ang alam lang niya kung sino man ang dalawang batang ito ay parte ito nang nakaraan niyang hindi niya maalala.
Napayakap na lang siya sa tuhod at naiyuko ang mukha doon. Kapag ganitong stress siya o may pinagdadaanan lagi na lang niyang napapanaginipan ang pangyayari na yun.
'Panaginip lang ba yun o parte nang kanyang nakaraan?' Naguguluhan siyang napailing na lamang.
Napaiyak na lang ang dalaga sa lungkot para sa dalawang bata sa kanyang panaginip. Totoo man yun o hindi, parang ang sakit lang makitang trina-traydor nang isang batang babae ang kapatid nito.
Humiga na lang siyang muli, pumikit at pinilit ang sarili na matulog hanggang sa lamunin na siya ng dilim.
~
Maaga siyang nagising nang araw na yun o mas tamang sabihin na hindi naman siya talaga nakatulog nang mahaba.
Pagkagising niya ay naabutan niyang nagluluto ang kanyang nanay ising nang paborito niyang almusal : fried rice, itlog na pula, tinapa at iba pa.
Agad na sumilay ang napakagandang ngiti sa mga labi niya nang makita ang napakabait niyang Ina. Hindi ito ang kanyang tunay na magulang, bata pa lang siya ay ipanaliwanag na nito ang totoo tungkol sa kanya. Ngunit kahit ganun , kahit kailan ay hindi niya naramdamang ampon lang siya.
Minahal siya nito nang buo na parang sarili nitong anak, Ito at ang kanyang tatay Raffy ang nagtulungan mapalaki lamang siya.
Niyakap niya ito mula sa likod at hinagkan sa pisngi. "Magandang umaga, Nanay kong maganda." Isabela Menendez ang buong pangalan nito at ang kanyang tatay naman ay Rafael Menendez, ang asawa nito.
Tinulungan niya na ito sa paghahanda nang mga plato, kutsara, baso at pitsel na may lamang mainit na kape. Nakahanda na ang lahat mula sa pandesal, itlog, sinangag at tinapa na lang ang kulang ay kumpleto na ang paborito niyang almusal.
Nang mai-ayos ang lahat ay agad siyang napangiti. Perpektong umaga.
Naupo na siya sa isang silya sa hapagkainan at tahimik na naghintay sa tinapa. Sinalinan niya ang sariling tasa nang kanyang numero unong paborito sa umaga, kape iyon na gawa sa bigas, ngunit ang itsura ay plain black coffee. Recipe iyon ng kanyang nanay at talagang gustong gusto niya.
Simple lang naman ang buhay nilang tatlo dito. Yun ang paborito niya sa tuwing nasa bahay at kada gigising siya. Ang masilayan ang kanyang magulang araw araw ang kasiyahan niya.
Puno nang excitement ang naramdaman ni Mia ng lumapit ang ina at nilapag nito sa hindi kalakihang lamesa nila ang tinapa at nginitian siya.
"Napanaginipan mo nanaman ba ulit yung kambal?"
Malungkot ang ngiti niya at tumango na lamang. Napailing na lang ang kanyang nanay at umupo na sa harapan niya.
Inabot nito ang kanyang kamay at nginitian siya nang matamis na agad rin na sinuklian ni Mia ng matamis na ngiti. Sinandukan na niya ang nanay niya nang maupo na ito sa hapag at pagkatapos ay sinandukan na rin ang sarili.
"Ang aga po yatang umalis ni tatay?" usually kasi ay nagbabasa ito nang dyaryo nang gantong oras.
Muntik pa itong mabilaukan sa paginom nang kape sa tanong ng dalaga. Napansin niyang naging malikot ang mata nito. "May pinuntahan kasi siya sa bayan."
"Yun po bang lihim na trabaho ni tatay?"
Nanginginig ang kamay na tumango ang nanay ising niya at napaiwas nang tingin. Sa huli'y napabuntong hininga na lang.
"Nay, ok lang po... Sanay na ko sa ganito. hindi naman po ko nagtatanong diba? ok lang kahit na hindi ko malaman."
Napatingin sa kanya ang ina sa binitawang salita. "Kaligtasan mo lang ang mahalaga samin, Mia. Kaya hindi ko magawang sabihin pa sayo kung ano yun..."
Inabot nito ang kamay niya at mahinang pinisil. Tumitig ito sa mata niya at nakita niyang halo-halo ang emosyon ng kanyang nanay, ngunit napansin niyang takot at pagaalala ang nangingibabaw sa mga yun.
'takot saan? talaga bang delikado ang trabaho nito?' She thought to herself but did not mentioned it.
Though, she was really curious. Ano nga ba ang sekretong trabaho nang kanyang tatay?
"Nak, malapit na kasi ang graduation mo. Bukas na yun hindi ba Gusto lang naman namin na mabigyan ka nang engrandeng salo-salo kaya kailangan nang tatay mo na umalis. Pasensya kana kung hindi ko pwedeng sabihin yun sayo, alam mo naman na kapakanan mo lang ang iniisip ko."
nakangiting tumango na lang ang dalaga sa sinabi nang kanyang nanay. "Naiintindihan ko, nay." Tungkol nanaman pala ulit sa kanya ito.
Bakit ba siya na lang palagi ang dahilan kung bakit naghihirap ang pamilya nila?
"Nak, alam ko ang iniisip mo. Wag kang magalala gusto rin naman namin ang ginagawa namin para sayo. Ang mahalaga'y magtatapos kana bukas. Ngayon palang, anak. Proud si nanay sayo."
Napangiti na lang ang dalaga. Namumuo ang mga luha sa gilid nang mata. "Bakit pala hindi ka nagtatanong sa nangyari kahapon, Nay? Hindi ako umuwi tapos pinagaalala ko pa kayo ni tatay."
"Bilang nanay mo, karapatan kong itanong yun sayo at marinig ang paliwanag mo. Kaso mukhang alam ko ang nangyari. Hindi ko man sinasadya ay narinig ko na ang sigawan niyong dalawa ni Miguel kahapon." Bumuntong hininga ang nanay niya at napailing. Dismayado sa mga nangyari ngunit nakikita ang pagintindi at pagpapasensya.
"Kahapon ng umaga ay bumisita pa yun dito at hinahanap ka, sinabi ko ang totoo na hindi ka umuwi at nagaalala na kami nang tatay mo. Nagsabi siya agad na tatawag sa kakilala niyang pulis at ang tatay mo ay naligo na noon dahil papunta na dapat sila sa presinto, mabuti na lang at nakauwi kana man ng ligtas."
Inabot nito ang kanyang kamay at marahan iyong pinisil. "Mali yung ginawa niya sayo pero mali rin ang ginawa mo, Anak. Walang mas nasaktan o hindi nasaktan dahil kahit mabigat man o hindi ang kasalanan, pareho lang kayong nasaktan. Ngunit kahit pa ganoon. Sana ay isipin mo na hindi sapat ang isang pagkakamali na yun para paulit ulit mo yung gawin. Mali ang makisiping nang hindi pa kasal, higit na sa lalaking may karelasyon na. Papalampasin ko ang ginawa mo nung isang araw pero sana ay huwag mo nang ulitin pa."
Naluluha ang matang tumayo siya at niyakap ang nanay sa tagiliran. Kahit kailan ay hindi siya nito hinusgahan. Bagkus ay ginagabayan pa siyang palagi.
Napakaswerte niyang talaga.
Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso na siya sa banyo upang maligo pagka't papasok pa siya sa eskwela para sa practice nila sa graduation bukas.
Nag-aaral siya ngayon nang pang-apat at panghuling taon niya sa kolehiyo sa kursong Bachelor Of Business Management.
Pangarap niya kasing mapalago ang maliit nilang tindahan/tahian nang damit. Ang nanay ising niya kasi ay isang magaling na mananahi at pangarap niyang matulungan ito sa pamamagitan nang pagpapalago nang kanilang maliit na tindahan.
Ang kanyang ama naman ay isang magaling na mangingisda at may pwesto sila sa palengke, minsan siya ang nagbabantay dito kapag walang pasok at minsan naman ay sumasama siya rito sa pangingisda o di kaya'y tumutulong sa pagtitinda sa palengke dahil may sarili silang pwesto roon.
Malungkot ang mga matang sinulyapan niya ang mga magulang bago tumungo sa paaralan.
Sana hindi sila manghinayang kapag nalaman nilang hindi ako mapapasama sa may honor.
________________________________________________________________________________
(END OF IKALAWANG KABANATA)
________________________________________________________________________________